You are on page 1of 24

Pagsusuri

sa mga Piling
Katha
( TULA, DAGLI, MAIKLING KUWENTO )
01 02
Nailalarawan ang mga Natutukoy ang kultura at
katangian ng Pilipino mga pagpapahalagang
ayon sa kalagayang Pilipinong isinasalamin ng
panlipunang mga akda
nakapaloob sa akdang
tinalakay.

03
Nakapagpapahayag
ng mga saloobin sa
mga temang
nangibabaw sa bawat
akda.
01. TULA
Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na karaniwang nahahati sa dalawang anyo, ang
malaya at taludturan. Sa malayang anyo, malaya ang manunulat na gumawa ng tulang
ayon sa kaniya ang haba, tugma, o kung gaano karaming tuludtod o saknong.
 
Wala ring bilang ang pantig nito kaya naman sinasabing mas pagpapahayag ng
damdamin ang nananaig kaysa sa mga panuntunan.
 
Sa kabilang banda, ang isang tulang taludturan naman o tulang pormal ay binubuo ng
mga pamantayan sa pagkakasulat nito. Mayroong mga tulang sinusulat na may bilang
ang pantig sa bawat saknong.
Mayroon ding mga tula na kinakailangan ng tugma sa bawat taludtod. Ang
iba naman ay nililimitahan din ang haba at kabuuan ng tula sa pamamagitan
ng pagbibigay ng bilang sa dami ng saknong.
 
Maliban sa pagiging isinusulat na akda, ang tula ay isa ring akdang
pampanitikang binibigkas. Dito ay binibigyang buhay ng mambibikas ang
bawat tugma, ritmo, at talinghaga nang isinulat na tula. Kailangan ng
damdamin sa pagbigkas nito upang mabisang maipahayag ang kahulugan.
Mga gabay na tanong sa pagsusuri ng tula

1. Sino ang may akda ng tula?


2. Ano ang kaniyang pagkakakilanlan at ano ang dahilan ng pagsulat
niya nito?
3. Ano ang pinapaksa ng tula?
4. Ano-ano ang mga simbolismong ipinakita sa tula?
5. Ano-ano ang mga katangiang Pilipino ang pinalutang?
6. Ano-ano ang mga isyung panlipunan ng Pilipinas ang tinalakay?
7. Nagaganap pa rin ba ito sa kasalukuyan? Sa paanong paraan?
Magbigay ng mga halimbawang kaganapan.
DAGLI .02
Ang dagli o quick/flash fiction ay uri ng kwento na mas maiksi pa sa maikling kwento.
Kadalasan ay hindi ito lalampas sa 1,000 salita, ang iba naman ay pinipilit pang paikliin ito
sa loob ng 200 salita. Layunin nitong magkwento nang hindi naisasakripisyo ang kabuuan
ng mga pangyayari sa pinakakaunting salita.

Bahagyang komplikado ang dagli dahil kung minsa’y para itong tula, alamat, salaysay, at
iba pang mga uri ng kwento. Depende sa manunulat, maaari silang gumamit ng dagli sa
kahit ano mang plataporma gaya ng social media/Twitter na maaaring mag sumite ng
hanggang 140-280 letra.
 
Paano gumawa ng dagli?

Ang dagli ay ginagawa alinsunod sa nga palatuntunang ito:


 
Isaisip na mas maikli pa ito sa maikling kwento. Ito ang depinisyon ng dagli at ang nagtatangi rito kung
kaya’t dapat itong isaisip sa lahat ng oras.
 
Bigyan ng mabibigat na patapos na pangungusap, punchline, o twist ang dagli. Halimbawa nito’y si
inang pala ang dumukot ng pera ko, pinatay niya kanyang ang sarili upang mabuhay ako, o dugo ko
ang tumutulo sa sahig ng banyo.
 
Dapat ay nagtataglay ito ng limang elemento. Ang mga ito ay ang tauhan, banghay, kaaway/kapanayam,
dayalogo, at pagsasalaysay at paglalarawan ng malabis na pangayayari.
 
Katangian
ng Dagli
Ang dagli ay may tatlong pangunahing katangian:
1. Ang ikli nitong mas maikli pa sa maikling
kwento;
2. Pwedeng hindi lumagpas sa isang pahina; at
3. Ang wakas ay hindi konkreto.
 
 
Katangian ng
Dagli Noon
Ang dagli noon, ayon kay Aristotle Atienza na patungkol sa
antolohiya ng kanilang mga nakalap na daglit, ay nagpakikita
ng mga kwentong:
1. May pananaw ng mga kalalakihan sa
patriyarkal na lipunan sa panahon ng Amerika,

2. Ang dedikasyon at pagiging makabayan sa Amerika, at

3. Pagsusuyo’t panliligaw sa mga napupusuang babae.


 
 
Katangian ng
Dagli Ngayon
Naging flash fiction o sudden fiction ang dagli sa kasalukuyan.
Nadagdag din ang pagsusulat na may temang slice of life o pang-araw
araw na karanasan, na kung saan ay laganap sa kasalukuyan.
 
 
Mga gabay na tanong sa pagsusuri
1. Sino ang may akda?
2. Ano ang kaniyang pagkakakilanlan?
3. Ano ang paksang tinatalakay?
4. Ano/ Ano-anong mga katangian/
pagkakakilanlang Pilipino ang naipakita?
5. Ano/ Ano-anong mga isyung panlipunan
sa Pilipinas ang tinatalakay?
6. Nagaganap pa rin ba ito sa kasalukuyan?
Sa paanong paraan?
Magbigay ng halimbawang kaganapan.
 
 
3. MAIKLING
KUWENTO
Ang maikling kwento ay isang masining na uri ng akdang pampanitikan
na naglalaman ng maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang
kaganapan. Ang kathang ito ay maikli lamang kung kaya’t ang pagbabasa
nito ay maaring matapos sa isang upuan o isang impresyon lamang. Ang
mga pangyayari sa akdang ito ay karaniwang nagmula sa malikot na
imahinasyon ng manunulat, maari ding ito ay nakabatay sa sariling
karanasan ng may akda.
 
Ayon naman kay Edgar Allan Poe, ang kinikilalang Ama ng Maikling
Kwento, ito ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at
bungang-isip ng may akda, na maaring hinango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.
 
Mga gabay na tanong sa pagsusuri ng maikling kwento

1. Sino ang may akda?


2. Ano ang kaniyang pagkakakilanlan?
3. Sino-sino ang mga tauhan ng kuwento? Ano-ano ang kanilang pagkakakilanlan?
Ano-anong katangiang Pilipino ang ipinakita nila?
4. Saan ang tagpuan? Anong kulturang Pilipino ang napalutang ditto?
5. Ibigay ang banghay ng kuwento.
6. Ano ang tema ng kuwento?
7. Ano ang isyung panlipunan ang tinatalakay sa kuwento?
8. Nagaganap pa rin ba ito sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawang pangyayari.
Suriin natin!
Pagsusuri ng mga akdang pampanitikan:
1. Tula
Dati pa silang nakangingiti ni Rogelio Ordoñez
2. Dagli
Sahig ni Jomar Adaya
3. Maikling Kuwento
Si Anto ni Rogelio Ordoñez

Panuto:
1. Bigyan ng malayang interpretasyon
ang napiling akda.
2. Malayang makapamimili ng
paraan ng pagbibigay ng interpretasyon.
Tiyakin lamang na lahat ng mahahalagang
detalye sa napiling akda ay maipakikita.
 
Dati Pa
Silang Nakangingiti
Ni Rogelio Ordonez
(Tula – alay sa Lumad nating mga
kapatid)
I. dati pa silang nakangingiti
sa bawat pagbulaga ng araw
kung umagang inaantok pa ang papawirin
at humahalik ang hamog
sa nauuhaw na mga bulaklak sa damuhan
umaawit pa sila dati
tulad ng mga ibong
naglalaro sa kakahuyan
nagsasayaw pa sila dati
gaya ng mga palakang
naglulundagan sa kasukalan
o ng mga isdang pumupusag
sa mabining agos ng ilog
humahabi pa sila dati
ng mumunting mga pangarap
habang payapang nakamasid
puting ulap sa katutubong lupaing
dibdib nila’t tiyan
at kadluan ng masiglang halakhak
ng makukulay na mga alaala.
II. ngunit ngayon, oo,  ngayon,
tumakas ang ngiti sa kanilang mga labi
bumukal sa kanilang mga mata
mga talulot ng lungkot at dusa
namaos na mga tinig nila
di dahil sa halakhak ng pagsinta
kundi sa protesta laban sa inhustisya
laban sa kalupitang nanibasib
sa mga katribo sa lianga
na ngayo’y namamaluktot
nakatulala sa tandag
maulap ang mga mata
maputla ang mga labi
tuliro ang diwa
at kaluluwa’y nag-aapuhap
ng kalinga’t pagmamahal.
III. itinaboy sila ng mga putok ng baril
ng mala-militar na mahat bagani
niligis ng takot
mga pusong lubos na nagmamahal
sa lupain nilang katutubong
himlayan ng sagrado nilang panata
kadluan ng kanilang ligaya’t pag-asa
at muli’t muling
sasalakayin ang kanilang lupain
ng dambuhalang mga makinarya
lalaplapin ang mayamang dibdib
hahalukayin ang ubod ng sikmura
gugutayin ang pinakabituka
dahil gahaman ang mga diyus-diyosan
sa gintong nasa sinapupunan
ng katutubo mong lupaing pinakasasamba…
IV. ngunit hindi iidlip ang habagat
hindi hahalik sa lupa ang mga punongkahoy
hindi mananangis na lamang ang mga damo
o basta na lamang maluluoy ang mga bulaklak
hindi mahihimbing ang mga ilog
at sa saliw ng tagupak ng lintik
at singasing ng kidlat
at tungayaw ng kulog
magkukulay-dugo ang mga ulap
at sisilay na muli ang iyong mga ngiti
buong giliw na pakikinggan ng mga ibon
taginting ng iyong halakhak
mga kapatid naming lumad!
SANGGUNI
AN:
https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-tula
https://gabay.ph/ano-ang-dagli/
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-maikl
ing-kwento/
Maramin
g
Salamat!

You might also like