You are on page 1of 4

THE NOTRE DAME OF KABCAN INC,

KABACAN, COTABATO.
S.Y: 2019-2020

PERFORMANCE TASK SA
FILIPINO 10

CRITIQUE
“Maaaring lumipad ang tao”
Ni: Virginia Hamilton

Ipinasa ni:
Mickos Brian M. Panelo

Ipinasa kay:
Bb. Anita F. Linaban
I.PANIMULA

Ang pamagat ng akdang ito ay “Maaaring lumipad ang tao” na ang may
akda nito ay si Virginia Hamilton at ipinanganak siya noong ika-12 ng
Marso 1936 sa Yellow Springs, Ohio at namatay noong ika-19 ng Febrero,
2002 sa edad na 65 sa Dayton, Ohio. Si Virginia Hamilton ay isang
dalubhasang mananalaysay na nagpangalaga sa Black Oral Tradition na
sinundan ng masinsinang pananaliksik tungkol sa mga matagal nang
nakalimutang mga bugtong, kuwento, at tradisyon, karamihan sa mga
ibinalik niyang mga libro ay Maaring lumipad ang tao (1985) at Many
Thousand Gone: African Americans from Slavery to Freedom (1993). Ang
kanyang unang likha ay, Zeely (1967), lumitaw isang beses kung saan
karamihan sa mga libro nakatuon sa karanasan sa African American na
nakialam sa isyu tulad ng paghihiwalay ng lahi at kahirapan.

Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay


nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat.
Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito. May mga aliping nagtratrabaho sa mainit na palayan. Ang
isang babaeng may akay akay na anak ay laging nahuhuli at nasisita ng
tagabantay. Isang araw iyak ng iyak ang kanyang anak. Nilapag lamang
niya ito sa isang tabi at patuloy na nagtrabaho. Naingayan ang tagabantay
sa bata kaya't nilatigo niya ang mag ina. Taas ang sikat ng araw noo’y at
hindi na masyadong makagalaw ang babae dahil na rin sa pagod, sakit ng
katawan at mga sugat nito sa hita na hindi na makita ang dugo dahil
naghalo na sa tubig. Lumapit sa kanya ang isang matandang lalaki
nagngangalang Toby at sinabi nitong "Umalis ka na, kung alam mong may
isa pang paraan" at doon sinabi ng babae ang mahiwagang salita. At ito’y
lumipad paikot ikot sa kalangitan. “Kum yali, kumbuba tambe,” at ang
mga salita na may kapangyarihan ang kanilang mabilis na nasambit nang
pabulong at pabuntunghininga. Sa tuwing may bumabagsak sa palayan
dahil sa pagod at hirap laging dumadating doon ang matanda at sinasabi
dito ang mahiwang salita at sila ri'y lilipad katulad ng babae. Hanggang sa
mapuno na ng taong lumilipad ang lugar na iyon hanggang silay maglaho.
At tanging mga kwento na lang ng mga taong hindi makalipad ang na
nakakita nito ang patuloy na isinisiwalat ang nakitang karanasan ng
kanilang mga nakalipas na araw.
II.NILALAMAN

Kagandahang taglay ng akda. Sa kuwentong Maaring Lumipad ang Tao ang kaisipan


o konsepto ng pag-asa na makakawala ang mga kasalukuyang naghihirap sa kamay ng
pagdurusa sa kontinente ng Aprika. Sa kuwento ring ito makikita ang kaisipang
makatotohanan, gaya ng paghihirap, pagkakaalipin ng mga tao sa sarili nilang bansa,
kagustuhang makatas sa mga pang-aabuso at iba pa.

Ang epekto ng akdang ito sa mga mambabasa ay ma eenganyo pa silang alamin kung
ano pa ibang tinatalakay ng akda at, binibigyang aral din ng akdang ito ang mga
mambabasa, aral na pwede nilang gawin sa totoong buhay. Ang kuwentong ito ay kakaiba
at maraming aral na ma pupulot. Kapuna-puna ang mga detalye sa kuwentong ito sapagkat
maganda, at nakakapanabik ang mga pangyayaring naganap.

Bahagi ng kuwento, si Toby isang matandang lalaki na may mataas na tindig. Siya
ang tagagabay ng mga taong lumilipad. Si Sarah siya ang nanay na may dala dala na anak sa
kanyang pagtratrabaho. Siya ang unang umalis sa kanilang pinagtratrabahuhan. Ang mga
taong lumilipad, kasamahan nila Toby na umalis na din sa kanilang pinagtratrabahuhan.
Ang malupit na mga taga bantay. Sila ay nanlalatigo kapag mabagal ka sa pagtratrabaho.
Ang batang lalaki, tinulungan ni Toby upang makalipad ito. Itinuro niya dito ang tamang
salita. Ang malupit na may-ari ng lupa. Ang kanilang panginoon.

Ang akda ay nangyari sa isang palayan sa isang lugar sa Aprika na pinatatakbo ng


mga mapang-aping mga panginoong may lupa.

Ang kanilang suliranin ay ang kanilang amo na tinatawag nilang panginoon, ang may
ari ng palayang kanilang pinagtratrabahuhan at ang mga tagabantay sa kanilang mga alipin.
Sapagkat ang mga ito ay malulupit sa mga katulad nilang alipin. Sila ay sinasaktan ng mga
ito kapag sila ay mabagal sa kanilang pagtratrabaho.

Saglit na kasiglahan sa kuwento ay noong tinulungan sila ni Toby na makalipad paalis sa


lupa na kung saan sila ay nilatigo ng malupit na taga bantay.

Tunggalian, nilatigo ng malupit na mga taga bantay si Sarah at ang kanyang anak at
tinulungan sila ni Toby.

Kasukdulan, Nang binihag ng mga tagabantay si Toby. At ninais nilang patayin ito. Ngunit
hindi nila ito nagawa sapagkat si Toby ay may kakaibang kaalaman. At sa huli sila ay sama
sama ng lumilipad upang umalis na sa lupain ng kanilang panginoon. Sila ay lumipad
kasama ang gabay na si Toby.  
Kakalasan, Si Sarah at, ang kaniyang anak ay lumipad sa bakuran, sa mga kahoy , sa mga
nag tataasang puno na hindi siya nakikita maging ng mga taga pagbantay. Lumilipad siyang
tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang Makita ng mga taong nasa ibaba.
Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit Nakita nila
ito.

Katapusan, Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang


mga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay malaya
at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan.

Aking Suhestiyon, dapat pa itong malaman at Mabasa ng mga tulad kong mag-aaral para
kapulutan ng aral.

III. PAGLALAGOM NG KONGKLUSYON

Ang akdang “Maaring Lumipad ang tao” ay isa sa mga babasahing maraming aral na
mapupulot ng mga tulad ko na marami pa dapat matutunan sa buhay. Makikita din dito sa
kuwentong ito na hindi dapat tayo magpa alipin kahit kanino.

You might also like