You are on page 1of 15

Layunin

1. gumising sa diwa at damdamin


2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
6. nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
Katangian

1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan


2. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
6. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
7. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
8. malinis at maayos ang pagkakasulat
9. maganda
10. maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
Bahagi

1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan


2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa
kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o
obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan
Ang Teksto: Pagtalakay sa Nilalaman, Pagtatakda ng Genre at Pagsusuri
sa Bisa

Ang Alamat ng Gubat ni Bob Ong ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang


talangkang nagngangalang Tong na binigyan ng dakilang tungkuling kunin ang
puso ng saging mula sa lupa upang mapag`aling ang maysakit niyang amang-
hari. Sa paghahanap ni Tong ng daan patungo sa lunas na kanyang hinahanap,
iba’t ibang nilalang ang nakilala niya sa gubat na bawat isa’y may sariling mga
kuwento. Si Buwayang humihingi ng suhol kapalit ng bawat tulong na kanyang
ibinibigay ang malansang si Palakang napipilitang pakisamahan ng magandang si
Bibe dahil lamang sa kanyang kayamanan; si Leong nagpanggap na mabuti kay
Tong ngunit sa huli’y ginamit lang pala ang talangka upang matunton niya ang
pinagtataguan ng ibang hayop sa gubat; sina Langgam at Tipaklong na nagtatalo
ukol sa binabalak na pag-aalsa ng mga insekto laban sa mga hayop dahil ang
una’y natatakot na maapektuhan ang kanyang mga naipundar na negosyo
habang ang pangalawa nama’y nakakapagpamalas ng tapang dahil wala namang
mawawala sa kanya; ang iba pang insektong may kani-kanyang paninindigan
tungkol sa binabalak na pag-aalsa; si Ulang na binabayaran umano para
gumawa ng wala at siyang lumikha ng malawak na baybaying namamalas ni
Tong; sina Manok at Pagong na ninakawan ni Daga ng itlog ngunit
pinagmagandahang-loob ni Tong na pagsaulian ng kanilang mga anak; si Aso na
kilala sa pagsuka at muling pagkain ng kanyang suka na nag-alok kay Tong ng
tulong para makuha ang hinahanap niyang gamot; si Kuneho na
nakikipagtagisan kina Aso at Pagong sa pagkuha ng puso ng saging upang
magamit daw niya ang kapangyarihan nito; si Katang, ang kapatid ni Tong na
ipinagkanulo siya sa mga kaaway bilang paghihiganti sa ginawang
pagpapahamak ng huli sa kanya; at si Matsing, ang nilalang na nagbunyag kay
Tong ng tunay na sakit ng kanyang ama at dahilan kung bakit siya nito
pinahahanap ng puso ng saging. Bukod sa paghahanap ni Tong ng lunas sa
karamdaman ng kanyang ama, isa pang mahalagang suliraning itinampok sa
akda ang pagpapakilala ng iba’t ibang karakter ng paghahari nila sa kagubatan,
gaya nina Buwaya, Leon, Aso, Kuneho, Pagong, Tipaklong at ng ama ni Tong.
Nagwakas ang akda na nahanap ni Tong ang puso ng saging sa tulong ni Matsing
ngunit natuklasan niya mula rito na ang tunay na karamdaman ng kanyang
ama’y ang kawalan ng pakialam sa kahirapan sa kanyang paligid at ginagamit
niya ang puso ng saging bilang pampamanhid sa mga suliraning kanyang
namamalas. Wala raw puso ang ama ni Tong kaya puso ng saging ang
ipinampapalit niya rito. Sa huli, nalansi ni Matsing si Tong at napakain ito ng
puso ng saging gayong mangangahulugan ito ng kawalan din niya ng pakialam
sa mga problema.

Sa pagtukoy ng genre ng panitikang ito, pinagtabi ang mga katangian ng isang


maikling kuwento at nobela sapagkat kapwa ito nagtataglay ng mga katangian
ng dalawa. Ang maikling kuwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na
maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at
makapangyarihang balangkas na inilalahad sa paraang mabilis ang galaw.1 Sa
isang banda, maituturing na maikling kuwento ang Alamat ng Gubat sapagkat
sing-ikli lamang ito ng isang tipikal na maikling katha na maaaring matapos sa
isang upuang pagbabasa. Hindi nito naaabot ang bilang ng mga salitang dapat
taglayin ng isang nobela na 60, 000 – 200, 000 salita o 300 – 1, 300 pahina2
sapagkat binubuo lamang ito ng 90 pahina, kalahati pa rito’y nagtatampok
lamang ng guhit sa buong pahina. Tuwiran din ang paggamit nito ng wika kaya
kapag binasa’y mabilis ang nagiging galaw ng mga pangyayari. Sa kabilang
banda, maituturing namang nobela ang Alamat ng Gubat sapagkat masalimuot
ang banghay nito na nagpapamalas ng iba’t ibang pakikipagsapalaran. Sa
pagpasok ng pangunahing tauhan sa bawat natatanging yugto ng kanyang
paghahanap, ibang kuwento ang nagaganap sa kanyang buhay na makailang ulit
nagpataas-baba sa punto ng kawilihan sa akda (sa halip na iisang pagtaas
lamang sa kasukdulan sa isang maikling kuwento). Nagtatampok din ang Alamat
ng Gubat ng maraming tauhan na ang bawat karakter ay nabigyan naman ng
sapat na pag-unlad upang ituring lamang na mga suporta. Marami rin ang
tagpuang ipinapamalas sa akda na nagbabagu-bago sa pagpasok ng tauhan sa
bagong pakikipagsapalaran. Ang nobela ay isang akdang pampanitikang
naglalahad ng kawil-kawil na mga pangyayaring pinaghabi-habi sa isang
mahusay na pagkakabalangkas, kung saan binibigyang-diin ang pagtutunggali
ng hangarin ng isang bayani at ng kanyang mga kalaban.3 Sa pagitan ng
dalawang ito, masasabi kong higit na kumikiling ang nilalaman ng Alamat ng
Gubat sa isang nobela bagamat ang haba nito’y katulad lamang ng sa isang
maikling kuwento.

Ang Alamat ng Gubat ay isang kuwentong pambatang para sa matanda.4


Nasabing kuwentong pambata ito sapagkat kinakasangkapan nito ang mga
tauhang karaniwang matatagpuan lamang sa mga kuwentong pambata, gaya ng
mga hayop na kumikilos na parang tao, na ipinamalas sa makukulay na larawan.
Kawili-wiling basahin ang akda sapagkat may tamang timpla ito ng kabuluhan at
katatawanan. Naglalahad ito ng makakabuluhang kaisipan tungkol sa buhay at
pulitika ngunit hindi itinatanghal ang mga ito sa seryosong himig na nag-iiwan
ng mabigat na pakiramdam sa mga mambabasa. Hindi ito tulad ng mga palasak
na akdang romantisado na pinasisidhi ang mga kahirapan sa buhay upang
magdulot ng natatanging bisa sa puso’t kaluluwa ng mga mambabasa o ng mga
akdang pangkaisipan na bumubugbog sa mga mambabasa ng sunud-sunod na
pilosopiyang tanging mapanuring pag-iisip lamang ang makalulusaw. Hindi
iniintimideyt ng Alamat ng Gubat ang mga mambabasa nito. Sa halip,
ipinapaloob ng akda ang mga dakilang kaisipan nito sa mga pangyayaring
katawa-tawa gamit ng pananalita ng karaniwang mambabasa. Binabasag nito
ang pormalidad ng isang teksto, pinahihintulutan ang mga mambabasang
maging sila lamang na nakapagbubukas ng kanilang isip at pinasasaya sila nang
hindi namamalayang natututo na pala.

Ang Estilo ng Awtor: Pagsusuri sa Promulang Ginamit


Isa sa mga tiyak na estilong ginamit ng may-akda sa paggawang-masaya ng
kanyang teksto ang pagpapatawa, na ginawa niya sa iba’t ibang paraan. Una’y
ang paghihimig-seryoso sa pagsasalaysay na bigla niyang binabawi kung kailan
nakuha na niya ang kalooban ng mga mambabasa at nakondisyon ang kanilang
isip. Ilang halimbawa ng mga pagpapatawang kanyang isinunod sa seryosong
pagsasalaysay ang sumusunod:

Noong unang panahon, sa isang liblib na kaharian sa ilalim ng dagat, ay may


nakatirang maganda at mabait na sirena. Pero wala siyang kinalaman sa
kuwentong ito. Kaya ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay si Tong, ang
pinakabatang anak ni Haring Talangka na tulad ng maraming hari ay walang
ibang papel sa kuwento kundi ang magkasakit.5

“Wag ka nang humirit, Langgam!” putol ni Tipaklong. “Takot ka lang dahil


maaapektuhan ng kilusan ang mga negosyo mo. Palibhasa, maraming mawawala
sa’yo pag nagkagulo!” “Anong mali doon? Natural lang na protektahan ko ang
bunga ng pagod ko!” pagtatanggol ni Langgam sa sarili. “At ikaw, kaya ka lang
din matapang ay dahil walang mawawala sa’yo! Wala ka kasing pinagpaguran.
Nagpapatalsik ka lang ng laway habang ang iba ay nagpapatulo ng pawis!”
“Lagot, personalan na!” sabat ni Langaw. “Sige nga, hawakan nga sa tenga! O,
ha… sino matapang? Hawakan nga sa tenga!” gatong ng isa pang langaw.6

Pero hindi siya sinagot ng mapangahing talangka na abalang-abala sa


pagbabanlaw ng sarili sa dalampasigan – Naks, dalampasigan! Anlalim ng
Tagalog!7

Pangalawa, nagpapatawa ang may-akda sa pamamagitan ng paglalatag ng


magkakaugnay na kaisipan at pagsisingit ng isang konseptong wala namang
lohikal na kaugnayan o may labas na paralelismo sa mga nabanggit. Halimbawa:

"Ayken biyur hiro, Bibe…ayken tekawey yor peyn…”patuloy na pag-awit ni


Palaka, pero hindi s’ya pinapansin ni Bibe man o ni Boy Abunda.”8

Umalingawngaw sa buong kapaligiran ang habilin ni Pagong. Halu-halong


emosyon naman ang naramdaman ni Tong. May tuwa dahil sa palapit na s’ya
nang palapit sa kinaroroonan ng puso ng saging. May takot dahil sa mahabang
paglalakbay na maaaring puno ng panganib. At may lumbay dahil sa mga oras
na ‘yon ay wala nang signal ang kanyang Nokia 3210.9

“Pero hindi ba pwedeng ako na lang ang kumuha para hindi na sila mag-away-
away?” tanong ni Tong kay Aso. “Magandang ideya ‘yan,” ani Kuneho. “Pero ang
kapal mo naman! Mapapagaling na nga ang tatay mo, kukunin mo pa ‘yung
libreng kahilingan. Saka yari ka rin dahil maraming nakabantay sa bunga, hindi
ka uubra. May tigre, may ahas, may pating, may dinosaur, may holdaper, may
aswang, may SARS…ngyay, nakakatakot! Kung ako sa’yo hindi ako pupunta
doon mag-isa!”10
Pangatlo, gumamit ang may-akda ng mga tayutay, gaya ng pagwawangis,
pagmamalabis, kabalintunaan, at iba pa upang malagay ang mga tauhan sa
lalong nakatatawang sitwasyon bilang karagdagan sa pagsasataong
isinasakatuparan na nila, gaya ng sumusunod:

"Syatap!” sigaw ni Bibe kay Palaka, sabay tingin kay Tong. “Laging nagpapahalik
‘yan, magiging makisig na talisain daw s’ya, e kaso naman ilang beses ko na
s’yang hinalikan, walang nangyayari. Malansa na nga ako, eh!”11

“Hoy! Sinong Ipis?” hirit ni Ipis. “Paruparo ako…kulay brown lang ang
pakpak!”12

“Nangingitlog ako.” “Pasensya ka na, hindi ko alam.” “Ngayon alam mo na…


hmp!” ismid ni Manok. “Kaya nga ‘ko, pumuputak, para malaman ng lahat na
nangingitlog ako!” “Ganon ba?” napakamot si Tong sa ulo n’yang kalbo. “Ilan na
itlog mo?” “Booook! Bok-bok-bok…bokokok! Marami.” “Ilan nga?” May
pagmamalaking tumayo si Manok para ipakita sa talangka ang dalawang itlog
nsa pugad nito. “Limang piso isa. Bibili ka ba?”13

Sa gitna ng mabilis na takbo ng mga pangyayari sa akda at mga pagpapatawang


nagpapasaya sa mga mambabasa nito, ipinapasok ng may-akda ang
makakabuluhang kaisipang bumubusog sa diwa o di kaya’y umaakay sa
pagninilay. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

"Pero paano s’ya nagkaroon ng perlas dito sa gubat?” pagtataka ng talangka.


“Wag kang maingay, ha…”pangiting lumingon muna si Bibe sa paligid bago
bumulong: “Sa mga taga-dagat…ahihihi!!!” “Pero hindi ba pagnanakaw ‘yon?”
wika ni Tong. “Shhh…hindi naman! Noon lang ‘yon nung perstaym n’yang
ginawa. Pero nung inulit-ulit na n’ya, hindi na!” “Huh?!...Nasaan ang katapatan
n’ya?” “Ang pinakamainam na paraan para maging dukha ay ang maging
matapat!” namewang na si Bibe.14

“Mahirap ‘yang gagawin mo, talangka. Baka hindi mo magawa, wala ring
mangyayari.” “Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa
magtagumpay sa paggawa ng wala.” marahang paliwanag ni Tong.15

Nagpatuloy si Matsing: ”Bigyan mo sila ng isda, mabubusog mo sila nang pang-


isang araw. Turuan mo sila mangisda, mabubusog mo sila nang panghabang-
buhay at hindi ka na nila kakailanganin. Mawawala ang kamangmangan nila at
hindi na sila magiging inutil. Wala ka nang kapangyarihan. Kaya bakit mo sila
tuturuang mangisda?” “Hindi ko kailangan ng kapangyarihan, Matsing!” sagot ni
Tong. “Ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon – anim, sampu,
dalawampu….Pero ang impluwensya, daangtaon.”16

Ang Karakterisasyon: Pagsusuri sa mga Nilikhang Tauhan sa Konteksto


ng Lipunan
Ang teoryang sosyolohikal sa panunuring pampanitikan ay nakatuon sa pag-
unawa ng isang literatura ayon sa mas malawak na kontekstong sosyal nito .
Itinuturing nito ang sining bilang salamin ng lipunan na nagtataglay ng mga
pagwawangis at kaisipang tuwirang makikita sa mundong ginagalawan ng akda.
Ayon kay Kenneth Burke, ang mga likhang-sining gaya ng panitikan ay mga
“estratehikong pagpapangalan sa mga pangyayari” na nagpapahintulot sa isang
mambabasa upang higit na maunawaan ang mga kaganapan sa lipunan at
“magkaroon ng tiyak na kontrol sa mga ito.”17

Sa pagsusuri ng Alamat ng Gubat, mamamalas na ang mga sitwasyong


tinatalakay dito ay makikita rin sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa. Ang
mga tauhang itinatampok dito, bagamat mga hayop na nasasangkot sa mga
katawa-tawang sitwasyon at nakaguhit sa makukulay na larawan, ay
kumakatawan sa mga tiyak na taong gumagalaw sa ating kapaligiran o sa isang
ugaling matagal nang nakatalamak sa ating kultura. Gumamit ang may-akda, si
Bob Ong, ng mga pagwawangis upang punahin ang maraming sakit sa mundong
kanyang ginagalawan at iniwan sa mga mambabasa ang hamon kung kikilos
tungo sa kalutasan ng mga ito.

Si Tong ay isang talangkang inatasan ng kanyang mga magulang na magtungo


sa lupa upang hanapin ang puso ng saging na makapagpapagaling sa kanyang
ama. Sa paglalakbay niya sa gubat upang hanapin ang naturang gamot, iba’t
ibang hayop na nagpapakilalang hari ang kanyang nakatagpo at nasangkot din
siya sa kuwento ng bawat isa. Kinakatawan ni Tong ang mga karaniwang
Pilipino, mga taong kapwa nagtataglay ng magaganda at di-magagandang ugali.
Ilan sa mga positibong katangiang Pilipinong ipinamalas ni Tong ang pagsunod
sa mga magulang at pagtanaw ng utang na loob sa kanila, gaya ng ginawa
niyang paghahanap sa puso ng saging sa kabila ng napakaraming hirap na
kanyang dinanas; pagmamalasakit sa kapwa at pagtulong dito, tulad ng ginawa
niyang paghahanap kina Manok at Pagong upang ibalik sa kanila ang mga itlog
na ninakaw nina Leon at Daga; at ang pagiging ideyal (tipikal sa isang kabataan)
na ipinamalas niya sa engkuwentro nila ni Matsing kung saan nangako siyang
babaguhin ang gubat sa pamamagitan ng pagtuturo ng wastong pamumuhay at
pagbibigay ng matinong edukasyon at magandang trabaho sa mga nilalang na
nabubuhay rito. Sa kabilang banda, ilan naman sa mga kahinaang ipinakita niya
ang pagpapaubaya sa ngalan ng pakikisama kahit nakakasangkapan na siya sa
kasamaan ng ibang tao, gaya ng ipinakita niya sa patuloy na pagbibigay ng mga
perlas kay Buwaya kahit iniisahan na siya nito; ang paggawa ng di-maganda,
lalo na kapag walang nakakakita, tulad ng ginawa niyang pag-ihi sa baybayin
nang matiyak na wala nang ibang nilalang ang naroon; ang pagpapadala sa
kaisipang kolonyal, tulad ng pagpapamalas ng mga impluwensyang banyaga sa
pamumuhay, gaya ng paggamit ni Tong ng “siyet” pag nagugulat siya sa halip na
dating gamit na “nanaykupu”: ang pag-aangkin ng lahat ng merito sa isang
gawain upang masarili ang kadakilaan, tulad ng ginawa niyang pagpapatae sa
kapatid na si Katang sa Ibong Adarna upang mapalabas na siya lang ang
gumawa ng paraan upang mailigtas ang kanilang ama kahit halos isakripisyo na
ng huli ang kanyang buhay; at ang pagkahigop sa sistemang ginagalawan, tulad
ng pagtanggi sa una ni Tong na kainin ang puso ng saging ngunit paggawa rin
niya nito sa huli sa panghihikayat ni Matsing kahit gagawin siyang manhid ng
kanyang ginawa sa kahirapan sa paligid.

Si Buwaya, tulad ng tipikal na metaporang itinatawag sa mga pulis na


nangongotong, ay sapilitan ding humihingi ng suhol bago ibigay ang tulong na
hinihingi sa kanya. Sa kuwento, makatlong ulit siyang nangotong ng tatlong
perlas kay Tong bago sagutin ang itinatanong nito na sumasalamin sa mga
tiwaling kawani ng pamahalaan na sinasamantala ang kanilang posisyon upang
magpayaman. Bukod sa mga pulis, masasalamin din kay Buwaya ang mga
opisyal at empleyado ng gobyernong humihingi ng suhol bago pabilisin ang isang
transaksyon o mamagitan sa isang aplikante at nakatataas na pinuno upang
makuha ng una ang anumang nilalakad niya, gaya ni dating Comelec Chairman
Benjamin Abalos na humingi umano ng ilang daang milyong piso mula sa
kumpanyang NBN – ZTE sa Tsina kapalit ng pagtulong upang maaprubahan ang
isang multi-bilyong pisong kontrata sa pagitan nito at ng gobyerno.  Samantala,
si Maya naman na katulong ni Buwaya at sa ilang pagkakatao’y nagsisilbi nitong
tagapagsalita ay maihahalintulad sa mga kawani ng pamahalaan na dumidikit sa
mga taong makapangyarihan dahil napapakinabangan nila ang mga ito (sa tunay
na buhay, may ekolohikal na ugnayan ang ibong Egyptian plover at buwaya
sapagkat tinutuka at kinakain ng una ang mga tingang nakasingit sa mga ngipin
ng huli). Kahit malay silang wala sa katuwiran ang kanilang amo, patuloy pa rin
nila itong ipinagtatanggol dahil nabubusog sila rito sa mga biyaya, na hindi
singsagana ng isang matuwid na pamumuhay. Maibibigay na mga kongkretong
halimbawa rito ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na
sa tuwina na lang hinahainan ng impeachment complaint ay ibinabasura ang
mga reklamo at nagagawa pang ipagtanggol ang “katuwiran” sa kanilang mga
boto. Ito’y dahil mas mabilis daw inilalabas ang pork barrel ng mga kongresista
kapag kaalyado sila ng pangulo at pahirapan naman kapag kanyang mga kritiko,
tulad ng minsan nang idinaing ni Bayan Muna Rep. Teodoro Casiño.

Kinakatawan naman ni Palaka ang mga nakaririwasang tao sa lipunan na


hinahango ang kanilang kayamanan mula sa nakaw. Sa kuwento, bagamat
pangit, napakayaman naman daw ni Palaka sapagkat marami itong perlas, na sa
huli’y ibinunyag ni Bibeng ninanakaw lang pala ng una sa mga tagadagat.
Maaaring salaminin ni Palaka ang mga pulitikong nagpapayaman sa
pamamagitan ng tuwirang pagnanakaw sa kaban ng bayan (di tulad ni Buwaya
na sa mga suhol), gaya ni Pangulong Arroyo na nagpalabas umano ng multi-
milyong pisong pondo para sa pataba bago ang nakalipas na halalang
pampanguluhan ngunit hindi naman nakarating sa mga magsasaka o ang mga
opisyal ng militar na ibinunyag ni Navy Lt. Nancy Gadian na ibinulsa umano ang
pondong nakalaan para sa Balikatan exercises. Tulad ng mga moluskong
naghihintay ng mahabang panahon bago makapagbunga ng tunay na perlas, ang
mga mamamayang Pilipino’y pinaghihirapan din ang buwis na kanilang
ibinabayad sa pamahalaan ngunit ang mga taga-gobyerno’y madali naman itong
inuumit. Samantala, si Bibe naman ay sumasalamin sa mga taong ginagamit ang
kanilang anyo upang makadikit sa mayayaman at mapaahon sila sa kahirapan,
kahit wala naman talaga silang nararamdaman para sa mga ito. Sa kuwento,
makikita ang inis ni Bibe kay Palaka dahil hindi naman daw ito nagiging talisain
sa kabila ng paulit-ulit niyang paghalik ngunit dahil sa yaman ng huli, napipilitan
siyang pakisamahan ito. Wala itong ipinagkaiba sa mga artistang napapabalitang
“kabit” ng mga pulitiko o mga putang nagpapagamit sa mayayamang parokyano
kapalit ang pagpuno sa kanilang mga pangangailangan kahit karnal lamang at
hindi pag-ibig ang relasyong namamagitan sa kanila.

Si Leon ay maihahalintulad sa mga pulitikong nagpapanggap na tagapagtaguyod


ng katarungan o kakampi ng mga mamamayan upang makuha ang kanilang loob
at mapakinabangan sila. Ito ang tinatawag sa midya na “pagpapapogi”. Sa
kuwento, inutusan ni Leon si Buwaya na ibalik kay Tong ang mga perlas na
ninakaw ng huli na nagparamdam kay talangka ng pagmamalasakit ng una.
Gayunpaman, hindi naman ito bukal sa puso ni Leon sa halip, ginawa lamang
niya ito upang makuha ang tiwala ni Tong at magamit siya upang tuntunin ang
ang pinagtataguan ng mga hayop sa gubat. Wala itong ipinagkaiba sa mga
pulitikong nagpapalabas ngayon ng mga infomercial upang ilahad ang mga
nagawa nila sa tungkulin o itaguyod ang kanilang kredibilidad bilang isang
bayaning tumutulong sa mga nangangailangan at magtatanggol sa mga naaapi.
Nagpapabango sila sa publiko at kinukuha ang kanilang loob upang pagdating ng
halalan ay siyang iluklok nila sa puwesto. Gayunpaman, pagdating ng panahong
iyon, maaaring bawiin nila ang ilang malaking halagang pinuhunan nila sa
nakalipas sa pamamagitan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan dahil malaking
pera ang nawala sa kanila na hindi naman nila makukuha sa liit ng suweldong
matatanggap sa pamahalaan. Samantala, tulad ni Maya, kinakatawan naman ni
Daga ang mga taong kadikit ng malalaking tao at tulad ng isang langaw na
nakatuntong sa kalabaw ay may pakiramdam na makapangyarihan na rin sila.
Isang kongkretong halimbawa nito ang mga kapamilya ng mga pulitikong
nagpapamalas ng pagkaarogante, tinatakdaan ang mga tao sa kontekstong
kinapapalooban nila na bigyan sila ng priyoridad o ituring na hari at tahasang
lumalabag sa mga karapatang-pantao ng kanilang kapwa sa pag-aakalang “sila
ang kanilang mga kamag-anak”. Umaabuso sila dahil komo’t malapit sa tunay na
makapangyarihan, maaari nilang bulungan ang huli at balikan ang mga taong
hindi kikilala sa kanila, gaya na lamang ni Unang Ginoo Jose Miguel Arroyo na
nasangkot na sa napakaraming kontrobersya dahil sa pakikialam sa mga
operasyon ng pamahalaan kahit konsorte lang naman siya ng
pinakamakamataas na tao sa bansa at walang malinaw na kapangyarihang
itinatakda sa kanya ang Saligang Batas.
 
Si Langgam ay kumakatawan sa pangkaraniwang Pilipinong ayaw masangkot o
makibahagi sa mga pagkilos sa pangambang magambala ang kanyang tahimik
na buhay o maperwisyo ang kanyang mga naipundar. Sa halip na maging laman
ng kalsada sa tuwinang may bagong anomalyang pinapasabog laban sa
pamahalaan, mas mamatamisin nilang magpatuloy sa kanyang trabaho at hindi
magpaapekto sa mga negatibong pangyayari sa kanyang kapaligiran. Para sa
kanya, sapat nang may kamalayan siya sa mahahalagang isyung nagsasangkot
sa kanya ngunit hindi kinakailangang aktibo pa siyang makialam dahil may sarili
rin siyang buhay na pinatatakbo at mundong ginagalawan. Si Tipaklong ay
sumisimbolo naman sa mga sektor ng lipunang pakiramdam ay “naaapi” sila at
laging dinadala ang laban sa kalsada o di kaya’y nagpapanimula ng marahas na
pag-aalsa. Makikita siya sa mga aktibistang nagrarali sa kalsada upang tuligsain
ang pagmamalabis ng mga nasa kapangyarihan, sa mga rebeldeng nagtatago sa
bundok at gumagamit ng dahas upang isulong ang kanilang paniniwala at sa
ilang mga puwersang Muslim sa Mindanao na ipinaglalaban ang pagtataguyod
nila ng sariling estado dahil sa nararamdamang di-patas na pagtrato umano ng
“naiibang” naghaharing-uri, na mahihinuha sa winika ni Tipaklong na “Hayup
sila…insekto kami!”.
 
Kinakatawan naman ng iba pang ekstrang insekto sa kuwento ang mga
karaniwang Pilipino. Kinakatawan ni Bulate ang mga naghaharing-uring hindi
kumikilala sa mga narating ng mga taong di nabibilang sa kanila. Sa kuwento,
“binara” ni Bulate si Langgam nang sabihin nitong “nasa pagsisikap lang ng tao
ang lahat” sa pamamagitan ng pagkuwestyon sa “pagkatao” ng huli. Ibinibida pa
naman noon ni Langgam ang pagsisikap nila ng mga kapwa insektong sina
Bubuyog at Gagamba at ang mga naipundar nila dahil sa “pagsisikap”. Si
Paruparo naman ay sumasalamin sa mga taong inililigtas ang kanilang mga sarili
kapag naiipit na sa kapahamakan at nawawalan na ng pakialam sa kanilang
kapwa kapag nasa mabuti na silang kalagayan. Sa kuwento, nagdayalogo si
Paruparo ng “Haaay, ewan ko sa inyo. Basta ako, I can go anywhere I want.
Wala na ‘kong pakialam sa bulok ninyong sistema!” habang nagtatalu-talo ang
lahat ukol sa binabalak na pag-aalsa. Makikita sa kanya ang mga Pilipinong
kapag nasasadlak na ang bansa sa mga kaguluhang pampulitika o pang-
ekonomiya ay tumatalilis patungo sa ibang bansa kung saan may higit na
kapayapaan at kaayusan. Dahil tulad ng parurapong may kakayahang lumipad,
ginagamit nila ang kanilang kakayahang makahulagpos sa isang magulong
sistema at ibukod ang kanilang sarili sa mga kauring wala namang ibang
pamimilian kundi ang manatili. Kinakatawan naman ng iba pang mga langaw ang
karaniwang reaksyon ng mga Pilipino sa tuwing may bagong isyung nagaganap
sa lipunan. Sa kuwento, di “nag-iingay” ang mga langaw sa gitna ng usapin ukol
sa binabalak na pagkilos dahil “nakakatamad magsalita” o “nakakatamad
manahimik”. Nangangahulugan ang una na wala namang saysay kung ibahagi pa
nila ang kanilang mga saloobin sapagkat “hindi naman na mababago ang isang
sistema at mas mainam na gamitin nila ang kanilang lakas sa ibang kapaki-
pakinabang na gawain” samantalang ang ibig namang sabihin ng pangalawa’y
“makikisangkot sila sa isyu ngunit ginagawa lang nila ito upang may
mapaglibangan tulad ng pakikipagtsismisan ngunit huwag asahang magiging
malalim ang kanilang pakikisangkot dito, tulad ng kongkretong pagkilos.”
 
Kinakatawan nina Manok at Pagong ang mga magulang na anak nang anak
ngunit sa huli, dahil marahil sa kahirapan ng buhay, ay pinagkakakitaan na
lamang ang mga ito. Sa kuwento, nagsikap si Tong na mahanap sina Manok at
Pagong upang maibalik ang mga itlog nilang ninakaw ni Daga ngunit hindi
naman pala ito ganoon kahalaga sa kanila sapagkat ipinanghahanapbuhay
lamang nila. Ibinebenta ni Manok ang kanyang mga itlog ng limampiso isa
samantalang ginagawa namang leche flan ni Pagong ang sa kanya na maaaring
kumatawan sa mga magulang na ipinagbibili ang kanilang mga anak sa mga
taong nais mag-ampon, ibinubugaw sila o di kaya’y pinagtatrabaho upang
makatulong sa pagbuhay ng pamilya.
 
Si Ulang ay kumakatawan sa mga kawani ng gobyernong binabayaran upang
manahimik at hayaan lamang ang bulok na sistema na magpatuloy sa pag-inog.
Sa kuwento, sinabi ni Ulang na binabayaran daw siya upang gumawa ng wala at
dahil sa trabaho niyang ito, nalikha niya ang napakagandang kapaligirang
kinaroroonan ni Tong. Kinakatawan ng magandang kapaligirang iyon ang
katiwalian sa gobyerno na para sa mga kurakot na miyembro nito ay isang
paraisong nagpapanagana sa kanila. Kung may mga kasamahan nila sa
pamahalaan na magbubunyag ng kanilang mga nalalamang katiwalian, gaya
nina Jun Lozada o Lt. Nancy Gadian, mabubulabog ang tahimik at masaganang
pamumuhay ng mga tiwaling pulitiko kaya upang mapanatili ito, binabayaran
nila ang mga taong sangkot upang “gumawa ng wala”.
 
Si Aso ay isang hayop na sumusuka at kumakain din ng kanyang suka
pagkaraan. Ang suka ay mga tunaw na pagkaing labis sa kayang panghawakan
ng ating mga sikmura at lumalabas mula sa loob ng katawan. Sinisimbolo ng
suka ang mga salaping ibinibigay bunsod ng kagandahang-loob ng isang tao,
mga labis na salapi sa sadyang kailangan kaya nagiging madaling pakawalan.
Nakikita ko kay Aso ang mga pinunong panrelihiyon na mabubuting pananalita
lamang ang pinupuhunan na bumabalik sa kanila bilang mga salapi o donasyong
mapapakinabangan nila o ng kanilang sekta. Naihalintulad ko si Aso sa mga
pinunong panrelihiyon sapagkat sa mahabang panaho’y hindi niya pinag-
interesang kunin ang puso ng saging upang makuha ang kapangyarihan nito.
Ngunit sa huli, nang dumating si Tong ay bigla niyang napagpasyahang kunin na
ito, na nagpapaalala sa akin sa mga tulad nina Fr. Ed Panlilio, Bro. Eddie
Villanueva at Bro. Mike Velarde na pagkaraan ng mahabang panahon ng
pagpapakabuti at pangangasiwa lamang sa kanilang mga sekta’y (di pagiging
interesado sa puso ng saging at pagsusuka-kain lamang) biglang nagsipagpalaot
sa pulitika at nag-asam na makamit ang pinakamataas na puwesto sa bansa.
Gayunpaman, tulad ni Asong iniatras na ang planong maging hari kapalit ng
malaking “donasyong” ibinigay sa kanya ni Kuneho, “nahihilot” din ang ilang mga
pinunong panrelihiyong nagpapahayag ng pagtakbo kapalit ng “tulong” sa kanila
o sa kanilang samahan.
 
Kinakatawan ni Kuneho ang karaniwang pulitiko. Batay sa ating karanasan, pag
nalalapit na ang halalan, lalo nating nararamdaman ang “kagandahang-loob” ng
ating mga tagapaglingkod-bayan. Nariyang batiin tayo sa iba’t ibang okasyon;
magpakita sa atin sa mga larawang nakapaskil sa kung saan-saan o sa kaliwa’t
kanang mga pagtitipong dinadaluhan din nila; pagawaan tayo ng mga gusali,
daanan, tulay at iba pang proyektong pang-impraestruktura; at paulanan tayo
ng mga iskolarsyip, pabigas, Philheath card, at iba pa. Pinapaalalahanan tayo ng
mga pulitiko kapag kailangan na nila tayo kaya naman hindi natin nakakalimutan
ang kanilang mga pangalan pagdating ng halalan. Ganito rin ang ginawa ni
Kuneho na nagpamudmod ng mga biyaya sa mga botante, tulad ng pagbibigay
ng taeng may mga mani pa sa mga langaw at suka para kay Aso. Dahil sa
pagtulong niya sa mga mamamayan kung kailan nalalapit na ang eleksyon, di
siya nakalimutan ng mga ito at siyang inihalal bilang hari ng kagubatan.
 
Si Matsing naman ay kumakatawan sa relidad. Sa kuwento, siya ang huling
nilalang na nadatnan ni Tong sa paggalugad niya sa puso ng saging. Ibinunyag
ni Matsing kay Tong ang ilang katotohanan, tulad ng kawalan ng pakiramdam ng
kanyang ama sa mga paghihirap na namamalas nito sa paligid kaya puso ng
saging ang ginagawa niyang pamalit sa tunay na puso. Si Matsing din ang
humikayat sa talangka na kumain ng puso ng saging bagamat magdudulot ito ng
pagkawala rin ng kanyang pakialam sa paligid. Noong una, nakipagtalo pa si
Tong sa unggoy at binigkas dito ang ilang mabubuting prinsipyo niya sa buhay,
na mga bakas ng isang ideyal na kabataan, tulad ng “hindi raw niya
pagkasikmura sa sistemang namamalas niya at pangangailangang niyang
kumilos upang magkaroon ng pagbabago at kaunlaran sa kagubatan”, ang “pag-
iiwan ng mabuting impluwensya sa mga nilalang dahil ito raw ang higit na
nagtatagal kaysa kapangyarihan” at ang “paggawa ng mga bagay, hindi lamang
para sa sarili kundi para rin sa susunod na mga salinlahi”. Ngunit sa huli,
nahulog din si Tong sa matatamis na pananalita ng matsing at kinain ang puso
ng saging na nahahalintulad sa isang taong isinantabi na ang kanyang mga
dating paniniwala nang aktuwal na madamang higit palang magaan kapag
maginhawa ang pamumuhay (kahit mangahulugan ito ng pagiging patas, kung
minsan). Hindi nangangahulugan ang pagliliwanag ng araw nang pagkaganda-
ganda sa gubat ng paghahari ng kapayapaan kundi ng pagiging mabuti lamang
ng mundong ginagalawan ng talangka dahil sa pagiging tulad na rin niya ng
marami. Naaalala ko tuloy sa kanya ang tulad ni Mike Defensor na hinahangaan
dati noong kongresista pa lamang dahil sa pagsusulong ng makabagong pulitika
sa Batasan at pagkakaroon ng paninindigan sa kabila ng kabataan (pagtuligsa
noon sa administrasyon) ngunit sa huli’y naging bulag sa katiwalian ng
pamahalaang pinagsisilbihan niya, nanguna sa pagtatanggol nito at nasangkot
pa sa pagbubusal sa bibig ni Jun Lozada kaya hindi binigyan ng sapat na suporta
nang tumakbo sa Senado.

Gamit ng Wika: Ilang Puna sa Antas, Morpolohiya at Sintaks

Makikilalang isinulat ang akda para sa karaniwang tao, lalo na sa kabataan, dahil
sa paggamit ng mga salitang bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay, bukod pa sa pagpapaloob ng mga ito sa estruktura ng wikang
sumasalamin sa likas na gamit nila sa pagpapahayag o pakikipagtalastasan.
Marahil, ginawa ito upang maipantay ang akda sa antas ng mga mambabasa at
maipadama sa kanilang “kanila” ang teksto nang sa gayo’y lalo nilang buksan
ang kanilang mga puso’t isip dito at tanggapin ang mga kaisipang isinusulong
nito. Ang pagpili rin ng pangunahing tauhan na isang anak o isang bata ay
nagpapahiwatig na sa kanila nakatuon ang akda at may tungkulin itong
ipinababalikat sa kanila. Ilan sa mga salitang hinango ng may-akda sa pang-
araw-araw na buhay ng mga mambabasa at ginamit niya upang lalong
makaugnay sa kanila o makapagtaguyod ng rapport ang sumusunod:

Noon din ay nag-log-off si Tong sa Friendster at dali-daling nagtungo sa lupa.


Inabot s’ya ng pitong araw at tatlong gabi sa paglalakbay bago narrating ang
kakahuyan. Sa di-kalayuang ilog ay namataan n’ya kaagad si Buwaya na
nagpapahinga.18

“Pero wala na ‘kong pambili ng load!” “Ano ba ang importante sa’yo, textmate o
puso ng saging?” hirit ni Maya. Wala nang nagawa si Tong kundi iabot ang mga
huling perlas.19

“Siyeht!” sigaw ni Bibe. “Yu asshol!”20

“Hindi, buti pa gawin natin itong 5-event competition,” sabi ni Langgam. “Laban
tayong sky diving, quiz bee, pagalingan sa videoke, Ragnarok, at saka pabilisan
kumain ng hissing cockroach, atay ng baboy, itlog ng ostrich at dugo ng
kambing!” Syempre, nag-walk out sa audience ang mga ipis, baboy, ostrich at
kambing. May balita pang naringgan daw si Baboy na nagsabing: “How gross!”21

Mamamalas sa akda ang dalawang ayos ng pangungusap na maaaring maging


karaniwan o kabalikan. Karamihan sa mga pahayag ay nasa unang anyo, kung
saan nauuna ang panaguri kaysa simuno at may himig na kolokyal o tila
nakikipag-usap lang. Ilang halimbawa nito ang sumusunod:

“Tong, anak, ang iyong ama ay may karamdaman.” wika ng reyna. “Hindi na
s’ya nakakalangoy. Kailangan mong umahon ngayon din papunta sa lupa upang
kumuha ng puso ng saging – ang tanging prutas na makapagpapagaling sa
kanya.” Sumagot si Tong, “Ngunit inang reyna, hindi ba’t talaga namang hindi
nakakalangoy ang amang hari?” “Dahil nga mayroon s’yang karamdaman!” ang
sagot ng reyna.22
Inumpisahan ang botohan. Tinanong ni Pagong kung sino ang mga pabor sa
kanya bilang hari. Mabilis namang nagtaasan ng kamay ang lahat ng hayop. “Si
Pagong ang gusto naming pagsilbihan!” wika nila. Sumunod si Langgam na
nanghingi ng boto. Taas rin lahat ang kamay ng mga insekto. At dahil sa
pinaboran si Langgam ng mga nilalang na may anim o higit pang kamay, natalo
n’ya si Pagong. Si Tipaklong naman ang nanligaw sa madla. Landslide! Nagdilim
ang kalangitan sa dami ng langaw na dumalo sa pagtitipon upang suportahan
ang patalon-talon na kandidato. “Bwehehe!” pagmamalaki ng mga langaw. “Si
Tipaklong namin ang nanalo!”23

Bukod dito, isina-Filipino rin ang morpolohiya ng ilang salitang banyaga sa


pamamagitan ng pagpapasok ng mga panlaping Filipino sa salitang ugat nito,
gaya ng pinaboran (-in-, -an, pabor/favor), sinuportahan (-in-, an, suporta/
suportar), idiniklara (i-, in-, diklara/declarar) at nag-walkout (nag-, walkout).
May mga pangungusap na binuo na magkasanib na sa iisang estruktura ang
Ingles at Filipino dahil sa kawalan ng panumbas sa mga banyagang termino sa
ating katutubong wika, gaya ng “Laban tayong sky diving, quiz bee, pagalingan
sa videoke, Ragnarok, at saka pabilisan kumain ng hissing cockroach, atay ng
baboy, itlog ng ostrich at dugo ng kambing!” at “Syempre, nag-walk out sa
audience ang mga ipis, baboy, ostrich at kambing.” Gumamit din ng mga
salitang balbal, tulad ng meron sa halip na mayroon at “Bwehehe!”

Gumamit din ng mga alusyon sa akda o isang tagong pag-uugnay ng isang


bagay sa ibang akdang-pampanitikan, sa ibang sining, sa kasaysayan, sa mga
kilalang tao sa kontemporaryong panahon, at sa iba pa (Preminger, 1965) upang
higit na maging masining at katawa-tawa ang pangyayari, lalo pa at sa mga
hayop ipinagawa ang mga ito.24 Isang halimbawa nito ang ginawang paghalik ni
Katang sa kapatid niyang talangkang si Tong bilang pagkakanulo sa kanya sa
mga kaaway at paghingi niya ng tatlumpung pirasong pilak bilang kapalit nito.
Halaw sa akda:

Hinalikan ni Katang si Tong sa pisngi. “Eto na ‘sya. Akin na ang tatlumpung


piraso ng pilak na napagkasunduan natin.”25

Alusyon ito sa ginawang paghalik ni Hudas kay Kristo upang ipahiwatig sa mga
sundalong siya ang dapat dakpin. Bilang kapalit ng pagkakanulo niya sa kanyang
panginoon, pinagkalooban si Hudas ng tatlumpung piraso ng pilak ng mga
pariseo.

Panghuli, gumamit din ang akda ng mga pahayag na may ambigwiti o higit sa
isang kahulugan upang magdulot pa rin ng saya sa mga manonood. Ilang
halimbawa nito ang sumusunod:

Sa mga sandaling ‘yon, naisipan na ni Tong na magparamdam. “Ahem, ahem…”


Nagtinginan lahat sa kanya ang mga napatigil na insekto. Ilang tahimik na
sandali pa ang lumipas bago nakapagsalita si Tipaklong. “Hayup!” “Huh?”
nagulat si Tong. “Hayup ka!”26
  
May ambigwiti sa pahayag na ito dahil sa mga tao, ang masabihan ng hayop ay
nangangahulugang may kasamaang taglay ang taong iyon na hindi nararapat
para sa kanyang uri kundi tanging hayop lang ang makagagawa gaya ng pagsila
ng leon sa isang walang labang katawan o pagtuklaw ng ahas habang
nakatalikod ang isang walang-malay na nilalang. Gayunpaman, dahil literal
namang hayop ang talangka, maaaring hindi siya talaga iniinsulto ng tipaklong
sa halip ay payak na inilalarawan lang.

Tong
Tong ay isang maliit na alimasag na naghahanap para sa isang saging na bulaklak
(puso ng saging) sa kagubatan upang gamutin ang kanyang maputla ama. Siya ay ang
anak ng hari ng dagat, kasama sa kanyang mga kapatid na hindi itinalaga sa
paghahanap. Siya ay nakatuon sa isang isda na pinangalanan Dalagang bukid. Tong ay
pinkish red at ang bunso sa pack ng kanilang mga pamilya ng alimango. Tong ay
mayroon ding isang kapatid na tinatawag na Katang na binalak na kumuha ng
paghihiganti sa kanya sa gitna ng kuwento, ang Katang ay hindi magtagumpay sa
paghihiganti sa kanya dahil Katang kayong pumatay sa pamamagitan ng Leon na
stabbed sa kanya ng isang kawayan stick.

[ edit ]Pagong
Ang Pagong ay isang pagong na pagtulong sa Tong sa kanyang
pakikipagsapalaran. Siya amazes Tong sa kanyang koleksyon ng mga itlog ng
pagong. Pagong ay isang napakalaking pagong na ay masyadong mabagal. Siya ay
nalilito sa kanyang mga kasabihan at sinabi sa wisely bobo.

Aso
Aso ay isang ligaw na aso. Siya ay isang nawala aso na nakatira sa isang gubat (na siya
paggusto). Siya rin ay tumutulong sa Tong upang mahanap ang saging puso, ang buong
kagubatan ay malamang mamatay. Aso ay isang lugar sa kanyang kaliwang mata at ng
isang maliit na nalilito sa lahat sabi niya. Siya rin paggusto play.

Kuneho
Kuneho ay halos inilarawan bilang isang Filipino sa bersyon ng kuneho. Din siya sumali
sa Tong sa kanyang pakikipagsapalaran sa paghahanap ng saging puso. Kuneho ay
isang maliit na hinihingi sa lahat sabi niya at isang maliit ng laging galit. Siya ay
matangkad at kulay abo.

Villains
Buwaya
Buwaya ay isang buwaya na sa dulo, eats Tong ng mga kaibigan at Tong naiwan. Siya
announces Tong kanyang "matalik na kaibigan". Subalit Tong ay hindi sumasang-
ayon. Buwaya sumali ng isang masamang gang sa ang gubat na kasama ang Leon, ang
hari, daga, at Maya, isang maliit na ibon, na din ang buwaya ay matalik na kaibigan at
na ang pangunahing trabaho ay upang linisin ang mga buwaya ngipin ng.

Daga
Daga, isang daga nakatira sa kagubatan ng Saging Republic. Siya ang maliliit na matalik
na kaibigan ng Leon, Leon naiimpluwensyahan Daga sa dagundong tulad ng lions at
ngayon, Daga ay isang bahagi ng gang ng mga masamang hayop sa kagubatan.

Leon
Leon ay isang leon at ang lider at ang founder ng kasamaan na nakaimpake na
gang. Siya naiimpluwensyahan Tong ang kapatid na lalaki, Katang, sa pagsali sa ang
kasamaan na gang ng mga hayop sa kagubatan. Ngayon, sa kanya at sa kanyang gang
ay isang balakid sa Tong ng paglalakbay sa paghahanap ng saging puso at pag-save ng
kanyang minamahal ama.

Maya
Maya ay isang maya na ang kanyang sariling mga misteryo sa ng libro: Magandang o
masama. Pa, kahit na sa dulo ng libro, hindi alam kung ano ang bahagi ay siya. Siya ay
Buwaya sa matalik na kaibigan ngunit dahil ang kanyang trabaho ay upang linisin ang
mga Buwaya ngipin ng, siya palaging nagtatapos up na kinakain ng reptilya bagaman
siya namamahala upang makatakas lamang sa oras.

Katang
Katang ay ang kapatid ng Tong at nagpasyang sumali sa gang dahil sa Tong. Siya ay
pagpaplano ng paghihiganti para sa Tong dahil sa Tong tricking sa kanya na ang
pagkuha ng deficated sa isang ibon Adarna ay mabuti para sa kanyang hika. Ngayon
siya ay ninakaw Tong ay ngayon bahagi ng ang gang. Ngunit sa dulo, siya nakuha
lapirat sa pamamagitan ng isang kawayan stick.

balangkas

78312970-Alamat-Ng-Gubat-Handouts
https://www.scribd.com/doc/78312970/Alamat-Ng-Gubat-Handouts

You might also like