You are on page 1of 2

KAHULUGAN NG MITOLOHIYA

- Ang Mitolohiya ay halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal nan a kuwento at mito. Ito ay mga
kuwentong binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Kadalasang nakaangkla sa kultura at tradisyon
ng isang rehiyon o bansa.

MGA ELEMENTO NG MITOLOHIYA

- TAUHAN: Mga Diyos at Diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Maaari ring mga karaniwang
mamamayan sa komunidad at mga kakaibang elemento at nilalang na may kagila-gilalas na katangian at lakas.
- TAGPUAN: Ang tagpuan ay malimit na may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan ng kwento. Ito ay karaniwang
may panahong sinauna.
- BANGHAY: Naglalaman ng mga kapana-panabik na aksyon at mga tunggalian sa pagitan ng mga makapangyarihan
at mga sinasakupan, mga masasama at mabubuti, mga diyos at tao at iba pa.
Maaari ring tumalakay sa pagkakaikha ng mundo, mga natural/supernatural na mga pangyayari,
pagbabago ng panahon at interaksyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig.
Nakatuon sa mga suliranin at mga kalutasan nito.
- TEMA: Nagpapaliwanag ng mga natural na pangyayari, pinagmulan ng mga buhay ng daigdig, pag-uugali ng tao,
paniniwalang panrelihiyon, katangian, kalakasan at kahinaan ng tauhan at mga aral sa buhay.

ANG MITOLOHIYA NG REHIYONG MEDITERRENEAN

MGA BANSA SA REHIYONG MEDITERRANEAN


Bahaging Africa Bahagi ng Asya Bahagi ng Europa
Algeria, Egypt, Libya, Morocco at Libya Cyprus, Israel, Lebanon at Syria Albania, Bosnia at Herzegovina,
Croatia, France, Greece, Italy, Matia,
Monaco, Slovenia, Spain at Turkey

ANG PANITIKAN NG REHIYONG MEDITERRANEAN

- Ang Panitikang Meditteranean ay ang naging batayan ng lahat ng panitikan sa buong mundo. Ang mga taga-
Mediterranean ay naging tanyag sa kanilang pagiging malikhain at pagiging mahusay sa iba’t ibang gawian. Dahil
sa kanilang lokasyon, ang kanilang pangunahing pamumuhay ay nakasalalay sa agrikultura.

HALIMBAWA NG MGA PANITIKANG MEDITTERANEAN

- Mitolohiya mula sa Rome – Italy


Halimbawa: Cupid at Psyche
- Sanaysay mula sa Greece
Halimbawa: Alegorya ng Yungib (Allegory of the Cave)
- Parabula mula sa Syria
Halimbawa: Ang Tusong Katiwala
- Maikling Kwento mula sa France
Halimbawa: Ang Kuwintas
- Nobela mula sa France
Halimbawa: Buod ng Ang Kuba ng Notre Dame (Hunchback in Notre Dame)
- Tula mula sa Egypt
Halimbawa: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
- Epiko mula sa Iraq
Halimbawa: Epiko ni Gilgamaesh

ANG PANDIWA (Aksyon, Karanasan at Pangyayari)


- Ang Pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

PANDIWA SA AKSYON
- Ang simuno ang tagaganap. May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng kilos o kilos.
- Maaaring tao o bagay ang aktor.
- Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag-, ma-, mang-.
Halimbawa: Tumalima (pandiwa) si Psyche (simuno) sa lahat ng gusto ni Venus.

PANDIWA SA KARANASAN

- Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng damdamin
na inihudyat ng pandiwa. Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan at damdamin o emosyon, Sa
ganitong sitwasyon ay may tagaranas ng damdamin o saloobin.
Halimbawa: Nagalit (pandiwang may damdamin) si Venus (nakaranas ng damdamin, tagagawa ng pandiwa)
sa kagandahan ni Psyche kaya nagplano itong maghiganti subalit hindi siya nagtagumpay.

PANDIWA NA NAGPAPAHAYAG NG PANGYAYARI

- Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.


Halimbawa: Nagpunta (pandiwa) si Psyche sa kaharian ni Hades dahil sa pagpapahamak ni Venus. (pangyayari)

You might also like