You are on page 1of 8

Ang mitolohiya ay kuwento na siyang nagbibigay paliwanag sa mga pinagmulan ng isang pangyayari o

bagay, o kuwento ng mga pakikipagsapalaran ng mga bayani o ng mga diyos at diyosa.

Kapareho ng iba pang mga kuwento, ang mga elementong bumubuo ng mitolohiya ay ang mga tauhan,
tagpuan, banghay, at tema. Higit pa rito, ang mitolohiya ay may mga elemento ng simbolismo at mga
signos, na mas nagbibigay tingkad dito bilang isang mitolohiya at hindi lang basta kuwento.

TAUHAN•MGA DYOS O DYOSA NA MAYTAGLAY NA KAKAIBANGKAPANGYARIHAN.

TAUHAN•MGA KARANIWANGMAMAMAYAN SA KOMUNIDAD

TAGPUAN•MAY KAUGNAYAN ANG TAGPUANSA KULTURANG KINABIBILANGAN.

TAGPUAN•SINAUNANG PANAHONNAGANAP ANG MITOLOHIYA.

BANGHAY •MARAMING KAPANA-PANABIKNA AKYSON AT TUNGGALIAN.

BANGHAY •MAAARING TUMATALAKAY SAPAGKAKALIKHA NG MUNDO ATMGA NATURAL NA


MGAPANGYAYARI.

BANGHAY •NAKATUON SA MGA SULIRANIN AT PAANO ITO MALULUTAS.

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng


may-akda.

Pormal
Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o
kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng
pinakapiling paksang tinatalakay. Tinuturing din itong maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang
piniling pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din ito dahil makahulugan, matalinhaga, at
matayutay ang mga pangugusap. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay
obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at
walang halong pagbibiro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong sanaysay na may opinyon
tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang
panauhan sa paglalahad.

Di-pormal

Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod


sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin dito
ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang personalidad ng may-akda
ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at parang nakikipag-
usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling maintindihan. Personal din ang
tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang tono nito dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan.
Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

Parabula

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango
mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek
word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o
nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang
taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang.Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento".

Mga Elemento Baguhin

Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba
sa mga tauhan ng kuwento.
Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.

Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.

Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Kakalasan- Tulay sa wakas.

Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.

Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.

Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.

Kaisipan- mensahe ng kuwento.

Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Mga uri Baguhin

May sampung uri ng maikling kuwento:

Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang
uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na


nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan.

Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.

Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.

Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao

Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhayay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't
ibang kabanata. Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi
sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.

Elemento

tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan

tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela

banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela

pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b.
pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela

damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari

pamamaraan - istilo ng manunulat

pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela

simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't
ibang anyo at estilo.

Elemento

Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
Sukat - bilang ng pantig ng tula.

Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.

Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa
patinig.

Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa
katinig.

Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:

Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig

Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y

Sining o kariktan - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang


impresyon sa bumabasa.

Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga
sa tula

Anyo - porma ng tula.

Tono/Indayog - diwa ng tula.

Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Ang epiko ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao
o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan
at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga
pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

Ito ay ipinahahayag nang pasalita, patula, o paawit. Minsay ay sinasaliwan ito ng instrumentong pang
musika. Mahaba ito, binubuo ng 1000 hanggang 5000 na linya.

Mahahalagang Elemento ng Epiko:

Sukat at Indayog

Indayog – diwa ng tula


Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa
isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:

Epiko -> e-pi-ko – may tatlong panting

Sukat -> su-kat – may dalawang pantig

Mga Uri ng Sukat:

a.) Wawaluhin (8 pantig)

Halimbawa:

Isda ko sa Mariveles

Nasa loob ang kaliskis

b.) Lalabindalawahin (12 pantig)

Halimbawa:

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

Sa bait at muni, sa hatol ay salat

c.) Lalabing-animin (16 pantig)

Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis

Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

d.) Lalabingwaluhin (18 pantig)

Halimbawa:

Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay

Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malaba

Tugma – sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog.

Taludturan – ito ay ang pagpapangkat ng mga taludtod nga isang tula. Tinatawag rin itong saknong

Matatalinghagang salita – ito ay tinatawag ring idyoma na may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan.
Di tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga ito.

Halimbawa:

pabalat bunga – paimbabaw

likaw na bituka- kaliit-liitang lihim

mapaglubid ng buhangin- sinungaling

kisap mata/ iglap – mabilis

isang tuka isang kahig- mahirap

Banghay – ito ay pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari na maaring maging payak o komplikado. Binubo ito
ng simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas.

Tagpuan – ang tagpuan ay ang lugar at panahon ginanap ang mga pangyayari. Nakakatulong ito sa
pagbibigay-linaw sa paksa, banghay at mga tauhan.
Tauhan – ang tauhan ang siyang kumikilos sa epiko. Siya ang gumagawa ng mga desisyon na
nagpapatakbo ng epiko. Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan.

You might also like