NG SULATING PANG-AKADEMIKO SA MAG-AARAL 1. Ang pagsulat sa iba’t ibang disiplina ay magbibigay ng kaalaman at kasanayan sa mag-aaral sa proseso ng pagsulat na magagamit niya sa iba’t ibang gawain.
2. Magbibigay ito ng pagkakataon sa mga
mag-aaral na maiugnay ang dating kaalaman at karanasan sa kasalukuyang pinag-aaralan. 3. Ang mga natutunan ng mga mag-aaral mula sa aklat at talakayan ay nagagamit niya, nailalagay ang wikang natutunan sa kanyang sariling pahayag sa pagsulat.
4. Lumilinang ito ng kakayahan sa mag-aaral na
mag-isip, mag-analisa, sumuring magbasa at makipagtalakayan. 5. Nalalaman at nasasanay siya sa mga mekanismo at propeso ng pagsulat, mga pag- uugnay at iba’t ibang rehistro at istilo ng pagpapahayag.
6. Magkaroon ang mga mag-aaral ng realisasyon
sa kabuluhan ng pagsulat sa buhay ng tao. KAUGNAYAN NG PAGBASA AT PAGSULAT Ang pagbabasa ay isang kasanayan upang makakuha tayo ng impormasyon, malibang, mahasa at mapalawak ang kaalaman. Ito din ay nagpapalawak ng ating bokabularyo na magagamit sa mabisang pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. Ang mga impormasyon, kaalaman, at mga bokabularyong nakakamit natin sa pagbabasa ay naisusulat din natin ng maayos at ayon sa tuntuning pambalarila. Ito ay isang kasanayan nasa pakikipagtalastasan na isatitik mula sa pagbabasa. Kaya ang ugnayan ng dalawang kasanayan ay hindi mawawala. Ang mga nakalap o mga bagong impormasyon na gusto nating iparating sa iba ay maisasagawa natin sa pamamagitan ng pagsulat. mga kasanayan sa pag-unawa Pagkuha ng tiyak na detalye
Mahalagang pangyayari sa teksto.
Iskaning at iskiming Iskaning Ito ay ginagamit kung naghahanap ng isang detalye, pangalan o katotohanan. Iskiming Ito ay ginagamit kung nais malaman ang kabuuang paksa ng isang artikulo upang magawan ng buod at makuha ang sunod-sunod na pangyayari sa isang binasa o kaya’y makagwa ng isang balangkas ng nilalaman. Pagkilatis sa katotohanan
Isang daan kung paano maging mabisa at
maingat ang paraan ng pagbabasa. Habang binasaba ang isang pahayag ay kinikilatis ito kung opinyon o katotohanan. Paghuhula
Ang mga pangyayari sa isang teksto ay
nauunawaan ng mambabasa at nasasagot ang mga tanong sa katapusan nito. Ang mga panghuhula ay kaakibat sa pangangatwiran sa mga naganap sa teksto. paglalahat
Ang kakayahang mailahad ang sariling
opinyon sa nilalaman ng teksto. Para itong buod sa tekstong binasa. Maaring isagawa ang paglalahat kapag naunawaan ang isang teksto ng mabuti. Pagsusuri sa mga teknik na ginagamit sa awtor sa paghahatid ng mensahe
Ang iba’t ibang manunulat ay mayroong kanya-
kanyang istilo sa pagsusulat. Ito ay nahuhubog ng isang manunulat sa pagsusulat. Ang ilan sa mga maaari nilang gamitin ay ang pag- uulit,pagbabahagi, paghahambing, bunga at sanhi at iba pa. Sa mga kwento naman ay paglalahad, flashback, pagsasalaysay at iba pa. Pagwawakas Ito ay naaayon sa panlasa ng mambabasa. Kung ang pagwawakas ay masasagot ang mga katanungan sa istorya. Ang mambabasa ang makapagbibigay ng kongklusyon na ayon sa sariling paghusga. Iba’t ibang genre ng nakasulat na teksto Dalawang anyo ng teksto ayon sa paggamit ng salita Prosa o tuluyan
Mga akdang nasusulat sa tuloy-tuloy na
karaniwang takbo ng pangungusap. HALIMBAWA: • Pabula • Maikling kwento • Alamat • Sanaysay • Talumpati • Nobela • Ulat • Talambuhay • Kwentong bayan • Dula Patula Tradisyunal na tula Binilang ang mga pantig May pagtutugma-tugma ng mga salita sa dulo ng taludtod sa isang saknong
Malayang taludturan (Free Verse)
Hindi nilalagyan ng sukat o tugma halimbawa • Kantahin • Bugtong • Salawikain • Palaisipan • Sariling tula Maikling kwento “Isang paksang pampanitikang kilala ng guni-guni at bungang-isip na hango sa isang buhay na tulad ng nangyari o maaaring mangyari. Ang mga katangian nito, ayon sa kanya ay maaaring basahin sa isang upuan, nagniningning, nakapupukaw, at mabisang basahin nakapagpapadama o nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Nararapat ding ang panyayaring isinasalaysay ay tuloy-tuloy buhat sa simula hanggang sa wakas.” – Edgar Allan Poe Layuning umaliw sa mga mambabasa. May kapangyarihang maglahad ng maselang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at itinatatak sa puso at diwa ng mga mambabasa Mga salik ng maikling kwento Tauhan Magpapatakbo sa daloy ng mga pangyayari sa akda. Sa kanyang galaw at ugali nakasalalay nang malaki ang kagandahan ng kwento. Kailangan siya’y maging tunay at buhay. Nakikilala sila sa pamamagitan ng kanilang panlabas na anyo at pananamit, kilos na nagpapahiwatig ng kanilang ugali at mga salitang ginagamit. tagpuna Tinutukoy nito ang pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda. Sa lugar na ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan nito ng buong linaw ang mga kaugalian ng mga nasa kapaligiran. Banghay o balangkas Pagbabalangkas ng mga pangyayari. Maayos, magkaugnay at kapani-paniwal. Payak man o karaniwan sa pangyayari dapat kawili-wili na nakasalalay sa makatwirang pagkakasunod-sunod na makapagpapadulas sa daloy ng kasaysayan. Paksa
Leksyong moral na nilalaman ng kwento.
Mahalagang kaisipan ng isang akda. (significant idea) Mga bahagi ng maikling kwento Simula
Ang bahaging ito ang magbibigay ng kawili-
wili at kapana-panabik na pangyayari upang ipagpatuloy ng mga mambabasa ang kanilang pagbabasa. Sa bahaging ito paaasahin ng may- akda ang mga mambabasa Tunggalian
Ito ang suliranin sa pagitan ng magkasalungat
na paniniwala.Ang suliranin ay nagsisimula sa pagtutunggali ng mga tauhan o pangyayari sa kwento. Kasukdulan
Sa bahaging ito ay pinakamasidhing pananabik
ang madarama ng mga mambabasa sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan. Wakas Ito ang pagtatapos ng maikling kuwento.Maaaring ito ay magtapos sa masaya o malungkoto kabiguan.Maari ring ipaloob rito ang paliwanag sa tiyak na sinapit ng mga pangunahing tauhan o kaya`y ipaubaya sa mambabasa ang pagbibigay ng wakas sa akda. Subalit anuman ang maging wakas kailangan ito`y kapu-pulutan ng aral. Mga uri ng maikling kuwento Kuwento ng katutubong kulay o tagpuan Binibignyan ng diin sa kwentong ito ang kapaligiran at pag-uugaling,pananaw,mga ginagamit na salita t pangungup ng mga tao sa isang lugar at tagpuan ang higit na namamayami. Kuwento ng madulang pangyayari
Ang binibigyang diin ay ang pangyayari na
totoong kapuna-puna at makabuluhan at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhang nasasangkot. Kuwento ng tauhan
Ang binibigyang diin sa kwentong ito ay ang
kilos,salita at kaisipan ng tauhan. Kuwentong sikolohiko
Ang mga tauhan ay nilalarawan sa atin ng
kanilang pag-iisip at damdamin. Kuwento ng katatakutan
Ang diin ng kuwentong ito ay nasa damdamin
sa halip kilos na siyang gumaganyak ng pagkawili. Kuwento ng kababalaghan
Ang mga pananabik sa mga bagay na kataka-
taka ang siyang nabibigyang pansin,pagpapaliwanag ng siyentipiko ang ginagamit upang ang paglalahad ng mga kataka-takang pangyayari ay lalong maging kapani-paniwala. Kuwento ng katatawanan
Matanda at kilalang-kilalang uri ng kwento,
ang galaw ng pangyayari ay mahinay at may mangilan-ngilang paglihis sa balangkas nito. Kuwento ng talino Layunin nito ay lumikha ng isang kalagayang masuliranin upang ang mambabasa ay mamalagi sa dilim hanggang sa dumating ang talagang oras at saka ilalahad ang kalutasan na mapagkikilalang napakadali pala naman. Ang ganitong kuwento ay naglalahad ng isang palaisipan at iniiwang walang liwanag o kasaguta. Kuwento ngpagibig Tinatawag din itong kwento ng romansa,pag- ibig ang nangingibabaw ng katangiang pumupukaw sa ating pagkawili. tula Ang tula ay isa ring genre ng nakasulat na teksto.Ito`y nakasulat sa paraang taludturan at saknungan.Ito ay maaaring may sukat at tugma at maari ring malaya. Ang tula ay isang paraan ng pagpapahayag na naglalarawan ng kaisipang nagbibigay hugis sa ibat-ibang anyo ng damdamin sa buhay. Pati ang mga pananalita ng isang makata, nagtataglay ito ng may angking aliw-iw at indayog ng tula.Bilang isang anyo ng panitikan, ang tula ay lubhang nagiging masining at matalinghagang ngunit hindi lumilihis sa katotohanan ng buhay.Ang kahulugan ng tula ay likha at ang makata ay isang manlilikha. Ang isang tula ay maaring may tatlong iinterpretasyon o pakahulugan: yaong sa manunulat, sa mga guro at mag-aaral, bagama`t ang pinakadiwa nito ay iisa lamang. Ayong kay JC Balmaceda,ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan at kariktan na natitipon sa isang kaisipan uoang maangkin ang pinakadiwa nito ay iisa lamang. Ayon kay Regalado, ang tula ay kagandahan,diwa,katas,larawan at kabuuang tonong kariktang makikita sa alinmang langit. Ayon kay Sitwel,ang tula ay ang napataas na antas ng kamalayan(heigthened consciousness). MGA KATANGIAN NG TULA May Diwa Ang magandang diwa sa pagsulat ng tula ay nasa malikhaing pagiisip ng isang makata, nakasalalay sa kanyang magandang pananaw ang kasiningan ng tula. Ang ilan ay dapat na may inspirasyon upang patuloy nilang malikha ang tula sa masining n pagpapahayag. Tugma Ang bawat tunog ng huling pantig sa mga talutdtod ng tula ay kinakailangan na maging maayos, ginagamitan ito ng pagkatugma sa bigkas at diin ng bawat salita. Nagbibigay ito ng kariktan o kagandahan ng paglikha ng tula. Sukat Ang bawat taludtod ng isang tula ay kinakailangan may bilang ang ilang mga tula ay maaring may tigwalong pantig o kaya’y labindalawa at iba pa. Ito ang bahaging nagbibigay ng kaayusan sa bawat saknong ng tula. Magandang pagpapahayag (talinhaga) Ang isang tula ay may katangiang kariktan o magagandang paglalarawan ng mga salita. Ginagamitan ito ng mga tayutay na salita o mga patayutay na pahayag na nagbibigay kulay at ganda sa paglikha ng tula. URI NG TULA Tulang liriko o tulang padamdamin
Matapat, mahimig nagpapahayag ng
damdamin at maaring awitin gaya ng himno, Soneto, Oda, Salmo, at Elihiya. Tulang pasalaysay o epiko
Nagkukuwento o nagsasalaysay ng isang kawil
ng mga pngyayari na maaring tunay o hango lamang sa guniguni gaya ng awit at korido, Epiko at mga tulang kontemporaryo. Tulang dramatiko o pandulaan
Ipanapahayag ng mga tauhan ang kanilng
sarili sa kwento sa pamamagitan ng galaw o salita gaya ng Duplo, karagatan, Komedya, Melodrama at balagtasan.