You are on page 1of 1

GAWAIN 1.

Pamprosesang Tanong

1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t isa?

Lahat po ng mga sinaunang kabihasnan ay sumibol malapit sa mga anyong tubig (tulad ng tangway, ilog o
tabing ilog) at may mga anyong lupa (tulad ng kabundukan, lambak, kapatagan) rin ang nakapaloob ditto
na kung saan mainam ang mapagtataniman ng mga mamamayan. Ang mga ibang katangiang pisikal na
pagkakahawig ng mga sinaunang kabihasnan ay ang kanilang paguunawaan sa bawat isa at sila ay
nagkakaisa sa kanilang pamumuhay, mapapansin mo na silaay sabay sabay umunlad at sila ay may iba't
ibang larangan na naiambag sa sandaigdigan.

2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng kabihasnan?

Dahil noong sinaunang yugto, labis na umaasa ang mga tao sa kanilang kapaligiran (dahil ditto sila
kumukuha ng iba’t ibang likas na yaman para magamit nila sa pamumuhay) kayat dito nila idinedepende
ang kanilang pamumuhay. Malaki ang anyong lupa at anyong tubig ng isang lugar sa pagtataguyod ng
kabihasnan sapagkat ito ang ilan sa mga pangunahing salik na isinaalang-alang ng isang lugar sa pagbuo
ng pamayanan o pananatili rito. Upang mabuo at malinang ang kabihasnan kailangang manatili ang isang
tao sa lugar at gamitin nito ang mga lahat ng pwedengpagkukunan ng kayamanan katulad ng anyong lupa
at anyong tubig. Kapag ang isang lugar ay sagana sa anyong lupa at anyong tubig ay mas madali ang pag-
usad ng kalakalan at kaunlaran salugar sa gayong paraan ay magkakaroon ng maunlad na kabihasnan
dito.

3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga
taong naninirahan ditto? Ipaliwanag ang sagot.

Ang isa sa mga kalagayang heograpikal ng kabihasnan na may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng
mga taong naninirahan ay ang kanilang mga likas na yaman, dahil ito ang pinagkukunan ng mga likas na
yaman ng tao para magkaroon ng hanapbuhay ang mga mamamayan sa isang lugar. Kung wala ito,
maaring hindi magtatagal ang kabihsanan nila dahil ito ay hindi lalago.

You might also like