You are on page 1of 3

Derain, Allan N. (2013).

Ang Banal na Aklat ng Mga Kumag Orihinal na aklat inilathala ng


Cacho Publishing House, 2013. E-book inilathala ng Anvil Publishing, Inc., 2014

Sa pasimula, wala pang mga Dios na maaaring lumikha ng mga uniberso. Pero makikita
nang namamasyal ang sinaunang ilong sa ibabaw ng Banging May Walang Hanggang Lalim.
Naghahanap ang ilong ng kahit anong bagay na maaari niyang maamoy. Kung kaninong ilong
ito, wala talagang nakaaalam, pero ito ang Ilong Na Nakaaamoy Ng Lahat, ang Animasolang
Kanunununuan, Sibol na Walang Pinagsi- bulan at Tuldok na Walang Pagtuldukan. Ito rin ang
ilong na nakatakdang maila- rawan sa gitna ng tatsulok na makikita sa mga watawat at pananda
ng Samahang Banal Ng Mga Kumag Sa Lupa. Sa bahaging ito ng ating kasaysayan, masasabing
Wala pang silbi ang kaniyang pang-amoy. Wala pa naman kasing kahit anong bagay na maaaring
maamoy noon. At ito ang labis na nagpapalungkot sa kaniya. Kasama ng sinaunang ilong ang
isang ubod liit na kulisap na niknik kung tawa- gin. Habang palipad-lipad ang niknik sa ibabaw
ng kawalan, pakiramdam niya’y nagpapaikot-ikot lamang siya sa paligid ng isang naghihikab na
bangin. Hanggang minsan, upang maiba naman ang nakababagot na takbo ng kaniyang buhay,
naisip niyang pasukin ang butas ng sinaunang ilong. Matagal na rin naman niyang
pinagmamasdan ang dalawang madidilim na butas na iyon habang pinagiisipan kung ano nga
kaya ang makikita sa loob niyon. Marahil, ang sabi niya sa sarili, isa sa dalawang butas na iyon
ang lagusan mula rito sa wala papunta sa mayroon. Gusto niyang ipagpaalam sa ilong ang
pagbisi- tang balak niyang gawin, pero dahil matangos kasi ang nasabing ilong kaya nahiya siya
rito. Pero hindi na niya matagalan pa itong tila walang katapusang pagpa- paikot-ikot sa kawalan.
Mababaliw na siya, pakiramdam niya, kung hindi siya makakakita ng panibagong
kapaligiran. Kaya baon ang kaunting lakas ng loob, walang patao-po na pinasok ng niknik ang
kanang butas ng ilong. Naramdaman naman ng Animasolang Kanunununuan ang pagpasok na
iyon ng kulisap. Dahil dito, napabahing nang sunod-sunod ang maselang ilong.
TinalakayangKung paano maiiwasan ang pagkakasala sa pagbabasa sa banal na aklat n
g mga kumag Bakit ba tayo nagbabasa ng nobela? Kasi nakaka-relate tayo. At itinutuloy natin
ang pagbabasa, kasi’y natutuwa tayo. Gusto natin ng ending na — “ay oo nga,” o kaya’y, “ay
ganoon pala iyon.” Saka natin hahanapin ang totoo sa binasang kathang-isip, sa mga tauhan at
mundong hinabi ng awtor. Anong in- sight meron ang nobela. Doon nagkakatalo. Mas
malamang, naroroon ang bago.
Paano nabuo iyon ng awtor. Iyon ang istrakturang naglaman ng kanyang diskurso. Anyo ng
diskurso. Saka pa lamang natin masasabi kung maganda ba o hindi ang ating binasa. Nagandahan
kasi tayo sa anyo at pamamaraan ng pagsusulat ng diskurso ng awtor. Sa fiction ay posible ang
lahat.
Dahil nangaiba tayo sa akda, na sa kuwento’y inaakda pa lamang, na hindi pa
rin nakakatiyak na makapapasa sa pamantayan ng mga imahinaryong likhang dios ng akda
(metafiction), magtatanong na tayo kung ano ang gustong palabasin ng akda at ng may akda.
Isang pagtatasa ba ito o isang pagsisisi. Isang simpleng pagpa- pahayag o isang pagkakalag. Sa
gayo’y may iba pa tayong makikita sa akda at sa kasaysayan. Ito ang apropriyasyon ni Derain sa
isang posibleng pagbasa sa kanyang alternatibong kasaysayan, sa kung paano ang posibleng
laman ng isip ng mga katutubo noong nag-uumpisa pa lamang ipasok sa bansa ang relihiyong
Kato- liko. Mayroon siyang gustong baklasin. Para mas mabuo ang retelling na ginagawa ni
Derain,magandasigurokung kukunekta ito sa tatlo pang akda na may ganito ring tangka. Una ang
Batbat hi Udan ni Jun Sungkit bilang panimula. Laman nito ang digmaan ng mabuti laban sa mas
ama sa punto de bista ng mga katutubo. Sa akdang ito’y wala pa ang mga dayuhang Espanyol.
Mundo ito ng mga katutubong Higanon ng Bukidnon. Saka natin isunod ang nobela ni Derain.
Isunod ang bagong anyo ng metrical
romance, ang Hari Manawari ni German Gervacio. Labi ng mga kuwentong bayan at epiko rin a
ng laman nito tulad ng kay Derain, lamang ay may mga prinsesa at prinsipe pa
na mga naninirahan sa mga palasyo. At kung idadagdag pa ang nobelang Sa Kasunod ng 909 ni
Edgar Samar. May makikita tayong kongkretong direksyon ng mga ak- dang retelling sa
Pilipinas sa ngayon. Parang pagbasa sa serye ng kasaysayan ng Pilipinas mula noon hanggang sa
ngayon, mula sa panahong pre-colonial hang- gang sa panahong postmodern sa anyong fiction.
Pawang kakaiba ang mga na- banggit na nobela. Pawang magaang basahin. Sina Derain,
Gervacio at Samar ay pawang witty at mapaglaro sa salita. Punong-puno rin ng irony ang
kanilang nalikhang katatawanan. Lahat sila’y naghahanap ng kahulugan ng
kabansaan. Malayong-malayo ang mga ito sa kinagisnang nobela. Ito ang halaga ng akda ni
De- rain at tatlo pang nabanggit. Ganito ang nagagawa ng mga ganitong akdang, nabibigyan ng
puwang ang hindi mabuhay ng kasaysayan at anthropology. Sa dulo, ang halaga ng mga ito,
bagama’t nasa anyo ng fiction, ay ang paglalahad ng nabit- ing natural na proseso ng natural na
pagbubuo ng bansa, na hinabi nilang remnant ng mga natitirang kuwentong bayan at epiko ng
mga rehiyon. Ito tayo, isang rep- resentasyon ng pagbubuo ng mga pinagwatak-watak. Tulad ng
marami pang mga manunulat sa kasalukuyan, lahat sila’y bahagi ng proyekto ng pagbabansa.
Karamihan sa kanila’y produkto ng akademya. Mahalaga rin itong banggitin para luminaw kung
nasaan na ang kontemporayong panitikan ng Pilipinas. Sa gayo’y isang pagmamapa rin ito ng
kasalukuyang anyo at tunguhin ng panitikan ng bansa. Maipapaliwanag nito ang pagkakaiba ng
panulat noon at ngayon. At kung ano ang ginagawa ng mga manunulat sa akademya. Isa pang
imbesti- gasyon ang kasunod sa tanong. Sapagkat matamlay na ang print. Sapagka’t
ang Pagsusulat ng nobela ay hindi na makabubuhay ng pamilya (hindi kasali si Bob Ong).
Sapagkat ang akademya na ang mas sumusunod na paborableng trabaho ng isang manunulat.
Kailangang magbagong anyo rin ang panulat para makasabay sa panahon at giliw ng
mambabasa. Nagpapakitang gilas ang mga batang manunulat. Kaya naman ang ganitong akda’y
isa ring selebrasyon. Hindi pumapayag ang mga batang manunulat na mamatay ang panitikan. Sa
halip, buong gilas, binubuhay at pinalalakas nila ito. Nagbabalikwas sila, at higit pa, tulad ng
akdang ito na maaar- ing ituring ding isang akda ng pagbabaklas. Kailangang may mawarat para
may mabuo. Ginigiba ang mga kumbensyon para may lumabas na sariwa. Isang pag- aakda ng
pagbabanta. Ganito na ang tunguhin ng fiction, sa mundong nagbabago. Hindi tradisyunal, hindi
rin tumatakas, nagbabagong anyo. Simula rin ng redepin- isyon ng mga akdang may tunguhing
transgresibo (pasaway). Hindi masama, bagkus, dapat pa ngang tangkilikin. Sapagka’t tayo ang
kuwento. Tayo ang sensi- bilidad. Sa globalisadong mundo, hinahanap pa rin natin ang ating
espasyo.

You might also like