You are on page 1of 7

Module 5

Ayon sa kanya pagsasaling-wika ay isang gawaing naglalayon na bigyan ng kahulugan ang isang
linggwistikong diskurso mula sa isang wika tungo sa ibang wika.- Dr. Mario H. Maranan

Siya ang nagsabi ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y mauunawaan, at ginagawang
malaya naman kapag iyon ay may kalabuan datapua’t hindi lumalayo kailanman sa kahulugan. - Paciano
M. Rizal

Ito ang pangunahing kasangkapan sa pagsasalin. – wika

Ayon sa kanya ang pagsasalin ay isang sining at agham na nangangailangan ng malawak na kaalaman sa
larangan ng mga kakayahang panlinggwistika at pansemantika. – Rubin

Siya ang nagsabi na ang pagsasalin ay isang pagtatangkang halinhan ang nakasulat na mensahe o
pahayag sa isang wika sa pamamagitan ng parehong mensahe o pahayag sa target na wika.- Salipan

Ayon sa kanila ang pagsasalin ay reproduksyon sa tagatanggap (target) na wika ng pinakamalapit na


natural at katumbas ng orihinal na wika, una, ayon sa kahulugan, at pangalawa, ayon sa estilo.” - Ayon
kina Nida at Taber

Sa patnubay at simulain ng pagsasaling-wika, ano ang tawag kung hindi nagbabago ang palagiang anyo
ng pangungusap? – Pormula

Sa Patnubay at Simulain ng pagsasalin-wika, ano ang tawag kung nagbabago ang palagiang anyo ng
pangungusap? - Malaya

Sa pagsasalin sa salita, ito ang pinaka mainam gamiting gabay. - diksyunaryong dalawa ang wika

Hindi gumagamit ng salita-sa-salitang tumbasan dahil ang isinasaalang-alang dito ay ang mensahe o ang
diwang nais ipahayag ng isinasalin. - Pagsasaling-idyomatiko
Mga Uri ng Pagsasalin

1. Pagsasaling Literal
2. Pagsasaling-idyomatiko
3. Mga Prinsipyo sa Pagsasaling-idyomatiko
4. Pagsasalin ng mga Akdang Teknikal
5.

Magbigay ng 5 kahinaan ng salin

1. May dagdag na diwa ang salin.


2. Kulang ang diwa ng salin.
3. May mali/ Iba ang diwa ng salin.
4. May mga bahaging Malabo ang kahulugan kaya nagkakaroon ng higit na isang kahulugan.
5. Hindi nauunawaan ng pinag-uukulang mambabasa ang salin.

Module 6

Ayon sa kanya, ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang diwang kariktang makikita sa
silong ng alinmang langit.- Iῆigo Ed. Regalado

Ayon sa kanya ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok at
pagtatanghal. Fernando Monleon

Siya ang nagsabi na ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.- Edith sitwell

Siya ang nagsabi na ang Tula ay pagsasatitik ng kamalayan ng may-akda hinggil sa paksa na kakanti sa
kanyang interes.- Savory

Ito ay may ritmo, sukat at tugma (kung kumbensyunal); may emosyon o damdaming masidhi at malalim
sa karaniwang pahayag; may higit sa karaniwang dami ng mga tayutay at di-gaanong mahigpit sa
pagsunod sa gramatikong pagsusunod-sunod ng mga salita.- Tula
Apat na Sangkap ng tula

1. Sukat
2. Tugma
3. Makabuluhang diwa
4. Kagandahan/ kariktan

Tulang may sinusunod na sukat at tugma. Karaniwang iisang sukat at iisang tugmaan ang sinusunod sa
buong tula. – Karaniwang anyo

Tulang malaya sa sukat at tugma lamang. Hindi na binibilang ang pantig sa bawat linya at hindi na
kailangang may tugmaan subalit taglay pa rin nito ang ibang sangkap ng tula.- Malayang Taludturan

Sino ang sumulat ng tulang “ Ako ang Daigdig”?- Alejandro Abadilla

Ito’y tulang maikli ngunit nagtataglay ng masaklaw at matalinhagang kahulugan, na binubuo ng


labimpitong pantig.- Haiku

Maikling tulang binubuo ng apat na linya at bawat taludtod ay may sukat na pipituhing pantig.
Karaniwan itong nagtataglay ng gintong aral.- Tanaga

Tatlong tips sa pagsulat ng Tula

1. Humanap ng Inspirasyo
2. Magbasa ng Tula ng Iba
3. Gumamit ng metapora o simile kahit simple lamang ito

Module 7:

Isang uri ng pagpapahayag o diskors na ang layon ay magkwento, at ito’y nagpapahayag nang
magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayaring pinagagalaw nang paunlad tungo sa isang tiyak
na katapusan.- Pagsasalaysay

Katangian ng Mahusay na Salaysay

1. Mabuting pamagat
2. Mahalagang paksa
3. Wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
4. Mabuting simula
5. Mabuting wakas

Ito ay isinusulat upang maghatid ng kaalaman sa mga mambabasa.- Salaysay na nagpapabatid

Uri ng Salaysay na nagpapabatid na tumutukoy sa paraang pagkukwento. - Salaysay na nagpapaliwanag

Bahagi ng salaysay na nagpapabatid na may karanasang napatangi dahil ito ay kakaiba at hindi
malilimutan.- Salaysay ng Nakaraan

Uri na salaysay na nagpapabatid na tumutukoy sa mga pangyayari sa buhay natin sa araw-araw na


maaaring nakatutuwa, nakalulungkot, nakaaasar, nakatatakot at iba pa.- Salaysay ng Pangyayari

Uri na salaysay na nagpapabatid na ang mga pangyayari rito ay nakagugulat at lubhang mapanganib
subalit kaakibat nito ang katagumpayan o kasawian.- Salaysay ng Pakikipagsapalara

Bahagi ng salaysay na nagpapabatid na tumutukoy sa mga pangyayari sa buhay ng isang tao mula sa
pagkasilang hanggang sa kanyang pagpanaw.- Salaysay na Patalambuhay

Ito ay uri ng salaysay na nagpapabatid na kabaligtaran ng anekdota na kung saan nasa tauhan, tagpuan
at himig ang kawilihan ng salaysay na ito.- Kathang Salaysay

Ito ay uri ng salaysay na nagpapabatid na naglalahad ng mga pangyayari sa napuntahang lugar.- Salaysay
ng Paglalakbay

Ito ay uri ng salaysay na nagpapabatid na naglalahad ng mga pangyayari sa nakaraan at kailangang tiyak
ang bawat detalye ng sanaysay na ito.- Salaysay na Pangkasaysayan

Uri ng salaysay na isinusulat na isinusulat upang makaaliw ng mambabasa na tinatawag ding maikling
kwento. - Masining na salaysay
Mga Uri ng Maikling Kwento ( Pagpipili)

A. Kwento ng Pag-ibig – Ito ay pag-iibigan ng mga pangunahing tauhan.

B. Kwento ng Katatakutan – Ito ay kakikitaan ng mga nakakatakot na mga pangyayari o nakakatakot na


mga nilalang.

C. Kwento ng Talino – Sinisikap nitong pasukin ang isip ng mambabasa upang makaisip ng solusyon sa
problemang inihayag sa kwento.

D. Kwento ng Pagkakataon – mga kwentong napapanahon katulad ng Pasko, Bagong Taon, Araw ng mga
Puso, Araw ng mga Patay at Mahal na Araw.

E. Kwento ng Katatawanan – magaan ang mga pangyayari sa kwentong ito. Nagdudulot ito ng labis-labis
na tuwa sa mambabasa na nakagaan sa pakiramdam.

F. Kwento ng Kababalaghan – kwento ng mga hindi kapani-paniwalang pangyayari.

G. Kwento ng Madulang Pangyayari – kwento ito ng mga madudulang pangyayari nang iyakan, tawanan
at aksyon.

H. Kwento ng Tauhan – Ukol ito sa pangunahing tauhan kung paano niya mabibigyang solusyon ang
suliraning kinakaharap.

I. Kwento ng Katutubong Kulay – Ito ay mga pangyayari tungkol sa isang lugar at ang paraan ng
pamumuhay ng mga tao rito.

J. Kwento ng Kapaligiran – kwento ng mga pangyayari sa ating komunidad at pamahalaan.

Uri ng paglalarawan na ayon lamang sa nakikitang pisikal na anyo ng tao, bagay, pook o pangyayari.-
Karaniwang Paglalarawan

Uri ng paglalarawan na ginagamitan ng mga idyoma at tayutay na ang layunin ay mapukaw ang guniguni
ng mambabasa o tagapakinig.- Masining na Paglalarawan

Ito ay paraan ng pagpapahayag na naglalayong gumawa ng isang malinaw, tiyak at walang kinikilingang
pagpapaliwanag sa ano mang bagay sa mundo.- Paglalahad

Uri ng paglalahad na pinakakaraniwan at pinakamadalas gamitin sa paglalahad.- Pagbibigay Katuturan o


Kahulugan
Mga Uri ng Editoryal

a. Nagpapabatid – nililinaw at ipinaliliwanag nito ang isang isyu.

b. Umaamuki – tinatawagan nito ang suporta ng mambabasa para sa isang programa, balak o kilos.

c. Nagpapahalaga – ito ay pumupuri o nagpapahalaga sa isang tao, gawain o institusyon.

d. Nangangatwiran – pumapanig ito sa isang mukha ng isyu at pinaninindigan iyon sa pamamagitan ng


lohikal na pangangatwiran.

e. Komentaryo – ipinaliliwanag nito ang kahulugan ng isang balita kaugnay ng iba pang mga balita.

f. Pamumuna – pinag-aaralan nito ang kamalian sa pangyayari o kalagayan, nagmumungkahi ng solusyon


at kadalasa’y nagwawakas sa pagtatanong ng nararapat na gawin.

g. Nagbabalita – buod ito ng mga pangyayari ukol sa isang paksa. Nagsasaad ng opinyon ng editor na
maaaring hayagan o pahiwatig.

h. Nanlilibang – nagmumungkahi ng isang bagay habang nang-aaliw sa mga mambabasa

i. Sumasalungat – sinasalungat nito ang opinyon na inihayag ng ibang peryodiko.

Mga Uri ng Balita

1. Pampulitika

2. Pang-edukasyon

3. Panrelihiyon

4. Pang-agham

5. Pampalakasan/Isports

6. Panteknolohiya

7. Pang-artista

8. Pangkultura

9. Pang-ekonomiya

10. Panlibangan

11. Panlipunan

You might also like