You are on page 1of 2

Ang mga institusyon ng lipunan ay itinalaga upang makibahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat,

ngunit ang pinaka mahalagang tunguhin ng mga ito ay ang pag-unlad ng tao sa buhay moral. Bilang
kabataang kasapi ng mga institusyong ito, mahalaga na makiisa at magbigay suporta sa
pagsasakatuparan ng mga tunguhin.

PAMILYA

1. Ang pamilya ang pinakamaliit na institusyon ng lipunan. Ito ay nagmula sa Diyos, ito ay simula at
batayan ng lipunan.

2. Ang pamilya ay kaloob ng Diyos para sa natatanging layunin: pag-aanak at pagpapalaki ng mga ito.

3. Isang napakahalagang tungkulin ng pamilya para sa mga kasapi nito ay pagtugon sa kanilang mga
pangangailangan. Ang pagtugon nito ay pagkakaroon ng pagkakataong malinang nila ang kanilang mga
potensiyal na kakayahan.

4. Ang pagtuturo ng ng gampanin ng bawat kasapi ay mahalaga rin. Ito ay nagbibigay sa bawat isa ng
kahandaan at pangunahing kaalaman upang maharap nila ang mga higit na malalaking hamon.

PAMAHALAAN

1. Niloob ng Diyos na sa isang lipunan ay may ilang mamumuno at mamahala sa karamihan. Ang
namamahalang ito ay binigyan ng tungkulin at pananagutan na protektahan ang interes ng kanilang
pamumuhay.

2. Ang mga namamahalang ito ay binigyan ng tungkulin at pananagutan na protektahan ang interes ng
kanilang pinamumunuan. Tungkulin nilang pangasiwaan ang pagbibigay ng pamahalaan ng mga
kailangan ng bawat tao bilang pamilya o indibidwal.

3. Ang pamahalaan ay nararapat na may batas at mga programa tungo sa moral at maayos na
pamumuhay ng mga tao. Ang mga batas at gawaing magbigay ng prayoridad sa buhay, libreng
edukasyon, at pagbibigay ng trabaho sa mahihirap.

SIMBAHAN/RELIHIYON

1. Layunin ng simbahan na ipaliwanag sa tao ang tungkol sa pananampalataya. Sa pamamagitan ng


simbahan o relihiyon, natututuhan ng tao ang katotohanan tungkol sa mga aral at paniniwala ukol sa
Maylalang.

2. Ang mismong simbahan o relihiyon ay naglalayong bigyan ng moral na kaayusan ang political,
ekonomiko, at sosyal na buhay ng tao ayon sa kaayusan na nais ng Maylalang.
PAARALAN

1. Ang edukasyon na ibinibigay ng paaralan ay naghahanda sa mga tao para sa dapat nilang kalagyan at
tungkulin sa mundo.

2. Layunin ng paaralan na turuan at tulungan ang tao na marating ang tagumpay sa masagana’t tuwid na
pamumuhay.

MEDIA

1. Ang media ang pinakamalakas makaimpluwesiya sa isang lipunan at ng buong mundo sa pagtahak ng
patutunguhan.

2. Maliban sa impormasyong ibinibigay sa tao, malakas ang impluwensiya nito sa ekonomiya, at sa


kanilang pang-araw-araw n pamumuhay, sa kanilang pagpapasiya, sa kanilang pamimili, pagdadami,
pagsasalita, pagkain, at iba pa.

3. Malakas ang mediasa pagimpluwensiya sa kaisipan ng mga tao. Kaya dapat ng mga taong nasa loob ng
institusyong ito ay may moral na pananagutan sa pag-unlad ng tao sa lipunan.

You might also like