You are on page 1of 1

Gawain 3 – Unang Pangkatang Gawain

Panunuring Pampanitikan

Mga Gabay sa Pagsasagawa ng Panunuring Pampanitikan

 Nobela/Maikling Kuwento – Pamagat, awtor, lugar at panahon ng pagkakalimbag,


maikling deskripsiyon gaya ng bilang ng pahina, klase ng papel, sukat ng papel, klase ng
binding, serye ng muling pagkakalimbag o edisyon
 2 maikling kuwento na maaaring may 10 pahina o mahigit pa
 Basahin ang sipnosis kung mayroon.
 Teoryang pampanitikan (Realismo, Idealismo, Eksistensiyalismo, Naturalismo,
Arketipal, surealismo, Marsismo. Feminismo, Moralistiko, Historikal, etc)

Balangkas ng Panunuring Pampanitikan

A. Sanligan (Ito ang imprint)


B. Buod ng akda
C. Paglalahad ng mga Tauhan kung Mayroon
D. Pagsusuri:
 Repleksyon o reaksyon gamit ang iba't ibang teoryang pampanitikan
 Gamit ng Wika/Tulong ng Wika sa Paglalahad ng akda
 Rekomendasyon para sa mambabasa

Para sa teknikalidad sundin ang sumusunod:

• Ang suri ay ieenkowd sa long bond paper na may marjin na 1.5” sa kaliwa at 1: naman
sa itaas, ibaba at kanang espasyo.

• Gumamit ng font na simple lamang at madaling basahin. 12 ang sukat ng font at doble
espasyo ang pagtipa.

• Bumuo ng sariling pamagat. Hal. “Ang Realismo at Feminismo sa mga Kuwento ni


Genoveva Edroza-Matute”, “Pinagmamadali ng mga Dagli ang Tula nina Tolentino at
Adaya”, “Bakit Kailangang Lalaki Lamang ang Manligaw sa mga Kababaihan
Samantalang Nagpapantalon na rin ang Babae sa Kasalukuya”?

• Isulat ang pamagat sa unang pahina ng papel kasama ang pangalan ng mga
mananaliksik (ang maglalagay ng pangalan sa dulo ng suri ay may kabawasang puntos;
may dagdag na puntos ang magpapakita ng kasiningan sa isusumiteng papel.)

• Lagyan ng pahina ang papel maliban sa “cover page”

• Ipasa sa klasrum ang papel sa July 8, hanggang 12:00 ng hatinggabi)

You might also like