You are on page 1of 4

Italya

Ang Italya (Italyano: Italia), opisyal na Republikang Italyano (Italyano:Repubblica italiana) ay isang
bansa sa Katimugang Europa. May populasyon na 62 milyon, ito'y ang ika-siyam na pinakamataong
lugar sa Europa at ika-dalawampu't tatlong pinakamatao sa buong mundo.
Ang kanyang teritoryo ay binubuo ng isang mahabang peninsula o tangway at ng dalawang
malaking isla sa Dagat Mediterranean: Sicily at Sardinia. Ang Alps at mga
bansang France, Switzerland, Austria, at Slovenia ay nasa hilagang hangganan nito. Ang mga
malayang estado ng San Marino atVatikan ay enclaves sa loob ng teritoryong Italyano. Ang Italya ay
kasama sa G7 o grupo ng pitong pinakaindustriyalisadong bansa sa mundo. Ito ay nasa puso ng
sinaunang Imperyong Romano, at sa ngayon ay puno pa rin ng mga yamang kasaysayang
pinagbabasehan ng sibilisasyong kanluranin.
Ang Roma, kabisera ng Italya, ay naging sentro ng pamahalaan ng Kanlurang Sibilisisasyon dahil
ito'y ang naging kabisera ng Imperyong Romano. Pagkatapos ng pag-inog ng Imperyo ay
pinrotektahan ng Italya ang Roma mula sa pag-sakop ng mga Alemanyang Tribo katulad ng mga
mga Lombard at mga Ostrogoth, hanggang sa mga Norman at sa mga Byzantine at iba pa. Ilang
siglo ang nakalipas, ang Italya ay ang naging kapanganakan ng Renaissance.[4]
Sa kanilang kasasaysayan bago ang mga Romano, ang Italya ay nahati sa mga walang ka kupas-
kupas na mga Kaharian at mga Estadong Lungsod (katulad ng Kaharian ng Sardinia at Ang
Kaharian ng dalawang Sicily at duchy ng Milano) pero'y nagkaisa noong 1861.[5] Sa kahulihulian ng
ika-19 na Siglo, sa daan ng Digmaan Pandaigdig I at hanggang sa Digmaan Pandaigdig II, ang
Italya ay humawak ng Imperyanong Kolonyal, na umabot mula sa Libya, Eritrea, Italyanong
Somaliland, Ethiopia, Albania, Rhodes, Ang Dodecanese at sa Tianjin, Tsina. Ang Italya ay isa sa
mga miyembro na nagsimula ng Europeong Komunidad na naging Unyong Europeo.
Ang Italya sa kasalukuyan ay isang republikang demokratiko at isang maunlad na bansa.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Bago ang 1861, ang Italya ay hindi pa isang ganap na Estado. Ang lugar ay hinati sa mga
independenteng mga estado na pinunuan ng iba't ibang bansa. Noong 1850 si Earl ng Cavour na
pinuno ng Estado ng Sardinia ay pinakausapan ang mga Austryano sa Lombardy at Veneto na
gumawa ng isang Italyanong Hilagang Estado. Ito'y nangyari, pero ang ibang mga estado sa Timog
at Silangan Italya ay bumuo ng mas malaking estado kasama ang Piedmont.

Noong 1860 si Giuseppe Garibaldi ay sumunod na humawak ng estado ng Sicily, na nagsimula ng


pagbuo ng Kaharian ng Italya sa sumunod na taon. Si Vittorio Emanuele II ay ginawang hari ng
Kaharian. Pero noong 1861, ang Latium at Veneto ay hindi pa parte ng Kaharian dahil ang dalawang
estado ay pinunuan ng Santo Papa at ang Imperyong Austryano.

Ang Veneto ay naging parte ng Italya noong 1866 pagkatapos ng isang digmaan laban ang mga
Austriyano, at pinalunan ng mga Italyanong Sundalo ang Latium noong 1870. Ito'y nang kinuha ang
kapangyarihan ng Santo Papa, pagkatapos ay nagalit ang Santo Papa dahil siya'y ginagawang
bihag para hindi maging aktibo ang mga Katoliko sa Politika. Nang taon na yun ay sa huli ay
nagkaisa ang Italya ulit.
Ang Italya ay nag-participar sa Unang Digmaan Pandaigdig na kasapi ng Britanya, Pransiya at
Rusya kalaban ang Central Powers. Halos lahat ng away ng Italya ay malapit sa Austrya.
Pagkatapos ang "Caporreto Defeat" akala ng Italya ay talunan na sila pero pagkatapos ang Capital
Powers ay sumuko noong 1918 at nakuha ng Italya ang Trentino Tyrol, nang dati'y hawak ng
Austrya.

Noong 1922, isang bagong Italyanong Pamahalaan ay nagsimula at si Benito Mussolini ay naging
pinuno, isang lider ng fasisismo sa Italya. Siya'y naging pinuno ng Pamahaalan at isang Diktador,
siya'y naging kaibigan ng Alemanyang Diktador na si Hitler, at si Mussolini ay naging kasapi nito sa
Ikalawang Digmaan Pandaidig. Pumasok sa Digmaan noong 1940 ang Italya kalaban ang Pransiya,
Britanya at Rusya, at ang Italya ay hinawak ang halos buong Dagat Mediterranean.

Pinaalis si Mussolini sa grupo ng Fasismo noong 25 Hulyo 1943 at noong 8 Setyembre 1943, Si
Badoglio ay inahayag na ang digmaan bilang kasapi ng Alemanya ay tapos na. Nagpatuloy ang
Italya sa digmaan bilang kasapi ng Pransiya at Britanya pero ang mga Italyanong Sundalo ay
walang kaalaman kung sino ibarilin. Sa Hilagang Italya, isang pagkikilos na kilala bilang Resistenza
ay nagsimulang lumaban sa mga Alemanyang mananakop.

Si Mussolini ay sinubukan na bumuo ng bagong fasisimong estado sa Hilagang Italya, ang


Republika ng Sal pero ito natagumpay. Noong 25 Abril 1945 ang Italya ay naging malaya. Ang
Estado ay naging Republika noong 2 Hunyo 1946, at, sa unang pagkakagtaon ang mga babae ay
pinayagan bumuto. Tinapos ng mga Italyano ang Savoia Dynasty at sinimulan ang Republikang
Pamahalaan.

Noong Pebrero 1947 pumirma ng kasunduan ang Italya kasama ang mga Allies para ipakawala ang
ilang mga Kolonya at Teritoryo.

Pumasok ang Italya sa NATO bilang isang tumatag na miyembro, at naging ang ika-siyam na
pinakamalaking industriyang ekonomiya sa buong mundo.

Ang Mesopotamya (Griyego: , isinalin mula sa Sinaunang


Persiko naMiyanrudan "Lupain sa pagitan ng dalawang Ilog"; sa pangalang Aramaic na Beth-
Nahrain "Bahay sa Dalawang Ilog"), ay isang lugar sa Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at
kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na
matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, binubuo ng mga bahagi
ng Iraq at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa
kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at
timog, ang Golpo Persiko sa timog-silangan, ang mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga bundok
ng Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga
pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.

Ang mga kasulatan mula sa Mesopotamya (Uruk, makabagong Warka) ay ilan sa mga kilalang
pinakaunang kasulatan sa daigidig, nagbibigay sa Mesopotomya ng isang reputasyon sa pagiging
"Duyan ng Sibilisasyon". Kapantay ng mga kasulatang Sumeryong ito ang mga hieroglyph ng
Ehipto, at ilan sa mga mas matandang kilalang sulat, marahil itinituring bilang pagsusulat
na proto (Porma ng sulat ng Sinaunang Europeo), Naqada. Nasasakop ang Mesopotamya ng
malawak ng Fertile Crescent - isang rehiyon sa kanlurang asya na may matabang lupain at angkop
sa pagsasaka. Ito ay may hugis crescent ng buwan.[1].

Relihiyon[
Naniniwala ang mga Sumerian sa maraming diyos---tinatawag itong politeismo. Bawat lungsod-
estado ay itinuturing na pag-aari ng bawat diyos. Pinaniniwalaan nilang ang diyos ang pumipili ng
pinuno at nangangalaga sa mga lungsod. Ang mga diyos ang nagdadala ng pagpapala at kalamidad
tulad ng baha, taggutom, at iba pa. Ang mga Sumeryo ay nagsasagawang mga ritwal tulad ng pag-
aalay at pasasalamat.

Ang mga ito ay nangangailangan ng dasal o pista. Si An o Anu ay diyos ng langit. Si Ki ang
tagapagtanggol ng daigdig, at siEnlil ang nagdadala ng malalakas na hangin at ulan.
Sina Inanna at Dumuzi ang pinagkalooban ng fertilidad.

Pinag-aralan naman ng mga pari ang ibig ipakahulugan ng mga panaginip at galaw ng mga bituin.
Ayon sa kanila, ang mga ito ay may pahiwatig na galing sa diyos.

Naniniwala rin ang mga taga-Mesopotamya na may lugar sa ilalim ng lupa. Sa Epiko ng Gilgamesh,
inilarawan ito bilang madilim na kweba kung saan alikabok at luad ang pagkain.

Ang Gresya ay matatagpuan sa pagitan ng Europa, Asia, at Aprika. Dito naganap ang Klasikong
Kabihasnan; naging pangunahing bahagi ng Silangang Imperyo Romano, at apat na siglo ng
paghahari ngImperyong Ottoman. Tinaguriang "Duyan ng Sibisasyong Kanluranin" at
pinagmulan ng demokrasyang pamahalaan, pilosopiyang kanluranin, ang mga palarong
Olimpiko, panitikang kanluranin, agham pampolitika, mga pangunahing prinsipyo ng
karunungan, at teatro, ang kasaysayan ng Gresya ay mahaba at makulay, at ang kulturang naiwan
nito ay naipamana rin mga lupain ng Hilagang Aprika, sa Gitnang Silangan, at naging basehan
ng kultura ng Europa at ng tinatawag na Kanluran.
Sa ngayon, ang Gresya ay isang makabagong bansa, miyembro ng Unyong Europeo mula noong
1981. Ang kabisera ay Atenas, at ang ibang mga pangunahing lungsod ay Tesalonika, Patras,
Heraklion, Bolos, at Larisa.
napapaligiran ng mga dagat:Dagat Egeo sa silangan, Dagat Jonico sa kanluran, Mediterraneo sa
timog.
klima: katamtaman at maaliwalas.
likas na kagandahan ng bansa: bughaw na kalangitan, kumikinang na karagatan at magagandang
tanawin.

You might also like