You are on page 1of 35

Aralin 8

Pakikilahok sa Paggawa
Ayon sa larawan
ano ang nirerepsenta
nito?
Nakikilahok o nakikibahagi
ka ba sa mga proyektong
magpapaunlad sa iyong
paaralan, pamayanan, at
lipunan o bansa?
Ano ang K-PSEP?

• Ang samahang K-PSEP o Kabataang Sektor ng


Pambansang Samahan para sa Edukasyon sa
Pagpapahalaga ay kinabibilangan ng mga
kabataang mag aaral sa sekundarya at
kolehiyo.Dumarami ang mga mag-aaral na
sumasanib sa samahan simula noong Abril
22,1997 sa Zamboanga City.
Artikulo II
Bisyon, Misyon at Layon
• Bisyon
Ang K-PSEP ay isang Pambansang Samahan ng mga kabataang
mag aaral sa sekundarya at kolehiyo na may mithiing maging
tulay at gabay ng kapuwa kabataan at ibang sektor ng lipunan
para sa pagpapaunlad ng mga pagpapahalagang moral at
espiritwal tungo sa kapayapaan, kaayusan, at kaganapan ng
sangkatahuan
Artikulo II
Bisyon, Misyon at Layon

• Misyon
Bilang tulay, ang misyon ng K-PSEP ay tumulong at mapag-
ibayo ang personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos, sa kapuwa,
sa bayan, sa kalikasan, at sa buong mundo.
Bilang gabay, ang K-PSEP ay magsisilbing inspirasyon at
huwaran sa kapuwa na magingkarapat-dapat na anak ng bayan
at ng Dakilang Lumikha.
Artikulo II
Bisyon, Misyon at Layon
• Layon
Maging kabalikat at kaakbay ng Pambansang Samahan
para sa Edukasyon sa Pagpapahalaga (PSEP), Inc. para sa
pagsasakatuparan ng mga layunin ng pambansang
programa ng Edukasyon sa Pagpapahalaga at Moral
Recovery Program.
Artikulo II
Bisyon, Misyon at Layon

• Layon
Mapaunlad at mapalawak ang kaisipan ng bawat
tao tungkol sa VMG (Vision, Mission, Goals) ng
samahan sa pamamagitan ng mga pagtitipon at
talakayan.
Artikulo II
Bisyon, Misyon at Layon
• Layon
• Magsagawa ng mga makabuluhang programa,
proyekto, at gawain upang maisakatuparan
ang gampaning maging tulay at gabay sa
pagpapaunlad ng mga pagpapahalaga
Artikulo II
Bisyon, Misyon at Layon

• Layon
• Makipag-ugnayan sa iba't ibang organisasyon at
ahensiya (GOs, NGOs, at COs) upang sama-
samang maisakatuparan ang nagkakaisang
layunin ng Edukasyon sa Pagpapahalaga.
Pakikilahok
• May kakayahan ang kabataang tulad mo na makilahok
sa mga gawaing makatutulong sa kaunlaran at ikabubuti
ng paaralan, pamayanan, at panlipunan. Ang
pagkukusang lumahok sa kapaki-pakinabang na mga
samahan at proyekto ay pagpapamalas ng pagiging
isang responsableng mamamayan​na handang tumugon
sa mga pangangailangan ng lipunan at bayan.
Pakikilahok
• Ang pakikilahok ay mahalaga sa pagpapatupad ng mga
proyekto o gawain sa komunidad dahil sa pamamagitan nito ay
natututo.Ang pagbibigay-kalutasan sa mga suliraning
kinakaharap ng ating paaralan,pamayanan at lipunan ay
pangangailangan ng tulong ng lahat ng kasapi sa
komunidad.Mula sa pakikilahok ay natututo tayong
makipagtulungan,gamitin ang mga kakayahan,at makiisa sa
pag-abot ng mga mithiing patungo sa pag-unlad at ikabubuti ng
nakararami.
Pakikilahok
Tulad halimbawa ni Efren Geronimo Peñaflorida, nagtatag at namuno ng Dynamic
Teen Company sa murang edad 16 taong gulang. Naglalayon ang kanilang samahan
na magbigay ng alternatibong edukasyon sa mahihirap at palaboy na kabataang
Pilipino. Si Efren at ang kanyang mga kasama ay nagpupunta sa mga sementeryo at
mga tambakan ng basura upang magturo sa mga mahihirap na kabataan.Maraming
maralitang batang Pilipino ang nakapag- aral at natuto sa pamamagitan ng kanyang
programang "kariton klasrum." Noong Marso 2009, itinampok si Peñafloridana
Bayani ng Taon ng CNN bilang bahagi ng programa ng network na nagpaparangal
sa mga indibidwal na may kahanga-hangang kontribusyon sa pagtulong sa kapwa
Pakikilahok
• Ang pakikilahok ng bawat kasapi ng pamayanan ay nangangahulugan
ng partisipasyon sa pamamagitan ng paggawa o pagkilos upang
mapaunlad ito. Bawat isa sa atin ay inaasahan na makalahok sa mga
gawain na makatutulong sa grupo o lipunan na ating kinabibilangan.
Ang sumusunod ay mga organisasyon sa paaralan na maaaring salihan
upang ang kabataang tulad mo ay magkaroon ng pagkakataon na
makibahagi sa pagtugon sa mga pangangailangan ng lipunan at bayan
tungo sa kabutihang panlahat at pagunlad ng pamayanan.
Pakikilahok
• Ang Boy Scout of the Philippines ay naglalayong matulungan ang mga
kabataan na pagyamanin ang mga pagpapahalaga at taglayin ang mga
kasanayan ng isang responsableng mamamayan at lider.
• Gayundin naman ang Girl Scout of the Philippines na nagnanais
namatulungan ang mga batang babae at kababaihan na maunawaan ang
kanilang pananagutan at tungkulin sa sarili, tahanan, bayan at pamayanan. Ilan
sa kanilang mga gawain ay ang sumusunod: clean up drive, tree planting,
feeding program at iba pang serbisyo para sa komunidad at pamayanan.
Pakikilahok
• Samantala ang paglahok sa Red Cross Youth (RCY) ay
makapagbibigay ng mga pagkakataon sa mga kabataan upang
makibahagi sa pagtataguyod ng kapakanan pantao at
mabuting pamumuno. Layon nito na makintal at maisabuhay
ang pangangalaga sa kalusugan, pagpapaunlad ng pamumuno
sa pamamagitan ng paghahatid sebisyo at pagtataguyod ng
pambansa at internasyonal na pagkakaibigan.
Pakikilahok
• Ang Youth for the Environment in School Organization
(YES-O) ay isang organisasyon na may mithiin na
mapanatili at mapangalagaan ang ating mga
pinagkukunang yaman. Ito ay ginagawa sa
pamamagitan ng pagbibigay kamalayan ukol sa
kapaligiran at aktibong pakikilahok sa mga isyung
pangkapaligiran upang maitaguyod ang sustainable
development.
Pakikilahok
• Ang Journalism Club ay itinaguyod upang mapaunlad at maisulong ang
pangkampus o pampaaralang pamahayagan bilang paraan para
palakasin ang mabuting katangian, himuking maging kritikal at
malikhain ang kaisipan, at paunlarin ang mabuting pagkatao at disiplina
sa sarili ng mga kabataang Pilipino.
Ang Supreme Student Government (SSG) ay may layuning
maimpluwensyahan, matulungan at mahubog ang mga mag-aaral na
pinuno na maging mapagmatyag, aktibo sa kanyang paaralan,
komunidad gayun din sa kanyang bansa sa positibong pamamaraan.
Pakikilahok
• Hindi dapat iniaasa lamang sa kamay at kilos ng mga
lider o tagapangasiwa ang pag- unlad ng pamayanan.
Tunay ang iyong pakikilahok kapag ikaw ay handang
gumawa kasama ang iba pang kasapi ng pamayanan
para sa ikauunlad at ikabubuti nito. Laging tandaan na
ang pakikilahok ay napakahalagang bahagi sa
pagpapaunlad ng pamayanan.
Pakikilahok
• Ang bukal na pakikilahok at pagsali sa mga gawain at samahan
na naglalayon na makabawas ng suliranin ng paaralan,
pamayanan, at lipunan ay mahalaga. Bilang responsableng
mamamayan ng ating lipunan, nais nating laging makatugon sa
paglutas ng mga isyu at problema, subalit hindi sa lahat ng
pagkakataon ay maaari natin itong magawang nag-iisa. Mas
magiging madali ang paglutas sa anumang suliranin kung tayo
ay makikilahok at magiging katuwang sa paggawa ng mga
hakbangin tungo rito.
K-PSEP
• Maraming mga organisasyon o samahan sa inyong paaralan at
pamayanang kinabibilangan na itinatag para sa ating kapakinabangan. Ang
pagsali at pakikilahok sa mga samahang ito ay huhubog sa iyong pagkatao
at nagdudulot ng kabutihan sa pamayanan. Tulad ng paglahok sa K-PSEP
o ang Kabataang Sektor ng Pambansang Samahan para sa Edukasyon sa
Pagpapahalaga. Ang K-PSEP o ang Kabataang Sektor ng Pambansang
Samahan para sa Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa mga paaralang
publiko at pribado sa antas sekundarya ay itinatag noong Marso 24, 1999
(DECS Order No. 134 Series 1999).
K-PSEP
• Ito ay isang samahan ng mga kabataang mag-aaral sa mga paaralan sa Pilipinas.
Ito ay sangay ng isang samahan na ang tawag ay Pambansang Samahan para sa
Edukasyon sa Pagpapahalaga (PSEP) na ang mga kasapi ay mga guro at opisyal
ng mga paaralang pampubliko at pampribado sa ating bansa. Ang layunin ng
mga kasapi ng K-PSEP ay tumulong sa kanilang mga guro upang mapatotohanan
ang mga layunin ng pambansang programa para sa pagpapabuti ng kagandahang-
asal. Layunin ng kilusang ito na magkapit-bisig ang lahat ng sektor ng lipunan
para mabawasan ang maraming problema ng lipunan na nagpapabagal sa
inaasam nating kapayapaan, katarungan, kapanatagan, at kaunlaran.
K-PSEP
• Pinalalakas ng K-PSEP ang likas na kakayahan ng kabataang Pilipino na
magmalasakit sa kapakanan ng iba at hindi pansarili lamang. Sinisikap din ng
samahang ito na isangkot ang mga kabataang mag-aaral sa sekundarya at tersyarya
na tumulong na mapabuti pati ang kapakanan ng pamumuhay sa pamayanan. Ang
mga proyekto at gawain tulad ng Character Building workshop na magpapabuti sa
kagandahang asal, feeding at gift giving program para sa mga mahihirap, Clean and
Green program para sa pangangalaga ng paligid at kalikasan ay ilan lamang sa mga
proyektong pinangungunahan at patuloy na isinusulong ng K-PSEP. Ang pakikilahok
at pagsali sa bisyon, misyon, at layunin ng K-PSEP ay makatutulong sa
pagpapaunlad ng ating sarili, lipunan, at pamayanan.
Mga Gabay at Tuntunin sa Pagbubuo ng
Inyong Pampaaralang Sangay ng K-PSEP
• Marangal na hangarin ang pagtulong sa kapuwa sa
pamamagitan ng pagsali sa Kabataang Sektor ng Pambansang
Samahan ng Edukasyon sa Pagpapahalaga (K-PSEP). Bukas-
palad na gagabayan kayo ng inyong guro kung kayo ay
maaakit na sumali sa K-PSEP Kung may sangay ng PSEP
(Pambansang Samahan para sa Edukasyon sa Pagpapahalaga)
ay mapabibilis ang pagbubuo ng inyong binabalak na K-
PSEP
Mga Gabay at Tuntunin sa Pagbubuo ng
Inyong Pampaaralang Sangay ng K-PSEP
• 1. Maghalal sa pamamagitan ng balota ng sumusunod na pamunuan na may labinlimang
opisyal:
• Pangulo
• Pangalawang Pangulo
• Kalihim
• Ingat-yaman
• Tagasuri
• Tagapagbalita
• Siyam na board members
Mga Gabay at Tuntunin sa Pagbubuo ng
Inyong Pampaaralang Sangay ng K-PSEP
• 2.Pasulatin ang opisyal ng inyong
samahan ng isang liham petisyon upang
mapabilang sa pambansang samahan ng
K-PSEP sa Kamaynilaan. Ito ay sasang-
ayunan ng korum ng mga opisyal.
Mga Gabay at Tuntunin sa Pagbubuo ng
Inyong Pampaaralang Sangay ng K-PSEP
• 3. Ang inyong pampaaralan sangay ay
maghahalal ng isang kinatawan (maaaring
ang pangulo para sa pambansang
pamunuan)na siyang magsisilbing tagapag-
ugnay sa pagitan ng pamunuan at ng
pampaaralan sangay.
Mga Gabay at Tuntunin sa Pagbubuo ng
Inyong Pampaaralang Sangay ng K-PSEP
• 4. Ang inyong pampaaralan sangay ng
K-PSEP ay magkakaroon ng sariling
konstitusyon at saligang-batas na
tutugon sa layunin at adhikain ng K-
PSEP
Mga Gabay at Tuntunin sa Pagbubuo ng
Inyong Pampaaralang Sangay ng K-PSEP
• 5. Ang inyong pampaaralan K-PSEP ay gagawa ng
batas at tuntunin alinsunod sa mga probisyon ng
pambansang K-PSEP.
• 6. Upang masubaybayan at matulungan ang inyong
pampaaralan sangay, ipabatid sa pambansang samahan
ang inyong proyekto.
• Tandaan na laging sundin ang mga direksiyon o mga
paalala na ipinaliliwanag sa inyo ng inyong gurong-
tagapayo ng K-PSEP. Maging malaya rin na magtanong at
humiling ng paglilinaw sa mga hakbang na gagawin
habang sinusunod ang mga hakbang sa pagbubuo ng
inyong pampaaralan K-PSEP. Pagtibayin ang inyong
dakilang adhikaing makatulong sa mararangal at
malabayaning hangarin ng pambansang samahan ng K-
PSEP. Bumuo ng inyong sangay ng K-PSEP. Kayang-kaya
kung sama-sama. Sumama at makilahok na tayong lahat sa
K-PSEP sa ating paaralan
RECITATION!!
Mga Katanungan:

1.Bakit mahalaga ang pakikilahok o partisipasyon


sa paggawa?
2.Ano ang kahulugan ng pakikilahok?
3.Ano ang K-PSEP?
Mga Katanungan:

4.Ano ang misyon ng K-PSEP?


5.Ano ang bisyon ng K-PSEP?
6.Sa tingin niyo dapat lang ba na iasa
ang pag-unlad ng pamayanan sa lider?
Mga Katanungan:
7.Ano ang layunin ng Youth for the Environmental
in School Organization (YES-O)?
8.Ano ang konklusyon na makukuha natin sa
Pakikilahok?
9.Kayo ba ay nakilahok o nakibahagi sa mga
proyekto na mayroong pagkakaisa? Magbigay ng
halmbawa.
Mga Katanungan:

10.Kailan itinatag ang


K-PSEP?
Salamat sa Inyong Pakikinig!!

You might also like