You are on page 1of 9

Suring Basa

Ang isang suring-basa ay maikling pasusuring pampantikan. Ito ay


naglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro tungkol sa isang kwento,
talata, o sulat.
Naglalayon itong maipakita ang kaisipang matatagpuan sa isang
akda at kung bakit ito mahalaga. Dapat rin nating tandaan na ang
paggawa ng suring basa ay mas madali kapag gumawa muna tayo ng
sinopsis o maikling lagom.

Uri ng Panitikan
Mga akdang tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo
ng pangungusap.

1. Alamat - ito'y mga salaysaying hubad sa katotohanan.Tungkol sa


pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito.
2. Anekdota - ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga
kabanata.Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at
sumasakop sa mahabang panahon.Ginagalawan ito ng maraming
tauhan.
3. Nobela - Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang
kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.
4. Pabula - Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung
saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan.
5. Parabula - isang maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
6. Maikling kwento - ito'y salaysaying may isa o ilang tauhan,may
isang pangyayari sa kakintalan.
7. Dula - ito'y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o
tanghalan.Nahahati ito sa ilang yugto,at bawat yugto ay maraming
tagpo.

in the mome
ve n
Li

t.
Uri ng Panitikan
8. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman
ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
9. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
pangyayari o impormasyon.
10. Talumpati - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.
11. Balita - ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa
labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam
sa mga mamamayan.
12. Kwentong bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na
mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng
matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na
babae.
13. Salawikain - ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay.
14. Kasabihan - kawikaang nagsasaad ng ating karanasan.

Mga akdang patula


Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga
tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng
tauhan.

1. Awit at Korido - isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng


mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may
apat na linya sa isang saknong.

in the mome
ve n
Li

t.
Uri ng Panitikan
2. Epiko - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-
kapani-paniwala
3. Balada - isang uri o tema ng isang tugtugin.
4. Sawikain - ay maaaring tumukoy sa:
A. idyoma - isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal.
B. moto - parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo
ng mga tao.
C. salawikain - mga kasabihan o kawikaan.
5. Bugtong - Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang
pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang
bugtong).
6. Kantahin - ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong
maganda kung gusto rin ito ng makikinig
7. Tanaga - isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman
ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa
pagpapagunita sa mga kabataan.
8. Tula - Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.
Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

Tema o Paksa ng Akda


Paksa o Tema – Ito ay maaaring naglalaman ng mensahe ng may akda
o layunin ng pagkakasulat ng kuwento. Ito ay tumutukoy sa
pangyayari o usapin na binibigyan ng pokus sa akda.

in the mome
ve n
Li

t.
Balangkas ng mga Pangyayari
A. PANIMULANG PANGYAYARI
Sa bahaging ito pininakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan
at tagpuan. Nagsisimula ito sa unang kalagayan na dapat na
mapukaw sa interes ng mga mambabasa na ipagpapatuloy ang
pagbabasa ng akda.
B. PATAAS NA AKSYON
Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga
tauhan na humahantong sa sukdulan.Nahahati ito sa saglit na
kasiglahan at tunggalian na may suliraning lulunasan o lulutasin ng
tauhan.
C. KASUKDULAN
Dito sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi ng
kapanabikan na sanhi ng damdamin o maaksyong pangyayari sa
buhay ng mga tauhan.
D. PABABANG AKSYON
Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa
mga pangyayari sa akda.Dito inihuhudyat ang pababang aksyon na
nagbibigay-daan sa nalalapit na katapusan ng akda.
E. WAKAS AT KATAPUSAN
Ang kinahihinatnan ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa akda
ay inilalahad nito.

Teoryang Pampanitikan
Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng
panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan. Mayroong
iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.

1. Teoryang Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring
payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-
iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-
pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may

in the mome
kaayusan.

ve n
Li

t.
Teoryang Pampanitikan
2. Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng
mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian
ng tao gaya ng talino, talento atbp.

3. Teoryang Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na
maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang
nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at
tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

4. Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang
panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

5. Teoryang Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan
ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng
tauhan.

in the mome
ve n
Li

t.
Teoryang Pampanitikan
6. Teoryang Arkitaypal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang
bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-
basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na
alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat
ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t
isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong
ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

7. Teoryang Formalismo/Formalistiko
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais
niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang
labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit
na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

8. Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturangbehavior
(pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa
kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na
mabago o mabuo ito.

9. Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na
pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro
ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

in the mome
ve n
Li

t.
Teoryang Pampanitikan
10. Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan
ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa
kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na
gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

11. Teoryang Markismo/Marxismo


Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag
sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang
dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa
adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

12. Teoryang Sosyolohikal


Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning
panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito
ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan
ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa
mga katulad na suliranin.

13. Teoryang Moralistiko


Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at
mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong
nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad
ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

in the mome
ve n
Li

t.
Teoryang Pampanitikan
14. Teoryang Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa
buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga
bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

15. Teoryang Queer


Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng
lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay mayfeminismo ang
mga homosexual naman ay queer.

16. Teoryang Historikal


Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao
na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog.
Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng
mundo.

17. Teoryang Kultural


Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga
hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian,
paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

18. Teoryang Feminismo-Markismo


Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng
kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang
halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

19. Teoryang Dekonstruksyon


Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo
sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat
na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi
ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng

in the mome
pagtao at mundo.

ve n
Li

t.
Bisang Pampanitikan
1. BISANG PANGKAISIPAN
Nagbubunsod ito upang tayo ay mag-isip nang may kabuluhan
upang yumabong at yumaman ang ating isipan. Nagiging kawili-wili
at kalugod-lugod ang mabuhay dahil sa bisang ito.

2. BISANG PANDAMDAMIN
Ang ating damdamin ay naantig ng damdamin ng tauhan ng akda.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng : (1) pagpukaw sa ating pandama;
(2)alala; (3) tuwirang pagpapahayag ng damdaming nais ihatid.

3. BISANG PANGKAASALAN
Ang panitikan ay nakakatulong sa paghubog ng pag-uugali. Ang
pagpapahalaga sa bisang ito ay pagkilala sa pagkaresponsable ng
indibidwal at sa pag-angat sa kaniyang kalagayan.

Pamantayan... 100 puntos


Pamagat - 1 puntos Organisasyon - 10 puntos
May akda - 1 puntos Paggamit ng Wika - 10 puntos
Buod - 5 puntos Lalim ng Repleksiyon at Pagsusuri - 10 puntos

I. Panimula (10 puntos)


a. Uri ng Panitikan - 2 puntos
b. Bansang Pinagmulan - 1 puntos
c. Pagkilala sa may akda - 2 puntos
d. Layunin ng akda - 5 puntos

II. Pagsusuring Panglinggwistika (8 puntos)


a. Matatalinghagang salita/pahayag sa akda - 8 puntos

III. Pagsusuring Pangnilalaman (25 puntos)


a. Tema o Paksa ng akda - 5 puntos
b. Mga Tauhan/Karakter sa akda - 5 puntos
c. Tagpuan/Panahon - 5 puntos
d. Balangkas ng mga pangyayari - 5 puntos
e. Kulturang masasalamin sa akda - 5 puntos

IV. Pagsusuring Pampanitikan (20 puntos)


a. Teoryang Pampanitikang nakapaloob sa akda - 5 puntos
b. Bisa sa Kaisipan - 5 puntos
c. Bisa sa Damdamin - 5 puntos
d. Bisa sa Kaasalan - 5 puntos

You might also like