You are on page 1of 3

Pangwakas na Proyekto

Sa Filipino 10

Sitwasyon:

Ikaw ay dekano ng Araling Pilipino sa isang unibersidad. Inanyayahan kang


magbasa ng isang kritikal na papel sa isang simposyum para sa ika-160
anibersaryo ng pagkakalimbag ng les Miserables. Ang mga tagapakinig ay mga
estudyante sa hayskul. Sa iyong papel, tatalakayin mo ang kaugnayang Noli Me
tangere at Les Miserables. Isaalang-alang ang mga rekisitos sa pagsasagawa ng
isang simposyum. Suriin ang kaligirang kasaysayan ng dalawang nobela at
iugnay sa kasalukuyang panahon. Tiyaking tama ang mga babanggiting datos.
Isulat ang papel sa pananaw na pinakaepektibo sa kabataan. Gumamit ng mga
pandiwa, pangatnig, pampalawak ng pangungusap at mga salitang nagpapahayag
ng matinding damdain o emosyon. Gumamit din ng mga pang uring pamilang o
mga salitang nagpapakita ng time sequence para maging maayos at malinaw ang
pagkakasunodsunod ng mga pangyayari. Ihiwalay ang mga datos sa opinion sa
pamamagitan ng paglalagay ng mga parirala sa simula ng pangungusap, para
maihudyat na ang pahayag ay sariling opinion o pananaw. Gumamit ng mga
berbal at di-berbal na estratehiya sa pagbabasa ng panayam.

Rubrik sa Paggagrado:
Mga Palatuntunan:

1. Manaliksik ng isang kabanata ng Noli Me Tangere at isang kabanata ng Les Miserables.


2. Ilahad ang buod ng bawat kabanata.
3. Ilahad ang kanilang pagkakaiba at pagkakapareho.
4. Ilahad ang isyu o mga isyung makikita ninyo sa dalawang nobela at iugnay ito sa kasalukuyang
pangyayari/panahon.
5. Ilahad ang solusyon sa mga isyung napag usapan sa sa dalawang nobela.
6. Porma:

Pangalan: yr/seksyon: Petsa:


Pamagat: Kritikal ng Pagsusuri
Noli Me Tangere at Les Miserables
Font size= 11
Font name= Bookman Old
Spacing= 1 .5
Indention: left .5, right 1

Buod ng Dalawang Nobela

Unang Talata-
 Historikal Background ng dalawang Nobela
 Pagkakapareha at pagkakaiba ng dalawang nobela
 Sampu o mahigit na pangungusap

Ikalawang Talata-
 Pagtatalakay ng mga isyu or problema makikita o mababasa sa nobela ta pag-uugnay
nito sa kasalukuyang panahon.
 lima o mahigit na pangungusap

Ikatlong Talata
 Paglalahad ng solusyon o suhestiyon sa natalakay na problema.
 lima o mahigit na pangungusap

7. Petsa ng Pagpasa: October 20, 2020


8. Bigyan ng credits ang bawat sources ng inyong nasaliksik na impormasyon
9. Maaring magpresenta ng powerpoint presentation tungkol sa napiling kabanata sa nobela.
10. Presentasyon ng inyong kritikal na pagsusuri , pagkatapos ng unit exam.
Note: Magtukoy ng mga pangungusap o salita batay sa hinihingi sa ibaba;

Gamit ng pandiwa-3 ( isa pangungusap sa bawat gamit ng pangugusap)

Kayarian ng salita – 10 (tukuyin kung anong kayarian ito ng pangungusap at uri ng panlaping ginamt
kung ang salitang napili ay maylapi)
Uri ng pangatnig – 8(isa sa bawat uring pangatnig)
Berbal at Di-berbal na istratehiya- 5
Pampapalawak ng pangungusap
 ingklitik/paningit-3
 mga panuring(pang-uring panuring at pang-abay na panuring)-3
 pamuno sa pangalan-3
 Pamuno sa pangalang-3
 Kaganapan sa pandiwa-7 (isa sa bawat uri ng kaganapan sa pandiwa)
 Mga kaugnay na parirala-3
 Angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw

You might also like