You are on page 1of 7

Filipino 10-Q1

MITOLOHIYA
 Nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/ myth at alamat.
 Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang
lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na
sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Mula sa salitang Latin mythos ang mito/myth at sa salitang Griyegong muthos, na ang
kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng
tunog sa bibig. Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob
na pangarap at takot ng mga sinaunang tao.

Nakatutulong ito upang:


1. Maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao,
ng mga katangian ng iba pang mga nilalang.
2. Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad
ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay naglalahad ng
ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang
kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado at
pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at
ritwal.
Ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong bayang naglalahad ng mga tungkol sa mga
anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon.
Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong bayan at epiko ng mga
pangkating etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitkan ang mga
naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa kabilang banda, may mga kuwento tungkol pagkagunaw ng daidig, ang mga Ifugao;
bahagi ito ng kanilang epiko. Inilarawan sa kanilang epikong “Alim” kung paano nagunaw
ang daigdig. Ayon sa epiko nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging
nakaligtas ay ang magkapatid na sina Bugan (babae) at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula
ang bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.

Gamit ng Mitolohiya
1. Magturo ng mabuting aral
2. Maipaliwanag ang kasaysayan
3. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot at pag-asa ng
sangkatauhan
4. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
5. Ipaliwanag ang pwuersa ng kalikasan
6. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon

Ang Mitolohiya ng Taga-Roma

Kadalasang nauukol sa politika, ritwal, at moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga


diyos at diyosa mula sa Sinaunang Taga- Roma hanggang ang katutubong relihiyon ay
mapalitan na ng Kristiyanismo ang mitolohiya ng mga taga-Roma.

Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga
Sinaunang Taga-Roma na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga
mitolohiya kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural.

Halaw lamang mula sa bansang Gresya na kanilang sinakop ang kanilang mitolohiya.
Labis nilang nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang
kanila at pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga
diyos at diyosa.

Ang ilan ay binihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga diyos at diyosa
ayon sa kanilang paniniwala at kultura

MITOLOHIYA MULA SA ROMA

ROMA
 Matatagpuan sa pagitan ng Europe, Hilaga ng Africa, at Timog-Kanlurang Asya.
 Sinasaklaw nito ang 22 iba't ibang bansa mula sa tatlong kontinente:

 Sa kontinente ng Africa: Algeria, Egypt, Libya, Morocco, at Tunisia.


 Sa kontinente ng Asya: Cyprus, Israel, Lebanon, at Syria
 Sa kontinente ng Europe: Albania, Bornia, Herzegovina, Croatia, France,
Greece, Italy, Malta, Monaco, Montenegro, Slovenia, Spain, at Turkey.

Ang sinaunang Mediterranean ang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na nagpabago at


humubog sa kasaysayan ng mundo.

Papyrus Scroll - Most of the texts stored in the libraries of ancient Egypt were written on
scrolls made out of the papyrus plant. By layering, wetting, and then drying layers of the
plant's cellulose together, people could create a fine writing surface. This hieroglyphic scroll
is part of the Book of the Dead, from ancient Egypt. Its detailed illustrations demonstrate
both the durability and quality of papyrus.

Unti-unting umunlad ang pagsulat mula sa simbolong larawan, simpleng komunikasyon


tungo sa likhang-sining at panitikan.

Ang panitikan ng Sinaunang Mediterranean ay naging batayan ng iba't ibang uri ng


panitikan sa buong mundo.
Hal.
 Trevi Fountain
 The Colosseum
 The Pantheon
 Catacombs of Rome

ANG SIMULA NG ROMA

Alamat ng pagsilang ng kambal na sina Romulus at Remus, mga anak ng diyos na si Mars
sa isang prinsesa.

Ayon sa Romanong istoryador na si Livy, nagtatag sina Romulus at Remus ng syudad sa


Bundok ng Palatine noong Abril 21, 753 B.C.E.

Mayroon din namang arkeolohikal na ebidensya ng pagkakatatag ng isang pamayanan sa


panahong nabanggit ni Livy, ang kasaysayan ng Roma bilang isang ganap na syudad ay
nagsimula bandang 500 B.C.E nang magsama sama ang mga pamayanan sa rehiyon.

LIPUNAN AT KULTURANG ROMANO

Tinawag na kulturang Greco Roman ang pinagsanib na kulturang Griyego at Romano.


Hinangaan ng mga Romano ang pagbubuhos ng kasalukuyan at katwiran ng mga Griyego
sa anumang larangan. Idinagdag nila ang kanilang kasanayan sa organisasyon, pagtatayo
ng gusali, at karunungan sa paggawa ng batas at pamamahala.
PANITIKAN

Sa panahon ni Augustus namayani ang panitikang Greco Roman. Sa utos niya, gumawa si
Virgil, isang makata, ng tulang epiko, ang Aenid, na pumupuri sa kakayahan ng Roma sa
pamamahala. Naging isa itong obra maestra na nagsasalaysay tungkol kay Aeneas at ang
kanyang salinlahi na pinaniniwalaang pinagmulan ng Roma.

Sa panahon ni Augustus, namayani ang panitikang Greco-Roman. Sa kaniyang utos,


gumawa si Virgil, isang makata, ng tulang epiko—ang Aenid, na pumupuri sa kakayahan
ng Roma sa pamamahala. Naging isa itong obra maestra na nagsalaysay tungkol kay
Aeneas at ang kaniyang salinlahi na pinaniniwalaang pinagmulan ng Roma.

Si Horace ay isa ring mahusay na makata na tumuligsa sa kasakiman ng mayayamang


Romano na naging sanhi ng kaguluhan sa mga estado.

Samantala si Ovid naman ang naglahad ng pamumuhay ng mga taong nabibilang sa mataas
na antas ng lipunan. Karaniwang tema ng kaniyang likha ay may kinalaman sa kayamanan,
romansa, moda pananamit), at iba pang karangyaan.

SINING AT ARKITEKTURA

Ang mga arkitektong Romano ay mahuhusay ring inhinyero. Sila ang nagdisenyo ng mga
amphitheater, public bath, at templo na may kahanga-hangang column, arch, at dome.
Magaling din sila sa pagpapatayo ng mga daan, tulay, at aqueduct (lagusan ng tubig na
dumadaloy papunta sa malalyong lugar).

MGA AMBAG NG ROMA

 Batas ng Roma, batayan ng sistemang pambatas ng mga batas sa kasalukuyan.


 Ang wikang Latin, wika ng kanlurang daigdig noong Kalagitnaang Panahon.
 Ang panitikang Latin na kasama ang mga akda ni Julius Ceasar, Cicero, Virgil,
Horace at Ovid.
 Ang Coliseum, Panteon, imburnal, paliguan, kalsada at iba pang pagawaing-bayan
na itinayo ng mga Romano.
 Ang uri ng pamahalaan, na bumubuto ang mga mamamayan sa kanilang kinatawan
sa lupong tagapamahala.

MITOLOHIYA NG ROMA

JUPITER (ZEUS)
 Hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at panahon.
 Tagapagparusa sa mga sinungaling at hindi marunong tumupad ng pangako.
 Asawa ni Juno
 Sandata niya ang kulog at kidlat

JUNO (HERA)
 Reyna ng mga diyos
 Tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa
 Asawa ni Jupiter

NEPTUNE (POSEIDON)
 Kapatid ni Jupiter
 Hari ng karagatan, lindol
 Kabayo ang kanyang simbolo

PLUTO (HADES)
 Kapatid ni Jupiter
 Panginoon ng Impyerno

MARS (ARES)
 Diyos ng digmaan
 Buwitre ang uvong maiuugnay sa kaniya

APOLLO (APOLLO)
 Diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, panulaan
 Diyos ng salot at paggaling
 Lumba-lumba at uwak ang kaniyang simbolo

MINERVA (ATHENA)
 Diyosa ng karunungan, digmaan at katusuhan
 Kuwago ang ibong maiuugnay sa kaniya
ARTEMIS (DIANA)
 Diyosa ng pangagaso, ligaw na hayop, at ng buwan

HEPHAESTUS (VULCAN)
 Diyos ng apoy
 Bantay ng mga diyos

HERMES (MERCURY)
 Mensahero ng mga diyos, paglalakbay, pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw, at
panlilinlang.

APHRODITE (VENUS)
 Diyos ng kagandahan, pag-ibig, kalapati ang ibong maiuugnay sa kaniya

HESTIA (VESTA)
 Kapatid na babae ni Jupiter, diyosa ng apoy mula sa pugon

ANGKOP NA GAMIT NG PANDIWA

Bilang Aksiyon, Karanasan at Pangyayari

1. Aksiyon – kilos/galaw/gawa  tagaganap

May aksiyon, kilos o galaw ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon, tao man
o bagay. Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping:-um, mag-ma
,mang-,maki-, mag-an.

Halimbawa:
a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos.
b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.

Pandiwa ------ Naglakbay,


Tumalima
Aktor ---------- Bugan,
Psyche
2. Karanasan – damdamin/emosyon  tagaranas

Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may
nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Maaring magpahayag ang pandiwa
ng karanasan o damdamin/emosyon.

Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.

Halimbawa:
a. Nasiyahan si Igat sa isinagot ni Bugan.
b. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.
Karanasan ----- Nasiyahan,
Nalungkot
Tagaranas ng Damdamin -------Igat,
Ang lahat

3. Pangyayari – proseso ng pangyayari/naganap  tagatanggap


- resulta/output
- dahilan/pinagmulan

Kapag nagsasabi ng isang pangyayari ang pandiwa, may prosesong nagaganap,


ipinahihiwatig na naapektuhan ng naturang proseso na karaniwang sadya o di sadya, likas o
di-likas. Tatawaging tagatanggap ng proseso ang bagay na naaapektuhan na tinatawag na
pangyayari

Halimbawa:
a. Magpapakamatay si Bugan dahil sa hindi biniyayaan ng anak.
b. Sumasaya ang mukha ni Venus dahil sa nakikita niya sa paligid.
Pangyayari ---- Magpapakamatay,
Sumasaya
Tagatanggap -- Bugan,
Venus

Gayunman, may mga pandiwang naghahayag ng mga pangyayari na hindi tinitiyak ang
tagatanggap ng pangyayari tulad ng mga pandiwang nagpapahayag ng mga pangyayaring
naganap sa kalikasan.

Halimbawa: a. lumilindol! b. nasusunog!

You might also like