You are on page 1of 4

UNANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

ARALIN 1: PANITIKAN: MITOLOHIYA

PAGLALARAWAN SA SABJEK

Ang sabjek na ito ay naglalayong mapunan ng kaalaman, pag-unawa at mahalagang pangkatauhan ang
bawat mag-aaral. Ito rin ay magiging daluyan ng pagpapalitan ng karunungan sa pagpapaunlad ng
kamalayan sa gramatika at panitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng interaktibong pamamaraan
upang mahubog ang kanilang kakayahan sa kasanayang pangkomunikatibo.

PAGLALARAWAN SA PAKSA

Ang mitolohiya ay tumutukoy sa kalipunan ng mga mito ng iba't ibang pangkat ng tao. Ang mito ay
mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng daigdig-lupa, langit, bundok, karagatan, at iba pang kalikasan.
Masasalamin dito ang ugat ng sibilisasyon sa pamamagitan ng bayani ng kalinangan. Inilalarawan din sa
mito ang pagtanggap sa mapait na katotohanan sa buhay-panganib, sakit, masamang kapalaran at
kamatayan. Ang mito ay pinaniniwalaan ng ibang tao sapagkat ito'y bahagi ng kanilang pananampalataya.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

     Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang


Mediterranean.

 PAMANTAYANG PAGGANAP

     Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique sa alinmang


akdang  pampanitikang Mediterranean.

Most Essential Learning Competencies:

1. Naipahahayag ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa:


     a. sariling karanasan
     b. pamilya
     c. pamayanan
     d. lipunan
     e. daigdig
2. Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.
3. Natutukoy ang mensahe at layunin ng nabasang mitolohiya.
4. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon tungkol sa paksang tinalakay.

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang mahahalagang kaisipan o pananaw sa napakinggang mitolohiya.


2. Nakapagpapaliwanag ng mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda.
3. Nakagagawa ng isang reaksyon na papel sa pamamagitan ng halimbawang sitwasyon na
inilaan.

TRIVIA:

 Ang Mediterranean ay galing sa salitang Latin na mediterraneus na nangangahulugang '' in the


middle of the land '' ( medius-middle; terra-land ).
 Ang dagat ng Mediterranean ang tinaguriang duyan ng sibilisasyon. Malaki ang naitulong nito sa
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng mga tao sa iba't ibang bansang nakapalibot rito.
Dahil sa kakaibang  hugis ng dagat, may mga isla, lawa at kipot ito na nagiging daan upang

FILIPINO 10
UNANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

magkaroon  ng koneksyon ang mga tao mula sa silangan patungong kanluran at hilaga patungo
timog. Saksi ang dagat ng Mediterranean sa mga kilalang tao na bahagi sa pag-unlad ng
kasaysayan , sining , musika, agham at teknolohiya at higit sa lahat ang panitikan.   
 Ang mga bansang nakapalibot sa dalampasigan ng Mediterranean Sea ay ang Spain, France,
Monaco, Italy, Slovenia, Croatia, Bosnia, Herzegovina, Montenegro, Albania, Greece at Turkey
mula sa Hilaga. Mula naman sa silangan ay ang bansang ay ang bansang Syria, Lebanon, Israel at
Palestine. Makikita naman mula sa katimugan ang Morocco, Algeria, Tunesia, Libya at Egypt.
 Lahat ng mga bansang nabanggit ay mayaman sa iba't ibang uri ng panitikan na naglalarawan sa
kani-kanilang kalinangan. Sa kanilang akdang pampanitikan  ay masasalamin ang pinagmulan ng
kanilang lahi hanggang sa pag-unlad ng kanilang bansa. Makikita rito ang kanilang pamumuhay
lipunan, pananampaltaya at mga karanasang kaugnay ang iba't ibang uri ng ng damdamin tulad ng
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, takot, pangamba at
pag-ibig. 

PAGBASA: SI PYGMALION AT GALATEA


Maraming kilala at makapangyarihang  diyos at diyosa sa mitolohiyang Griyego at isa na rito si
Aphrodite, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan. Kilala rin siya sa pangalang Venus   sa mitolohiyang
Romano. Sinasabing siya ay isinilang o nagmula sa bula ng dagat. Tulad ng iba pang diyos at diyosa,
nakatira siya sa bundok Olimpus subalit madalas siyang nakikisangkot sa mga buhay ng mga mortal kung
saan humahantong sa pagtatagumpay ng moral ng kanyang pinapaboran ang ginagawa niyang paraan. Sa
babasahin mong mitolohiya ay malalaman mo ang naging mahalagang papel ni Aphrodite sa buhay pag-
ibig nina Pygmalion at Galatea.

Ang Mitolohiya ay tumutukoy sa kalipunan ng mga mito ng iba't ibang pangkat ng tao. Ang mito ay mga
kuwento tungkol sa pinagmulan ng daigdig, lupa, langit, bundok, karagatan at iba pang kalikasan.
Masasalamin dito ang ugat ng sibilisasyon sa pamamagitan ng bayani ng kalinangan. Inilalarawan din sa
mito ang Pagtanggap sa mapait na katotohanan sa buhay--- panganib, sakit, masamang kapalaran at
kamatayan. Ang mito ay pinaniniwalaan ng ibang tao sapagkat ito'y bahagi ng kanilang
pananampalataya. 
 
Ang Mitolohiyang Griyego ay kumakatawan sa mga mito at katuruan ng mga Sinaunang Griyego na
nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagsasalaysay ng mga buhay at
pakikipagsapalaran ng kanilang mga diyos at bayani. Ang mitolohiyang Griyego ay isang bahagi ng
relihiyon sa modernong Gresya at sa buong mundo na kilala bilang  Hellenismos. Sa simula ang mga
salaysay na ito ay pinakalat sa Sinauang Gersya sa isang tradisyong tulang-bigkas. 

Si Pygmalion at Galatea
Isang Mitolohiya Mula sa Gresya

Isang magaling na iskultor ng Cyprus si Pygmalion. Labis na siyang namumuhi sa kababaihan at


naniniwala siyang ang ugat ng kasalanan ay ang mga babae kaya’t isinumpa niya sa sariling hinding-hindi
siya iibig at magpapakasal kaninuman. Sapat na sa kanya ang kanyang sining. Magkagayunpaman, ang
pinagbuhusan niya ng kanyang talino ay ang babae. Hindi niya maitatawag ang kinamumuhian ng
kanyang isip nang gayon kadali sa kanyang buhay ang hinuhubog niya at isang perpektong babae pa
upang ipakita sa ibang kalalakihan ang kakulangan ng kanilang mga kinahuhumalingan.

Nagbuhos siya ng panahon at kahusayan sa paghubog ng estatwa, hanggang sa makalikha siya ng


hindi matatawarang obra. Napakaganda na ng kanyang gawa ngunit hindi pa rin siya kuntento. Masinsin
niya itong pinakinis, hanggang sa ito’y maging pulido at perpekto. Nang matapos, pinagmasdan niya ang
napakagandang mukha nito. Walang babaeng maihahalintulad o anumang likhang sining ang
maihahambing dito.Nang wala nang maiayos sa perpektong estatwang ito ay may kakaibang
pangyayaring naganap na sadyang hindi maipaliwanag – umibig ang manlilikha sa kanyang obra. Isang
pag-ibig na matimyas. Labis niyang minahal ang kanyang nilikha – malalim at masimbuyong pag-ibig.
Kung mamasdan at susuriin, tila hindi mapapansin o mapagkakamalang yari sa kahoy o mamahaling
hiyas kundi isang tunay at mahimbing na natutulog na nilalang ang kanyang obra. Isang kamangha-
maghang gawa ng mapinong binata. Ang tugatog ng pagtatagumpay ay nasa kanyang sining.

FILIPINO 10
UNANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

Magmula noon, ang isinumpang kasarian ang nagpahirap ng kanyang kalooban. Walang hihigit
sa kawalang pag-asa ng isang umiibig sa malumbay na si Pygmalion. Hinahagkan niya na mapang-akit na
mga labi ngunit walang katugon; hinahaplos niya ang mga kamay, at ang maamong mukha na wala
namang katinag-tinag; pinapangko niya sa kanyang bisig ngunit nananatiling malamig at walang tugon
ang kaulayaw. May panahong nagpanggap siyang batang naglalaro. Sinubukan niyang bihisan ng iba’t
ibang naggagandahang roba at naiisip niyang nalulugod ang kapiling. Dinadalhan niya ng iba’t ibang
regalo katulad ng paghahandog ng isang nanunuyong binata sa dalaga, mga ibon, iba’t ibang bulaklak at
nakikita niya ang masayang mukhang tugon na may lakip na pag-ibig. Inihihiga niya ito sa malambot na
kama at kinukumutan pa upang hindi ginawin sa gabi – katulad ng ginagawa ng isang batang babae sa
kanyang manika. Ngunit hindi na siya bata, hindi siya makakapagpanggap nang matagal. Sa huli siya’y
sumuko, tunay na aba at kahabag-habag ang kanyang anyo – iginupo ng isang pag-ibig sa isang walang
buhay.
Ang marubdob na pag-ibig na ito’y hindi nalingid sa diyosa ng pag-ibig na si Aphrodite. Nasaksihan niya
ang kamangha-manghang pag-ibig na iyon ng natatanging mangingibig at siya’y desididong tulungan ang
binatang lipos ng pag-ibig.

Ang pista ni Aphrodite ay nagmula sa Cyprus kung saan siya kinikilalang diyosa. Ang mga
handog na makikinis at mapuputing sungay ng usa ay nasa kanyang altar. Ang usok ng insenso ay
maaamoy mo sa saanmang dako. Sa karamihan ng mga naroon sa kanyang templo ay makikita si
Pygmalion na nananalanging tulungan siya ng diyosa na makatagpo ng katulad ng kanyang obra ngunit
talos na ng diyosa ang nasa puso ng binata. Bilang tanda na dininig niya ang panalangin ni Pygmalion,
tatlong ulit niyang pinagningas ang apoy sa altar na mabilis bumulusok sa hangin. Ang lahat ng ito’y
nasaksihan ng binata.

Ang palatandaang iyon ang nagsilbing alaala kay Pygmalion kaya’t nagmamadali siyang umuwi
at hinanap ang nilikhang pinaghandugan ng kanyang puso. Naroroon sa kanyang pedestal ang
nakamamanghang kagandahan. Hinaplos niya ito at ito’y tumugon. Natigilan si Pygmalion. Siya ba’y
nililinlang ng kanyang damdamin? O lubos ngang nararamdaman niya ang init ng kanyang haplos? Siniil
niya ang labi ng kanyang obra nang buong pagsuyo at naramdaman niya ang mainit na pagtugon nito.
Hinawakan niya ang mga kamay, mga braso, at mga balikat nito. Ang katigasan nito’y nawala katulad
ng pagkalusaw ng kandila sa kainitan ng araw. Ginagap niya ang braso ng kanyang nilikha, may pulso ito
at pumipintig! Naisip niya kaagad si Aphrodite. Ginawa lahat ito ng diyosa ng pag-ibig. Hindi kayang
mamutawi sa kanyang mga labi ang labis na pasasalamat at kaligayahan. Niyapos niya ang minamahal.
Makikita sa mga mata ni Pygmalion ang tugon: mabining ngiti at namumulang mukha.

Pinarangalan ang kanilang pag-iibigan at maging ang diyosa ng pag-ibig ay dumalo upang
masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib. Walang makapagsasabi kung ano ang nangyari pagkatapos,
maliban sa pinangalanang Galatea ni Pygmalion ang minamahal. Ang kanilang anak ay tinawag naman
niyang Paphos, sunod sa pangalan ng lugar kung saan ipinanganak si Aphrodite

FILIPINO 10
UNANG LINGGO- UNANG MARKAHAN

FILIPINO 10

You might also like