You are on page 1of 10

TOPIC 2:

BASIS, SCOPE, OBJECTIVES OF SOCIAL


STUDIES CURRICULUM IN
INTERMEDIATE GRADE
SLIDESMANIA.CO
SLIDESMANIA.CO
Batayan ng K to 12
Araling Panlipunan
Kurikulum
SLIDESMANIA.CO
Nilalayon din ng batayang edukasyon ang pangmatagalang pagkatuto
pagkatapos ng pormal na pag-aaral (lifelong learning). Ang
istratehiya sa pagkamit ng mga pangkalahatang layuning ito ay
alinsunod sa ilang teorya sa pagkatuto na konstruktibismo,
magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning), at pagkatutong
pangkaranasan at pangkonteksto.
SLIDESMANIA.CO
SLIDESMANIA.CO
Naging batayan ng K-12 Araling Panlipunan Kurikulum
ang mithiin ng “Edukasyon para sa Lahat 2015”
(Education for All 2015) at ang K-12 Philippine Basic
Education Curriculum Framework. Layon ng mga ito na
magkaroon ng mga kakayahang kinakailangang sa siglo
21 upang makalinang ng “functionally literate and
developed Filipino.”
SLIDESMANIA.CO
Ang sakop at daloy ng AP
kurikulum ay nakabatay sa
kahulugan nito:
SLIDESMANIA.CO
SLIDESMANIA.CO
Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at
lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at
interaksyon sa kapaligiran at sa isa’t isa, ang kanilang mga paniniwala at
kultura, upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at
miyembro ng lipunan at mundo at maunawaan ang sariling lipunan at ang
daigidig, gamit ang mga kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri
at malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasya, likaskayang paggamit ng
pinagkukunang-yaman, at mabisang komunikasyon.
SLIDESMANIA.CO
Layunin ng Araling Panlipunan ang paghubog ng
mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable,
produktibo, makakalikasan, makabansa, at makatao,
na may pambansa at pandaigdigang pananaw at
pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa
nakaraan at kasalukuyan, tungo sa pagpanday ng
kinabukasan.
SLIDESMANIA.CO
Layunin ng AP
Kurikulum
SLIDESMANIA.CO
Nilalayon ng AP kurikulum na makalinang ng kabataan na
may tiyak na pagkakakilanlan at papel bilang Pilipinong
lumalahok sa buhay ng lipunan, bansa at daigdig. Kasabay sa
paglinang ng identidad at kakayanang pansibiko ay ang pag-
unawa sa nakaraan at kasalukuyan at sa ugnayan sa loob ng
lipunan, sa pagitan ng lipunan at kalikasan, at sa mundo,
kung paano nagbago at nagbabago ang mga ito, upang
makahubog ng indibiduwal at kolektibong kinabukasan.
Upang makamit ang mga layuning ito, mahalagang bigyang
diin ang mga magkakaugnay na kakayahan sa Araling
Panlipunan: (i)pagsisiyasat; (ii) pagsusuri at interpretasyon
ng impormasyon; (iii) pananaliksik; (iv) komunikasyon, lalo
na ang pagsulat ng sanaysay; at (v) pagtupad sa mga
pamantayang pang-etika.
SLIDESMANIA.CO
Thank you!
SLIDESMANIA.CO

You might also like