You are on page 1of 3

FIlipino 10 - Panitikang Mediterranean

PANIMULA:
Ang panitikang Pilipino ay naimpluwensiyahan ng Mediterranean sapagkat magpahanggang
ngayon may mga kuwentong Mediterranean pa rin tayong ginagamit katulad ng kay Kupido
at Psyche. Ang pagkakaroon natin ng sariling mitolohiya, epiko, nobela, sanaysay,
parabula, pabula at iba pang panitikan ay malinaw na indikasyon na tayo ay
naimpluwensiyahan ng panitikang Mediterranean na siyang nakatuklas ng sining ng
panitikan. 
Kahalagahan ng Mediterranean  
Ang dagat ay isang mahalagang ruta para sa mga mangangalakal at manlalakbay noong
unang panahon, na pinadali ang kalakalan at pagpapalitan ng kultura sa pagitan ng mga
mamamayan ng rehiyon. Ang kasaysayan ng rehiyon ng Mediterranean ay mahalaga sa
pag-unawa sa mga pinagmulan at pag-unlad ng maraming mga modernong lipunan.
 Ang Mediterranean ay isang dagat na konektado sa Karagatang Atlantiko, na napapaligiran
ng Basin ng Mediterranean at halos ganap na nakapaloob sa lupain: sa hilaga ng Timog
Europa at Anatolia, sa timog ng North Africa at sa silangan ng Levant.  
 Bagaman kung minsan ang dagat ay itinuturing na bahagi ng Karagatang Atlantiko,
karaniwang tinutukoy ito bilang isang hiwalay na anyong tubig.

Ano ang panitikang Mediterranean? Ano ang kanilang


kaugalian, pamumuhay,kultura, at paniniwala?

Napakarami at iba't iba ang kaugalian, pamumuhay, kultura, at paniniwala ng mga


bansa sa Mediterranean. Sa lawak kasi ng lugar na ito, napakarami ng nabuong
kasaysayan. Nakabuo sila ng mayamang panitikan dahil dito. Sila ang nakatuklas ng
sistema ng pagsusulat.

Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila ang humubog at nagpabago ng


lahat ng uri ng panitikan sa buong mundo. Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang
maraming akda sa mitolohiya, epiko, nobela at iba pang panitikan.

 Ang Panitikan ng Mediterranean

Ang modernong panitikang Mediterranean ay hindi nagkakalayo sa nakaraan. Taglay pa


din nito ang impluwensya ng kolonyalismo. Tanyag sila dahil sa kanilang
pagkamalikhain. Kabilang sa kanilang natuklasan ay ang sistematikong paraan ng
pagsusulat, ang cuneiform. 
  Ano ang cuneiform? Basahin sa link na ito: brainly.ph/question/120723.

 
Mga halimbawa ng panitikang Mediterranean:

 Maikling kwento: "Ang Kuwintas" ni Guy de Maupassant (brainly.ph/question/205529)

Nobela: “Ang Kuba ng Notre Dame"  ni Victor Hugo (brainly.ph/question/182351)

Mitolohiya: "Cupid at Psyche" (brainly.ph/question/125132 )

Ang Pamumuhay ng Mediterranean

Ang pamumuhay ng mga taga-Mediterranean ay nakatuon pangunahin na sa


agrikultura. Ito ay dahil sa:

Ang Mediterranean ay sentro ng kabihasnan kung saan pagsasaka ang pangunahing


hanapbuhay.

Sa lugar na ito mararanasan ang sapat na pantustos na tubig para sa mga pananim. 

Alamin sa Malaking bahagi ng kanilang relihiyosong paniniwala ang pagsamba sa iisang


Diyos. Ngunit nababahagi din naman ang rehiyong ito dahil sa ilang pagtangkilik ng
Zoroastrianism.link na ito: brainly.ph/question/573281 ang heograpiya ng
Mediterranean.
 

You might also like