Professional Documents
Culture Documents
ii
iii
GASERA: Wika Ay Laya
Mga Tula
R.B. Abiva
Patnugot
iv
GASERA: Wika Ay Laya, Mga Tula
Ikatlong E-Book ng Samahang Lázaro Francisco
E-Mail: samahanglazaro@gmail.com
FB-Page: Samahang Lazaro Francisco
v
NILALAMAN
ABIVA
Ang Wika
Hindi Ako Ang Daigdig
(Apologia Ng Isang Makata)
Saan Yari Ang Aming Parnaso?
DIOKNO
Rehas
Ang Gabing Ito
Kinakamot Ng Makata Ang Kati
BORJA
Kawatan
Maninisid: Katatag Na Pananampalataya
RAMILO
Walang Saysay
PASCUAL
Malaya-Dalisay
LUMBERA
Habilin
Sino Ang Makakapagsabi
Sa Isang Bata
SALES
Salita
Pagtahimik
TIGULO
Aliping Sisi (gaw)
Tugon Po
Mental(ese)
SUPNET
Ningning
vi
CIRILO
Himala
MENDOZA
vii
viii
ix
Sa alaala nina Lázaro Francisco, Amado Hernandez, Rogelio Sicat, Rogelio Ordonez, Ave Perez
Jacob, Bayani Abadilla, at iba pang manunulat na piniling linangin ang wikang sariling atin,
ang Filipino, at sa sumunod/susunod sa kanilang mga yapak kahit pa ang suliranin pagdating sa
wika, edukasyon, at pambansang kaakuhan na [tila] siya ring mga suliranin nila noon.
x
xi
PAUNAWA
Magandang araw!
Iba na ang lagay ng panahon ngayon. Mahirap magbasa. Mahirap magsulat. Mahirap tumula.
Delikado. Para bang panahon ng gawat/ tiempo muerto/ dead season. Ha? Oo! Paano ba naman
kasi’y maliban sa sakmal ng pandemya ang buong mundo’y nakadagdag pa sa pasanin ng
mamamayan at sa kanyang musa ang tila pagpihit paatras ng kasaysayan. Ano ang ibig kong
sabihin? Aywan ko at tila ang buong sibilisasyon, ngayon, ay tila naligaw na naman sa labirinto
ng makamundong pagnanasa at kapangyarihan. Aywan at ang kolektibong kinundina noon na
gulag, represyon, pasismo, at sapilitang pagsupil sa kalayaang magpahayag ng tao’y ito na nga’t
muling bumangon mula sa hukay. Likas nga bang hindi marunong matuto ang mga tao?
Hanggang kailan natin yayakapin ang marahas na pamamaraan sa pagtayo ng sibilisasyon? Sa
ganitong punto’y nais kong banggitin si Adorno na nagwika noon na “Paano tutulaan ng makata
ang masaker sa Auschwitz na hindi malalaglag sa kumunoy ng labis na romantisismo?” Marami
naman ang nagtangka at isa riyan ang Rusong makata na si Yevtushenko sa kanyang tulang
Babi Yar na kanyang alay sa mga 34,000 hudyong minasaker ng Nazi-SS sa Kiev noong
Ikawalang Digmaang Mundiyal.
Gasera ang sentral na tema ng koleksiyong ito, at madaling maunawaan [na para bang sasaluhin
naman agad ng pailalim/paloob na ulo ng akda, Wika ay Laya]. Kung may gasera ay malamang
sa malamang ay may apoy. Pwede rin namang wala itong apoy. At bakit may gasera? Sapagkat
sumasapit ang dilim. Ang pandemya ay isang uri ng dilim. Mas masahol pa’y tinatawag nito ang
diyos ng mga peste. Tama. Ng mga peste.
Sa kabilang banda’y espesyal ang elektronikong libro na ito ng Samahang Lázaro Francisco
sapagkat naisama ang mga nagwaging akda sa Unang Premyo Gasera ng aming samahan. Nais
ko na ring samantalahin ang pagkakataon na ipakilala sa publiko ang tatlong nagwagi sa aming
patimpalaka, sila’y sina Princess Supnet, Neil Cirilo, at Joshua Mendoza. Maligaya kami
sapagkat pinatunayan ng tatlong makata na ito ang pleksibilidad ng wika habang sa kabilang
banda’y pinapakita nila ang paraan at porma kung paano tumula ngayong siglo ang isang
makata.Kung gayon, hindi kalabisan kung sasabihin kong bigo ang pandemya na supilin ang
musa ng isang makata na pinatunayan na noon ng iba gaya na lamang nina Albert Camus sa
kanyang The Plague at Garbriel Garcia Marquez sa kanyang Love In The Time Of Cholera.
Nais ko ring pasalamatan ang mga kaibigan sa panulat na sina Arbie Francisco para sa pabalat
ng aklat, at Rossite Ramilo, Domingo Santos, at Cristobal Alipio para sa paglalaan naman nila
ng panahon bilang mga inampalan sa Premyo Gasera ng aming samahan. Kung wala ang inyong
ayuda ay tiyak hindi maisasakatuparan ang librong ito.
RB Abiva
Patnugot
10 ng Agosto, 2020
xii
xiii
ANG WIKA
Musa ng katawan
at kaluluwang alipin,
na kung busabos man di’y
musa pa rin ng katawan
at kaluluwa laban sa
pagka-alipin.
*Ang tatlong tula ni R.B. Abiva na narito’y nalathala na sa Po(e)(li)tika: Mga Tula (2019).
**Si R.B.Abiva ay nagsusulat sa wikang Ilokano at Filipino, siya rin ay tagasalin, editor,
musikero, pintor, at iskultor. Writing Fellow siya ng 58th UPNWW (Tula), 11th Palihang
Rogelio Sicat (Maikling Kuwento), 6th Cordillera Creative Writing Workshop (Tula), at 9th
Pasnaan- Jeremias A. Calixto Ilokano Writers Workshop (Daniw). Ang kanyang mga
malikhaing akda ay nalathala na rin sa iba’t ibang magasin, pahayagan, at antolohiya. Ang
SANIATA PRIZE 2019 (Ikalawang Gantimpala) ang pinakahuli niyang nasungkit na
pagkilala. Sa ngayon ay kumukuha siya ng M.A- Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng
Pilipinas. Noong nakaraang taon ay kanyang itinatag ang Samahang Lazaro Francisco sa
lalawigan ng Nueva Ecija. Sa kasalukuyan, siya ang literary editor ng SINAG, Opisyal Na
Pahayagan Ng Kolehiyo Ng Agham Panlipunan At Pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas-
Diliman.
xiv
HINDI AKO ANG DAIGDIG
(Apologia Ng Isang Makata)
ang katotohanan,
ako’y ‘sang katiting na butil lamang
na marumi at magaspang;
xv
SAAN YARI ANG AMING PARNASO?
Aabangan ka namin
sa harap ng aming mesa
na yari sa tinabas na puno ng Nara
na nakaharap sa Kalye Dungon
habang kami’y nakaupo na waring sa
isang prinsipe ng lumang Rusya
ni Ivan Na Terible;
hahayaan
naming maging saksi ang isang tasa ng kape
na tinimpla pa ng aming mga kabiyak,
isang panulat na de-tinta, at mumurahing papel
habang kami’y maligaya pa rin sa pagkakaupo
at hinihimay ng aming hintuturo
ang bawat pahina gayundin ng aming mata
na waring aming ginugutay ang bawat titik
sa mga nangangausap na pangungusap
sa bawat kabanata ng nobela ni Munsayac
at kung sino ba talaga sina Anong, Sol at iba pang persona;
at sa sandaling haplusin
ng malamig at mamasa-masang amihan
ang aming batok,
ibaba muna namin ang aming hawak na aklat
na sukat anim ang taas at siyam na pulgada ang lapad
at hahayaang ang aming sarili at kaluluwa na gamutin
nang sumusuyod na bigwas ng paparating na ulan
mula sa mga pinitak ng Palayan at Talavera
sapagkat nakakasugat din pala
ang pasikut-sikot na paglalakbay
tungo sa Bayan ng Liwanag ni Munsayac;
xvi
o putak na mula sa bibig ni Bukowski
habang siya’y lasing na tumutula sa California
na animo’y baryang lumalakatak sa bulsa
ng comprador at kapitalistang walang kaluluwa at hiya;
Wala!
xvii
REHAS
xviii
ANG GABING ITO
Ang haba ng gabi ay hindi makalag-kalag mula sa leeg ng mamamayang himbing pa. Ayon sa
Agham, pinapanawan ng ulirat ang nauubusan ng hangin sa utak. Sa Siklohiya, lumalalim ang
tulog kung walang pinipiling alalahanin. Sa ilalim ng kawalang-malay, namumulat ang
mamamayan sa mga panaginip ng ginto, ng mga patag na kalsada, at ng yumayabong na
kalikasan. Wala ang sangsang ng estero na sabay nilang bakasyunan at palikuran. Wala ang
sulasok ng mga proyektong paiba-iba ng anyo at hindi makakita ng katapusan. Hindi nila
alintana ang mga katawang inilalagak sa burak, lumot, at limot, balot ng plastik at pakeyging
teyp.
Ang gabi ay ang gasgas na metapora ng mga kalungkutang likha ng malalambot na higaan at
unan. Mapanlinlang ang gabi at maraming gawa-gawang mga tungglian upang makipagharutan
sa damdaming laging libog kay Kamatayan.
xix
KINAKAMOT NG MAKATA ANG KATI
xx
xxi
KAWATAN
At sa muling paggising,
Ay nakatali at nakakulong pa rin sa hawla
At wala na sa bisig ang katibayan ng paglaya,
Ang tanging malaya na lamang ay ang ligaw
Na kaluluwa ng bayan, wala na, wala na
Ang pinakaiingatan niyang wika
*Si ALLIAH MARGARITA BORJA ay nasa ikalawang taon sa kursong BSED- Major in
Social Sciences sa Wesleyan University- Philippines. Editor-in-Chief siya ng PECS, at
pambansang kalahok sa Oratorical Speech noong 2014-2015. Naging SSG Governor din siya sa
Wesleyan University- Philippines (Junior High School) noong 2017-2018, presidente ng
xxii
International Association for Science Researches at ng samahan sa Social Studies, Science,
English, at Filipino. Kasapi rin siya sa International Youth Fellowship (2016-2017).
xxiii
MANINISID: KATATAG NA PANANAMPALATAYA
xxiv
xxv
WALANG SAYSAY
Kapara
ng isang kandila
sa lilim ng sigwa.
Mangangapa sa kawalan,
lulutang
ang bawat salita.
Mawawalan ng diwa,
magwawakas ang laya
kapag may busal ang wika.
____________________________
xxvi
xxvii
MALAYA-DALISAY
Ang ibig ko sa
Wika ay malaya,
Tulad ng tula na hindi tinataya
Ang haba ng oras ng pag-iral at pananatili;
Hindi binibilang ang pantig at pinipili
Ang salitang nakakahon
At di makaahon sa paglipas ng panahon.
Malayang tulad ng mga ulap
Na sa langit at lupa'y nakikipag-usap,
Sa kidlat at kulog
Na hindi maigapos kahit sa pagtulog.
Kapara ng hanging may huni at sipol
Sa nayon at lungsod, sa alinmang sibol
Ng dagat at bundok na di maikulong
Ng alingawngaw at bulong.
Walang nagmamay-ari,
Gaya ng wika ng alipin at ng hari;
Tumutubo at tumutubo
Mula sa pagiging katutubo.
Yumayamungmong kahit pinapalampang,
Putulin man, ubrang lunday sa may pampang;
At sa laot, hagkisin man ng daluyong,
May takatak at pag-ugong.
Sunugin man, kung umasó'y magbabaga,
May lagitik ang pagliyab sa gabi man at umaga.
Alipatong kumakalat,
Tumutupok sa marupok, di maawat
Pagkat apoy sa may dibdib
Ng lunggati't pagtitiis.
Nasa liblib
Na libingang iniyakan ng kandila't
Inusal ng mga dila.
Namata'y man ngunit wikang doon sa hukay
Umiigkas na kamao't nabubuhay—
Sapagkat malaya,
Dalisay, walang daya!
08022020
*Si Cristobal Alipio ay kilala bilang Ambrocio Escalante Pascua at Kumander Tagay (KT).
Isinilang at nakatira sa Talavera, Nueva Ecija. Nagtapos ng BSIE sa Nueva Ecija University of
Science ans Technology (CLPC), at kasalukuyang guro sa pampublikong paaralan. Isang
magbubukid na walang lupa, elektrisyan, manginginom, at mangingibig. Siya ang awtor ng mga
libro ng tulang Mga Hunos sa Banos, Ligaw at Diga, at SARESA: Mga Tulang ‘Di Para Sa Iyo.
Siya ay kasapi ng Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo (Batch BAGA-2018), at kalahok na
manunulat para sa tula sa Ikalawang Palihang Lazaro Francisco (2019). Siya ang kauna-
unahang kampeon sa Unang Gawad Lazaro Francisco para sa kategorya ng tula.
xxviii
xxix
HABILIN
xxx
SINO ANG MAKAKAPAGSABI
xxxi
SA ISANG BATA
Sa isang guro,
ang tunay na wika
ay librong may bahid ng dugo
Sa isang makata,
ang tunay na tula
ay kayang bigkasan ng pipi
Sa isang bata
ang tunay na salita
ay bukal ng kamusmusan
xxxii
xxxiii
SALITA
* Si Glen A. Sales ay kasapi ng Angono 3/7 Poetry Society at KATAGA- Samahan Ng Mga
Manunulat Sa Pilipinas, Inc.. Naging National Writing Fellow siya sa tula sa Palihang Rogelio
Sicat 11 sa Unibersidad ng Pilipinas- Baguio noong 2018. Manunulat siya sa Laguna Courier.
xxxiv
PAGTAHIMIK
xxxv
ALIPING SISI (GAW)
Subalit
kung pamumulaklakin
mga salitang sa puso ay taglay
ay kakalampag sa natutulog
at nakangangang mga luklukan
na noong una ay inakalang
sa tamis ng mga dila at salita
ay may kahahantungan.
*Si EDMAR C. TIGULO ay nagmula sa Licab, Nueva Ecija. Dati siyang part time English and
literature instructor sa Central Luzon State University kung saan din siya nagtapos ng Bachelor
of Secondary Education. Sa kasalukuyan, guro siya sa Junior High School Department sa isang
pampublikong paaralan sa kanyang bayan. Advocate siya ng Sustainable Development Goals
(SDGs 2030) at ang Punong Patnugot ng The WritEarth, ang katatatag na samahan ng mga
kabataan na naglalayong magsulat para sa kalikasan. Noong 2019 ay nasungkit niya ang Unang
Gantimpala sa Unang Gawad Lazaro Francisco sa kategoryang maikling-kuwento.
xxxvi
TUGON PO
Tugon po.
Tumugon po.
_______________
xxxvii
MENTAL(ESE)
xxxviii
xxxix
xl
xli
PREMYO GASERA: UNANG GANTIMPALA
NINGNING
xlii
kaya halina't tupdin ang layuning ipinaglaban
ng mga bayaning namatay
na tayo'y magkaroon ng kaisahan
lalo't sa panahon ng Bagong Normal
sa kalagitnaan ng gabing mapanglaw
hatid ng gasera ang liwanag nang pag-asa’y matanaw
na babaunin hanggang sa susunod
na pagputok ng bukang-liwayway
sa malayong silangan
kung saan naroon
ang Perlas ng Silangan
-na aking Inang bayan
__________________
* Ang manunulat ng tulang "Ningning" na si PRINCESS B. SUPNET ay isang guro sa isang
pampublikong paaralan sa Rizal, Nueva Ecija. Siya'y ikinasal sa kanyang asawang si Hurry L.
Supnet at naging bunga ng kanilang pag-iibigan ang kanilang nag-iisang anak na si Kashmir.
Ang makata ay isinilang sa bayan ng Rizal noong Disyembre 11, 1988, at bunsong anak ng mag-
asawang Rogelio at Rosario Baclig. 19 taong gulang siya noong nagkaroon ng sariling pamilya
ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi niya ipagpatuloy ang naudlot na pag-aaral sa
kolehiyo. Nagtapos siya sa kursong BSED- Major in Filipino sa Core Gateway College, Inc. sa
Lungsod ng San Jose, Nueva Ecija. Sa kasalukuyan, siya ay naglilingkod sa Mataas na Paaralan
ng Agbannawag, Rizal, Nueva Ecija bilang isang guro.
xliii
PREMYO GASERA: IKALAWANG GANTIMPALA
HIMALA
“Matutulungan ka ni Elsa,”
basa mo sa kaniyang mga labi.
Kaya dali-dali kang tumungo sa Cupang,
pumila, naghintay, umasa
sa mapaghimalang si Elsa.
xliv
xlv
PREMYO GASERA: IKATLONG GANTIMPALA
xlvi
xlvii
xlviii
“Walang dakilang wika sa alinmang bansa
na ‘di ang nagtaas at naghatid sa tugatog
ay ang kanyang manunulat.”
- Lázaro Francisco
National Artist for Literature
xlix