You are on page 1of 3

 

Paglinang At Pagpapayaman
1. 1. Paglinang at pagpapayaman ng TALASALITAAN
2. 2. klino Pagsasa-ayos ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan ng ipi-
nahahayag.
3. 3. Halimbawa: namayagpag naghari nangibabaw namayani
4. 4. Klaster Pagbibigay ng kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng bilog
5. 5. pagdagsa
6. 6. Word Association Pag-uugnay ng mga salita Pagbibigay ng mga salitang maaaring
iugnay sa salitang nasa loob ng bilog.
7. 7. Halimbawa: lalaki bato Haligi ng tahanan tagapagtanggol
8. 8. Contextual Clues Pagbibigay kahulugan sa mga salitang nasalungguhitan batay sa
pagkakaga- mit nito sa pangungusap.
9. 9. Halimbawa: Nagpalabas ng kautusan ang pangulo na naglalayong protektahan ang
maliliit na negosyante sa pagrerehistro ng kani- lang negosyo. (Pagkatapos ay ibibigay
na ang kahulugan ng salita)
10. 10. Kolokasyon Pag-iisip ng iba pang salita na isasama sa isang salita o talasalitaan
upang maka- buo ng iba pang kahulugan.
11. 11. Halimbawa: PUSO Pusong-mamon maramdamin Atake sa puso sakit Puso ng
saging bunga ng saging na ginugulay Nagdurugong puso nagdaramdam Bakal na puso
matapang, matatag

12. gnayan ng mga SalitaHigit na marami ang karanasan ng mga tao kaysa sa alam
nilang talasalitaan kaya napipilitan silang gamitin ang isang salita na may iba’t ibang
kahulugan. Sa kabila nito, nagkakaunawaan pa rin ang mga tao sapagkat ang
kahulugan ng isang salita ay nagiging wasto kapag naging bahagi na ito ng
pangungusap. Halimbawa: Ang salitang bata ay may likas na kahulugang “child”
ngunit nagkakaroon ito ng iba’t ibang kahulugan ayon sa mga inihanay ng mga
kaugnayan ng mga salita sa pahayag: Nadapa ang bata. (Ang bata rito ay “child”)
Bata ka pa para mag-asawa. (Ang bata rito ay “young”) Nakita ko ang bata mo sa
Luneta. (Ang bata rito ay “sweetheart”)
13. GA PAMAMARAAN SA PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN 1.
Kolokasyon Higit na mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita kung itoy
kasama ng iba pang salita. May mga salitang nagsasama-samang palagi sa
isang konstruksyon at mayroon namang nagsasama-sama paminsan-minsan.
Halimbawa: buwig ng saging pumpon ng bulaklak kawan ng ibon ligaya at
lumbay trono ng hari marangyang piging magarang damit maaliwalas na
mukha 2. Klayn (Cline) Ito ang antas-antas na pagkakasunud-sunod ng
pagkakaiba-iba sa loob ng isang uri. Halimbawa: Panahon -mainit -malamig
Sa loon ng klayn ay maaaring ipasok ang mga salitang maalinsangan,
mabanas, at mahalumigmig. Pormal -talumpati -pahayag -usapan -daldalan
-satsatan Impormal Dito naman ay ginagamit ang klayn sa pagtuturo ng pag-
uuri-uri sa aksis na pormal at impormal ang mga salita. 3. Cloze Sa uring ito,
hindi ginagalaw ang titulo at ang unang pangungusap ng isang sipi.
Pumapasok ang pagpapayaman ng talasalitaan sa pamamagitan ng paghula
kung anong tamang salita ng angkop gamitin o ipuno sa puwang na
matatagpuan sa tuwing ikasiyam na salita maliban kung itoy pantanging
ngalan o bilang kaya. Pinapaboran ang dayad sa pagsasagot sa cloze.
Pinagpapareha ang mga estudyante para pag-usapan ang angkop na salitang
marapat gamitin. Pinag-uusapan pagkatapos sa tulong ng guro ang mga
sagot na tinatanggap at di tinatanggap. Halimbawa: Damang-dama ng lahat
na naroroon ang ________ na naghahari sa kapaligiran habang isinasagawa
ang ________ ng mga barungbarong na matagal nang ________ roon simula
pa nang ang mga kapatid na Muslim ay ________ sa Mindanao bunga ng
hidwaan ng gobyerno at ng MNLF. Ang mga posibleng sagot ay: 1. kaguluhan
tensyon kalituhan karahasan 2. paggiba demolisyon pagwasak paglilipat 3.
nakatayo nakatirik nakapwesto nakaiskwat 4. lumayo lumikas lumayas
tumalilis 4. Klaster Ito ang pagsama-sama ng magkakatulad na bagay sa
iisang grupo. Mga salita ito na magkakaugnay-ugnay sa iisang ideya.
Halimbawa: pagkayamot pagkamuhi pagkasuklam pagkainis GALIT
pagkapoot kilik Pagdadala ng isang bagay karga kipkip pasan pagkapikon
pagkabugnot pagngingitngit kaladkad kalong sunong tangan bitbit pangko 5.
Konteks May ibat ibang uri ng palatandaan kontekstwal na maaring
mapagbasehan ng kahulugan. a. Depinisyon Ang kahulugan o depinisyon ng
bagong salitang pag-aaralan ay nakapaloob sa binabasa. Halimbawa: Sa
butas ng nitso ay dahan-dahang inilagak ang bangkay. b. Paghihinuha Ang
estudyante ay inaasahang makagawa o makabuo ng isang palagay/ opinion/
konklusyon mula sa mga katotohanan o katwiran. Halimbawa: Ang paligid ay
kakikitaan ng paghihikahos ng mga tao. Nakabilanggo sa daigdig ang
barungbarong, lusak na estero, nanlilimahid na babaet lalaki. Mahihinuha rito
ang kahulugan ng paghihikahos sa tulong ng mga salitang lusak at
nanlilimahid. c. Paghahambing/ Kontras Ito ang pagbibigay-halaga sa mga
salitang naghuhudyat ng pagkakaiba tulad ng pangatnig na subalit, pero, at
ngunit, na nagpapahiwatig ng kaibahan ng kahulugan ng isang salita sa isa
pang salita. Halimbawa: Kapurit nga ang natirang pagkain ngunit nagkasya pa
rin sa maraming nakasahod na kamay. d. Pagsusuri Ang pagsusuri sa
pagkakabuo ng mga salitang-ugat at panlapi, nahuhulaan ng mag-aaral ang
kahulugan ng salitang pinag-aaralan. Halimbawa: tao-tauhan, panalag-
sinalag, digma-mandirigma 6. Konsultasyon Para matiyak na wasto ang
kahulugang ibinatay sa konteksto, mahalagang konsultahin ang sangguniang
aklat, diksyunaryo at iba pang sanggunian na angkop sa gulang ng magaaral.
7. Mga Kard Paggawa ng maliliit na kard sa bawat salitang inaakala ng mag-
aaral na mahirap tandaan. Mahalagang isulat sa kard and salita, ang
kahulugan nito, ang paggamit sa pangungusap at ilang kolokasyon. 8.
Pagkamalikhain Sapagkat ang wika ay kinapapalooban ng personal at
malikhaing kaisipan, inaasahang makakaisip ang guro ng pamaraan upang
matulungan ang mag-aaral na maging malikhain. Halimbawa: Maaaring
magpakita ang guro ng ibat ibang larawan at hayaan ang mga batang pumili
ng isang larawang nais nilang talakayin. Bigyan ang mga bata ng ilang
minuto, tawagin sa harapan, at ipatalakay ang larawang napili. Sa ganito, ibat
ibang talasalitaan ang maririnig at matutuhan ng mga mag-aaral.
14.

You might also like