You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OF CANDON CITY

9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan– Modyul 4:
Lipunang Sibil
MELCs:
 Nahihinuha na:
a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay
isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang
pagpapahalaga
b. Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanag
kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya
c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng
katuturan ang mga material na pangangailangan na tinatamasa
natin sa tulong ng estado at sariling pagkukusa. EsP9PL-lh-4.3
 Natataya ang:
a. Adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil
d. Nakapagsasagawa ng pananaliksik sa pamayanan upang
matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito EsP9PL-lh-4.4

Inihanda nina:
LOUELLA C. ABAYA
Master Teacher I
MARC KEVIN B. HOLGADO
Teacher I
MARIA CARIDAD A. ABAYA, DPA,Ed.D.
Master Teacher II
Modyul
Lipunang Sibil
4
I. Layunin:
 Nahihinuha na:
a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay
isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang
pagpapahalaga
b. Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanag
kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya
c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas
ng katuturan ang mga material na pangangailangan na
tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling pagkukusa.
EsP9PL-lh-4.3
 Natataya ang:
a. Adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil
b. Nakapagsasagawa ng pananaliksik sa pamayanan upang
matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito EsP9PL-
lh-4.4

II. Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-anong pagpapahalaga ang isinusulong ng lipunang sibil upang
makamit ang kabutihang panlahat?
Pagtalakay:
 Panimula:
Ang modyul na ito ay kadugtong ng paksang tinalakay noong huling
modyul na pinag-aralan mo. Ang babasahin sa modyul na ito ay pawang
pagbabalik-aral lamang ngunit ang mga naibigay na gawain ay naiiba.
Sa iyong paglakbay sa nakaraang pagtatalakay, nalaman mong
maraming nag-iisip na hindi kailangang maging mahirap o masalimuot ang
buhay. May mga taong masasabi nating may pakialam at malasakit pa rin
para sa iba kaya’t gumagawa sila ng paraan upang mabago at mapaunlad
ang buhay ng tao. Anuman ang kanilang dahilan kung bakit nila ginagawa ito,
ang mahalaga ay nagbubunga ito ng positibong pagbabago sa lipunan.
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 2

Ang pamahalaan ang gumagawa at nagpapatupad ng mga batas


upang matiyak na matutugunan ang mga pangangailangan natin sa lipunan,
ngunit maraming pagkakataon na nagkukulang ito. Dahil kapos ang
kakayahan ng pamahalaan upang tugunan lahat ang mga pangangailangan
at bigyan ng solusyon ang mga isyu at problema sa lipunan, napakarami din
ang kailangang katuwangin sa pagtugon dito at sabihang “paki lang”.
 LIPUNANG SIBIL (Civil Society)- Ang lipunang sibil ay
nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang
nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas-kayang pag-
unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minamadali at
pansamantalangsolusyon ng pamahalaan at kalakalan.
III. HALIMBAWA ng mga Lipunang Sibil
1. Consultation on Peace and Justice- inorganisa ng Simbahang
Katoliko sa Zamboanga, Basilan, Tawi-tawi at Sulu noong 2004,
pagkatapos ay nabuo ang Peace Advocates Zamboanga (PAZ).
Layunin nito na palakasin ang mabuting ugnayan ng mga
Kristiyano at Muslim at iba pang katutubo. Nagdaraos ng mga
pagsulong ng kapayapaan, naglalathala ng alternatibong
pahayagan at nagsasaliksik ng ugnayang Kristiyano at Muslim.
Idinaos ng PAZ ang Forum on Rehabilitation and Reconciliation
noong Setyembre 2013 pagkatapos ang sagupaan ng mga MNLF
at AFP/PNP sa Zamboanga para sa muling pagbangon ng
nawasak na pamilya, nalugmok na kabuhayan at muling
pagpapasigla ng kanilang ugnayan.
2. Gabriela- noong 1984 ay nagtipon-tipon ang mga grupo ng
kababaihan sa Pilipinas at nabuo sila bilang lipunang sibil at naging
isang pampolitikong Partido kung saan sila ay may kinatawan sa
kongreso. Sa kanilang pagsusulong, ay naisabatas ang mga
sumusunod:
a. Anti-sexual Harassment Act (1995)
b. Women in Development and Nation-Building Act (1995)
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 3
c. Anti-rape Law (1997)
d. Rape Victims Assistance and Protection Act (1998)
e. Anti-trafficking of Persons Act (2003)
f. Anti-violence Against Women and their Children Act (2004)
3. Media- anumang bagay na “nasa pagitan” o “namamagitan” sa
nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin na medium o
media kung marami. Ginagamit ito kung may gusto tayong ipahatid
na impormasyon.
 Mass Media- maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na
gingagawa sa mga impormasyon. Halimbawa: diyaryo, radio,
telebisyon, pelikula o internet
 Mga naitutulong ng media bilang lipunang sibil:
a. Nalalaman ng mamamayan tungkol sa kalagayan ng panahon kung
kaya nakagagawa sila ng kaukulang paghahanda
b. Kapag may nangangailangan ng saklolo at gustong ipanawagan sa
marami.
c. Pagpapalutang ng mahahalagang impormasyon na nagpapanatili
sa ikakabuti ng mga kasapi ng lipunan.
d. Tungkulin nito ang pagsasabi ng buong katotohanan at kagyat na
pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na
maaaring batayan ng iba pang pagpapasya ng ikikilos.
e. Ang media ang pinaglalagakan ng mga katotohanang kailangan ng
lipunan para sa ikakabuti ng bawat kasapi nito.
 “Ang kapangyarihan ng media ay hindi lakas na
nananalasa kundi isang pag-ibig na lumilikha” (Papa
Juan Pablo II,1999)
 Kapag naglihim tayo, doon magtratrabaho ang diyablo”
(San Ignacio)
Halimbawa ng mga gawain ng media bilang lipunang sibil
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 4
1. Bayan Mo, Ipatrol Mo (2007)- inilunsad ng ABS-CBN upang ipakita sa mga
mamamayan kung paano iparating sa nakararami ang nakalap na
mahahalagang impormasyon o balita gamit ang cellphone upang palutangin
ng media ang mga nangyayari, mga pandaraya at katiwalian sa halalan.
Itinuloy- tuloy nito ang pagpapalutang ng impormasyon hindi lamang tungkol
sa halalan kundi maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya, paghahatid ng
tulong, pagpapaayos ng daan at pagtatayo ng sentrong pampamayanan
(community centers). Noong 2012, umabot na sa apat na libong kabataan ang
nasanay sa pamamahayag.
2. Noong 2008, nagsimulang sumulat ng blog sa internet ang 8 taong gulang na
si Malala Yousafzai upang iparating sa pamahalaang Pakistani na maglaan
ng dagdag na pondo para sa paaralan at hinimok ang mga kabataang
babaeng Pakistani na ipaglaban ang karapatang matuto. Sa isang press
conference, hindi inaaasahang aminin ng tatay ng bata ang tunay niyang
pagkakakilanlan ngunit daan ito upang dumami ang sumabaybay sa
kanyang mga blog.
3. Simbahan- inoorganisa natin ang sar-sarili upang hanapin ang makapupuno
sa atin sa kabila ng kariwasaan. May iba,t ibang antas ng pagkaunawa sa
totoong kabuluhan ng buhay. Sa maraming pagkakataon na ikaw ay nalilito,
lumalapit ka sa mga lider ng moralidad upang ikaw ay maliwanagan at
magpatulong.
sa kababaang-loob ng mga lider sa moralidad, mas kinikilala nila ang sarili
bilang tagapaglingkod at hindi bilang nakakasakop. Sa sama-sama nating
paghahanap ay nag-oorganisa tayo ng ating mga sarili bilang isang anyo ng
lipunang sibil, isang panrelihiyong institusyon na tinawag na SIMBAHAN. Sa
pamamgitan ng mga lider at iba pang mga kasapi, nailalagay sa mas mataas
na antas ng kabuluhan ang mga material na bagay na ating tinatamasa. Hindi
ka nag-iisa sa iyong pananampalataya.
Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong
pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay
naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan at pagtugon sa
panawagan ng lahat na “Paki lang”.
Halimbawa ng mga gawain ng simbahan bilang lipunang sibil:
a. Basic Ecclesial Community o Maliit na Sambayanang Kristiyano- ito ay
upang matugunan ng Simbahang Katoliko ang iba,t ibang kalagayan
mga pamayanan.
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 5
b. Couples for Christ-nagpatayo ng kauna-unahang pabahay para sa
isang mahirap na mag-anak sa Bagong Silang, Caloocan City noong
1999. Mula noon sa pamamagitan ng Gawad Kalinga Project,
nakapagpatayo na rin sila ng mga pabahay sa iba,t ibang lugar sa
Pilipinas.
c. Seventh Day Adventist Church sa Pilipinas (1982)- bumuo ng
organisasyong tumututol sa paninigarilyo. Noong 1989, ipinasa ang
isang ordinansang nagbabawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar
sa Quezon City. Nagpasya ang mga kasapi ng Kapisanan ng
Brodkaster ng Pilipinas(KBP) na tanggihan ang pagpapatalastas ng
mga kompanya ng sigarilyo noong 1990. Samantala noong 1994, pinaigting ng DOH
ang kampanyang “Yosi Kadiri”. Naging Batas Pambansa noong 2003 ang
pagbabawal sa pagpapatalastas ng paninigarilyo.
Mga Katangian ng Lipunang Sibil:
1. Pagkukusang-loob- Walang pumilit, nanakot o nanggipit sa mga
kasapi nito upang makisangkot. Malaya ito mula sa impluwensya ng
estado o negosyo. Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng
sinumang nasa pamahalaan o ng pangkomersyong hangarin ng
sinumang negosyante.
2. Bukas na Pagtatalastasan- Walang pinipigilan o dinidiktahan sa
pagpapahayag ng saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay pangmadla, kung
saan buhay ang diwa ng demokrasya. Sa pagpapalitan ng kuro-kuro
ay nalilinaw ang mga usapin daan upang ang mga kaanib ay
magkaroon ng katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasya.
3. Walang Pang-uuri- Hindi isinaalang-alang ang kalagayang panlipunan
ng mga kasapi: mahirap o mayaman, may pinag-aralan o wala, kilala o
hindi, anumang kasarian dahil isinusulong ang kabutihang panlahat,
binibigyan ng pagkakataong mapakinggan ang lahat ng panig; sa
gayon ay walang maiiwang hindi nagtatamasa ng bunga ng pagsisikap
ng lipunan.
4. Pagiging Organisado- sapagkat nagbabago ang kalagayan ayon sa
mga natutugunang pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan ng
organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan.
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 6
5. May isinusulong na pagpapahalaga- ang isinusulong nito ay hindi
pansariling interes kundi kabutihang panlahat. Isinusulong ng media
ang katotohanan, ang simbahan naman ay espiritwalidad. Ang
pagpapahalagang ito ang nagbubunsod sa mga kasapi upang
mapagtagumpayan ang anumang balakid.
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang” sab inga ni Fr. Eduardo
Hontiveros sa isang awit. Ang pakikisangkot natin sa isang lipunang sibil ay
nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan. Sapagkat ang ikabubuti ng
lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa sa atin, hindi maiaalis ang patuloy
nating pagmamalay sa paanyaya ng bawat nakakatagpo nating nakikiusap na, “Paki
lang”.

V. MGA GAWAIN

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 11

VI. SANGGUNIAN:
Gayola, Sheryll T. et. al. 2015 Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul Para sa
Mag-aaral,Meralco Avenue, Pasig City, Philippines: FEP Printing Corporation
Gayola, Sheryll T. et. al. 2015 Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay sa Pagtuturo
l,Meralco Avenue, Pasig City, Philippines: FEP Printing Corporation

VII. MGA SAGOT


A. Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. C
2. B
3. D
4. B
5. B
B. Tama o Mali
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA
C. Punan ang Patlang
1. Pagkukusang-loob
2. Walang Pang-uuri
3. May isinusulong na pagpapahalaga
4. Pagiging organisado
5. Bukas na Pagtatalastasan
D. Paghinuha ng Batayang Konsepto
Ang sagot ay maaaring magkakaiba-iba ayon sa paraan ng pagsagot.
E.Pagnilayan Mo
Ang sagot ay maaaring magkakaiba-iba ayon sa paraan ng pagsagot.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 12

You might also like