You are on page 1of 5

Pangalan: Shilley Dynne L.

Baquero

Seksyon: BSEd Filipino 1-A

Asignatura: Panitikan ng Rehiyon

Sentisis

Ang Panitikan ay isang gawa ng tao kung saan nagagawa niyang ipahayag ang kanyang saloobin,
damdamin, karanasan at mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat. Ito rin ay sumasalamin sa kultura ng
mga taong naninirahan sa bansa. Nagpapakita ng ating lipunan at lahing pagkakakilanlan. Kung dati ay sa
pamamagitan lang pagsulat ang isang panitikan, ngayon ay nabago na ito at ang mga akdang binibigkas
or oral literature. Ano nga ba ang kahalagaha sap ag-aaral ng panitikan? Mahalagang pag-aralan natin ito,
lalo na bilang estudyante, dahil sa pamamagitan nito napapakita at naipapakilala ang ating pagka-Pilipino
at naibabahagi ang yaman ng isip at talino ng lahing pinagmulan.

Nagagawa nating ipabatid sa mundo ang kadakilaan ng ating kultura, mas nakikilala at nagagamit
ang kakayahan sa pagsulat at mas naipapakita natin ang pagmamahal sa ating sariling kultura. Sa
pamamagitan ng mga ito, mas mapapaunlad pa natin ang ating panitikan at kultura hanggang sa susunod
na henerasyon. Ang konsepto naman ng panitikan ay ito’y buhay ng tao, ito ay kuhanan sa kultura, at ito
ay lumilinang sa damdaming makabayan at nasyonalismo.

Hindi paman sinakop ng Kastila ang ating bansa, mayroon nang panitikan ang ating mga
katutubo. Halimbawa na lamang ng mga ito ay bulong, salawikain, awiting bayan, at marami pang iba. Isa
na sa mga ito ay ang alamat, epiko, kwentong bayan at mito. Ang alamat ay isang uri ng panitikanna
nagsasaad kung paano nagsimula ang isang bagay. Ang epiko naman ay tulang pasalaysay para sa
kabayanihang nagawa ng isang tao o ng bidang karakter. Kung sinasalaysay ng epiko ang kabayanihan ng
bida, ang kwentong bayan naman ay bahagi ng isang kalinangan na binabahagi ng isang partikular na
pangkat ng mga tao. Sinasasaklaw nito ang mga tradisyon karaniwan sa kalinangan, subkultura, o
pangkat na iyon.

Ang mito naman ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ng
mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang. Kadalasan ito ay naka-ankla
sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa.
Tulad nang sinabi ko kanina, ang panitikan ay hindi lamang tungkol sa mga akdang naisulat. Ang
mga pasanlin-dila ayisa ring uri ng panitikan. Ang pasalin-dila ay naglalarawan sa mga gawang naipamana
o nasalin mula sa dating henerasyon. Kadalasan, ito ay naipapasa sa pamamagitan ng "oral tradition" o
pasalitang tradisyon. Ang awiting bayan ay isa sa mga kultura na pinangalagaan mula sa ating mga
ninuno ay isa sa halimbawa ng pasalin-dilang panitikan. Ito rin ay tinatawag na "kantahing bayan" ng
iilan. Halibawa sa Awiting-bayan ay Soliranin - awit ng mangingisda, Talindaw - awit ng mga bangkero
Oyayi - ginagamit pampatulog ng mga Bata, Diona - para sa mga kinakasal, Kumintang - awit sa digmaan,
Sambotani - inaawit kapag tagumpay, sa digmaan, Dalit - awit sa simbahan, Kundiman - awit sa pag-ibig.

Ang Bugtong ay isang pangungusap na kadalasan nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga
nakakatanda. Itoay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Ibig sabihin
isa rin itong libangan sa unang panahon. Ang naman bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon
ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas. Isang panalangin ang bulong binuhay dahil sa pagnanais
na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap. Halibawa nito ay ang “tabi tabi po” na
sinasabi natin lalo na kapag gabi upang hindi natin maistorbo ang mga di nakikitang nilalang. Ang mga
salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang araq-araw na pamumuhay. Naglalaman
ito ng mga karanungan. Ang sawikain o idyoma naman ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal - sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na
nabuo. Halibawa na lamang nito ay “Nagbibilang ng poste” na ang ibig-sabihin ay walang trabaho.

Kung iisipin natin ang nakaraang mron tayo sa kastila, masasabi nating ito ay masalimuot. Dahil
sa napakaraming kasamaang ginawa nila sa nakaraan, ngunit hindi natin maitatanggi na malaki rin ang
kanilang naging impluwensiya sa ating pamumuhay, pang-ekonomiya at kahit pa sa ating panitikan.
Unang-una ay ang "ALIBATA" na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng
alpabetong Romano. Ay Alibata ay tinatawag nang Baybayin sa kasalukuyan. Pangalawa ay ang pagkaturo
ng Doctrina Cristiana na kinasaligan ng mga gawang maka relihiyon. Pangatlo ay ang pagkakadala ng mga
alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit,
kurido, moro-moro at iba pa.

Pang-apat ay ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang


wikain. Pang-lima naman ay ng pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong
iyon. At dahil nabanggit na natin ang isa sa pinakakilalang libro ng mga kastila, dumako naman tayo sa
mga unang aklat sa panahon ng kastila. Doctrina Cristiana ay ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa
Pilipinas noong 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Aklat ito nina Padre Juan del Placensia at Padre
Domingo Nieva. Sunod naman ay ang Nuestra Senora del Rosario na ikalawang aklat na nalimbag sa
Pilipinas, Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng
Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera. Barlaan at Josaphat ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas.
Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego akda ito ni Juan
Dasmaceno.

Ang Pasyon ay aklat na nauukol sa buhay at pagpapasakit ni kristo. Binabasa ito tuwing Mahal na
araw. Mayroon itong apat na bersyon. Ito ay ang Version de Pilapil, Version de Belen, Version dela
Merced at ang Version de Guia. Ang Urbana at Felisa aklat na sinulat ni Modesto Castro, ang tinaguriang
" Ama ng klasikong Tuluyan sa Tagalog”. Tinalakay sa nobelang ito ang pagpapahalaga sa
pananampalataya sa Diyos, kung saan makikita natin ang mga payo ni Urbana sa kaniyang kapatid na si
Feliza sa kaniyang liham.

Hindi lamang ang mga libro at mga akdang pampanitikan ang naimpluwensiyahan ng kastila sa
ating bansa, pati na rin ang mga dulang panlibangan ay nadala nila rito sa ating bansa. Una rito ay ang
Karilyo kung saan ang mga tauhan yari sa karton na ang anino ay makikita sa isang maputing tabing. Sa
panahon ngayon, tinatawag na itong “shadow puppet”. Kasunod naman ay ang Komedya na nagmula sa
comedian Espanyol noong ika-16 na siglo. Idinidiwang tuwing piyesta kung saan ang mga nagsisiganap ay
nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanilang bibig.
Pangatlo ay ang Awit at Korido na parehong anyong patula. Ang Awit ay salaysay sa pakikipag-kaibigan at
pakikipagsapalaran. Mayroon itong 12 pantig at kailangang mabagal ang bawat bigkas nito. Ang Korido
naman ay salaysay sa pakikipagkaibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punong-
puno ng kababalaghan. 8 ang pantig nito at kailangang mabilis ang pagkakabigkas.

Sunod ay ang Duplo at Karagatan. Ang duplo ay isang laro sa panahon na may lamay upang ang
naulila ay hindi masyadong magdalamhati. Ito ay patula parin ngunit walang sinusunod na sukat at
pantig. Ang karagatan naman ay ginagawa sa bakuran ng bahay kung saan ang isang babae ay
magbibigay ng isang tanong or sanaysay at ang dalawang lalaki naman ay pagalingan sa pagsagot nito.
Ang Moro-Moro ay isang uri ng libangang itinatanghal sa entablado tungkol sa digmaan sa pagitan ng
mga Muslim at Kastila.
Pagkatapos sa mga panlibangan, dumako naman tayo sa Dulang panrelihiyon. Ito parin ay
abilang sa impluwensiya ng mga kastila sa ating bansa at panitikan. Unang-una sa mga dulang ito ay ang
Senakulo. Ito ay ginagawa sa Banal na Araw at ito ay tungkol sa pagpapasakit ni Hesu-Cristo nang ipako
siya sa krus. Sunod ay ang panunuluyan kung saan patungkol naman ito sa paghahanap nina Jose at
Maria ng lugar kung saan isisilang ang batang Hesus. Pangatl ay ang Panubong kung saan nilalagyan ng
mga koronang bulaklak ang ulo ng dalagang may kaarawan. Sunod naman ang Tibag kung saan tungkol
ito sa paghahanap ng krus sa gitna ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Panglima ay ang Santa Cruz ay
Isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng flores de mayo. Isinasalarawan nito
ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino. Ang pasyon (Kastila: pasión
o"paghihirap") ay isang naratibong tula ng Pilipinas, na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula
kapanganakan, pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay.

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga
Amerikano nang dumatng sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastla. Kung
relihiyon ang naipamana ng Kastila sa mga Pilipino, ang panahon ng Amerikano naman ang anging sus isa
pagkakaroon ng publikong paaralan para sa lahat. Sa panahong ito, mayroon paring dula ang mga
Pilipino. Sa katunayan ay naipakilala ng mga Amerkano ang iba pang genre sa mga Pilipino kung kaya mas
napaunlad at mas lumawak pa ang panitikan noon. Isa sa mga dula ay ang Bodabil, kung saan umaawit at
sumasayaw ang mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Isa sa mga unang dulang itinanghal sa
panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na
itinanghal noong Mayo ng 1903 – ang Tanikalang Ginto.

Tulad nga ng sinabi ko kanina, naipakilala ng mga Amerkano ang iba pang genre sa mga dula. Ang
mga ito ay ang Melodrama kung saan may nakakalungkot itong parta sa kwento ngunit kasiya-siya
naman ang naging wakas. Ang trahedya ay kabaliktaran sa komedya dahil ang wakas nito ay hindi kasiya-
siya. Maaring natalo o namatay ang bida sa wakas. Ang Parsa naman ay magkakabit at magkadugtong-
dugtong na pangyayari sa isang kakatuwang palabas. Ang saynete naman ay isa ring uri ng dulang
pantanghal kung saan tungkol ito sa lugar kung saan nagmula ang kwento ng pangunahing karakter.

Ang pananakop ng Hapon ay masasabing gintong panahon dahil ito ang panahon kung saan mas
umusbong ang panitikan ng mga Pilipino. Sa kabila ng mga ideyang ibinigay ng mga Amerkano sa mga
dulang pantanghal, hindi masyadong nagamit ng mga Pilipino ang kanilang sairling panitikan sa panahon
na iyon dahil sa pagbabawal ng mga Amerkano. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga uri ng mga akda
sa panahon ng Hapon. Una ay ang Maikling Kwento kung saan naroon nag Tanaga at Haiku. Ang Tanaga
ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na kinaugaliang ginangamit sa wikang tagalog. May
estruktura itong apat na taludtod at pitong pantig. Naglalaman ito ng matalinghagang pananalita. Sunod
naman ay ang Haiku na naglalayong pumukaw ng ating mga kamalayan upang lubusan nating malaman
at ang ating makita kapaligiran. Ito ay nagsimula sa bansang Japan at inampon ng Pilipinas upang maging
bahagi ng ating panulaan at kultura. Naglalaman ito ng iba't ibang kaisipan katulad ng mga diwa ng pag-
ibig, panalangin, pangyayari, buhay, tao, hayop o lugar. Mayroon itong lalabimpituhing pantig, tatlong
taludtod. Ang unang taludtod ay lima, gitna ay pito at huli ay lima.

At para sa huling parte, alamin naman natin ang iba pang akdang Pampanitikan sa kasalukuyang
panahon. Ang akdang tuluyan o prosa ay mga akdang hindi sumusunod sa istriktong sukat at tugma. Ito
ay nakasulat sa anyong patalata. Alamin naman natin ang mga uri nito. Una ay ang Kwento, ito ay isang
akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at bungang-isip na hango sa isang tunay na karanasan o
pangyayari sa buhay. Mayroon rin itong mga uri katulad na lamang ng Kwentogn Bayan at Maikling
Kwento. Kabilang sa Kwentong Bayan ang Alamat, Mito, at Pabula. Kabilang naman sa Maikling kwento
ang kwento ng tauhan, kababalaghan, madulang pangyayari, pakikipagsapalaran, pag-ibig, katutubong
kulay, sikolohiko at katatawanan

Sunod ay ang Dula na isang uri ng panitikang na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan sa
pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ng kaisipan ng may-akda. Mayroon itong mga uri katulad ng
pantahanan, panlansangan, pantanghalan. Mayroon itong tatlong bahagi ito ay ang yugto, tagpo, at
eksena.

Sunod ay ang Nobela, kung saan ito ay may mahabang pagsasalaysay ng mga kawing na
pangyayari sa loob ng mahabang panahon. Binubuo ng mga kabanata at may maraming tauhanat hindi
nababasa sa iisang upuan lamang. Mayroon itong mga element katulad ng tauhan o actor, tagpuan o
setting, balangkas at pananaw o point-of-view. Ito ay may tatlong uri, una ay ang Unang Pananaw kung
saan ang bidang karakter msimo ang nagsasalita, sunod ay ang ikalawang pananaw kung saan ang
kasama ng bida ang nag-sasalita. Habang ang pangatlong pananaw naman ay ang narrator mismo ang
nagsasalita or ang point-of-view sa kwento.

Ang lahat ng aking natutuhan sa asignaturang ito ay magkakaroon ng malaking epekto sa akin.
Lalo na bilang mag-aaralna nagpapakadalubhasa sa Filipino, mas napalawaka t mas napalalim pa ang
aking kaalaman patungkol sa Panitikang Pilipino. Mas lalo ko pang nabigyan ng kahalagahan ang ating
panitikan, lalo na ang ating pagka-Pilipino, at lalong-lalo na ang pagmamahal sa kultura.

You might also like