You are on page 1of 4

4th Quarter (S.Y.

2021-2022)
St. Therese School of Tagbilaran
Subject: Araling Panlipunan
Mansasa District, Tagbilaran City
Grade Level: 10
Junior High School Department
Date: May 2, 2022

Yunit 4 – MGA ISYUNG PANG EDUKASYON AT PANSIBIKO AT PAGKAMAMAMAYAN

ARALIN 18 – PAKIKILAHOK SA MGA GAWAING PANSIBIKO

Mga Layunin :
 natutukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga
gawain at usaping pansibiko;
 napapahalagahan ang kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa paglutas sa mga suliraning
panlipunan; at
 natatalakay ang iba't ibang gawaing pansibiko sa pamayanan at bansa.

Simula
Ipinapakita sa larawan ang
isang boluntaryong guro na
tinuturuang magbasa ang mga
sponsored child. Ito ay bahagi
ng Literacy Campaign ng
isang Non-Government
Organization na pataasin ang
bilang ng mga batang
marunong magbasa. Kasama
ang kanilang mga magulang, ang mga batang ito ay sasailalim sa anim na buwang one-on-one tutorial sa guro.

Bakit mahalaga ang mga ganitong uri ng gawain lalo na sa bansang Pilipinas?

KAHULUGAN NG GAWAING PANSIBIKO


Ang gawaing pansibiko ay ginagamit upang pormal na tukuyin ang mga bumubuo sa lipunan. Ang civic welfare
o kagalingang pansibiko ang pinakamataas na kabutihang makakamit at mararanasan ng mga mamamayan. Ang
mga mamamayang may kamalayang pansibiko ay may tungkulin sa lipunan at pamahalaan.
Ito ay galing sa salitang latin na ang ibig sabihin ay mamamayan. Sa lipunang Pranses tinatawag itong civique na
ang ibig sabihin ay nakapagbuwis ng buhay para sa kaniyang kapwa. Ginagamit ang salitang sibiko upang tukuyin ang
mamamayan na bumubuo sa lipunan. Ito rin ay gawain na nakatutulong sa pagpapaunlad sa ating komunidad.
Ang bawat isa na may kamalayang pansibiko at may pananagutan sa kapwa ay dapat na makilala na may
kakayahang paunlarin ang lipunan sa pamamagitan ng pagtupad ng kaniyang tungkulin. Ang mga dapat taglayin ng isang
mamamayan sa gawaing pansibiko ay may pagtulong ng walang inaasahang kapalit, bayanihan, at pagkukusang loob. Ang
gawaing pansibiko ay maaaring tingnan bilang pagsasama-sama ng tao sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.
Isinama ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga gawaing pansibiko sa K-12 Curriculum. Inaasahan na ang mga
paaralan ay makikilahok sa mga gawain sa komunidad upang imulat ang mga mag-aaral sa mga nangyayari sa paligid.
Bigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral upang makisangkot sa mga gawain sa pamayanan. Ang kahalagahan ng
edukasyon pansibiko ay dapat alam ng mga tao upang mamulat sa kaisipan ng mga bata na mahalaga ang pagtulong sa
kapwa. Ang pakikilahok sa gawaing pansibiko ay tungkulin ng mamamayan.

Maaaring tumulong sa komunidad kahit kahit ang mga kabataan.

AP 10 prepared by Mr. Rod Daro page 1


Ilan sa mga pamamaraan upang matukoy ang mga suliranin sa isang komunidad ay ang mga sumusunod:

 Pagkakaroon ng konsultasyon. Pagsasagawa ng asembleya sa barangay.


 Pagsasagawa ng pagsisiyasat. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga pangangailangan at isyu
ng komunidad.
 Pagsasagawa ng Focus Group Discussion. Ito ay ang pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-uusap
ng isang grupo.
 Pagpili ng miyembro. Ito ay ang pagpili ng mga mamamayan na sasali sa programa ng komunidad.

Ang pag-unlad ng isang pamayanan ay makikita sa larangan ng ispiritwal, panlipunan, at politikal. Ang mga
mamamayan, sa panahon ng mga sakuna tulad ng pagbaha, ay nagsasagawa ng mga proyekto at gawain na sinasalihan ng
mga tao. Ang pakikipagtulungan ay makatutulong upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Ang isang komunidad na may pinunong nagmamalasakit ay nakikipag-ugnayan sa lokal na ahensya upang
matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Ang pamunuan na magkakaroon ng proyekto at magbibigay ng tungkulin
sa mga mamamayan ay kinakailangan na tukuyin muna ng ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa at gumawa ng angkop
na aksyon upang malunasan ang mga problema sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga pribadong sektor, Non-
Governmental Organization (NGO), at People's Organization (PO's). Sa pamamagitan ng pagtutulungan ay magagawa ang
mga ninanais gawin. Ang pag-unlad ng isang komunidad ay nakadepende sa pakikilahok ng mga mamamayan at mga
namumuno nito. Ang mga programa ng komunidad ay dapat ipinapakita sa mga mamamayan.

MGA HALIMBAWA NG GAWAING PANSIBIKO


Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng gawaing pansibiko. Ang mga proyektong ito ay maaaring ipatupad sa
komunidad at maisasagawa sa tulong ng lokal na pamahalaan. pribadong sektor, at non-government organization.

 Paglahok sa Gawaing Pambarangay. Sa pamamagitan ng pagsali sa mga programang isinasagawa sa barangay.


Pagtulong sa pag-oorganisa ng libreng bakuna para sa mga bata, medical mission, at tree planting activities.
Paglahok sa mga general assembly ng barangay at pagpuna ng mga problemang kinakaharap.
 Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad. Paglunsad ng tulong sa mga biktima ng mga sakuna tulad ng baha at
sunog. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng damit, pagkain, at iba pang pangangailangan.
 Pagtulong sa Paaralan. Makipag-ugnayan sa Non-Government Organization sa pagbibigay ng libreng gamit sa
paaralan. Maglunsad ng "Literacy Program" sa mga batang hindi marunong magbasa at maging boluntaryong na
manggagawa ng day care center.
 Pangangalaga sa Kalikasan. Magbigay ng kaalaman sa mga tao sa komunidad hinggil tamang pagtatapon ng
basura (waste management).
 Pakikilahok sa mga gawain sa komunidad. Sa pag-aaral ng suliranin at paggawa ng desisyon dapat makilahok
ang mga miyembro ng pamayanan.
 Clean and Green Campaign. Makipagtulungan sa paglilinis ng kapaligiran.
 Feeding Program. Pagpili ng kabataang dapat bigyan pansin ang kalusugan. Gumawa ng iskedyul ng
pagpapakain ng bata.
 Pagtatanim ng Puno. Upang maiwasan ang baha ay kailangang magtanim ng puno at halaman sa komunidad.
 Paglunsad ng Programang Pangkabuhayan. Imbitahin ang kapitbahay sa maaaring programa sa paggawa ng
mga produkong pwedeng ibenta.
 Programang Pangkalusugan. Makipag-ugnayan sa mga Health Center sa mga serbisyo na kanilang ibibigay.
Maging boluntaryong manggagawa ng komunidad.
 Pakikilahok na Pampolitika. Dumalo ng mga gawain sa komunidad.
 Pagkakaroon ng Malayang Pamamahayag. Ang mga programa na nilaan ng pamahalan ay kanilang
binibigyang aksyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng solusyon sa mga problema ng lipunan.
 Pakikilahok sa Responsableng Pagpapamilya. Pagdalo ng pamilya sa seminar.
 Pagdalo sa Kampanya Laban sa Droga. Paglulunsad sa Programa sa mga Matatanda.
 Paglulunsad ng libreng bakuna sa mga matatanda.
 Programa sa Pagplano ng Pamilya. Magkaroon ng talakayan sa kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya.

Mayroong dalawang paraan ng pakikilahok.


 Mula sa taas patungo sa baba (Top Down). Sa ipinapakitang magandang halimbawa nito ng komunidad
ay makikilahok din ang mga tao.
 Mula sa baba patungo sa taas (Bottom Up). Ang mga residente ay aktibong nakikilahok sa mga
proyekto dahil naniniwala sila sa solusyon.

Sa dalawang uri ng pakikilahok na ito, kailangang magkaroon ng pagtutulungan ng bawat isa.

AP 10 prepared by Mr. Rod Daro page 2


KAHALAGAHAN SA PAKIKILAHOK SA MGA
GAWAING PANSIBIKO
Ang kahalagahan ng gawaing pansibiko ay ang pagkakaroon ng isang lipunan na tunay na malaya at kontento sa
kanilang pamunuan. Sa gawaing pansibiko, naipapahayag ang sarili ng hindi itinakda ng batas. Ang pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko ay itinuturing na pinakamataas na lebel ng pakikipagkapwa. Sa pamamagitan nito, naipapakita ang
pagmamalasakit sa isa't isa. Natutulungan ang kapwa na walang masamang motibo. Nakapaglilingkod sa kapwa ng
walang kabayaran at walang posisyon.

Dahil sa kamalayan sa gawaing pansibiko ang isang komunidad ay nakararanas ng pag-unlad. Ang pag-unlad ng
isang komunidad ay makikita kapag:

 Nakikilahok ang mga miyembro ng komunidad at nasosolusyunan ang mga suliranin.


 Ang mga miyembro ng komunidad ay nalalaman ang kanilang kahinaan at kalakasan.
 Ang bawat isa ay tumutulong sa mga proyekto ng komunidad o kung hindi kaya ay humihingi ng tulong sa mga
Non-Government Organization.
 Ang mga namumuno ay kinokonsulta ang kaniyang miyembro.
 Ang mga miyembro ay nagkakaisa sa kanilang layunin.

Sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga mamamayan ay maiaangat ang kanilang kalagayan dahil sila ang mas naging
mapanuri. Ang kamalayang pansibiko ay mahalaga sa komunidad dahil nalalaman ng mga tao ang kanilang kakayahan sa
paggawa ng solusyon sa mga problema na kinakaharap ng sariling komunidad. Ang sama-samang pakikilahok ay tiyak na
makakasagot ng mga suliranin. Ang mga ginawang proyekto ay nakatutulong sa pag-angat ng pamumuhay ng mga
mamamayan.

Sa simpleng paglilinis ng kapaligiran nakatutulong ka sa pamayanan.

Mahalaga ang pakikilahok dahil ito ay responsibilidad ng isang mapanagutang mamamayan. Sa pamamagitan ng
aktibong pakikilahok, nagiging paraan ito upang mapaunlad ang komunidad na kinabibilangan. Ito ay nagbibigay sa atin
ng kapangyarihan upang maging bahagi ng pagbabago sa lipunan. Napakahalaga nito sa isang bansang demokrasya dahil
nagbibigay ito ng kaalaman sa mga ordinaryong tao hinggil sa uri ng pamahalaan at Saligang Batas. Ang mga problema sa
komunidad ay kailangang tukuyin upang magkaroon ng kamalayan sa mga nangyayari. Halimbawa nito ay ang suliranin
na nararanasan natin sa araw-araw tulad ng paglala ng polusyon sa bansa na nakaaapekto sa kalusugan ng mamamayan.
Bilang isang mamamayan, natuto tayo na pangalagaan at suportahan ang demokrasya. Mahalagang ituro ang
kamalayang pansibiko dahil nagkakaroon ng pagkatuto bilang bahagi ng bansang ginagalawan. Dapat tandaan na ang pag-
unlad ng komunidad ay parehong ginagampanan ng namumuno at mamamayan. Ang mga mamamayan ay may
mahalagang papel. Ang pagsali sa mga proyekto ay mahalaga dahil kailangang maipagpatuloy ito. Ang pagsali sa mga
proyekto ay maaaring makabuti at makasama depende sa hangarin nito.

WAKAS

Pangalan: _____________________________________Baitang ________________ Iskor: __________


20

AP 10 prepared by Mr. Rod Daro page 3


A. Tama o Mali. Basahin nang Mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang bawat
pahayag ay makatotohanan o hindi. Kung ang pahayag ay may katotohanan, isulat ang TAMA. Kung
hindi naman, iwasto ang salitang sinalungguhitan at isulat sa patlang na nakalaan.
_____________ 1. Ang salitang sibiko o civique sa Latin ay nangangahulugang nagbuwis ng
buhay para sa bayan.
_____________ 2. Isang paraan upang malaman kung may suliranin ang isang pamayanan ay
sa pamamagitan ng konsultasyon sa komunidad.
_____________ 3. Ang Literacy Program ay programang naglalayon na linisin at gawing luntian
ang mga pamayanan.
_____________4. Isang simpleng waste management sa pamayanan ang pagkakaroon ng
ibang basurahan para sa nabubulok, itatapon at napapakinabangan pa.
_____________5. May dalawang paraan upang makilahok sa mga gawaing pansibiko, ito ang
top-down at bottom-up.

B. Katotohanan o Opinyon. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang isang
pahayag ay may katotohanan o isa lamang itong opinyon. Isulat ang K kung ito ay may Katotohan at O kung ito
ay Opinyon.

______1. Mahalaga sa pag-unlad ng isang lipunan ang pakikilahok ng mga mamamayan nito
sa mga gawaing pansibiko.
______2. Maaaring maaksaya ng gawaing pansibiko ang oras ng mga mamamayan na
nakalaan sana sa mas produktibong bagay.
______3. Ang mga programang pangkalusugan ay maaaring maging gawaing pansibiko.
______4. Mas makabubuti na ang mga mamayan ay maging tagasunod lamang sa mga
gawaing pansibiko at ibigay ang tungkulin ng pamumuno sa mga eksperto.
______5. Halos karamihan sa mga gawaing pansibiko ay ningas-kugon lamang at nawawala
rin sa kalaunan.

AP 10 prepared by Mr. Rod Daro page 4

You might also like