You are on page 1of 2

Jerard Evangelista

Grade 10-Amaziah
15/09/20

Scaffold #2

I. Pamagat ng Parabula
Ang Talinghaga tungkol sa mga Manggagawa sa Ubasan

II. Tagpuan
Ang parabula ay naganap sa isang ubasan kung nasaan ang mga manggagawa.

III. Buod
Ang kaharian ng langit ay aitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maag upang humanap ng
manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa
maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang
mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke.

Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, t bibigyan ko kayo ng
karampatang upa.” At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya ng mag-ikalabindalawa ng tanghali at
nang mag-ikatlo ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalimana ng hapon, siya’y
lumabas muli at nakakita pa ng iba na wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayo-tayo lang
kayo rito buong maghapon?” “kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi
niya, “kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.”

Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, “Tawagin mo na ang mga
manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga nagsimula
ng ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala
nilang tatanggap sila ng higit pa roon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak.
Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan.

Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtatrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagparepareho ninyo an gaming
upa?”

Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila,"Kaibigan, hindi kita dinaya. Hindi ba’t nagkasundo
tayo sa isang salaping pilak?” Kunin moa ng para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong
bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?” “Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko
ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?
IV. Mensahe/Aral
Ang aral na matututuhan sa talinghagang ito na itinuro ni Jesus ay lahat tayo ay pantay. Ang nahuli
ay nauuna at ang nauna ay nahuhuli sa mata ng Diyos. Sa madaling salita, pantay-pantay lahat ng tao
kaya kung may nagmamataas, sila ay kadalasang bumababa o nahuhuli. Ang mga lingkod ay palaging
nauuna at aanihin ang kanilang inihasik, habang ang mayaman at masama ay dapat magdusa. Hindi
lamang iyon, ngunit mayroon ding mas mahahalagang aral na maaari nating matutunan mula sa
talinghagang ito. Ang kabutihan at pagkakapantay-pantay ang aral na nais ibahagi ng parabulang ito;
nilalayon nito na huwag mainggit sa kapwa sapagkat tayo’y pawang manggagawa ng Diyos. Mapapansin
na ang ubusan ay lugar ng kadakilaan at kapayapaan; ito ay pagmamay-ari ng Panginoon. Sinasabi dito
na ang bawat tao ay pantay-pantay lamang sa kahit anong aspeto ng pamamalagi o antas sa buhay.

Marapat na pahalagahan natin ang bawat bagay sa ating kapaligiran, ituring natin na sila ay
kabahagi ng ating buhay. Huwag tayong mag-isip ng kahit anumang uri ng diskriminasyon sa ating
kapwa. Panatilihin nating payapa at masaya ang ating puso maging ng iba.Ayon sa iba makikilala mo ang
iyong sarili kung maihahambing mo ito sa ibang tao. Mali na hatulan ang iba alinsunod sa iyong sariling
mga pamantayan. Ang parabulang "Talinghaga ng May-ari ng Ubasan” ay tungkol sa mga pangyayaring
naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat.

Maraming mensahe ang naipaparating ng parbula ng "Ang talinghaga tungkol sa May-ari ng


Ubasan". Sinabi sa atin ni Jesus ang mga talinghagang ito upang malaman natin ang mahahalagang aral.
Ngunit ang pinaka susing punto at mensahe ng parabula nito ay hindi lahat ng nasa itaas ay laging
magiging nasa itaas. Maari silang bumaba sa hindi inaasahang paraan. At kasabay naman nito ang
pagtaas ng nasa ibabang kalagayan. Kaya mahalaga na huwag magbulag bulagan sa kung ano ang
kinagisnan. At gayundin, hindi dapat hamakin ang iba at tingnan ang sarili na mas nakatataas sa iba.
Ipinakikita rito ang katapatan ng isang tao at bukal sa pusong paggawa, maraming tao rito sa mundo ang
mahilig pumuna ng ginagawa ng iba, mahilig ihambing ang gawa sa kapwa ng hindi namamalayan na
unti-unti nang nawawala ang pinakalayunin ng kanyang paggawa, tulad na lamang sa parabula. Sa
mundong ating ginagalawan hindi mahalaga ang haba o ang tagal ng paggawa/paglilingkod sa Lumikha,
lahat tayo ay pantay-pantay, Hindi mahalagang punain ang gawain nang iba bastat alam mo na tama ang
iyong ginagawa iyon ang mahalaga. Ang mga aral na mapupulot dito tulad ng paggawa ng buong puso,
pagtitiwala at pagsunod nang naaayon sa kanyang kagustuhan ay magsisilbing patnubay sa ugnayan at
marangal na pamumuhay ng mga tao sa lipunang ating ginagalawan. Hindi lamang nito pinauunlad ang
mabuting asal na dapat taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espiritwal na pagkatao. Sa
huli, isa itong mabisa at natatanging paraan ng pagpapalaganap sa mga salita at utos ng Diyos upang
maisabuhay ang mga ito at lalong mapagtibay ang ating pananampalataya.

You might also like