You are on page 1of 2

Wika

Ang wika ng mga Ilonggo ay Hiligaynon. Ang Hiligaynon ay may varayti depende sa bayan ng Iloilo.
Karay-a ang isa sa mga dayalekto ng Hiligaynon na may pinakamaraming tagapagsalita.

Mga Pamahiin, Paniniwala, at Kaugalian ng mga Ilonggo tungkol sa Pagdadalan-tao

1. Sa panahon ng paglilihi o "panamkon," kinakailangang ipagkaloob lah ng lalaki ang anumang pagkaing
mahihiling ng babae sapagkat kung hindi, tiyak na makukunan ang kanyang asawa.

2. Hindi maaaring magsuot ng kuwintas o maggantsilyo ang isang babaima nagdadalang-tao sapagkat
maaaring maging mahaba ang pusod ng han at ito ay magiging sanhi ng kamatayan nito. Ipinagbabawal
din ang pagsusuot ng beads sa leeg o kamay o anuman na lumilikha ng gana na bilog. Ipinalalagay na ang
saradong bilog ay may masamang epekto sa isang buntis.

3. Kung lalabas ng bahay sa hapon, kinakailangang maglagay ng tuwalya patadyong o anumang bagay sa
ulo. Pinaniniwalaang ang isang babaing nagdadalang-tao ay tila isang transparanteng baso sa paningin
ng isang aswang at ang batang nasa loob ng tiyan niya ay lantad sa mata nito.

4. Huwag maupo o mahiga sa may pintuan o hagdana bahay kung nagdadalang tao pagkat ito ay
maaaring magbunga ng mahirap na panganganak. Hindi dapat magpatawing-tawing sa baitang ng
hagdan.

5. Bawal ang magpalitrato,

6. Ipinagbabawal rin ang pagtingala kung kabilugan ng buwan o kung may eklipse sapagkat baka
magkaroon ng pinsala ang magiging anak gaya ng pagiging bingot (harelip)

7, Huwag pagtatawanan ang bulag, sungi, o duling at baka sa ganito ay magkakaroon ng kapansanan ang
magiging anak.

8. Huwag paglihian ang mga santo at santa dahil baka mapipi ang magiging anak. Hindi rin mabuting
paglihian ang manyika sa gayong kadahilanan din

9. Ang babaing buntis ay pinapayuhang tumingin sa mga larawan ng magagandang bata upang ang
kanyang sanggol ay magkaroon din ng magandang kaanyuan. Sa panahon ng kanyang pagibig kulay ng
pagkaing kanyang kinahuhumalingan ay kaapekto sa magiging kulay ng kanyang sanggol. Huwag kakain
ng maitim na pagkain tulad ng duhat dahil magiging maitim ang bata. Kung ibig namang magkaroon ng
batang maputi ang kulay, dapat kumain ang naglilihi ng mapuputing pagkain tulad ng buko, singkamas,
at siopao.

10. Ang babaing kumain ng kambal na prutas ay manganganak ng kambal, na maaaring praternal o
identikal Ang praternal na kambal ay siyang bunga ng pagkakain ng ina ng ilang uri ng kambal na prutas.
Samantalang ang identikal na kambal ay ipinanganak ng isang inang kumain ng kambal na saging o
anumang prutas na nabibilang sa isang uri

11. Ang babaing buntis ay di dapat magpagupit ng kanyang buhok sapagkat maaring manganak siya ng
isang sanggol na walang buhok.

12. Ang babaing maaari pang manganak ay hindi hinahayaang kumain ng mga prutas na hindi pa
gaanong napoporma sa takot na makunan ito, gaya ng paniniwala sa Baryo Sambag, Jaro.
13. Sa munisipyo ng Guimbal ay sinusunod ang paniniwalang ito: Ang isang bahay ay hindi maaaring
kumpunihin kapag ang ina ng tahanan ay buntis sapsagkat tiyak na maghihirap ito sa panganganay.

14. Upang hindi mahirapan sa panganganak, ang babaing buntis ay lumalabas ng bahay bago
sumakabilang buhay ang naghihingalo.

Tungkol sa Pagsisilang ng Sanggol

1. Kapag ang panganganay ay mahirap, ang asawa ng babae o sinuman sa pamilya ay bababa ng bahay
na dumaraan sa bintana at gumagamit ng kawayan bilang pinakahagdanan. Ang mga mata ay
nakatingala sa itaas samantalang ang kamay ay nakahandang hawakan o kunin ang anumang bagay na
madadampot sa lupa. Ang bagay na madampot ay pinakukuluan sa tubig at kinukuha ng ina Ang
kaugaliang ito ay sinasabing makapagpapagaan at makakapagpadali sa panganganak ng ina.

2. Kapag ang panganganak ay mahirap, inaakala na ang babae ay may nagawang kasalanan na
malulunasan kapag nangako siyang magtitika ng kanyang nagawa sa harap ng pinagkasalanan. O di kaya
naman ay pinabababa nang pagapang, una ang ulo ng asawang lalaki sa may hagdanan.

3. Ang ina ay binibigyan ng masustansiyang pagkain kapag siya ay nanganganay. Siya ay pinakakain ng
hilaw na pula ng itlog na pinaniniwalaang magsisilbing lubrikante upang madaling lumabas ang bata.

You might also like