You are on page 1of 15

Teoryang Pampanitikan

- Isang Sistema ng mga kaisipan at


kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa
tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin
ng may-akda sa pagsulat at layunin ng
tekstong panitikan na ating binabasa.
1. Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na
ang tao ang sentro ng mundo.
Binibigyan-tuon dito ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao gaya ng
talino,
talento atbp.
Pananaw Humanismo
a. Ang tao at ang kaniyang saloobin at damdamin ang
pangunahing paksa rito.
b. Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga
natatanging talino –
kakayahan at kalikasan ng tao.
c. Para sa humanista, ang literatura ay kailangang
1. Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop
lamang sa genre nito.
2. May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan
ng anyo.
3. Nakawiwili at nagbibigay – kasiyahan sa mambabasa
2. Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita
na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kaniyang sarili
na siyang pinakasentro ng kaniyang
pananatili sa
mundo (human existence).
Pananaw Eksistensyalismo
a. Malaya ang tao – siya lamang ang maaaring magdesisyon kung paano niya
gugugulin ang panahon niya habang siya ay buhay.
b. Responsible ang tao – siya lamang ang responsible sa kaniyang buhay kahit
pa
ang desisyon niya ay para sa kaniyang kabutihan o kasamaan.
c. Indibidwal ang tao – walang isang tao na kaparehas niya. Ang kaniyang
pagiisip,
damdamin, kaalaman at kamatayan ay kaniya lamang.
d. Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa taong
nakaranas sa pinag – usapan.
e. Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag- ugnayan sa
lipunan at
sa mundo.
f. Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng pagtanggap
niya sa naging bunga ng pagpapasya.
3. Teoryang Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng
mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa
mga kababaihan. Madaling matukoy kung
ang isang panitikan ay feminismo sapagkat
babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan
at ipinamamayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
Pananaw Feminismo
a. Naglalayon itong mawala ang de – kahong imaheng
ibinibigay sa babae.
b. Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan
ng kababaihan sa
matapat na pamamaraan.
c. Sa estilo, malaya ito at karaniwan ang ginagamit na
pananalita.
d. Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko.
e. Sa tauhan, hindi na de – kahon ang mga kababaihan kundi
aktibo na.
4. Teoryang Formalismo/Formalistiko
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa
mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kaniyang tuwirang panitikan. Samakatuwid,
kung ano ang sinasabi ng may-akda sa
kaniyang panitikan ang siyang nais niyang
ipaabot sa mambabasa – walang labis at
walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang- unawa.
Pananaw Formalismo/ Formalistiko
a. Nasa porma o kaanyunan ng akda ang
kasiningan nito.
b. Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling
buhay at umiiral
sa sariling paraan.
c. May mga elemento ang isang akdang
pampanitikan at ang bawat isa ay
kaugnay ng iba pang elemento; magkakaugnay-
ugnay ang mga elemento
upang maging mahusay ang akda.
5. Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
karanasan at nasaksihan ng may-akda
sa kaniyang lipunan. Samakatuwid, ang
panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit
hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng
may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng
kaniyang sinulat.
Pananaw Realismo
a. Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan
para sa realismo.
b. Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri
ng paksa.
c. Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal,
politikal, atbp.)
d. Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang
hinto.
e. Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.
f. Optimistiko ang pananalig na lalaya ang masa sa
pagkakalugmok nito.
6. Teoryang Saykolohikal/ Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga
salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior
(pag -uugali, paniniwala, pagkatao) sa isang
tauhan sa kaniyang akda. Ipinakikita sa akda
na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na
mabago o mabuo ito.
7. Teoryang Naturalismo
Tinatangka nito ang mas matapat,
di pinipiling representasyon ng
realidad.
Pananaw Naturalismo
a. Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awang
kagubatan.
b. Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.
c. Ang indibidwal ay produkto ng kaniyang kapaligiran at
pinanggalingan.
d. Mahina ang hawak ng tauhan sa kaniyang buhay. Pesimista siya sa
simula pa lamang.
e. Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na katangiang moral.
f. Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na katangiang
likas sa tao kaysa katangiang moral.
g. Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.
8. Teoryang Dekonstruksyon
Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-
instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi
lamang wika ang binubusisi nito ngunit pati na rin ang
teorya ng realidad o pilosopiya
at ang pagkakahubog nito sa kamalayang panlipunan. Ang
kahulugan ng isang teksto
ay nasa kamalayan ng gumagamit sa teksto at hindi sa
teksto mismo. Habang isinusulat
ang teksto, ang kahulugan nito’y nasa kamalayan ng
manunulat, ngunit sa oras na nasa
kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay
nasa mambabasa.

You might also like