Kaisahan – tawag sa pangangailangan ng iisang paksang tatalakayin sa kabuuan ng isang komposisyon.
Kaisahan sa loob ng isang komposisyon dapat may kaisahan sa tono, ideya at layunin mapagdugtong-dugtong sa hiblang tagapag-ugnay. Ang pagtatanong at pagsagot sa Ano, Sino, Kailan, Saan, at Paano ay makatutulong sa pagpaplano ng lapit sa isang komposisyon. Semantic Mapping – sa pamamagitan nito matitiyak na ang sumusuportang detalye ay hindi lumalayo sa pangunaging kaisipan. Pagkakaugnay-ugnay o Kohirens – aytem ng retorika na tumutukoy sa pangangailangan ng kakipilan. Mga salitang ginagamit upang magkaroon o kaya’y mapanatili ang ugnayan ng mga salita at pangungusap sa komposisyon: o Paggamit ng mga panghalip na panao at mga panghalip na pamatlig o Paggamit ng mga salitang naghahayag ng karagdagan o Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagsalungat o Paggamit ng mga salitang naghahayag ng bunga ng sinundan o Paggamit ng mga salita naghahayag ng pagkakasunod-sunod ayon sa panahon. o Salitang magkasingkahulugan at pag-uulit ng mga salita. Diin o Empasis – ito ang pagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang komposisyn. Mauuri ito ayon sa sumusunod: o Diin sa pamamagitan ng posisyon – tumutukoy ito sa paglalagay ng pamaksang pangungusap sa wasto o angkop na lokasyon nito sa loob ng isang set ng mga pahayag o talata. Ang pamaksang pangungusap ay maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna, o hulihang bahagi. Bihirang gawin ang paglalagay ng paksang pangungusap sa gitna ng talata. o Diin sa pamamagitan ng proporsyon – sa simulain ito ang bawat bahagi ay binibigyan proporsyonal na diin ayon sa halaga, laki, ganda at iba pang sukatan o Diin ayon sa pagpares-pares ng mga ideya – nakapabibigay ng malinaw na pagkakatulad o pagkakaiba ng kanilang pagkakaugnay. Makakatulong ito sa pagpapahayag ng barayti ng mga implikasyon. Naggagawa sa pamamagitan ng salitang at at o. Hulwaran ng Teksto – ibatay sa sikwensya, pagkakasunod-sunod o kronolohiya ng mga bagay, kaayusan ng mga bagay sa isang espesyo o sa lohika ng mga impormasyon o datos. o Sikwensyal – sa hulwarang ang mga datos ay inaayos mula sa unang pangyayari hanggang sa huli o kabaligtaran nito. o Kronolohikal – sa hulwarang ito ang mga datos ay inaayos batay sa mga tiyak na baryabol tulad ng edad, halaga, dami, o tindi. o Espesyal – sa hulwarang ito ang mga datos ay inaayos ayon sa layo o distansya. Maaaring ang paglalarawan sa paksa ay mula sa itaas o paibaba o kabaligtaran nito, loob papabalas o kabaligtaran nito, o malapit patungo sa malayo o kabaligtaran nito. o Lohikal – ang hulwarang ito ay gamitin sa tekstong argumentatibo. Inaayos ang mga datos sa hulwarang ito batay sa lohikal, kung gayon, maaaring pasaklaw o kaya ay pabuod. Paggawa ng balangkas – isang Teknik upang makamit ang mga nabanggit na aytem sa pagsulat. Balangakas - Ang pinakakalansay ng isang akda. Ito ang pagkakahati-hati ng mga kaisipang nakapaloob sa isang seleksyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito. o Nahahati sa tatlong kategorya: Dibisyon (bilang romano) Sub-dibisyon (malaking titik alpabeto) Seksyon (bilang arabiko); minsan mag paghahati pa sa sub-seksyon ginagamitan ng maliliit na titik. o 2 uri: Paksang balangkas (topic outline) Pangungusap na balangkas (sentence outline) Mga tanong: o Ano-ano ang mga kasangang paksa o sub-topics na tinalakay sa seleksyon? o Pareho-pareho ba ang proporsyon ng