You are on page 1of 11

MODYUL 13-16

LIPUNANG SIBIL
LIPUNANG SIBIL- tumutukoy sa mga indibidwal na bumubuo ng
isang grupo o organisasyon.
-Ito ay kusang-loob na pag-organisa ng mga tao tungo sa sama-
samang pagtulong sa mga nangangailangan.
-Hangad nito na maging kaagapay ng pamahalaan sa pagtugon sa
pangangailangan ng mga tao, lalo na ang mga hindi naaabot ng
agarang tulong.
Ang layunin ng Lipunang Sibil
ay hindi upang kumita,
magkaroon ng kapangyarihan sa
mga tao,o mangyari ang sariling
interes. Ito ay sa pagnanais ng
mga mamamayan na matugunan
ang mga pangangailangan ng
kanilang kapwa Pilipino.
Naging kaagapay ng pamahalan ang lipunang sibil sa
pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta
ng pagputok ng bulkang taal. Maraming grupo ng mga
tao ang galing sa iba't ibang bansa ang gumawa ng
paraan upang makapagbigay ng tulong sa mga
nangangailangan.
Anu-ano ang mga halimbawa
ng Lipunang Sibil?
SIMBAHAN
ang tumutugon sa mga pangangailangan natin na may
kinalaman sa Moral at ispritwal na buhay.
Sa tulong ng pastor, ministro, imam, kaparian at iba
pang lider pangrelihiyon nauunawaan natin ang mga
isyung magpapaunald sa ating buhay ispiritwal.
Gumagawa din ng misyon ang mga simbahan upang
tulungan ang mga tao hindi lamang ispritwal kundi
pagpapakain sa mga taong nagugutom at pagbibigay ng
masisilungan sa mga taong walang tahanan.
PARTY-LIST GROUPS
ang kumakatawan sa ating sektor ng
lipunan na nangangailangan ng wastong
pagkalinga sa tulong ng mga taong pinili ng
isang party list agaran ang nagagawang
pagtugon sa kanilang mga
pangangailangan.
MEDIA
ang pangunahing
inaasahan ng mga tao na makapagbibigay sa kanila ng
ibat ibang impormasyon tungkol sa mga pangyayari
sa ating bansa, lagay ng panahon, entertainment at
mga isyu na nakakaapekto sa ating buhay at
kabuhayan.
Sa tulong ng media nalalaman ng mamamayan kung
may paparating na bagyo kaya nakagagawa sila ng
kaukulang paghahanda , kapag may nananawagan ng
saklolo at nais ipanawagan sa marami.
SOCIAL MEDIA
Maraming media organizations ang bumubuo ng sari sariling
foundations upang mag-abot ng tulong sa mga
nangangailangan.Madalas nakikita sa mga oras ng trahedyang
nangyayari sa ating bansa at dahil sa mabilis ng pag-unlad ng
teknolohiya mas lumawak na ang sakop ng Media, kasama na
din sa halimbawa ng Lipunang Sibil ay ang SOCIAL MEDIA.
Ang social media ang isa sa pinakamakapangyarihang anyo ng
Media sa ngayon, na maaring magamit natin sa ngayon upang
maupdate tayo sa mga nangyayari sa ating paligid.
SOCIAL MEDIA

Ang social media ay nagagamit din sa public


service
sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon
tungkol sa mga nawawalng tao, nangyayaring
sakuna na nangangailangan ng agarang akasyon,
mga taong nangangailanagn ng tulong at iba pa.
SAMAHANG SIBIL
Ito ay ang grupo ng mga mamamayan na may pare-
parehong gawain at dahikain. Sila ang mga pangkat na
gumagawa ng misyon, sa iba't ibang lugar sa bansa
upang makapagbigay ng tulong sa mga tao, karamihan
sa kanila ay nag aambag ng kanilang sariling pera,upang
maihatid ang mga pangangailangan na kanilang nakikita
sa paligid. Walang nag-uutos sa samahang sibil
pagdating sa pagtulong, ginagawa nila ito sa abot ng
kanilang makakaya sa ngalan ng kanilang pag agapay sa
kanilang kapwa.

You might also like