You are on page 1of 1

Francheska Bianca P.

Del Gallego

Ang Lipunan

Sa pangalan palang na “Lipunan”, masasabi mo kaagad na mahalaga ang isang tao dahil ang
depinisyon nito ay “Lipunan Ng Tao”. Ang isang lipon ay grupo ng tao na pinag-isa sa aspetong
kultural at pulitikal. Ngayon alam na antin ang depinisyon nito anoa no ng aba ang bumubuo
sa Lipunan. Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na
“lipon” na nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay mayroong kinabibilangang pangkat na
mayroong iisang tunguhin o layunin Ang lipunan o pangkat ng mga indibidwal ay patungo sa
iisang layunin o tunguhin. Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi naman
nito binubura ang indibidwalidad o pagiging katang-tangi ng mga kasapi. Ikaw, ako, tayo ang
bumubuo sa lipunang humuhubog sa ating sarili, sa ating pagkatao, at sa ating buhay. Ito ay
binubuo ng mga iba’t ibang institusyong may kani-kaniyang papel na ginagampanan sa
pagtaguyod ng ating bansa. May pamilyang nagsisilbing ating sanktwaryo, may pamahalaang
nagbibigay direksyon sa ating bansa, may ekonomiyang sumusustento sa ating pamumuhay, at
may relihiyong gumagabay sa atin tungo sa tamang landas. Lahat ng ito’y may layuning
maitaguyod ang ating buhay. At kung ating lilimiin, lahat tayo, bilang bahagi ng ating lipunan,
ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan sa bawat isa. Kay sarap isiping ikaw, ako, tayo
ay magkakaugnay sa lipunang ating ginagalawan. Ngunit ganito ng aba talaga ang totoong
nangyayari sa ting lipunan? Mistulang tayo mga nakakulong habang hinahayaan natin ang mga
pulitikong gahaman na tayo ay pamahalaan sa panahaon kung kelan natin sila kailangang
kailangan. Ako bilang isang kabataan ng kasalukuyan ay labis na nagagalak na sa panahon ng
pandemya ay may pagkakataon akong pag aralan ang mga araling may kinalaman sa lipunan.
Sa pamamagitan nito ay magiging mulat ako sa mga nangyayari sa aking paligid, mapupuna
ko ang mga maling Sistema at higit sa lahat mas magiging Mabuti akong mamamayan ng ating
lipunan.

You might also like