You are on page 1of 11

GLOBALISASYONG

POLITIKAL
Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyo-kultural

ay ang paglakas ng globalisasyong politikal. Globalisasyong politikal na

maituturing na mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang

rehiyunal at maging pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng

kani-kanilang pamahalaan.
Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea,
Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga oportunidad pang –
ekonomiko at pang-kultural sa magkabilang panig. Halimbawa nito ang economic
and technical aid na ibinigay ng ilang bansa sa Pilipinas. Nariyan ang JICA Project
ng Japan, BEST Project ng Australia, Military assistance ng US at iba pang katulad
nito.

Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinikitaan ang mga bansang


miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas maigting na
ugnayan sa nagdaang taon na isa sa nagbigay daan sa mabilis na pag-angat ng
ekonomiya ng rehiyon. Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga bansang kaanib nito
ang ASEAN Integration sa taong 2030 na naglalayong mapaigting ang koordinasyon
ng bawat isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan, kalakalan, at
pagtutulungang politikal.
Kaugnay sa globalisasyong political ay ang gampanin ng mga
pandaigdigang institusyon sa pamamahala ng mga bansa.
May magandang dulot ang globalisasyongn political kung ang
layunin nito ay tulungan ang mga bansa upang higit na
maisakatuparan ang mga programa at proyektong mag-aangat sa
pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit maaari rin itong
maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang kanilang
interes ang binibigyang-pansin.
PAKSA: PAGHARAP SA
HAMON NG GLOBALISASYON
Hindi maipapasubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng
tao. Nagdala ito ng mga pagbabagong nagpapabuti sa ilang aspeto ng
ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga suliraning kailangang
harapin at bigyang katugunan.
Malaki ang ginagampanan ng pamahalaan sa pagharap sa hamon ng
globalisasyon maging ito man ay sa dimensiyong ekonomikal, politikal o
sosyo-kultural.
Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na
isinakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
GUARDED GLOBALIZATION
Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin
ang mga local na namumuhunan at bigyang-proteksiyon ang mga ito upang
makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante. Ilan sa
mga halimbawa ng polisiyang ito ay:
 Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula
sa ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito
kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong local; at

 Pagbibigay ng subsidiya (subsidies) sa mga namumuhunang local. Ang


subsidiya ay tulong-pinansiyal ng pamahalaan. Kilala ang United States sa
malaking tulong na ibinibigay nito sa mga magsasaka. Isa pang anyo ng
subsidiya ay ang pagbabawas ng buwis sa mga produktong local kaya
naman murang naipagbibili ang mga ito. Bukod sa United States, ang
China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga
namumuhunan.
PATAS O PANTAY NA
KALAKALAN (FAIR TRADE)
Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa
pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng
maliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair
trade ay nangangahulugang higit na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema
sa daigdig. Layunin nito na mapanatili ang tamang prersyo ng mga produkto at
serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at
nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga
negosyante kungdi pati na rin ang kaniliang kalgayang ekolohikal at panlipunan.
Binibigyang pansin din nito ang ilang mahalagang dimensiyon ng kalakalan tulad
ng pangangalaga ng karapatan ng mga manggagawa, pagbibigay ng sapat at ligtas
na trabaho sakababaihan at mga bata at paggawa ng mga produktong ligtas lahat.
Isa itong alternatibong paraan sa pandaigdigang kalakalan.
PAGTULONG SA ‘BOTTOM
BILLION’
Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon man dapat bigyang-pansin

sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay isang bilyong

pinakamahirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang

papel ang maunlad na bansa sa pag-aalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit

ang tulong-pinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany,

Japan, France, at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng mga

programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito. Partikular dito ang

pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki ang kinalaman sa paghihirap ng

mga mayayaman dito.

You might also like