You are on page 1of 16

ORGANISASYON

NG PASALITA AT
PASULAT NA
KOMPOSISYON
GROUP 1:
 KAISAHAN
 PAGKAKAUGNAY-UGNAY O KOHIRENS
 DIIN O EMPASIS
 HULWARAN NG TEKSTO
 PAGGAWA NG BALANGKAS
KAISAHAN
 Isang paksang tatalakayin sa kabuuan ng isang
komposisyon
 Kailangan magkaroon ng ideya, layunin at tono sa
pagsulat
 Makakatulong din sa pagpapanatili ng kaisahan ang
Semantic Mapping bago magsalita o magsulat
Halimbawa ng
Semantic Mapping.
PAGKAKAUGNAY-UGNAY O
KOHIRENS
 Tumutukoy sa kakipilan o ugnayan
 Paggamit ng mga panghalip: panghalip na panao, panghalip na
pangatnig, atbp.
 Tumutukoy sa pagkakahanay-hanay ng mga ideya o
pangyayaring tinatalakay. Ito aytumutukoy sa kakipilan o
ugnayan
 Pagkakaroon ng tuluy-tuloy na daloy ng diwa ng isang
komposisyon.
HALIMBAWA
1. Panghalip na panao – sina, sila, ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, mo, siya, kanila, siya,
kanya, atbp.
2. Panghalip na pangatnig – ito, iyan, iyon, diyan, niyon, noon, doon, yaon, atbp.
3. Paggamit ng salitang naghahayag ng karagdagan – at, isa pang, saka, atbp.
4. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagsalungat – subalit, ngunit, datapwat, atbp.
5. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng bunga ng sinundan – dahil, bunga
6. Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagkakasunud-sunod ayon sa panahon – samantala,
pagkatapos
7. Paggamit ng mga salitang magkakasingkahuluganat maging ang pag-uulit ng mga salita – Basta-basta,
siga-siga, inilagay at inilaglag, ganda at rikit
DIIN O EMPASIS
 Pagbibigay ng higit na pansin
sa pinakamahalagang kaisipan
sa loob ng isang komposisyon.
Uri ng Diin o Empasis
1. Diin sa pamamagitan ng POSISYON - Tumutukoy ito sa paglalagay ng pamaksang
pangungusap sa wasto o angkop na lokasyonnito sa loob ng isang set ng mga
pahayag o talata. Ang pamaksang pangungusap ay maaaring matagpuan sa unahan,
gitna o hulihang bahagi.
2. Diin sa pamamagitan ng PROPORSYON - Sa simulang ito ang bawat bahagi ay
binibigyan ng proporsyonal na diin ayon sa halaga, laki,ganda at iba pang sukatan
3. Diin ayon sa PAGPAPARES-PARES NG MGA IDEYA - Ang paglalahad ng mga ideya sa
pamamagitan ng pagpapares-pares ng mga ito aynakapagbibigay ng malinaw na
pagkakatulad o pagkakaiba ng kanilang pagkakaugnay (makakatulong ito sa
pagpapahayag ng barayti ng mga implikasyon.) Ang pagpapare-pares ng mga ideya
ay nagagawa sa pamamagitan ng paggamit ng salitang “at” at “o”.
HULWARAN NG TEKSTO
Iba’t ibang hulwaran ng teksto:
1. Depinisyon - Pagbibgay ng paglilinaw o paglalahad sa isang piling paksa. Naglalayon itong magbigay-
linaw tungkol sa isang bagay na tinutukoy. Mas pangkalahatan ang salitang ito kaysa sa kahulugan, na
mas ginagamit para sa mga salita, at katuturan, na mas ginagamit para sa mga bagay o konsepto.
2. Enumerasyon - ang Enumerasyon ay uri ng kohesyon na nagpapakita ng pag kakasunud-sunod ng mga
detalye o parang isa ang simpleng balangkas.
3. Pagsusunod-sunod - Madalas tayong nagkukuwento ng mga pangyayaring nasaksihan o naranasan
subalit kung minsan hindi malinaw ang paghahatid natin ng mensahe dahil na rin sa kakulangan ng
mga detalye o kaya naman ay napaghahalo-halo natin kaya’t maging ang kausap natin aynalilito kung
nababago ang mga pangyayari.
Ang bawat kuwento ay binubuo ng mga sunod-sunod na pangyayari: simula, gitna, at
wakas. Bawat manunulat ay may kanya-kanya ring estilo ng pagkukuwento minsan ay
pabalik na nagsisimula sa gitna, patungo sa simula o tinatawag na flashback.
Mga panandang ginagamit sa hulwarang pagsusunod-sunod: una, sasimula, noon,
samantala, saka, maya-maya, hanggang, huli, nang magkaganon, pagkatapos.

Mga uri ng pagsunod sunod:


• Sekwensyal - Sekwensyal ay mga serye o sunod-sunod na mga bagay na konektado sa
isa’t-isa, ang isang teksto ay gumagamit ng pagsunod-sunod na sekwensyal kung ito ay
kinapapalooban ng serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t-isa
• Kronolohikal - Ang paggawa ng talambuhay ng isang tao o kaya ay ang kronolohikal na
pagkakasunod-sunod ng isang pangyayari.
• Prosidyural - Magaan at magiging madali ang pag-unawa ng mga mambabasa sa uring
ito, dahil sa katulad sa pag-iisa-isa, nakaayos din ayon sa pagkakasunod ang mga
pangyayari, kaya’t madali ang pag-unawa. Ang uri na ito ay may estilong pinaghahati-hati
sa maliliit na paksa ang isang malawak na paksa at ang maliliit na paksa ay isa-isang
binibigyan ng pamagat. Ang tawag dito ay ang paglilista ng detalye.

4. Paghahambing at Pagkokontrast - Ang tekstong ito ay nagbibigay-diin sapag kakatulad at


pagkakaiba ng mga kaalaman, konsepto, pangyayari, taoat iba pa. Laraniwang ginagamitan
ito ng paglalarawan ukol sa katangian o kalikasan ng mga pinaghahambing at pagkokontrast
upang malinaw na maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito. Ang hulwarang
paghahambing at pagkokontrast ay madalas gumagamit ng mga panandang: kasing, tulad
ng, gaya ng, sa ganoon, ganito, pero, ngunit, subalit, sa halip, datapwat, sa kabilang dako o
banda, habang,samantala, atbp.
5. Sanhi at Bunga - Ang SANHI ang siyang pinagmulan o dahilan ng isangpangyayari. Sa
salitang Ingles, ito ay ang “CAUSE”. Ang “BUNGA” ang siyang kinalabasan o dulot ng
naturang pangyayari. Sa salitang Ingles, ito ay ang “EFFECT”.
PAGGAWA NG BALANGKAS
Ito ay ang maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan
ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod. Ang
tagubilin dito ay lohikal na ayusin ang mga tala at
gamitin ang mga ito bilang preliminaryong material
sa pagbuo ng balangkas.
Tatlong Kategorya ng
Balangkas

• Dibisyon – Bilang Romano ang ginagamit na pananda ( I, II, III, IV)

• Sub-dibisyon - Malaking titik ng alpabeto ang ginagamit na pananda (A, B, C, D, E)

• Seksyon – Bilang-Arabiko ang ginagamit na pananda (1, 2, 3, 4, 5). Minsan ay may


paghahati rin sa sub-sekayon at ang maliliit na titik ng alpabeto ang ginagamit na
pananda para dito.
Uri ng Balangkas
1. Paksang Balangkas (Topic Outline) - Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang
dahil matipid ito sa pananalita o pahayag. Madalas ginagamitan ito ng mga
pangngalang-diwa (gumagamit ng panlaping makangalan na pag).

2. Pangungusap na Balangkas (Sentence Outline) - Ito ay binubuo ng mga buong


pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na ideya.

3. Patalatang Balangkas (Paragraph Outline) - Ito ay binubuo ng mga pangungusap


na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.

You might also like