You are on page 1of 9

A.P.

Reflections
Borbe, Joshua Rian F.
I Kahalagahan ng
kontemporaryong isyu

Nilalaman
II Epekto ng globalisasyon

III Mga hakbang tungo sa


pagkakapantay-pantay

IV Kahalagahan ng aktibong
pagkamamamayan
Introduksyon
Kahalagahan ng
mga ito
UPANG MAGING ISANG MABUTING
MAMAMAYAN
Bilang isang mag-aaral at isa ding mamamayan
ng Pilipinas, ang mga topik na ito ay mahalaga
dahil tinuturuan ako nito kung paano maging
isang mabuti at aktibong mamamayan. Mula sa
pagkilatis ng mga pangkasalukuyang isyu, pag-
aaral ng globalisasyon, pagprotekta ng
karapatan ng bawat isa, hanggang sa pakikilahok
sa ating pamahalaan, lahat ng ito'y tumutulong
sa akin upang ako'y hubugin at maging isang
mabuting ehemplo ng pagkamamamayan.
I: Kahalagahan ng
kontemporaryong isyu
Sa kasalukuyan, nararapat lamang na ating buksan ang isipan at mga mata sa mga pangyayari sa ating bansa at mundo. Ang
pagunawa sa mga tinatawag nating kontemporaryong isyu ay ating kinakailangan upang tayo ay higit na maka-ambag sa pagbuo
ng bansa at sa pagiging isang mabuting mamamayan. Sa pag kilala at pagkilatis sa mga isyung ito ay tumutulong sa pagtugon sa
mga hamon at suliraning dala ng mga isyung kinakaharap, tulad na lamang noong pandemya, lahat tayo ay namulat sa mga
problema at kasawain kung kaya't nagtulong-tulong ang mga mamamayan ng Pilipinas upang maibsan at matulungan ang isa't-isa
sa pamamagitan ng libreng bakuna, ayuda, food pantries at madami pang iba, kung hindi tayo namulat sa suliraning ito ay tiyak na
hindi tayo makakaraos sa dalang balakid ng pandemya. Ang aral o topik na ito ay nakakatulong upang mamulat tayo sa mga
kasalukuyang pangyayari sa hindi lamang sa bansa ngunit sa mundo na rin. Sa topik na ito ay dinidiin na ang solusyong ating
isagawa at isakilos ay para sa kabutihan ng lahat at hindi lamang para sa indibidwal, sa pamamagitan nito itinuturo nito na
pagtugon sa mga isyu ay nangangailangan ng pakikilahok sa lipunan at kinakailangan ding maging mapagmasid sa mga
pangyayaring nagaganap upang makapagisip ng solusyon dito.

Nakakatulong ito para sa akin dahil, tulad ng isinulat ko, upang malaman ang isyu at mabigyang solusyon ito ay nararapat na tayo
ay maki-isa at maging aktibo pagdating sa ating lipunan hindi lang para sa atin kundi na rin para sa ating mga kababayan.
II: Epekto ng
globalisasyon
Ang globalisasyon ay pagsasama-sama ng ekonomiks, politikal, kultural, relihiyon at sistemang sosyal na umaabot sa buong
daigdig. Sa mabilisang pag-usad at pagbabago ng ating mundo, ang ating pakikialam at pakikilahok sa mga kaganapan ay naaayon
lamang sa kadahilanan na ang mga pagbabagong dala ng globalisasyon ay maaring maka-apekto sa ating lipunan, pamumuhay,
kabuhayan, edukasyon, at gobyerno. Ang mga dalang biyaya at balakid ng globalisasyon ay dapat nating aralin upang tayo ay
ganap na makatulong sa pag-unlad ng Pilipinas at tayo ay maging isang ganap na aktibong mamamayan. Dahil sa dalang mga
globalisasyon, ang pagbabago ng ating bansa ay napakabilis kung kaya't nararapat lamang na tayo'y maki-isa upang tayo ay di
maiwan at upang tayo na rin ay makatulong sa paggawa ng mga aktibidad, polisiya, at programa na makakatulong upang
maramdaman ng lahat ang mga magagandang dulot ng globalisasyon at maitigil o maibsan ang hirap na dala nito.

Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas, ang topik na ito ay nakakatulong sa akin upang maging mabuti at aktibong
mamamayan dahil inilalahad dito ang mga dulot ng globalisasyon at kung ano ang aking kayang gawin bilang isang mamamayan
upang makasabay at makatulong sa pag-usad ng ating bansa patungo sa kagalingan.
III: Mga Hakbang Tungo sa
Pagkakapantay-Pantay
Mahalaga ang malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Sa paglala ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao,
mahalagang mapaigting ang pangangalaga at pagwawakas nito upangmakamit ang ganap na kapayapaan at pag unlad ng lipunan.
Ang pagkilala sa karapatan at pagkakakilanlan ng bawat isa ay esensyal upang tayo ay maging ganap na mabuti at aktibong
mamamayan dahil sa pagsasagawa nito ay nakakatulong tayo upang umusbong ang pakikipagtulungan at paggalang sa isa't-isa.
Ang diskriminasyon ay talamak sa Pilipinas, upang matugunan ito ay nararapat na tayo'y maki-isa at makilahok sa pagtugon ng
suliraning diskriminasyon at sa pagkilala ng pang-indibidwal na karapatan ng bawat isa. Ang pagkilala sa ating karapatan at sa
karapatan ng iba ay mahalaga sa pagsupil sa hindi lamang sa diskriminasyon, kundi na rin sa pang-aabuso. Sa topik na ito
itinuturo ang hakbang tungo sa pagkakapantay-pantay, kasama na rin dito ang mga pundasyon upang matugunan ang paglabang
sa karapatan natin at ng ibang tao.

Bilang isang mag-aaral tinuturuan ako ng topik na ito kung paano maging isang mabuting ehemplo para sa pagkakapantay-
pantay at paglaban para sa ating karapatan, ang mga ito ay esenyal sa pagiging isang mabuting mamamayan sapagkat inilalahad
dito na kung ito'y maaring maisagawa makakatulong ako sa pagbuo ng isang pantay at matiwasay na lipunan.
IV: Kahalagahan ng Aktibong
Pagkamamamayan
Mahalaga sa bilang isang mamamayan na tayo ay maging aktibo sa pakikilahok sa pag-usad at pag-unlad ng ating kibibilangang
lipunan. Ang konsepto ng ating pagkamamamayan ay patuloy na lumalawak, mula sa legal na naninirahan sa isa bansa hanggang
sa miyembro ng isang pangkat ng tao. Ang pagkamamamayan ay mahalaga kung kaya't nararapat lamang na tayo ay maging
aktibo sa loob ng ating kinabibilangang lipunan. Bilang isang mamamayan tayo ay may karapatang igiit ang ating mga hinaing,
bumoto sa ating sinusuprtahang politiko, at mabuhay ng payapa sa loob ng bansa, ang mga ito ay mga dulot ng ating
pagkamamamayan at nararapat lamang na tayo'y magambag upang mas mapabuti ang lagay ng lipunang ating sinasaniban.
Tinuturuan tayo ng topik na ito kung papaano maging isang mabuti at aktibong mamamayan, upang tayo ay maging ganap na
aktibong mamamayan ay dapat tayong maging bukas-palad sa pagtulong sa ating kapwa at dapat din nating maisakatao ang ang
mga katangian ng aktibong mamamayan.

Bilang isang mamamayan nakatutulong ito upang aking sapat na mahubog ang aking pagkatao upang maging isang ganap na
aktibong mamamayan. Sa topik na ito ay inilalahad ang mga katangian na dapat aking isaisip at isakatao upang ako'y makatulong
sa aking kapwa o kababayan at makatulong rin sa pag-unlad ng ating lipunang kinabibilangan.
Konklusyon
Matapos kong maisulat ang mga repleksyong ito ay aking napagtanto na lahat
ng mga topik at mga itinuro ay tumutulong upang ako'y mahubog bilang isang
mabuti at aktibong mamamayan. Lahat ng mga nabanggit sa mga module at
aralin ay esensyal sa pagbuo ng isang mabuting mamamayan, minumulat tayo
ng mga araling ito upang tayo ay maging ganap na mamamayang nag-
aambang sa paglago ng ating lipunan, gobyerno, at bansa.
Maraming
Salamat!
Borbe, Joshua Rian F.

You might also like