You are on page 1of 1

“Konsepto ng Kontemporaryong Isyu”

May dalawang salita ang bumubuo sa konsepto ng kontemporaryong isyu. Ito ay ang
komntemporaryo at isyu. Ano nga ba ang kahulugan ng kontemporaryo? Ito ay mga
pangyayari sa daigdig mula ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan na naalala pa at
nakakapekto sa ating kasalukuyang henerasyon. Ano naman ang kahulugan ng isyu?
Ang isyu naman ay tumutukoy sa mga paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa
lipunan dahil sa ito’y napag uusapan.

Ano ngayon ang kahulugan ng kontemporaryong isyu? Ang kontemporaryong isyu ay


tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon o paksa sa kahit anong larangang
may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ang isang usapin o paksa na laganap na
pinag uusapan at pinagtatalunan sa kasalukuyan ay tinatawag na kontemporaryong
isyu.

 Ito ay ang mga paksa,kaisipan, o suliranin na napapanahon dahil maaaring ito ay


palaging napag-uusapan, nababalita, natatalakay o nagaganap. Karaniwang ang mga
isyung ito ay 20 hanggang 40 taon nang laman ng talakayan, ngunit maaaring ang
pinagmumulan nito ay matatalunton sa mas lumang panahon. Sa kasaysayan, tinutukoy
ng kontemporaryong panahon ang mga taon mula 1945 hanggang sa kasalukuyan.
Maaaring manatili itong kontemporaryong isyu sa loob ng maraming taon o kahit ilang
dekada.

Ang kontemporayong isyu ay iba sa kasalukuyang kaganapan(current events) dahil


mas malawak ang saklaw ng kontemporaryong isyu at maaaring manatili pa rin itong
makabuluhan pagkalipas ng ilang taon o dekada. Samantala, ang mga kasalukuyang
kaganapan naman ay maaaring bahagi lamang ng mas malawak na kontemporayong
isyu.

You might also like