You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

CAPIZ STATE UNIVERSITY – MAIN CAMPUS


College of Education
Fuentes Drive, Roxas City
Tel: No. (036) 6214-578 loc. 118 or (036) 6211-905

Inihanda ni: Ipinasa kay:

Ed An John Marquez Tuting Propesora Eva Ruby F. Cartujano


BSEd Filipno 3-C Spec 310

Pagsusuri sa Maikling Kwento

I. Panimula
a. Pamagat: Ang Lura ng Demonyo (The Demon’s Spittle)
b. May-akda: Hiroshi Naito salin ni Lualhati Bautista
c. Sanggunian: https://prezi.com/pnncoes-jt5l/ang-lura-ng-demonyo/

II. Tauhan

 Relihiyosong Lalaki – siya’y taga-Kyoto, Japan na madalas na pumupunta sa


Rokkaku-do upang manalangin ng taimtim sapagkat siya’y relihiyoso. Siya’y naging
kaluluwa sa dalo’y ng kwento at nakabalik sa tulong ng kanyang Diyos. Ang
protagonista ng kwento.
 Kannon-sama – ang diyosa ng awa ng dambanang heksagonal ng Rokkaku-do na
sinasamba ng relihiyosong lalaki. Siya ang nagbigay ng mga pagsubok sa
pangunahing tauhan.                                                                                                              
 Oni (demonyo) - naging dahilan kung bakit hindi makita ang lalaki ng sinuman dahil
sa kanilang mga Lura. Mga antagonista sa kwento.      
 Isang pastol (buddhista) - nagbigay daan upang tumawag ang senyora at senyor ng
buddhistang pari na naging sanhi ng pagkakita ng ibang tao sa relihiyosong lalaki.
 Senyor- ang Ama at magulang ng prinsesa na may sakit. Mayaman.
 Senyora - ang Ina at magulang ng prinsesa na may sakit. Mayaman
 Prinsesa – siya’y maysakit at pinaniniwalaang gumaling sa basbas na ibinigay sa
relihiyosang lalaki at sa tulong ni Kannon-sama.
 Buddhistang Pari – isang butihing pari na nagdaos ng mga dasal upangf palayasin
ang mga masasamang espiritu sa katawang ng prinsesa, ito’y umawit ng
panalanging buddhista. Ipinapalagay niya na Milagro ni Kannon-sama ang nangyari
sa relihiyosong lalaki at sa prinsesa.
 Mga Katulong – mga nagbabantay sa prinsesa na may karamdaman.
III. Tagpuan
 Kyoto                                                                            
 Rokkaku-do (Dambanang Heksagonal)                            
 Modoribashi (Isang Tulay)
 Bakuran
 Kwarto ng Prinsesa
 Mansion ng Senyor at Senyora
              
IV. Mga Simbolo/Tayutay
 Rokkaku-do – sumisimbolo sa lugar ng pagsamba at pagninilay-nilay.
 Naglalagablab na sulo – sumisimbolo sa kalakasan.
 Mga Oni – sinisimbolo nila ang pagiging masama at kababalaghan.
 Relihiyosong Lalaki – sinisimbolo niya ang isang mabuting nilalang na gagawin
ang lahat upang maisakatuparan ang mga mithiin sa buhay.
 Lura – sumisimbolo sa sumpa at pasakit.
 Kannon-sama – sinisimbolo niya ang kabutihan at awa.
 Ang Pastol – sinisimbolo niya ang pagiging matulungin.
 Padamdam – Ang mga Oni o Demonyo ay gumamit ng mga pabulalas na
salita o pagpapahayag tulad ng “Hoy, may tao sa ilalim! Sigaw ng isa sa mga
Oni. Hulihin natin! sabi naman ng isa.”
V. Buod

     Isang relihiyosong lalaki ang naninirahan sa Kyoto, madalas siyang pumupunta sa


Rokkaku-do o dambanang heksagonal at bumibisita kay Kannon – sama ang diyosa
ng awa upang mag-alay ng taimtim na panalangin. Bisperas ng bagong taon noon at
naglalakad pauwi ang lalaki mula sa bahay ng isang kaibigan. Nang siya’y papatawid
na sa Modoribashi ay nakarinig siya ng mga yabag ng tao na inakala niyang isang
grupo ng opisyales kaya agad-agad siyang nagtago sa ilalim ng tulay. Sa pagtataka
niya kung sino ang mga taong iyon ay bahagya siyang sumilip at nagulat sa kanyang
nakita. Mga oni o demonyo pala ang naroroon at siya’y nakita at naging bilanggo ng
mga ito. Sinabi ng isa sa mga oni na hindi siya maaaring kainin kaya’t pinagduduraan
na lamang siya ng mga ito at saka iniwanan. Nagmadali siyang umuwi sa kanilang
bahay ngunit tila hindi siya nakikita ni naririnig ng kanyang pamilya at kaanak.
Dumaan ang bagong taon na nagmistulang araw ng trahedya para sa kanyang mga
kaanak dahil sa kanyang pagkawala. Agad – agad siyang pumunta sa dambana ni
Kannon – Sama upang humingi ng tulong. Sa kanyang pananampalataya ay hindi niya
sinasadyang makatulog. Sa kanyang panaginip ay nakatagpo siya ng isang budistang
pari at sinabi sa kanyang umalis siya ng dambana bukas ng umaga at sundin ang
sasabihin ng kauna – unahang  taong kanyang makakasalubong. Nang siya’y
magising ay maliwanag na kaya agad niyang nilisan ang dambana. Sa kanyang
paglalakad ay nakasalubong siya ng isang pastol at naisip niyang iyon na marahil ang
isinasaad ng budistang pari sa kanyang panaginip. Sumunod siya sa pastol at
pumunta sila sa isang palasyo kung saan mayroong isang matanda ngunit may sakit
na prinsesa ang tila malapit nang malagutan ng hininga. Sinabi ng  pastol na
hampasin niya ng martilyong kahoy ang ulo ng prinsesa, at sa bawat pag-hampas
niya ay namimilipit naman sa sakit ang prinsesa. Nabahala ang mga kaanak ng
prinsesa kaya nagpatawag ito ng budistang pari. Naghanda ng isang ritwal ang pari
at ito’y kumanta upang itaboy ang mga masasamang espiritu. Habang nakikinig ang
lalaking relihiyoso ay nabigla siya sa biglang pag - apoy ng kanyang suot na kimono
kaya nagpagulong gulong siya sa sahig. Di naglaon ay namatay na ang apoy at
lumabas ang kanyang kabuuan kasabay ng paggaling ng prinsesa. Himala na ituring
ng mga taga - palasyo kaya’t nagpasalamat ang mga ito sa lalaki. Umuwi naman ito
sa kanilang bahay at di matumbasang tuwa ang naramdaman ng kanyang mga
kaanak nang siya’y makita. Sa kabilang banda ang pastol naman na tumulong sa
lalaki ay nagsilbing misteryo sa mga tao hanggang ngayon ngunit pinaniniwalaang na
siya’y isa pang kaluluwa.

VI. Galaw ng Pangyayari


a. Simula – Ang pagpapakilala sa Kyoto at relihiyosong lalaki na palaging
pumupunta sa Rokkaku-do upang manalangin kay Kannon-sama na isang Dyosa
ng Awa. Ang pag-uwi at pagtawid nito sa tulay Modoribashi at ang pagkadakip at
paglura sa kanya ng mga Oni o Demonyo.
b. Gitna – Ang pagdating ng relihiyosong lalaki sa kanyang pamilya na mistulang
hindi siya pinapansin pati na ang ilan sa kanyang mga kamag-anak. Ang
malungkot na bagong taon nang pamilya ng relihiyosong lalaki dahil hindi nila ito
nakikita. Ang paghingi ng tulong at pananalagin ng relihiyosong lalaki kay
Kannon-sama sa loob ng 2 linggo. Ang tulong bigay ni Kannon-sama sa panaginip
na ipinapalagay ng relihiyosong lalaki.
c. Wakas – Ang paglisan ng relihiyosong lalaki sa dambana upang sundin ang utos
ng Diyosa. Ang pagkikita ng relihiyosong lalaki at isang pastol. Ang pagsunod ng
relihiyosong lalaki sa pastol papunta sa mansion ng isang prinsesang maysakit.
Ang paghampas ng relihiyosong lalaki sa prinsesa at ang pagdating ng butihing
pari upang malunasan ang kasakit ng prinsesa. Ang paglitaw ng lalaki sa tunay na
buhay at ang pagbibigay nito ng eskplanasyon sa mga nangyari sa mga taong
nakakita. Ang pagpapalagay ng butihing pari na isang milagro ang mga nangyari
na gawa mismo ni Kannon-sama. Ang pag-uwi ng relihiyosong lalaki sa kanyang
pamilya at ang masayang pagtanggap ng mga ito sa kanya. Ang pananatiling
misteryoso ng pastol.

VII. Pagsusuri
a. Uri ng Panitikan: Maikling Kwentong Hapon
b. Estilo ng Paglalahad: Naging mabisa ang kanyang mga salita at kataga, masining
ang pagkakagawa niya ng kuwento dahil sa mga pangyayaring naganap na hindi
inaasahan ng mga mambabasa. Mahusay ang may akda dahil naging malinaw
ang gusto niyang ipahiwatig sa mga mambabasa.  Ang awtor din ay gumamit ng
mga panipi “” na nangangahulugang may dayalogong naganap sa nasabing
kwento.                                                                           

c. Sariling Reaksyon

Matapos kong mabasa ang nasabing maikling kwento ay sadya akong


nasiyahan sa pagtitiis at kalakasan na ipinakita ng pangunahing tauhan, ang
kanyang pagiging relihiyoso ay masasabing isa sa mga hindi matatawarang
halimbawa ng pagiging tapat sa kanyang sinasambang Diyos sapagkat kahit na
siya’y nahihirapan na ay patuloy pa rin siyang naghanap ng paraan upang makita
siya ng kanyang mga minamahal at hindi siya nagpakita ng pagkagalit kay
Kannon-sama. Isang patunay na masasabing ibinigay at ipinakintal sa atin ng
maikling kwento na ang panalangin ay isa sa mga makapangyarihang bagay na
sasagip sa atin sa bingit ng kahirapan at pasakit. Ako’y naantig sa galaw at ugali
ng relihiyosong lalaki, ako’y sumasaludo sa kanya. Sa kabilang banda naman ay
nahabag ako at natakot sa mga Oni na isa sa mga tauhan sa kwento, sila’y puno
ng kasamaan at nagpaghulo-hulo ko na kung ika’y taong malapit sa Diyos ay
masasabing lapitin ka din ng mga masasamang nilalang upang ika’y mapalayo sa
iyong Diyos kagaya ng relihiyosong lalaki. Isa pa ay naging makabuluhan ang
maikling kwento na ito dahil pinapahalagahan nito at sinasariwa ang
pananampalataya ng mga hapon sa kanilang mga diyos at diyosa. Nagkaroon
tayo ng pagkakataong silipin kung gaano ka relihiyoso ang mga hapones. Marahil
relihiyosong likas ang may akda ng kuwentong ito dahil pinanahahalagahan niya
ang mga diyos at diyosa ng kanilang bansa at gumawa siya ng paraan upang
maipakita kung gaano             kahalaga ang kanilang mga sinasamba sa
pamamagitan ng paggawa ng nasabing maikling kwento.                                                                  

d. Aral / Pag-uugnay sa tunay na sitwasyon sa buhay

Ang mga aral na aking napulot sa nasabing maikling kwento ay dapat sa


lahat ng pagkakataon ay mag-ingat tayo upang tayo’y mapalayo sa mga
kapahamakan at huwag nating gagayahin ang ginawa ng relihiyosong lalaki na
siya’y lumabas nang gabi kaya ayun tuloy at siya’y nakaranas ng pasakit at pighati
kaya kagaya din sa tunay na buhay ay dapat huwag tayong lalabas kung gabi na
kasi delikado na ngayong mga panahon at pamalagiin nating isa-isip na mag-
ingat palagi. Natutunan ko din na napakahalaga na manalangin sa lahat ng
pagkakataon upang maging protektado at magkaroon ng gabay at basbas sa
itaas, ang panalangin ay isa sa mga makapangyarihang bagay na pwede nating
gamiting sandata sa harap ng mga problema kagaya ng ipinakita ng relihiyosong
lalaki na siya’y nanalagin kay Kannon-sama nang siya’y hindi makita nang
kanyang mga pamilya at ito’y naging daan sa kanyang pagkapanalo sa pagsubok
at pahirap na kanyang dinanas dahil ang panalangin niya ay binigyan ng sagot ng
Diyosa at siya’y nakabalik sa tunay na buhay, masasabing katulad din sa tunay na
buhay ay dapat tayong manalig at manalangin hindi lang kung may problema
tayo kundi sa lahat ng pagkakataon upang tayo’y maging lapitin ng protekta at
basbas. Natutunan ko din na hindi tayo dapat matakot sa kasamaan at hindi tayo
dapat mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dumarating sa ating buhay sapagkat
ang ating Poong Maykapal ay lagi lamang nandiyan para tulungan at gabayan
tayo.

Natutunan ko din na sa kabila ng maraming pasakit kagaya ngayon ay


dapat ay huwag tayong mawalan ng pag-asa kagaya ng ipinakitang halimbawa
ng relihiyosong lalaki na siya’y hindi nawalan ng pag-asa na siya’y makita ng
kanyang mga pamilya katulad din sa tunay na buhay na dapat ay huwag tayong
huminto at sumuko sapagkat may bukas pa, dapat isa-isip at isa-puso natin na
maniwala at magtiis sapagkat ang lahat nang iyan ay may bungang mabuti sa
bukas makawala kagaya sa nangyari sa relihiyosong lalaki.

You might also like