You are on page 1of 23

“ANG LAHAT NG TAO AY IPINANGANAK NA MALAYA AT MAGKAPANTAY SA

DIGNIDAD AT MGA KARAPATAN. SILA AY MAY KATWIRAN AT KONSENSIYA AT


DAPAT ITRATO ANG ISA’T-ISA NANG NAAAYON SA DIWA NG KAPATIRAN”
-ARTICLE 1 UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS
KARAPATANG PANTAO
Tumutukoy ito sa lahat ng karapatang tinataglay ng mga tao anuman
ang kanilang lahi, kasarian, nasyonalidad, kinabibilangang pangkat
etniko, wika, relihiyon, o kahit ano pang katayuan sa lipunan

Nabibilang rito ang Karapatan sa Buhay, Karapatan sa Kalayaan,


Karapatan sa Edukasyon, Karapatan sa Malayang Pagpapahayag at
iba pa.
KARAPATANG PANTAO
Ito ay tumutukoy sa mga pangunahing Karapatan ng tao na
hindi maaaring ipagkait sa kanya

Ayon sa Stanford Encyclopedia of Philosophy, ito ay


tumutukoy sa mga pamantayan na naglalayon na
mapangalagaan ang mga tao mula sa politikal, legal, at
panlipunang pang-aabuso
KARAPATANG PANTAO
Ayon naman sa Office of the United Nations High Commissioner for
Human Rights, ang karapatang pantao ay tumutukoy sa
pangkalahatan at legal na garantiya na dapat matamasa ng lahat

Ayon sa United Nations, tumutukoy ito sa mga Karapatan na marapat


sa lahat at hindi maaaring ipagkait

Nakatuon ito sa pagsulong sa pangangalaga ng dignidad ng isang tao


KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO
Ayon sa United Nations Human Rights Council, mayroong limang pangunahing katangian ang mga
karapatang pantao:

1. Pandaigdigan o Panlahat (Universal)

- Para sa lahat ng tao ang mga Karapatan


- Nangangahulugan itong tinataglay ng lahat ng tao ang mga
karapatang pantao kahit na hindi ito isabatas o itaguyod ng mga
batas
2. Di- maipagkakait (Inalienable)

-Likas ang Karapatan sa bawat tao at hindi ito maaaring


ipagkait sa isang tao o grupo nang walang due process

-Walang batas ang maaaring malikha na makapag-aalis o


makapagbabawas ng karapatang pantao
3. Magkakaugnay (Interrelated)

-ang isang uri ng karapatang pantaoay maaaring


makapagtaguyod sa iba pang uri ng karapatang pantao
4. Magkakasalalay (Interdependent)

Nakasalalay sa pagtamasa ng isang Karapatan


ang pagtamasa sa iba pang mga Karapatan
5. Hindi Mapaghihiwalay o Mapaghahati-hati (Indivisible)

- Ang mga Karapatan ay hindi dapat tratuhin nang


magkakahiwalay o hatiin sa kakaibang kategorya sapagkat
sa pagtamasa sa isang Karapatan ay nakadepende sa
katuparan ng iba pang mga Karapatan
TATLONG PANGUNAHING KARAPATAN
Tinatawag itong mga pangunahing Karapatan sapagkat nauugnay sa tatlong ito ang iba pang maliliit o
mas particular na Karapatan ng mga tao

1. KARAPATAN SA BUHAY

-ito ay tumuukoy sa Karapatan ng tao na mabuhay at matamasa


ang pamumuhay na may dignidad . Kaugnay rito ang karapatang
maisilang, magkaroon ng pangalan, mahalin, maprotektahan ng
estado, mabuhay ng mapayapa, paunlarin ang sariling kakayahan,
edukasyon at marami pang iba
2. KARAPATAN SA KALAYAAN

- Ito ay tumutukoy sa Karapatan ng mga taong


kumilos ng Malaya , maging panatag sa sarili,
maprotektahan laban sa diskriminasyon,
mapangalagaan mula sa di makatarungang
pagdakip, at marami pang iba
3. Karapatan sa Ari-arian

- Karapatan ng mga tao na maging panatag sa


kanilang mga ari-arian
IBA PANG URI NG KARAPATANG PANTAO
1. Karapatang Sibil (Civil Rights)

- Ito ay mga Karapatan na may kaugnay sa pamumuhay ng mlaya at payapa

- Halimbawa: Karapatan na maging panatag laban sa hindi makatuwirang


pagdakip, Karapatan na maging panatag sa mga kasunduan at kontrata,
Karapatan sa patas na kompetisyon sa negosyo, Karapatan sa
paglalakbay, at Karapatan sa pagiging lihim sa komunikasyon
2. Karapatang Pulitikal (Political Rights)

- Ito ay mga Karapatan na tumutukoy sa pakikilahok sa


gawain ng pamahalaan at mga gawaing pulitikal

- Halimbawa: Karapatang Magpulong at magtatag ng


asosasyon, at kapisanang hindi labag sa batas at
karapatang bumoto
3. Karapatang Pangkabuhayan (Economic Rights)

- Ito ay Karapatang may kaugnayan ng paggamit sa


likas-yaman at pagpapaunlad sa sariling kasanayan
o kakayahan

- Halimbawa: Karapatang magkaroon ng sariling


kabuhayan, Karapatan sa Karampatang Sahod
4. Karapatang Panlipunan (Social Rights)

- Ito ay mga Karapatan na may kaugnayan ng


pagkakaroon ng proteksyong panlipunan

- Halimbawa: Karapatan sa Serbisyong


Pangkalusugan, Karapatan sa paneneguro ukol sa
pagkakaroon ng pagkain, at iba pa.
MGA LEGAL NA SANGGUNIAN SA
KARAPATANG PANTAO
1. Ang Magna Carta (1215)

-salitang nangangahulugang “dakilang batas”

-unang nilikha ni Haring Juan ng Inglatera noong 1215

-ito ay batas na nagtatakda ng mga limitasyon sa kapangyarihan ng estado at nagbabalangkas


ng mga Karapatan ng mamamayan

- Batas na kumakalinga para sa mga Karapatan ng mamamayan

- Halimbawa: Magna Carta for Women at Magna Carta for People with Disability
2. Konstitusyon ng Amerika

-Naglalaman ito ng Katipunan ng mga Karapatan na


nagsasaad ng Karapatan ng tao at limitasyon ng
estado

- Ito ang isa sa mga naging pangunahing batayan ng


Katipunan ng mga Karapatan sa Konstitusyon ng
Pilipinas ng 1987
3. Pandaigdigang Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao /Universal Declaration of
Human Rights

- Isa sa mga pangunahing binalangkas ng UN pagkatapos ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig

- Ito ay isang dokumento na nagpapahayag ng mga Karapatang likas na taglay at dapat


tamasahin ng mga tao.

- Nilagdaan noong Disyembre 10, 1948

- Binubuo ito ng 30 Artikulo: (1&2-tumutukoy sa Karapatan sa pagkakapantay-pantay ng


lahat ng tao, 3-21- tumutukoy sa mga karapatang sibil at karapatang pulitikal, 22-30- ay
tumutukoy sa karapatang pangkabuhayan, panlipunan, at pangkultura)

- Gabay ito para sa mga kasaping bansa para sa pagbuo ng sariling batas sa karapatang
pantao
4. Konstitusyon ng 1987

- Matatagpuan ang lahat ng Karapatan ng mga


mamamayan ng Pilipinas sa Artikulo III ng Konstitusyon
ng 1987

- Nakasaad dito ang 22 seksyon na tumatalakay sa


limitasyon ng kapangyarihan ng Pamahalaan sa
Pilipinas hinggil sa Kalayaan ng mamamayan
KOMISYON SA MGA KARAPATANG PANTAO
-Binuo ng Konstitusyon ng 1987 ang Komisyon sa mga
Karapatang Pantao upang mapangalagaan ang mga
karapatang pantao sa Pilipinas

-Pinamumunuan ito ng isang Tagapangulo na itinalaga ng


pangulo ng bansa
MGA TUNGKULIN NG CHR:
1. Pagtatanggol sa Karapatang Pantao
2.Pagpapaunlad ng mga Programa para sa
Karapatang Pantao
3.Pagbabantay at Pagsisita sa mga gawaing
lumalabag sa Karapatang Pantao

You might also like