You are on page 1of 10

Sosyedad at Literatura (SOSLIT) na Modyul

Weeks 1 and 2
Ni G. Virgilio Ventura
Mga minamahal kong mag-aaral ng SOSLIT (Hybrid, Online) at lalo
na para sa mga Offline na mas nilikha ang modyul na ito.

LAYUNIN NG SOSLIT

Inaasahang Matutotohan : Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga


mag-aaral ang mga sumusunod:

Kaalaman

1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa


pamamagitan ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang
na sanggunian sa panunuring pampanitikan.
3. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may
kabuluhang panlipunan.
Kasanayan

1. Maibuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang binasa.


2. Makasulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng
isang akdang pampanitikan.
3. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang
suliraning panlipunan.

Halagahan

1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan.


2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pagsasagawa ng pananaliksik.
3. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunan realidad at ng
panitikan.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika ng
panitikang pambansa na nakaugat sa realidad ng buhay at mga pangarap ng
mga mamamayang Pilipino.

PAKSA (Week 1)

Alinsunod sa layunin ng kursong ito sa unang dalawang lingo na mailatag ang


mga batayang kaalaman sa panunuring pampanitikan, narito ang mga gawain
at katanungan na dapat ninyong sagutin at ibalik sa akin.

1. Mga batayang konsepto sa kursong Sosyedad at Literatura:

1.1. Kahulugan ng Sosyedad (lipunan/society) - isang katawan ng mga


indibidwal na naninirahan bilang mga miyembro ng isang
komunidad/pamayanan.

1.1.1. Batayang elemento ng Sosyedad: indibidwal/tao at ugnayan


(relationship)
1.1.2. Anim (6) na mahahalagang katangian ng ugnayan ng isang
lipunan: pagkakatulad (likeness), katugunan (reciprocity),
pagkakaiba (differences), pagkakaugnay (interdependence),
pagtutulungan (cooperation) at hidwaan (conflict).
1.1.3. Ang Social Contract Theory ay isa lamang sa maraming teorya na
nagtatangkang ipaliwanag ang pinanggalingan at simulain ng
sosyedad o lipunan. At mismo ang social contract theory ay may
tatlong bersiyon at may akda (Thomas Hobbes, John Locke at Jean
Jacques Rousseau). Ngunit sa pagbubuod, ang social contract
theory ay isang kasunduang namagitan sa mga tao o individual sa
isang tiyak na lugar na dati ay namumuhay ng malayang gawin ang
anumang bagay na makakapagpasaya para sa kanilang sarili lamang,
na magkaroon ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang magulo at
mapanganib na buhay na dulot ng kanilang makasariling kasiyahan
at kalayaan.
1.2. Kahulugan ng Literatura (panitikan/literature) - ay tumpok
(body/collection) ng mga akdang nagpapahayag ng kaisipan,
damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa
masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong
anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at natitiyak ang
kawalang-maliw nito (immortality).

1.3. Dalawang Uri ng Panitikan:

1.3.1. PASALIN-DILA - ang panitikan kung ito ay naisalin sa ibang


henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.
1.3.2. PASULAT - paran ng pagsasalin ng panitikan magmula nang
matutunan ng tao ang sistema ng pagsusulat.

1.4. Dalawang Anyo ng Panitikan:

1.4.1. TULUYAN - kung ang nasusulat sa karaniwang takbo ng


pangungusap at sa patalatang paraan.

1.4.1.1. Mga akdang tuluyan o prosa:

 Nobela  Parabula
 Maikling  Anekdota
Kwento  Sanaysay
 Dula  Talambuhay
 Alamat  Talumpati
 Pabula
1.4.2. PATULA - nakasulat sa taludturan at saknungan.

Nobela - isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari


na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng
maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
Maikling Kwento - isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o
impresyon.

 Mga sangkap ng maikling kwento: pangkatauhan,


makabanghay, pangkapaligiran, pangkaisipan, sikolohikal.

Dula - uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o


tanghalan. Karaniwang nahahati sa tatlo o higit pang yugto.

 Uri ng dula na batay sa paksa: komedya, trahedya at


melodrama.

Alamat - salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.


Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil ito’y
likhang-isip.

Pabula - salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging


ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita.

Parabula - mga kwentong hango sa Banal na Kasulatan.

Anekdota - maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay aral sa


mga mambabasa. Maaari itong kasangkutan ng mga hayop o ng mga
bata.

Sanaysay - pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng isang may-akda


hinggil sa isang suliranin o paksa.

 Dalawang Uri ng Sanaysay: pormal at impormal


 Pormal na sanaysay:
Madalas na nagsasalita ang otor o may akda sa antas ng
pagbanggit o pagtukoy sa taong pinag-uusapan (ikatlong
panauhan/3rd person) at gumagamit ng mga panghalip tulad
ng: sila, siya, iyan, kanya, kanila, niya, nila.
 Impormal na sanaysay:
Madalas na ang otor o may akda ang nagsasalita sa antas ng
pagsasalaysay sa kanyang sariling pananaw o mga karanasan
(unang panauhan/1st person) at gumagamit ng mga panghalip
tulad ng: ako, ko, akin, ko, kami, tayo, natin, atin, naming,
amin.
 Tatlong Bahagi ng Sanaysay: panimula, katawan, wakas
 Panimula – ang pinakamahalagan bahagi ng isang sanaysay
dahil ito ang unang mababasa ng mga mambabasa at dapat
makapagpukaw ito ng kanilang atensiyon upang ipagpatuloy
nila ang kanilang pagbabasa sa akda.
 Katawan – sa bahaging ito ng sanysay makikita ang
pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sat ema at nilalaman
ng sanaysay. Dapat maipaliwanag nang mabuti ang bawat
puntos upang maunawaan itong mabuti ng nagbabasa.
 Wakas – ito ang nagsasara sa talakayan naganap sa katawan
ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng
nagbabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.

Talambuhay - kasaysayan ng buhay ng isang tao.

 Dalawang Uri ng Talambuhay: pansarili at talambuhay ng


ibang tao.

Balita – naglalahad ng pang-araw-araw na pangyayari.

Talumpati - pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

1.4.2.1. Mga Akdang Patula:

 Tulang Pasalaysay

-Epiko

-Awit at Korido

 Tulang Pandamdamin o liriko

-awiting bayan -dalit

-soneto -pastoral

-elehiya -oda
 Padula o dramatiko

 Tulang patnigan

PAKSA (Week 2)

Pag-aaral sa saysay ng literatura/panitikan sa lipunan

METODOLOHIYA (Lapit sa Pagtuturo)


Para sa Online, Hybrid at Offline na mga mag-aaral:

Pagbabasa ng dalawang akda hinggil sa papel na ginagampanan ng panitikan sa


lipunan/sosyedad (The Function of Literature ni Dorothy Hall at The
Relationship of Literature and Society ni Michael Albrecht). Ang mga akdang ito
ay nasa loob ng NEO na sistemang pagkatuto ng FCPC.

Para sa Online na mga mag-aaral:

Pagtalakay ng guro at mga mag-aaral sa mahahalagang mga ideya na tinalakay ng


dalawang akda sa pamamagitan ng Zoom o Google Meet. Mainam na pag-isipan
at magtala (notes) rin kayo ng inyong mga kasagutan sa mga tanong na inilatag ko
sa ibabang bahagi ng modyul na ito.

Para sa Hybrid na mag-aaral:

Sagutin ang ilang katanungan na nasa ibabang bahagi ng modyul na ito batay sa
mga nabasa sa dalawang akda at sarili mong interpretasyon tungkol dito. Maari
kang sumangguni sa mga Online na kaklase o sa akin na iyong guro sa mga bagay
na hindi mo naunawaan sa mga binasang akda (student consultation).

Para sa Offline na mga mag-aaral:

Pagtiyak na matanggap mo ang kopya ng modyul na ito upang malaman at


maunawaan ang mga inaasahang gawain mula sa patnubay ng guro para sa
modyul na ito. Kalakip ng modyul na ito ang kopya ng dalawang akda nina:
Dorothy Hall: The Function of Literature ni Dorothy Hall at Michael Albrecht:
The Relationship of Literature and Society.

MGA GAWAIN
1. Ang sumusunod ay isang gawain sa iyong kasanayan sa pagkaunawa ng iyong
binabasa (Reading Comprehension skill).

Aralin at unawain mong mabuti ang mga sumusunod na katanungan at sagutin


ang mga ito batay sa kung ano ang nabasa mo sa dalawang akda (The
Functions of Literature ni Dorothy Hall at The Relationship of Literature and
Society ni Michael Albrecht) na ipinadala ko sa iyo. Mas malamang kaysa
hindi na lalabas ang kaparehong mga katanungan sa mga maikling pagsusulit
(quizzes) o sa malalaki o pangunahing pagsusulit (Prelim, Midterm at Finals).

Para sa mga Online student: Kailangang maisangguni at maihambing mo sa


akin at sa inyong mga ka-klase ang iyong sagot sa bawat katanungan batay sa
kung paano mo naintindihan ang iyong binasa na mga akda. Mayroon kang
pagkakataon at kakayahang gawin ang pagsangguni na ito sa ating talakayan sa
Zoom. Kailangang marinig ko mismo ang iyong mga ideya sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng iyong saloobin/sagot/opinyon sa bawat katanungan.

Para sa mga Hybrid at Offline: Kailangang makapagsulat kayo ng mga


pagtatala (notes) sa isang hiwalay na kuwaderno (notebook) tungkol sa mga ideya
na nabasa ninyo mula sa dalawang akda nina Hall at Albrecht. Ang mga
pagtatalang ito ang siyang magsisilbing sanggunian ninyo sa mga sagot ninyo sa
mga pagsusulit. Sa pagsusulat ninyo ng mga tala (notes), mahalagang
malinaw kung alin doon ang mga ideya ng mga otor/writer (Hall at Albrecht) at
kung ano doon ang sarili ninyong interpretasyon sa mga sinabi nila.

Mahalagang maibalik sa akin ang kopya ng modyul na ito gamit ang email na
may kasagutan na sa mga tanong na nailatag ko na hindi lalampas sa ika-12 ng
Pebrero, 2021.

Huwag kalilimutang isulat ang inyong pangalan at oras at araw ng klase ng


SOSLIT papel na ipapasa sa akin takdang araw (12 Pebrero, 2021). Tingnan at
mariing sundin ang ganitong halimbawa:

Juan de la Cruz SOSLIT Miyerkoles G. Virgilio Ventura


Estudyante Guro

Maga Tanong:
1. Batay sa artikulo ni Dorothy Hall na The Functions of Literature, ano ang
masasabi mo tungkol sa kagustuhan/inspirasyon ng manunulat na magsulat
bilang tagapagmasid (observer), tagapagbigay ng kahulugan (interpreter) at
tagapagtala (recorder) ng mga panlipunang pangyayari o kaganapan at mga
personalidad? (2 pts)
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ngunit sabi rin ni Hall na ang mga manunulat ay hindi kinakailangang maging
moralista (kakayahan ng isang tao na malaman kung ano ang tama at mali) sa
iisang lupon ng mga paniniwala (ideology) o halagahin (values). Bakit kaya
nasabi ni Hall ito? (2 pts)
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Ano ang kailangang gawin ng isang manunulat upang maituring siyang isang
makabuluhang manunulat sa isang lipunan? (2 pts)
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Ayon kay Milton C. Albrecht sa kanyang artikulo na The Relationship Of


Literature And Society, sinabi niya ang mga sumusunod:
“In most theories of the relationship of literature and society reflection,
influence, and social control are implied.”

Ano sa palagay mo ang ibig sabihin sa sinabi niyang ito? Sino ang
nagmumuni-muni? Sino ang may hawak ng impluwensiya at
panlipunang kontrol (social control)? Bakit kinakailangan sa lipunan
ang ganitong mga gawain? (4 pts)

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

5. Ano ang ibig sabihin ng “reflection theory” na binabanggit ni Michael


Albrecht sa kanyang artikulo na The Relationship of Literature and Society?
Paano makakatulong ang teoryang ito sa pagpapaliwanag sa papel na
ginagampanan ng panitikan sa isang lipunan? Maari ninyong isipin kung
bakit may mga mitong (myth) panlipunan na nabuo tulad ng mga kuwento ng
pinagmulan ng tao sa mundo e.g., Adam and Eve vs Si Malakas at Si
Maganda. Bakit magkaiba ang daloy ng pagkakasalaysay ng dalawang
kuwento (5 pts)
________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________
________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

BONUS: 5 pts

Nawa’y pagpalain kayo ng Maykapal.

G. Virgilio C. Ventura
Guro

You might also like