You are on page 1of 25

MAGANDANG

ARAW PO SA
LAHAT!
M G A L AY U N I N

Kaalaman
1.Matukoy ang kahulugan ng panitikan,
iba’t ibang uri at anyo ng panitikan,
kahalagahan ng panitikan at mga isyung
kinakaharap ng Panitikang Filipino.
Kasanayan
1.Makasulat ng reaksiyong papel na
tumatalakay sa kalagayan ng panitikang Filipino
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling
panitikan.
PANITIKAN
Ang Panitikan ay salamin ng buhay.
Daan sa pag-unlad ng kabihasnan at
pag-bunga ng bagong salinlahi.
Ang panitikan ay isang lakas.
Ang panitikan ay lumilinang ng
nasyonalismo,nag-iingat ng mga
karanasan, tradisyon at mga mithiin.
Ang panitikan ay kasaysayan ng
kaluluwa ng mga mamamayan.
KALIGIRANG KASAYSAYAN
NG PANITIKAN
Ang Panitikan ng Pilipinas ay tumutukoy sa
umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at
anyo ng katutubong panitikan. Naglalaman ito
ng sari-saring anyo at hubog na naglalarawan
sa kalinangan ng mga Pilipino.
VILLAFUERTE 2000
Ang Panitikan ay binigyang katangian ni
Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na
salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May buhay
ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at
dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at ugat
ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan.
SALAZAR 1995
Inilarawan niya na ang panitikan bilang isang
lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa
niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na
maaaring magpalaya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala.
Ilan sa mga katha na humihikayat ng malalim na
pag-iisip ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong
anyo ng karunungang may mataas na antas ng
kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na
matatagpuan sa mga tekstong pampanitikan gaya ng
mga sinaunang anyo ng kuwento, nobela, sanaysay,
talumpati, at anekdota sa piling lathalain man- sa
pasalita o pasulat na kaanyuan.
BAKIT KAILANGAN
NATING MAGBASA NG
PANITIKANG PILIPINO?
URI NG PANITIKAN
AYON SA PAGHAHALIN
1.Pabigkas (Pasalin-Dila) - noong araw ay
hindi pa alam ng ating mga ninuno ang sistema ng
pagsulat kung kaya’t sa pamamagitan lamang ng
bukambibig ay nalilipat-isip.
HALIMBAWA: ALAMAT, KUWENTONG-
BAYAN BUGTONG, AWITING-BAYAN,
KASABIHAN
2. Pasulat (Pasalin-Sulat)- ang mga kaalamang dati
ay bukambibig lamang ay natutuhan nilang isulat sa
mga dahon, balabak ng halaman o maiukit sa mga bato
at kahoy.
HALIMBAWA: Naganap at nagsimula ito noong
matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto,
kabilang na ang mas naunang baybayin at mga katulad
nito.
3. Paelektroniko (Pasalintroniko)- ang pasulat na
tradisyon at bukambibig sa paglipas ng panahon ay
napalitan ng makulay na teknolohiya. Binigyan ng
kulay at mas ginawang masining ang paglimbag nito.
HALIMBAWA: Diskong
kompakto,plaka,rekorder,mga aklat na elektroniko,
kompyuter.
A N Y O N G PA N I T I K A N AY O N S A
PA N G K A L A H ATA N G PA G K I L A L A

. 1.PIKSYON (KATHANG-ISIP)
2.DI-PIKSYON (DI KATHANG-ISIP)
-ANYO NG PANITIKAN AYON
SA GENRE
1. PATULA – ang anyo kapag may sinusunod
na sukat at tugma o sadyang malaya na walang
sukat at tugma.Nabibilang dito ang awit at
korido,soneto,elehiya,oda at iba pa.
2.PATULUYAN- ang anyo kapag sa karaniwang
kasanayan sa pagsasalita ng tao. Mas madaling
basahin at unawain. Nabibilang dito ang
kuwento,nobela at sanaysay.
3.PATANGHAL-ang anyo kapag ipinalalabas sa
tanghalan o isinasadula.Pumapailalim ito sa
dalawang naunang anyo(patula at patuluyan).
KAHALAGAHAN NG
PANITIKANG
PILIPINO
1.Upang makilala natin ang sarili bilang Pilipino, at
matalos natin ang ating pinagyaman ng isip at ang
angking talino ng ating pinanggagalingang lahi.
2.Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid
na tayo’y may dakila at marangal na tradisyong siya
nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang
kulturang nakarating sa ating bansa.
3.Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng
panitikan at makapagsanay na ito’y matuwid at maayos.

4.Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa


pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.
5.Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling
kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating
sariling panitikan.
KALAGAYAN NG
PANITIKANG PILIPINO
SA KASALUKUYAN
-Ang pag-aaral ng ating sariling panitikan ay napakahalaga. Sa
pamamagitan nito ay malalaman, madarama at masusumpungan natin
kung paano nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno. Ito rin po ay
nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng
kasalukuyan sa nakaraan upang sa ganun ay maharap natin ang
darating na bukas na may lakas at talino.
-Sa pag-aaral din natin ng panitikanay mababatid natin ang mga
Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain na
naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan.
1.Hindi tinatangkilik ang sarili nating panitikan
bagkus ay sa mga panitikang banyaga.
2.May mga paaralang hindi ibinibilang ito sa
mga asignatura dahil alam na raw ng mga mag-
aaral ito.
3.Wala ng gaanong sumusulat para basahin ng
kapwa Pilipino.
4.Umaasa na lamang ang mga kabataan ngayon sa
mga pamumuna o pagsusuri ng ibang kritiko na
nalalathala na sa magasin at internet.
5.Malayo na sa pulso ng mga bagong henerasyon
ngayon.
6.May gusot na namamayani sa mga wikang
tinatangkilik.
7.Hindi na lubos na pinag-aaralan ang sariling gawa at mas
bumababa ang antas ng kaalaman sa sariling panitikan.
8.Kawalang halaga sa mga isinulat ng mga dakilang
manunulat.
9.Kulang na sa pagmamalasakit at pagpapaunlad ng sariling
wika at panitikan.
10.Kawalang malay sa mga kaganapang namamayani ang
mga namumuno para sa pagpapaunlad ng panitikangPilipino.

You might also like