Professional Documents
Culture Documents
Finals Filipino Handouts 2
Finals Filipino Handouts 2
A. Ginagamit bilang pangngalang pambalana (common noun) - mga pantukoy na ang layon, gawa,
kilos o ari ay para sa lahat o balana.
Mga Halimbawa:
1. Ang tema ng talakayan ay ukol sa kahalagahan ng edukasyon.
2. Ang mga donasyong ibinigay ng mga pulitiko ay para sa mga nasunugan.
B. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao - mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari
ay para sa tanging ngalan ng tao.
Mga Halimbawa:
1. Ang librong kanyang binabasa ay ukol kay Imelda Marcos.
2.Para kay Nilo ang asong ito.
Pantukoy na Tiyak (Definite Article). Ito ang pantukoy na “ang.” Gamit ito sa
pagtukoy ng isang partikular o tiyak na pangngalan.
Mga halimbawa: ang aklat, ang bata, ang kalapati, ang bundok, ang dagat.
Pantukoy na Panao (Personal Article). Maliban sa katagang “si,” ang mga panaong
pantukoy na sina, kina, at nina ay nagpapahihatig na ang tinutukoy ng mga ito ay dalawa
o higit pang mga tao.