You are on page 1of 13

FILIPINO REVIEWER

Q1 LESSONS:
 Panitikan
 Karunungang Bayan
 Paghahambing
 Gramatika at retorika
 Mahahalagang tala tungkol sa Katutubong Tula
 Kariktan o Kagandahan
 Epiko (bahagi ng epiko)
 Yunit ng wika
 Pagpapalawak ng Paksa
 Sanhi at Bunga (hudyat)
 Sistematikong Pananaliksik

1
PANITIKAN (pan-titik-an)
 Nanggaling sa salitang latin na “littera” meaning titik
 Ay ang pagsusulat ng tuluyan at patula na naguuugnay sa isang tao
 Ito ay salamin, repleksiyon, at representasyon ng buhay, lipunan, karanasan,
at kasaysayan
 Binabasa ito dahil nakatutulong ito na malaman ang nangyari sa kasaysayan
 Upang makapulot ng aral sa buhay at karanasan

ANYO NG PANITIKAN
Batay sa Pagsasalin
1. Pasalindila - pakikipagusap

2. Pagsulat - pagsusulat
Batay sa Anyo
1. Tuluyan/Prosa - tuloy tuloy hanggang makagawa ng talata (essay) example:
maikling kuwento, sanaysay
2. Patula - nagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng saknong example:
korido, awiting bayan

2
KARUNUNGANG BAYAN
MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO DUMATING ANG MGA ESPANYOL
(Panitikan na Nasa Anyong Patula)

KARUNUNGANG BAYAN
 Ito ay binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong palaisipan, kasabihan,
at bulong. Karaniwang nagmula sa mga tagalog at hinango sa mahahalagang
tula.

SALAWIKAIN
 Nakaugaliang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating
mga ninuno na may layuning mangaral at akayin ang kabataan patungo sa
kabutihang-asal

HALIMBAWA:
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, 'di makakarating sa
paroroonan.

SAWIKAIN O IDYOMA
 Salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga (metaphor). Hindi tiyak ang
kahulugang ibinigay nito dahil may natatago pa itong kahulugan patungkol
sa iba’t ibang bagay.

HALIMBAWA:
bagong tao = binata
binawian ng buhay = namatay

KASABIHAN
 Tugmang sinasambit ng mga bata at matatanda na katumbas na Mother
Goose Rhymes sa ingles. Ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng
isang tao.

HALIMBAWA:
Putak, putak Titirit ng ibon,
Batang duwag Titirit ng maya
Matapang ka’t Kaya lingon nang lingon
Nasa pugad. Hanap ay asawa.

3
BUGTONG
 Ito'y pahulaan o patuturan ng isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.

HALIMBAWA:
Dala mo, dala ko
Dala ka ng iyong dala (ans: tsinelas o sapatos)

BULONG
 Pahayag na ginagamit pang kulam o pangontra sa kulam, engkanto, at
masasamang espirito.

HALIMBAWA:
Tabi, tapi po nuno kami’y makikiraan lang.

4
PAGHAHAMBING
 Ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa
isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakaiba at sa pagkakatulad
ng dalawang bagay na pinaghahambing.

DALAWANG (2) URI NG PANGHAHAMBING


1.Pahambing na Magkatulad
-magkatulad ang katangian ng pinag hahambing
sing magsing sing
sim magsim ga
sin magsin magka
gaya ng kapwa pareho

2.Pahambing na Di-Magkatulad
a. PALAMANG - nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing
HALIMBAWA: higit, lalo, mas, di-hamak
b. PASAHOL - kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing
HALIMBAWA: di gaano, di gasino, di masyado

5
Gramatika o balarila ang agham sa paggamit ng mga salita at ang kanilang
pagkakaugnay-ugnay na kailangang umayon sa tamang gramatikal istrukyur at iba
pa. (kaayusan ng salita sa pagbuo ng mga pangungusap at organisasyon ng mga
ideya)

Retorika ay tumutukoy sa kasiningan ng kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat.

MAHAHALAGANG TALA TUNGKOL SA SUKAT AT TUGMA


NG KATUTUBONG TULA

TALUDTOD
► Ito ang pinakamaliit na yunit ng tula ng binubuo ng ilang pantig. Ito ay ang
linya o berco (verse) sa loob ng tula.

SAKNONG
► Ito ay grupo ng mga taludtod na may magkakasunod na mga salita na bumubuo
sa isang bahagi ng tula.

SUKAT
► Ito ay tumutukoy sa bilang ng mga pantig (syllables) sa bawat taludtod.
► Ito ay tumutukoy sa pagkakapare-pareho ng bilang ng mga pantig (sylables) sa
dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula.

AANIMING PANTIG
Kung ano ang buhay,
siyang kamatayan.
TUGMA
► Ito ay tumutukoy sa pagkapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang
taludtod sa isang saknong ng tula.
6
TUGMAAN SA PANTIG
•Pating na may impit
hal. imbi, guho, sira

•Pating na walang impit


hal. abo, ina, ale

TUGMAAN SA KATINIG
•Unang Pangkat
B, D, K, P, S, T

•Ikalawang Pangkat
M, N, L, NG, W, Y

7
KARIKTAN O KAGANDAHAN
a. Talinhaga - salitang pahiwatig o malalim ang kahulugan
b. Larawang diwa (imagery) - salitang pumupukaw ng pandama
c. Simbolo - mga salitang may kinatawan. maliban sa iteral na kahulugan

EPIKO
► Ang epiko ay isang mahabang tula na nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o
mga ginawa ng isa o higit pang bayani o maalamat na mga nilalang.
► Ito ay tungkol sa kabayanihan at nagtataglay ng mahiwaga at kagila-gilalas o
‘di kapani-paniwalang pangyayari.

BAHAGI NG EPIKO
1. SIMULA - makikita ang tauhan at tagpuan
2. GITNA - Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Nakapaloob dito matatagpuan
ang diyalogo, saglit na kasiglahan,tunggalian, at kasukdulan.
3. WAKAS - Matatagpuan ang kakalasan o pagbaba ng takbo ng kwento at
pagtatapos.

YUNIT NG WIKA
1. Salita (word)
2. Parirala (phrase)
3. Pangungusap (sentence)
4. Talata (paragraph)

TALATA
► Isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may
balangkas, may layunin, at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa pinaka
paksang pangungusap (topic sentence)

IBA’T IBANG TEKNIK SA PAGPAPALAWAK NG PAKSA

1. Pagbibigay katuturan o depinsyon


8
- Masaklaw na pagpapaliwanag upang mas maintindihan ang paksa.

2. Paghahambing at Pagtatambis
- Pinaghahambing ang mga bagay na magkatulad upang mapalitaw ang tiyak na
katangian, samantalang ang mga magkakaiba ay pinagtatambis upang maibukod
ang isa sa isa.

3. Pagsusuri
- Pagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng isang bagay kundi
pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa.

SANAYSAY (essay)
1. Panimula
- Dito masusumpungan ang pamaksang pangungusap ng sanaysay. Kailangang
mabisa ang pambungad ng sanaysay upang mapukaw ang interes ng mambabasa.

2. Katawan / Gitna
- Taglay nito ang kabuuang nilalaman ng sanaysay.

3. Wakas
- Ito ang pasarang pangungusap na nagbibigay diin sa paksa ng sanaysay.

SANHI AT BUNGA
Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan.
- sapakat/pagkat
- palibhasa, at kasi
- naging
- dahil
- dabilan sa
9
- bunsod ng
- sanhi ng
- sa kadahilanang
- palibhasa

Hudyat na nagpapahayad ng bunga o resulta.


- bilang resulta
- sa huli
- samakatuwid
- sa gayon
- kaya’t
- nang sa gayon
- kaya naman

SISTEMATIKONG PANANALIKSIK
Isang mahalagang kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral ay ang
sistematikong paraan ng pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang mapanuri at
makaagham na imbestigasyon o pagsisiyasat ng isang bagay, paksa, o kaalaman sa
pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan, at pag-uulat ng mga ideya nang
obhetibo, matapat, at may kalinawan.
10
Narito ang mga hakbang sa paggawa ng isang sistematikong pananaliksik.

1. Pagpili ng Paksa
Sa pagpili ng paksang susulatin unang bagay na dapat mong isaalang-alang ay
kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes. Ikalawa, kailangang
masiguro kung kakayanin mong gawin ang pananaliksik: at ang huli, ang pagpili
sa paksa na may sapat na malilikom na datos.

2. Paglilimita ng Paksa
Mahalagang bigyang-limitasyon ang paksang pipiliin upang hindi ito masyadong
maging masaklaw at matapos sa tamang panahon. Sa paglilimita ng paksa, gawing
batayan ang sakop ng panahon, sakop ng edad, sakop ng kasarian, sakop ng
grupong kinabibilangan, sakop ng anyo/uri at sakop ng perspektiba

Halimbawa:

Paksa: Ang Pagpapahalaga sa Kuturang Pilipino


Nalimitang Paksa: Ang mga Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino sa Rehiyon 1

3. Paghahanda ng Pansamatalang Bibliyograpi


Sumunod na gawin ang paghahanda ng pansamatalang bibliyograpi. Tandaan ang
paghahanda nito ay isang patuloy na proseso.

Ang bibliyograpi o talasanggunian ay talaan ng iba't ibang sanggunian katulad


ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang
materyales maging sa Internet. Siguraduhing ang mga aklat o impormasyong
isasama sa talaan ay may kaugnayan sa paksang tinatalakay. Hindi kailangang
basahin nang masinsinan ang mga aklat o artikulong nasa talaan. Subalit,
mahalagang basahin ito nang pahapyaw upang matiyak ang kaugnayan nito sa
paksa. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng pansamantalang
bibliograpi.
 pangalan ng awtor
 pamagat ng kanyang isinulat impormasyon ukol sa pagkakalathala
 mga naglimbag
 lugar at taon ng pagkakalimbag
 pamagat ng aklat
 ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman

4. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas

11
Ang pagbabalangkas ay isinasagawa upang maisaayos ang mga ideyang nakalap
mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos. Makatutulong ito upang mabigyan
ng gabay at direksiyon ang pananaliksik sa simula pa lamang. Sa pagbuo ng
balangkas kailangang isulat ang pangunahing ideya o pinakabuod ng pananaliksik
na isinasagawa. Isunod na ilista ang mga pontulong na ideya. Sumunod na tiyakin
kung paano ilalahad nang maayos ang mga ideya: kung ito ba'y kronolihikal o
ayon sa lugar at saka isasaayos ang pormat.

4. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline


Dito na susurling mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak
kung may mga bagay bang kailangang baguhin at ayusin. Balansehin ang lagay ng
bawat punto. Tantiyahin ang bawat bahagi kung nasusobrahan o nakukulangan ng
detalye.

5. Pagsulat ng Burador o Rough Draft


Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga kard ng tala ay maaari ka nang
magsimulang sumulat ng iyong barador. Kailangang ang sulating pananaliksik ay
dapat magkaroon ng panimula na kababasahan ng pinalawig na balangkas, at
iyong kongklusyon na siyang nagsasaad ng bood ng iyong mga natuklasan sa
iyong pananaliksik.

Sa pagsulat, dapat ding tandaan at isaalang-alang ang paggamit ng pahayag sa


pag-aayos ng datos. May mga pananda na naghuhudyat ng pag-uugnay sa iba't
ibang bahagi ng pagpapahayag. Ang ilan sa mga panandang magagamit sa pag-
aayos ng mga datos ay ang una, sunod/sumunod, saka, bilang pagtatapos. wakas, o
sa dakong huli.

6. Pagrerebisa
Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang mga kamaliang
nagawa na kailangang maiwasto. Huwag gawing madalian ang pagrerchisa upang
maingat na maiwasto ang bawat pangungusap at walang makaalpas na mali. Dito
pag-ukulan ng pansin ang pagbabaybay, kaangkupan ng pagkakagamit ng mga
salita, gamit ng mga bantas, at ang estruktura ng mga pangungusap.

7. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito


Manuskrito ang tawag sa pinal na sipi ng isang sistematikong pananaliksik. Ito ay
dapat na nakaayon sa pamantayan o istandard na ibinigay ng guro. Tandaang bago
ipasa ang pinal na gawa, repleksiyon ng sarili ang anumang ginagawa kaya't
kailangang pagbutihin ang pagsulat bilang pagpapabuti rin sa sarili.

12
Sa pananaliksik, mahalagang matutuhan mo rin ang tamang paggawa ng
talasanggunian o hibliyograpi. Ngunit tandaang sa pangangalap ng mga
impormasyon ay hindi lamang isang aklat ang iyong magagamit upang
mapagsanggunian. Maaari ka ring gumamit ng Internet, panayam, o panoorin sa
pangangalap ng mga impormasyon.

Importante ang paggawa ng talasanggunian dahil bukod sa pagbibigay galang sa


mga may-akda o may ideya ng iyong mga nakalap na impormasyon, ito rin ay
isang matibay na ebidensiya ng pagpapatunay ng katumpakan ng mga
impormasyong iyong nakalap.

Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng talasanggunian ay:

 Maaari itong isaayos nang paalpabeto hatay sa pangalan ng may-akda ng


aklat o mula sa pinakabagong limbag na aklat hanggang sa pinalaluma
 Pagpangkat-pangkatin ang mga uri ng sanggunian kung ito ba ay aklat, mula
sa isang pahayagan, magasin, ulat, o Internet.
 Ilagay ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat, tagalimbag, at taon ng
pagkakalimbag.

13

You might also like