You are on page 1of 10

Ikalawang Markahan

IKAPITONG LINGGO

Pangalan: _______________________________________

Baitang at Pangkat: ____________________________

Guro: _______________________________________

Page | 1
Alamin Natin

Layunin:

1. Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng


mamamayan at lipunan
2. Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking
bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo

Subukin Natin

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng
pinakaangkop na sagot. Maaari ding sagutan ang mga tanong sa link na nasa
ibaba. Huwag kalimutang i-save o i-screenshot ang inyong iskor at ibigay sa guro.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdWE2D7g2dNYtbvUqmNqh8Mz1WBflA
xjtJKNMTakXJAU9jsFQ/viewform?usp=sf_link

1. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang ______.
A. kakayahan B. pananagutan C. responsibilidad D. kabutihang-loob
2. Ito ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
A. pakikiisa B. bayanihan C. pakikilahok D.
bolunterismo
3. Nakikibahagi siya sa lipunan bilang isang aktibong kasapi nito upang magkaroon
ng kaganapan ang kanyang ___________.
A. buhay B. sarili C. kaluluwa D. pagkatao
4. Ang pagtulong mo sa iyong mga kamag-aaral sa asignaturang hindi nila
maunawaan ay tinatawag na ___________.
A. pakikiisa B. bayanihan C. pakikilahok D.
bolunterismo
5. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
A. pakikilahok B. bolunterismo C. bayanihan D. pakikiisa

B. Panuto: Piliin ang salitang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng


tamang konsepto at Mali kung hindi tama ang konsepto nito.Isulat ang iyong sagot
sa patlang.

_____6. Mahalaga ang pakikilahok sapagkat magagampanan ang mga gawain o


isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
_____7. Ang Pakikilahok ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat
kung ito ay hindi mo isinagawa ay mayroong mawawala sa iyo.
_____8. Isang mahalagang paraan para matugunan ang mga isyu sa lipunan ay ang
pakikilahok sa mga gawaing politikal.
Page | 2
_____9. Ang salitang Bolunterismo ay marami ding katawagan tulad ng bayanihan,
damayan, kawanggawa o bahaginan.
_____10. Isang kabutihang naidudulot ng pagsasagawa ng Bolunterismo ay
nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa
iba.
_____11. Mangyayari lamang na masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap ng
lipunan kung ang mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga
isyung panlipunan.
_____12. Ang pagbabahagi ng talento sa iba ay halimbawa ng bolunterismo.
_____13. Ang pagboto ay isang paraan ng pakikilahok sa lipunan.
_____14. Ang pakikiisa mo sa iyong barangay sa paglilinis ng paligid ay tinatawag
na bolunterismo.
_____15. Ang kuwento ng isang 52-anyos na guro na nasawi matapos mabagsakan
ng puno habang tinutulungan makalikas ang kaniyang mga kababayan ay
nagpapakita lang ng kawalang pagpapahalaga sa kanyang buhay.

Balikan Natin
Mga Layunin Ng Paggawa

Panuto: Tukuyin ang mga layunin ng paggawa gamit ang mga larawan sa ibaba
bilang gabay sa pagsasagot. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. 2.

3. 4.

Page | 3
5.

Tuklasin Natin

Panuto: Isulat sa patlang ang mga salita na nagbibigay-kahulugan para sa iyo ng salitang
Pakikilahok at Bolunterismo.

1. Pakikilahok

2. Bolunterismo
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Talakayin Natin
Pakikilahok at Bolunterismo Tungo sa Kabutihang Panlahat

Ang Pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na


mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga
sapagkat:

1. Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang


pangangailangan ng lipunan.
2. Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
3. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat.

Ang Pakikilahok ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat kung ito ay
hindi mo isinagawa ay mayroong mawawala sa iyo. Halimbawa: ang paglahok sa pangkatang
gawain na pinapagawa ng guro, o paglahok sa pulong ng kabataan sa barangay.

Page | 4
Nagbibigay ito sa tao ng makabuluhang pakikitungo sa lipunan na kung saan ang
bawat nakikilahok ay dapat tumupad sa kaniyang tungkulin para sa kabutihang panlahat. Ang
obligasyong ito ay likas dahil sa taglay na dignidad ng tao. Ang pakikilahok ay makakamit
lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang pananagutan. Mula dito makakamit ang
Kabutihang Panlahat.
Mula sa pakikilahok, nahuhubog ng tao na mapukaw ang kaniyang damdamin at
kaisipan na siya ay kasangkot at kabahagi ng kaniyang lipunan sa pagpapalaganap ng
pangkalahatang kabutihan. Ito ay maipapakita sa pamamagitan ng:
a. Paggalang sa makatarungang batas
b. Pagsisikap na maging masigasig sa tungkulin tulad ng pagtataguyod ng maayos na
pamilya at pagiging tapat sa gawain.

Ang pakikilahok ay hindi dapat minsanan lamang kundi isang patuloy na proseso
hangga’t kaya mo at mayroon kang kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong lipunan. Dahil
dito, nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.

Sa pamamagitan ng Pakikilahok ang tao ay nagiging mapanagutan hindi lamang sa


kanyang sarili kundi sa kaniyang kapuwa. Nakilala niya ang kaniyang mga kakayahan,
talento at kahinaan na makatutulong upang magkaroon siya ng tiwala sa kanyang sarili.
Nakikibahagi siya sa lipunan bilang isang aktibong kasapi nito at nagkakaroon ng kaganapan
ang kanyang pagkatao.

Isa pang halimbawa ng pakikilahok ay ang Politikal na Pakikilahok. Ito ang


nagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan para makamit ang tinatamasang mabuting
pamamahala. Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang
solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Mangyayari lamang ito kung ang
mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga isyung panlipunan.

Sa kabila ng kahalagahan ng pagiging mulat sa mga


isyung panlipunan ay mas mahalaga rito ang pagtugon
mismo ng mamamayan. Isang mahalagang paraan para
matugunan ang mga isyung ito ay ang pakikilahok sa mga
gawaing politikal.

Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak


na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang
pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na
ginagarantiyahan ng ating Saligang-batas.
Ang pakikiisa sa iyong barangay sa paglilinis
ng paligid,
pagbabahagi ng
talento sa iba, ang pagtulong mo sa iyong mga kamag-
aaral sa asignaturang hindi nila maunawaan o ang
pagtuturo mo sa iyong kapitbahay na may maliit na anak
na magbasa at magsulat sapagkat hindi sila nakapag-aral
at marami pang iba ay ilan lamang na maaaring gawin ng
kabataan. Alam mo ba ang tawag sa mga ito? Ito ay bolunterismo?

Page | 5
Ang Bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod
at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan.Ito ay
pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang
kapalit. Ito ay marami ding katawagan tulad ng bayanihan,
damayan, kawanggawa o bahaginan.
Sa panahon ng kalamidad, lumulutang ang mga kwento ng
bayanihan. Mga taong handang isugal ang buhay para sa
kapakanan ng iba. Sa Concepcion, Iloilo, isang 52-anyos na guro ang nasawi matapos
mabagsakan ng puno habang tinutulungan makalikas ang kaniyang mga kababayan.
Sa ulat ni Jennifer Muneza ng GMA-Iloilo sa GMA
News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Biyernes, sinabi ni
Gng. Estrella Landera na pinigilan niya ang anak na si Rogelio
na huwag nang sumama sa rescue operation dahil sobrang
malakas ang bagyo. Pero nanindigan umano ang gurong si
Rogelio na magampanan ang kaniyang tungkulin bilang rescue
volunteer nang sandaling iyon.
Sa kasagsagan ng pananalasa ni Yolanda, ilang kababayan ang pinuntahan at
pinasakay ni Rogelio sa trak para lumikas. Pero dahil sa lakas ng hangin at ulan, isang puno
ang bumagsak sa trak at mapuruhan ang guro na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Ngayong wala na si Rogelio, inaalala ngayon ng pamilya ang kinabukasan ng apat na anak na
kaniyang naiwan lalo pa'y siya lang ang inaasahan ng pamilya. Umaasa ang pamilya na
sana'y matutulungan sila ng pamahalaan. -- FRJ, GMA News
Kabutihang Naidudulot ng Pagsasagawa ng Bolunterismo:
1. Nagkakaroon siya ng personal na pag-unlad.
2. Nakapagbibigay siya ng natatanging kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
3. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
4. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang
kanyang sarili.
Mula sa benepisyo nito, naiaangat ang pagkatao ng tao at nagiging mapanagutan siya
sa kanyang lipunan na nagiging daan tungo sa kabutihan ng lahat.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang kahulugan ng pakikilahok at bolunterismo?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo sa ating lipunan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Page | 6
Pagyamanin Natin

Panuto: Buksan ang link na nasa ibaba at suriin ang kwentong buhay ng taong inilaan ang
malaking bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo at sagutin ang sumusunod na
mga tanong na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

www.youtube.com/watch?v=acde5nWRqHM

Mga Tanong:

1. Batay sa napanood mong dokumentaryo, ano ang naging kahanga-hangang


kontribusyon ni Efren Peñaflorida sa lipunan?
2. Sa iyong palagay, kaya mo rin bang gawin ang kahanga-hangang bagay na ito na
ginawa ni Efren Peñaflorida para sa kanyang kapuwa? Ipaliwanag.

Tandaan Natin

• Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan,


panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan at papel sa lipunan, ay
makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

• Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o


paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang pananagutan.

Isabuhay Natin

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Punan ng hinihinging ideya ng graphic organizer.
Isulat sa isang buong papel ang inyong sagot.

BAKIT MAHALAGA
ANG PAKIKILAHOK?

1. 2. 3. 4.

Page | 7
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano-ano ang malaking maitutulong sa ating lipunan sa kasalukuyan ng pakikilahok at


bolunterismo?
2. Paano mo ito maisasagawa nang bukal sa iyong kalooban na nagpapakita ng
pananagutan sa iyong kapuwa?

Tayahin Natin

A. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag o sitwasyon ay tumutukoy sa salitang


Pakikilahok o Bolunterismo. Isulat ang iyong sagot sa patlang. Maaari ding sagutan
ang mga tanong sa link na nasa ibaba. Huwag kalimutang i-save o i-screenshot ang
inyong iskor at ibigay sa guro.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdh3hPTxfgk3VpQ__GcoOS0Q9EqYrQx_
WyIA9PUH0sMseTQDQ/viewform?usp=sf_link

_____________ 1. Pakikiisa mo sa iyong barangay sa paglilinis ng paligid.


_____________ 2. Ito ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
_____________3. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
_____________4. Pagboto tuwing eleksyon o halalan sa inyong barangay.
_____________5. Pagbabahagi mo ng iyong talento sa iba.
_____________6. Ang salitang ito ay may mga katawagan tulad ng bayanihan, damayan,
kawanggawa o bahaginan.
_____________7. Ito ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat kung ito ay
hindi mo isinagawa ay mayroong mawawala sa iyo.
_____________8. Pagtulong mo sa iyong mga kamag-aaral sa asignaturang hindi nila
maunawaan.
_____________9. Paglahok sa pangkatang gawain na pinapagawa ng guro.
_____________10. Paglahok sa pulong ng kabataan sa barangay.

Page | 8
B. Panuto: Piliin ang salitang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang
konsepto at Mali kung hindi tama ang konsepto nito.Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_______ 11. Nakikibahagi siya sa lipunan bilang isang aktibong kasapi nito upang
magkaroon ng kaganapan ang kanyang pagkatao.
_______ 12 . Ang bolunterismo ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang
pananagutan.
_______ 13. Mahalaga ang bolunterismo sapagkat magagampanan ang mga gawain o isang
proyekto na mayroong pagtutulungan.
_______ 14. Ang pagkakaroon ng personal na pag-unlad ang isa sa kabutihang naidudulot
ng pagsasagawa ng bolunterismo.
_______ 15. Nakapagbibigay siya ng natatanging kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng
lipunan ang isa sa kabutihang naidudulot ng pagsasagawa ng bolunterismo.

Gawin Natin
Panuto: Nakapagbabahagi ng personal na karanasan ng pakikilahok o bolunterismo sa
paaralan, barangay o lipunan. Magbigay ng limang personal na karanasan na ito. Isulat ang
sagot sa inyong kuwaderno.

Sanggunian

• Modyul sa EsP Gr.9 pp. 113-117


• https://www.youtube.com/watch?v=acde5nWRqHM
• https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/politikal-na-pakikilahok-89306483
• https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/335650/kwento-ng-kabayanihan-
guro-na-nagligtas-ng-mga-kababayan-nasawi-sa-hagupit-ni-yolanda/story/

Page | 9
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Mary Jane P. Manalo, BNHS EsP Teacher

Mga tagasuri: Leonida B. Goma, EsP Head Teacher


Melanie F. Dungan, EsP Head Teacher

Naglayout: Jasper T. Aguilar


Krissah C. Nalangan

Management Team: Dr. Margarito B. Materum, SDS


Dr. George P. Tizon, SGOD Chief
Dr. Ellery G. Quintia, CID Chief
Ferdinand Paggao, Focal Person EsP
Dr. Daisy L. Mataac, EPS LRMS

For inquiries, please write or call:

Schools Division Ofice of Taguig City and Pateros, Central Bicutan, Taguig City.
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

Page | 10

You might also like