You are on page 1of 3

IKALAWANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

ARALIN 2: WIKA: GAMIT AT POKUS NG PANDIWA

PAGLALARAWAN SA SABJEK

Ang sabjek na ito ay naglalayong mapunan ng kaalaman, pag-unawa at mahalagang


pangkatauhan ang bawat mag-aaral. Ito rin ay magiging daluyan ng pagpapalitan ng karunungan
sa pagpapaunlad ng kamalayan sa gramatika at panitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
interaktibong pamamaraan upang mahubog ang kanilang kakayahan sa kasanayang
pangkomunikatibo.

PAGLALARAWAN SA PAKSA

Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng aksiyon, kilos, o galaw, proseso o pangyayaring


karaniwang sadya o di-sadya, likas o di-likas, at karanasan o damdamin. Magiging makulay,
malinaw at mabisa ang paglalahad sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na pandiwa.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

     Naipamamalas ng mag-aaral  ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang


Mediterranean.

 PAMANTAYANG PAGGANAP

     Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique sa


alinmang akdang  pampanitikang Mediterranean.

 MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES

 1. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan.

2. Nagagamit ang pokus ng pandiwa bilang tagaganap, layon sa pagsulat ng paghahambing,


pinaglalaanan at sa pagsulat ng saloobin sa paghahambing ng sariling kultura at ng ibang bansa,
tagaganap at layon sa    isunulat na sariling kuwento.  

MGA LAYUNIN

1. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan.

2. Nagagamit ang pokus ng pandiwa bilang tagaganap, layon sa pagsulat ng paghahambing,


pinaglalaanan at sa pagsulat ng saloobin sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang, at
tagaganap at layon sa isinulat na sariling akda.

3. Nakagagawa ng isang halimbawa gamit ang pokus at gamit ng Pandiwa

GAMIT NG PANDIWA

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay- buhay


sa lipon ng mga salita. Ito'y binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi. Ang mga
panlaping ginagamit sa pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.

Tandaan na may gamit din ang pandiwa sa pangungusap. Alamin ang mga ito.

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela


IKALAWANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

I. Paggamit ng Pandiwa bilang Aksyon, Pangyayari at Karanasan

A. Ang pandiwa ay nagpapahayag ng aksyon, kilos o galaw kung ito'y may aktor o
tagaganap ng aksyon na maaaring tao o bagay. Mabubuo ang pandiwa sa tulong ng mga
panlaping um-at mag-.

Mga halimbawa:

1. Gumawa si Jupiter ng babae upang ipadala sa daigdig.

(aksyon)        (tagaganap)

2. Nagtulungan ang mga diyos at diyosa sa paglikha kay Pandora.


(aksyon)        (tagaganap)

 B. Ang pandiwa ay nagpapakita ng resulta ng isang pangyayari. Gumagamit dito ng mga
panlaping ma-/na-, um-.

Mga halimbawa:
          
1. Minsan naligaw ang matandang si Silenus sa kalasingan.
(resulta)                              (aktor)          (sanhi)

C. Ang pandiwa ay nagpapahayag ng karanasan kung ito'y naghahayag ng damdamin o


saloobin. Dahil dito may tagadanas ng damdamin o saloobing iyon na hinuhudyat ng
pandiwa.

     Mabubuo ang mga pandiwang nagsasaad ng karanasan sa tulong ng mga panlaping


um-, ma-/na-, mag-/nag-,mang-/nang-.

Mga halimbawa:

1. Natakot si Pandora nang buksan ang kahon.


(karanasan) (tagadanas)

2. Bigla siyang nangilabot nang makita ang nagliparang mga kulisap.


           (tagadanas) (karanasan)

POKUS NG PANDIWA

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng
pangungusap. Makikita ito sa panlaping ginamit sa pandiwa. Naririto ang iba't ibang pokus ng
pandiwa.

1.  Tagaganap o Aktor ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang
tagaganap ng kilos ng pandiwa.

       Halimbawa: Si Aphrodite ay tumugon sa panalangin ni Pygmalion.

 2. Layon o Gol ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay siyang paksa o binibigyang diin sa
pangungusap.

       Halimbawa: Pinag-uusapan ng mga tao ang estatwang nilikha ni Pygmalion. 

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela


IKALAWANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

 3. Ganapan o Lokatib ang pokus ng pandiwa kung ang lugar o pinagganapan ng kilos ang
paksa ng pangungusap.

       Halimbawa: Pinagmulan ng mga mitolohiya ang bansang Griyego.

 4. Tagatanggap o Benepaktib ang pokus ng pandiwa kung ang tao o bagay na nakinabang sa
resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap.

       Halimbawa: Ipinagdala nina Pygmalion ang mga alay si Aphrodite.

 5. Gamit o Instrumental ang pokus ng pandiwa kung ang bagay na ginamit upang maisagawa
ang kilos ng  pandiwa ang paksa ng pangungusap.

       Halimbawa: Ginamit ni Pygmalion ang paet at martilyo sa pag-ukit ng estatwa.

 6. Sanhi o Kosatib  ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ay ang dahilan o
sanhi ng kilos.

Halimbawa: Ikinatuwa ni Aphrodite ang patuloy na pag-aalay ng pamilya ni  Pygmalion.

FILIPINO 10 Guro: Bb. Maraia S. Vanzuela

You might also like