You are on page 1of 5

MAIKLING KUWENTO – SARANGGOLA

Efren R. Abueg

Efren R.Abueg

- Isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at kritiko ng kanyang panahon.


-Kabilang sa kanyang mga aklat ang Bugso, ang kanyang kauna-unahang koleksyon ng mga
kwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964);
Mga Agos sa Disyerto ( edisyong 1965, 1974, at 1993); at Mga Piling Akdang Pilipino (1970).
- Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literaturature
1. Timpalak ng KADIPAN (1957)
2. Gawad Balagtas (1969)
3. Timpalak Pilipino Free Press (1969)
4. Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992)
5. Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967)
- Siya rin ay sumulat at nag-edit ng maraming sangguniang aklat at ginagamit magpahaggang ngayon sa
kapwa pribado at publikong paaralan, mula elementarya hangggang kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok
ang kanyang mga kwento sa mga teksbuk na isinulat ng ibang awtor.

Maikling Kuwento at Mga Elemento

Ang maikling kwento ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaayusan at diwa
ay napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihan balangkas na inilalahad sa isang paraang
mabilis ang galaw. - Ang kahulugan ito ay pinasimple ni Genoveva Edoza-Matute na nagsabing ang
maikling kuwento ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na
buhay na may isa o ilang tauhan, may isang kakintalan.

Mga Elemento:
1. Banghay- Ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
2. Paningin- Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat maglahad
ng mga pangyayaring makikita at maririnig niya.
3. Suliranin(Problem)- Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan ang kalutasan nito sa
katapusan ng akda.
4. Paksang-diwa(Theme)- Ito ang pang-isipang iniikutan ng pangyayari sa akda.
5. Himig(Mood)- Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin. Ang himig ay maaring mapanudyo,
mapagtawa, at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasang damdamin.
6. Salitaan(Dialogue)- Ang usapan ng mga tauhan. Kailangang an diyalogo ay magawang natural at hindi
artipisyal.
7. Pagtutunggali(Conflict)- Ito ang paglalabanan ng pangunahing tauhan
at ng kanyang mga kasalungat na maaring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.
8. Kakalasan - Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
9. Kasukdulan(Climax)- Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik. Sa
bahaging ito ng akda humigit-kumulang malalaman na kung
nagtatagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa
kanyang suliranin.
10. Galaw(Action)- Tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin
hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.

Pang Uri at Kaantasan Nito


Ano ang Pang-Uri
Ang tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay, turing sa mga pangnglan at panghalip.
Ito ay may kaantasan o kasidhian.
• Lantay- Ito ay naglalarawan lamang ng isa o payak na pangnglan o panghalip.
Halimbawa:
Ang makulay na guryon ay magandang pagmasdan.
• Pahambing- Ang pang-uring ginamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. Ito ay
may dalawang uri.
A. Magkatulad- Ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ginagamit ditto
ang panlaping ka, magka,sing, gaya, tulad, at iba pa.
Halimbawa:
Magkasing-yaman ang mag-ama sa kuwento.
B. Di-magkatulad- Ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o
pagsalungat.
1. Palamang- May higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambing.
Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lalo, higit, di-hamak, mas, at iba pa.
Halimbawa:
Ang ganitong panuntunan ay maaring maging daan ukol sa lalong maunlad na kabuhayan.
. Pasahol- Kapag may higit na negatibong katangian ang pinaghahambingan, Gumamit ng di-gaano, di
gasino, di-masyado.
Halimbawa:
Di-gaanong istrikto ang anak kompara sa ama.
• Pasukdol- Nasa pinakadulong digri ang kaatasan ng pasukdol. Ito ay maaring positibo o negatibo.
Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaring gumamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay,
talaga, saksakan, hari ng, at kung minsa’y pag- uulit ng pang-uri.
Halimbawa:
Pinakamaganda ang panuntunang ito na nagbigay-daan sa lalong maunlad na kabuhayan.

SANAYSAY
Ang sanaysay ay pinakagamitin sa:
- pagsusulit
- pagsulat ng liham
- pag – uulat
- pananaliksik
- paglalahad ng kautusan
- palibot – liham
- alituntunin

Kahulugan ng Sanaysay

1. Sa Diksyunaryo
SANAYSAY
- isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa.
2. Michel de Montaigne
- lumikha ng sanaysay
- isang pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan ng mga kaisipang maaaring
makipagtalastasan sa kanino mang kakilala o kaibigan sa pamamagitan ng sulatin.
- kung ang liriko ay para sa panulaan, ang prosa naman ay para sa sanaysay

3. Alejandro G. Abadilla
- Pinagsanib niya ang mga salitang “pagsasalaysay ng isang sanay” o “nakasulat na karanasan ng
isang sanay sa pagsasalaysay.”
Ang sanaysay ay isang malayang pagpapahayag ng karanasan, damdamin, kuro-kuro ng isang
manunulat at ito’y inilalahad sa isang malinaw, lohikal at nakakahikayat na pamamaraan.
4. GENOVEVA E. MATUTE
- isang premyadong manunulat at mananaysay
- isang pagtataya sa isang paksa sa paraang tuluyan at malayang paglalantad ng kaisipan, kuru –
kuro at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman at magturo.

Sa Pilipinas
- ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog bilang sangay ng panitikan ay nagsimula sa mga isinulat ni Jose
Rizal sa kanyang THE INDOLENCE of the FILIPINO PEOPLE at The PHILIPPINES.
- napapabilang rin na mananaysay sina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos at
Apolinario Mabini.

Dalawang Uri ng Sanaysay

MGA BAHAGI NG SANAYSAY

1. Simula – ito ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay. Dapat makuha ng akda ang atensyon at
damdamin ng mambabasa.

2. Katawan – sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o ideya ukol sa paksang pinili at
sinulat ng may-akda. Dito rin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag nang maayos at
mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.
3. Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinusulat.
Dito rin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung
tinatalakay niya.

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG


1. Pag-iisa - Nakatutulong ang paggamit ng pag-iisa-isa sa pagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng
isang bagay o kung ano ang mabuting paraan upang matamo ang isang layunin. Karaniwang ginagamit
dito ang kaayusang kronolohikal (chronological order) at sinasabi rito kung ano ang unang dapat gawin,
ang susunod, hanggang sa matapos ang pagpapaliwanag.

Ang panandang ginagamit dito ay:


isa, dalawa, tatlo, apat
a,b,c,d
una, pangalawa, pangatlo, pang-apat
susunod, pagkatapos, sa huli
sa unang pagkakataon, sa ikalawang pagkakataon, pagkaraan
bilang panimula, bilang pangwakas/pagtatapos
=

2. Paghahambing - Ginagamit ang uring ito ng paglalahad upang madaling maunawaan ang isang
pagkukuro. Inihahambing ng manunulat ang paksang tinatalakay sa isang bagay o karanasang alam na ng
bumabasa o nakikinig, Nakatutulong ang paggamit ng paghahambing sa ikalilinaw ng pagtalakay sa
paksa o sa pagbibigay ng kahulugan ng paksa.

Ang panandang ginagamit dito ay:


katulad, di-katulad, magkaiba
ngunit, pero, bagama’t
magkapareho at hindi kaiba
Halimbawa: Nakatutulong ang paggamit ng siyensiya sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao ngunit
nakasasama rin ito kung ito’y aabusuhin.

3. Pagpapakilala ng Sanhi at Bunga — May mga bagay na nangyayari sa ating buhay na kailangan ang
masusing pagpapaliwanag upang maintindihan ang pinanggalingan ng pangyayaring ito, bakit ito
nagkaganoon, o kaya’y kung ano ang mapakikinabangan o mapapala ng mga tao sa pangyayaring ito.
Kapag ganito ang paraan ng pagpapaliwanag, kailangang gamitin dito ang paraan ng pagpapakilala ng
pinagmulan ng sanhi at bunga. Kailangan ng manunulat na sumangguni sa iba’t ibang aklat, pahayagan,
ensiklopedya, at iba pang sanggunian upang mailatag nang wasto at maging malinaw sa mambabasa ang
pangyayaring ipinaliliwanag gaya ng tekstong binasa sa aralin.

Ang panandang ginagamit dito ay:


dahil sa, resulta ng
ito ay humantong sa
nang sa gayon
Halimbawa: Ang ganitong pagpapataba sa pamamagitan -ng sustansiya na humahantong sa
“pamumukadkad ng mga alga” ang isang pangunahing sanhi ng pagtanda ng mga tubigan o tinatawag na
eutropikasyon.
OUTPUT 4

1. Magsasagawa ng PAKIKIPANAYAM o INTERBYU sa napiling kakilala o kamag – anak na nagtagumpay


sa buhay dahil sa sariling pagsisikap . Mula sa nakalap na impomasyon, bumuo ng tatlong talatang
kuwento ng kanyang buhay na ginagamitan ng mga salitang naglalarawan o pang – uri.
2. Lakipan ng larawan habang isinasagawa ang panayam o interbyu.
3. Isulat ang output sa isang A4 bond paper.

OUTPUT 5

1. Sumulat isang SANAYSAY batay sa paksang: “ Ang magulang bilang modelo sa paghubog ng
katauhan ng anak”
2. Gamitan ito ng iba’t ibang paraang ng pagpapahayag.
2. Isulat ang output sa isang A4 bond paper.

You might also like