You are on page 1of 5

Aralin 1

Palihang pangwika
1. Nagpapahiwatig -> ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang
ebidensiya subalit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.
Halimbawa:
Ang pagtulong ng St. Agnes' Academy sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda ay nagpapahiwatig
ng pagiging Benedictine School nito.
2. Nagpapakita -> salita ang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay o totoo.
Halimbawa:
Ang tulong mula sa iba't ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong piso ang nagpapakita sa likas
na kabuting-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at lahi mo.
3. May Dokumentaryong Ebidensiya -> ito ay mga patunay na maaaring nakasulat, larawan o video.
4. Nagpapatunay/Katunayan -> ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa
ipinahahayag.
5. Taglay ang Matibay na Kongklusyon -> ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya,
pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.
6. Kapani-paniwala -> salita ang nagpapakita na ang ebidensiya ay makatotohanan at maaaring
makapagpatunay.
7. Pinatutunayan ng mga Detalye -> Makikita mula sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag.
Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.
Halimbawa:
Pinatutunayan lamang ng mga nabanggit na detalye na ang St. Agnes' Academy ay isang tunay na
Benedictine School.
Aralin 2
Palihang pangwika
Ito ang tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa tiyak o masiguro o may mga
pag-aagam-agam pa ang taong nagsasalita.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa pamamagitan ng buong pangungusap gamit ang
mga salita o ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad. Salungguhutan ang mga salita o ekspresyong
ginamit.
BAKA...
SIGURO...
MAAARI
Baka... Pwede kayang...
Maaari... Siguro...
Marahil... Tila
Sa palagay ko... Posible kayang...
May Posibilidad bang...
SA PALAGAY KO...
MAY POSIBILIDAD BANG...
MARAHIL
POSIBLE KAYANG...
PWEDE KAYANG...
Aralin 3
Palihang pangwika
Sa pagtuturo ng gramatika, hinihimay-himay ang katuturan ng bawat salita upang lubos
na maunawaan ng mga mag-aaral, at upang ito’y kanilang magamit sa angkop na mga
pagkakataon. Ang mga salitang pangnilalaman (content words) na siyang nagsasaad ng mga
paksa at panaguri ay madaling nakikilala sa tulong ng mga salitang istruktural (functional
words). Kaya masasabing bawat salita na nakapaloob sa isang pangungusap ay nagtataglay ng
iba’t ibang gampanin sa paghahatid ng tiyak na mensahe sa komunikasyon.
            Ang yunit na ito ay nakatuon sa iba’t ibang mga pang-ugnay (connectors) na ginagamit
sa pagbibigay ng sanhi (cause) at bunga (effect) na siyang ginagamit natin sa mabisang
paglalahad ng isang pangyayari. Malalaman din dito ang kahalagahan ng pagbibigay ng
malinaw na mensahe lalo na’t nakapaloob ang pagbibigay ng naging sanhi at ang magiging
bunga nito.
Aralin 4
Palihang pangwika
1. Ang pag-uugnay ng ibat’ ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang
pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang pang-
ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol, at pangatnig.
2. 3. 1. PANG-ANGKOP- Ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng
pang- angkop. Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos
sa katinig maliban sa N. Hindi ito isinusulat nag nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito.
Nagigitnaan ito ng salita at ng panaguri. Halimbawa: mapagmahal na hari
3. 4.  Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik N tinatanggal o kinakaltas ang N
at pinapalitamn ng -ng.  Halimbawa: Huwarang pinuno  Ang pang-angkop na -ng ay
ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa pangatnig.  Halimbawa: mabuting
kapatid
4. 5.  2. PANG-UKOL- ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/pariralang malimit gamiting pang- ukol.  sa
ayon sa/kay  Ng hinggil sa/kay  Kay/kina ukol sa/kay  Alinsunod sa/kay para sa/kay 
Laban sa/kay tungkol sa/kay
5. 6.  PANGATNIG sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita, parirala, o
sugnay.  Pangatnig na pandagdag:Nagsasaad ng pagpuno o pagdagdag ng impormasyon.
 Halimbaw: at, pati  Pangatnig na pamukod:Nagsasaad ng pagbubuklod o paghihiwalay.
 Halimbawa: o, ni, maging
6. 7.  Pagbibigay sanhi/bunga:Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay katwiran o
nagsasabi ng kadahilanan.  Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa  Paglalahad ng
bunga o resulta:Nagsasaad ng kinalabasan o kinahatnan.  Halimbawa: bunga, kaya 
Pagbibigay ng kondisyon:Nagsasaad ng kondisyon o pasubali.  Halimbawa: kapag, pag,
kung, basta
7. 8.  Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o pagtutol 
Halimbawa: ngunit, subalit, sapagkat
Aralin 5
Palihang pangwika
1.  NA URI NG PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA  Eksistensyal  Padamdam 
Pakiusap  Temporal  Modal  Mga Ka-pandiwa  Penomenal  Mga Panawag 
Pambating Panlipunan
2. 3. EKSISTENSYAL Nagsasaad ng “pagkamayroon” o “pagkawala” Halimbawa  Wala pang
sundo.  May nakakaalam na.  May hinihintay pa.  Walang umayon.  May tao sa loob.
3. 4. PADAMDAM Nagpapahayag ng matinding damdamin ng tao. Halimbawa  Ay Mali! 
Aray ko!  Susmaryosep!  Aruy!  Omaygad!
4. 5. PAKIUSAP Nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap. Halimbawa  Paki abot nga.  Sige
na.  Makisuyo nga.  Pwede pa2fuse.  Please.
5. 6. TEMPORAL Nagsasaad ng ito ng mga kalagayan o panahong panandalian, karaniwan na
itong pangabay na pamanahon. 2 uri ng Temporal  Oras, araw, petsa Halimbawa  Umaga
na.  Bukas ay Lunes.  Ala singko pa lang ng hapon.
6. 7. TEMPORAL  Panahon, selebrasyon Halimbawa  Labor Day na bukas.  Magbabaksyon
lang.  Araw ng pagkabuhay sa makalawa.  Pasko na sa sa december.
7. 8. MODAL Nangangahulugan ito ng gusto/nais/pwede/maaari/ dapat o kailangan.
Halimbawa  Pwede bang sabihin?  Maaari bang magdagdag?  Nais mo ba?  Gusto
kita.:”>  Kailangan mo ba ko? <3
8. 9. MGA KA-PANDIWA Nagsasaad ito ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit itong may
kasunod na “lang/lamang.” Halimbawa  Kagagawa ko lang.  Kasasara pa lang.  Kasunod
ka lang.  Kalalaro lang.  Kakacharge ko pa lang.
9. 10. PENOMENAL Ito ay tumutukoy sa mga pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan
o pangyayari sa kalikasan o pang kapaligiran. 2 uri nito o Verbal Binuong pang uring
pandiwa na maaaring may kasamang adverbial o pang abay. Halimbawa.  Umuulan 
Bumaha kahapon.  Uulan marahil.
10. 11. PENOMENAL  Adjectival Binubuo ng mga pang uri na maaaring may kasama ring pang
abay. Halimbawa  Maginaw ngayon.  Maalinsangan.  Makulimlim na naman.
11. 12. MGA PANAWAG Maaari ring tawaging “vocative” o iisang salita o panawag Halimbawa 
Pssst!  Totoy!  Nene!  Batotoy!  Bunene!  Hoy!  Babe! <3
12. 13. PAMBATING PANLIPUNAN Magagalang na pananalita o ekspresyon na mahalaga sa
pakikipagkapwa tao. Halimbawa  Pasensya na po.  Salamat po.  Makikisuyo nga po. 
Tao po. (May mga rehiyong di gumagamit ng po at opo subalit nadarama ang paggalang sa
tono o intonasyon ng pagsasalita.)
13. 14. GROUP 1  Grace Cruz  Clayton Diola  Ken Tinao  J-Gabriel Kwon  Jamiebelle
Whigan  Sean Patrick Wicker  Nina Ursula  Matthew Rabanes

You might also like