You are on page 1of 1

PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO

Maraming mga pagbabago ang iyong nadarama sa iyong sa bawat araw. Kung ikaw ay isang
mapagmasasid na mag-aaral, may mapapansin kang mga taong gumagawa ng paraan upang maitawid
ang kanilang mga pangangailangan sa lipunan. Ilan sa kanila ay makikita mo ring gumagawa ng mga
gawaing manwal tulad ng paglilinis ng kalsada, pagpipintura ng mga mural, at iba pa. Bagama’t ang
mga karamihan sa kanila ay sumasahod o tumatanggap ng suweldo, may ilan sa kanilang kusa itong
ginagawa dahil nais makatulong sa pamayanan.

Ang mga inaasahang kaalaman, pang-unawa, at kakayahan na matututunan mo sa araling ito ay ang
mga sumusunod:

* Naiuugnay ang kahalagahan ng paglahok at bolunterismo sa paggawa, pag-unlad ng


mamamayan at ng lipunan.
* Nakapagsusuri ng kuwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng
kanilang buhay sa pagboboluntaryo.
* Naipaliliwanag ang batayang konsepto ng aralin.
* Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o mga sektor na may partikular na
pangangailangan.

Ang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng bolunterismo ay hindi lamang gawain ng mga Kristiyano.
Ito ay prinsipyo ring sinusunod ng mga muslim at iba pang relihiyon, organisasyon, at nino man dahil
ang bolunterismo ay paraang nagdudulot ng iba’t ibang pagkakataon sa aspetong emosyonal ng isang
Indibidwal at aspetong panlipunan. Sa tulong ng bolunterismo at ng pakikilahok, at nagdudulot ito ng
pagkakataong makapamili ng mga gawaing ikasisiya niya; mga gawaing nagdudulot ng personal na
paglago; at nais na kontribusyon sa lipunan.

KAHULUGAN NG PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO

BOLUNTERISMO PAKIKILAHOK
* Isang mabuting paraan upang makapag lingkod * Isang tungkulin na kailangang gawin.
at makatulong sa kapwa.

* Ito ay pagpapakita ng pagmamahal sa pamama- * Nagagamit ang mga kakayahan at kaalaman


gitan ng paglaan ng oras at panahon sa kapwa. upang makamit ang kabutihang panlahat

* Ito ay isinasagawa nang walang * Ito ay nangagailangan ng pag-oorganisa at


pag-aalinlangan may mawalang benepisyo kung maayos na komunikasyon sa panig ng mga
sakaling ito man ay isagawa o hindi, dahil sa maglilingkod upang mabuo ang sama-samang
prinsipyo ng pagtulong tanging ang tawag ng pagpapasya na mahalaga sa pagkamit ng layunin.
konsensiya ang namamayani sa pasasakatuparan
ng gawain.

* Isang mabuting paraan sa mga kabataan upang * Nakikilala niya ang sariling mga kakayahan at
matukoy ang kanyang propesyon sa pamamagi- talento sa pagiging aktibong kasabi ng pangkat.
tan ng pagtugon sa tawag ng paglilingkod.

* Sa bolunterismo, nakabubuo ng sistema ng * Nangangailangan ng suporta upang mapadali at


suporta at relasyon sa mga tao ring naglilingkod. maisakatuparan ang mga gawain.

You might also like