You are on page 1of 6

UNIT 3

ORGANISASYON NG PASALITA AT PASULAT NA KOMPOSISYON

Panimula:
Ayon kay Bernales (2012), Ang makrong kasanayang pagsasalita at pagsulat ay
napakahalaga sa buhay ng tao. Kaiba sa pakikinig at pagbasa na mga kasanayang reseptib,
ang pagsasalita at pagsulat ay kasanayang ekspresibo at prodaktibo o kasanayang
ginagamit sa pagpapahayag ng ideya o kaalaman at damdamin o emosyon.

Sa pag-aaral ng masining na pagpapahayag, napakahalaga ng mga kasanayang ito


dahil ito ang mga batayang midyum ng larangang ito. Sa bahaging ito ng ating pag-aaral,
marapat nganag pagtuunan natin ng pansin ang paggawa ng komposisyon na mauri rin
bilang pasalita o pasulat. Ang paggawa nito ang pinakakonkretong manipestatsyon at
sukatan ng kahusayan sa pagpapahayag, masining man o karaniwan, pahayag pa rin ni
Bernales.

Mga Layunin: Pagkatapos ng yunit na ito, inaasahang kang:


1. Makapagtala ng mahahalaganag impormasyon sa tekstong binasa tulad ng
paksang pangungusap at pansuportang detalye ng talata
2. Matukoy ang mga paraan ng pagsisimula at pagwawakas ng komposisyon
3. Matukoy ang mga sangkap ng komposisyon
4. Makagawa ng isang balangkas

Pagtalakay:
Lesson 8:

Ang Komposisyon

Ang komposisyon ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat.


Ang simpleng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga
pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasa o napanood na pangtatanghal ay
nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.

Paksa: Ito ang kalamnan ng sulatin

Bahagi ng Komposisyon
1. Panimula- mahalagang malaman na may tiyak na tungkulin ang simula ng
komposisyon

Ilang Mungkahi kung paano sisimulan ang isang komposisyon


a. Paggamit ng sipi
b. Paggamit ng tanong
c. Paggamit ng makatawag-pansing pangungusap
d. Maaaring gumamit ng pambungad na pagsasalaysay
e. Paggamit ng salawikain o kawikaan
Ang layunin ng mga ito ay upang maakit o makuha ang atensyon ng mga
tagapakinig o kaya mambabasa.
2. Katawan- may layunin paunlarin ang paksa

Mga Pamamaraan sa pagsasaayos ng Katawan ng Sulatin[ CITATION Jos03 \l 1033 ]


a. Pakronolohikal- pagsasaayos ito na ang paraan ng pagpapaunlad ay ayon sa
tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari mula pinakamatagal hanggang sa
pinakakasalukuyan. Halimbawa, kung ang paksa ay tungkol sa Unang Araw sa
Unibersidad, ito’y puwedeng simulan sa oryentasyon patungo sa pagpapatatala,
tuloy-tuloy sa mga pilang kailangan paghintayan para opisyal sa maasikaso ng
kinauukulan.
b. Paanggulo- ang pamamaraan ng pagsasaayos na ito ay ibinabatay sa personal na
masasabi o reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa
isang obhektibing paglalagom. Sa isang isyu, ang tatlong anggulo ay sapat na
para makabuo ng isang komposisyon. Halimbawa, kung ang paksa ay tungkol sa
Bitay o Hatol na Kamatayan, ang mga anggulo ay maaaring kunin sa mga
sumusunod: sa mga kriminal mismo na tiyak na maaasahan ang pagtutol o di-
pagsang-ayon dahil sa buhay nila ang nakataya; ang mga nagging biktima
kasama na ditto ang pamilya na tiyak namang lubos itong sasang-ayon; ang
bawat sector ng mamamayan na magkakaroon ng kani-kanyang iba’t ibang
pagpapasya. Sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa bilang ng reaksyong
nakuha ang kongklusyon ay madaling magawa.
c. Paespasyal o Paagwat- pagsasaayos itong pinauunlad and paglalahad sa
malapitsinisimulan dahil ang mga bagay-bagay dito’y alam na alam na,
patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay ay hindi masyadong
kilala o vice versa. Halimbawa, kung ang paksa ay tungkol sa kapitbahayan,
simulan ang pagtalakay sa sariling bahay papunta sa mga bahay na
pinakamalapit sa sariling bahay, tuluy-tuloy sa mga bahay na malayo sa sariling
bahay.
d. Paghahambing- sa pamamaraang ito ang pagpapaunlad ay isinasaayos nang
paseksyon. Sa unang sekyon sisimulan muna ang pagkakaiba tungo sa ikalawang
sekyon na ang mga pagkakapareho naman o vice versa.
e. Patiyak/Pasaklaw- isinasaayos naman ito sa apamamaraang sinasabi muna ang
mga particular o definidong detalty bago ang pangkalahatang pahayag o vice
versa rin.

3. Wakas- mahalaga ang wakas ng komposisyon. Ito ang huling nababasa o naririnig
kaya ito rin ang huling bagay na nakikintal sa isip ng mambabasa at tagapakinig
Ilang paraan ng pagwawakas
a. Ibigay ang buod ng paksa
b. Pag-iwan ng isang tanong
c. Mag-iwan ng hamon
d. Magwakas sa angkop na sipi

Uri ng pagsulat
1. Pormal – may sinusunod na pormat sa pagsulat at pili ang mga salitang gagamitin.
2. Di-pormal- malayang pagsulat

Sangkap ng Komposisyon

1. Kaisahan- (kakipilan) pagtulog-tulong ng mga pangungusap upang makabuo n g


isang pangunahing kaisipan.
ito ang pagkakaroon ng iisang paksang tinatalakay na hindi napapasukan ng mga
detalye kaisipang nalilihis sa paksa.[ CITATION Art01 \l 1033 ]
Subalit may mga pagkakataon na ang paksang ating gagawan ng talakay ay lubhang
malawak at masaklaw kaya nangangailangan ito ng paglilimita. Buhat sa isang
limitadong paksa, maaari na ngayong bumuo ng isang paksang pangungusap na
maaaring matatagpuan sa alinmang bahagi ng talaan. Ito ang magsisilbing gabay sa
pagbuo ng mga suportang pangungusap. (Bernales, 2012)

Makakatulong din sa pagpapanatili ng kaisahan ang semantic mapping bago magsalita o


magsulat. Sa pamamagitan nito, matitiyak na ang mga sumusuportang detalye ay hindi
lumalayo sa pangunahing kaisipan.

Pansinin ang kasunod na halimbaawa:

Mga kaganapan

6 Paanong 2
hindi na maulit
Ang salarin
Mga kaganapan
Ang 9-11

3
5 Mga epektong
pandaigdig Mga biktima

Mga kaganapan 4 Mga


epektong
pambansa
2. Kagkakaugnay-ugnay o Kohirens- paghahanay o tamang pagkasunod-sunod ng mga
pangungusap na kailangang kabitan ng mga pang-ugnay upang tuloy-tuloy ang
daloy ng diwa na pinapahayag. Ang mga pangatnig na ito ay nagsisilbing tulay sa
mga pangungusap. Tinuturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa isang
komposisyon kung mahusay ang pagkakahanay ng mga ideya o pangyayaring
tinatalakay rito..

Retorikal na Pang-ugnay https://www.slideshare.net/


Ang pang- ugnay ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig.
a. Pang-angkop- Ito ay ang katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-
angkop. Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa N. Hindi ito isinusulat nag nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito.
Nagigitnaan ito ng salita at ng panaguri. Halimbawa: mapagmahal na hari
Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik N tinatanggal o kinakaltas ang N at
pinapalitan ng ng. Halimbawa: Huwarang pinuno Ang pang-angkop na ng ay ginagamit
kung ang unang salita ay nagtatapos sa pangatnig. Halimbawa: mabuting kapatid
b. Pang-ukol- ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit gamiting pang- ukol, sa ayon
sa/kay, hinggil sa/kay, Kay/kina, ukol sa/kay,Alinsunod sa/kay para sa/kay, Laban
sa/kay, tungkol sa/kay

c. Pangatnig- sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.

1. Pangatnig na pandagdag:Nagsasaad ng pagpuno o pagdagdag ng


impormasyon. Halimbaw: at, pati
2. Pangatnig na pamukod:Nagsasaad ng pagbubuklod o paghihiwalay.
Halimbawa: o, ni, maging
3. Pagbibigay sanhi/bunga:Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay
katwiran o nagsasabi ng kadahilanan. Halimbawa: dahil sa, sapagkat,
palibhasa
4. Paglalahad ng bunga o resulta:Nagsasaad ng kinalabasan o kinahatnan.
Halimbawa: bunga, kaya Pagbibigay ng kondisyon:Nagsasaad ng kondisyon
o pasubali. Halimbawa: kapag, pag, kung, basta
5. Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o pagtutol 
Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat

3. Diin o Empasis- ito ay nagbibigay ng higit na pansin sa pinakamahalagang kaisipan sa


loob ng isang komposisyon. Tumutukoy ito sa paglalagayn ng pamaksang pangungusap
sa wastong lokasyon nito sa loob ng talata. Kung gayon ang pamaksang pangungusap ay
maaaring matatagpuan sa unahan, sa gitna o sa huling bahagi.

Ang paksang pangungusap ay isang pangungusap na naglalagom sa pangkalahatang


nilalaman ng talatang kinapapalooban nito.
Halimbawa ng paksang pangungusap sa unahan:

May mga kapanatagan din dala ang kulay berde. Nakapagpapaalala ito ng ating
kabukiran,kabundukan at kagubatan, ng kalikasan at kasaganahan ng mapagpalang pagkalinga ng
Maykapal sa kanyang nilikha, gaya ng naantig sa atin sa pagtanaw ng malawak na kaparangan,
matatayog na bundok at mga burol na tila nagpapalinaw.

-Di Laging Pasko ang Berde


Ni Rene Villanueva

Halimbawa ng paksang pangugusap sa gitna ng talata:

Isinilang si Apolinario Mabini noong Hulyo 23, 1864 sa isang dampa sa


Tanauan, Batangas. Nagmula siya sa isang angkang mahirap lamang,
Ang kanyang mga magulang ay sina Dionisia Maranan at Inocencio
Mabini na bagama’t mga dukha lamang ay kapwa mga huwarang
magulang sa Tanauan.

-mula sa Apolinario Mabini:


Ang Utak ng Himagsikan
Ni Rolando A. Bernales

Halimbawa ng paksang pangungusap sa hulihan ng talata:

Nang sumiklab ang himagsikan laban sa mga Kastila, dinakip at


ibinilanggo si Mabini dahil sa labis na paghanga kay Andres Bonifacio.
Nang siya’y palayain, agad siyang umanib sa pangkat ni Emilio Aguuinaldo
At kalauna’y nagging kanyang tagapayo at kanang kamay. Simula noon,
Si Mabini ay tinaguriang Utak ng Himagsikan

-mula sa Apolinario Mabini:


Ang Utak ng Himagsikan
Ni Rolando A. Bernales

Aralin 9
Ang Paggawa ng Balangkas

Ang balangkas ay ang pinakakalansay ng isang akda. Ito ay ang paghahati-hati ng


mga kaisipang nakapaloob sa isang seleksyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Ang isang abalangkas ay nahahati sa tatlong kategorya: dibdibisyon ay
isyon,sabdibisyon at seksyon. ASng ginagamit na pananda sa mga Bilang Romano (I,II,II, IV
atbp.), sa sabdibisyon ay mga malalaking titik ng alpabeto (A,B,C atbp.) at sa seksyon ay
mga Bilang Arabiko (1,2,3 atbp.) Kung minsan ay may paghahati pa sa sabseksyon, at
maliliit na titik ng alpabeto (a,b,c atbp.) ang ginagamit ditong pananda.
May mga balangkas na ring bilang-Arabiko ang ginagamit sa dibisyon, sabdibisyon
at seksyon.
Hal:
1._________________________________
1.1.___________________________
1.1.1 ____________________
1.1.2 ____________________

Uri ng Balangkas
1. Paksang Balangkas (Topic Outline)
2. Pangungusap na Balangkas (Sentence Outline)

Halimbawa ng Paksang Balangkas:

I. Panimula: Tungkulin ng mga Anak sa Kanilang Magulang


II. Paraan ng Pagpapamalas ng Pagmamahal sa Magulang
A. Paggawa ng mga Bagay na Ikalulugod ng mga Magulang
1. Pagpaparinig sa mga Awiting Magugustuhan Nila
a. Mga Kundiman
2. Pagbili ng mga Bagay na Kanailanag Kinagigiliwan
a. Mga Aklat
B. Pagtulong sa Kanailang mga Gawain
1. Pagkukusa sa mga Gawaing-bahay
III. Paraan ng Pagpapamalas ng Paggalang sa mga MAgulang

You might also like