You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

PALAWAN STATE UNIVERSITY


College of Teacher Education
Puerto Princesa City

IKATATLO NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO-9

Pangalan: _________________ Petsa: ____________


Baitang at Pangkat: __________ Iskor: _____________

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang mga tamang sagot sa
mga pagpipilian at bilugan ang titik ng iyong sagot.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan (Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang
humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping
pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli
nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa
kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At
pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang magikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng
hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima nang hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng
mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayu-tayo lang kayo rito sa buong maghapon?”
Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya,” Kung gayon, pumunta kayo
at magtrabaho kayo sa aking ubasan.” Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang
katiwala, “Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang
nagtrabaho.” Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.
Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y
binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi
nila, "Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at
nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Sumagot ang
may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang
salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli
nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan.
Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?” Ayon kay Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna, at
ang nauuna ay mahuhuli”.

Nabibigyang-kahulugan ang matatalinhagang pahayag sa parabula (F9PT-IIIa-50)


1. Ano ang pahiwatig ng pahayag na "Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang
taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa
kaniyang ubasan"?
a. Ang Diyos ay mahilig maglakbay
b. Ang kaharian ng langit ay parang isang ubasan
c. Ang Diyos ay may sariling pagsusuri ng mga manggagawa **
d. Ang paglilingkod sa Diyos ay nangangailangan ng maagap na aksyon

2. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna
ay mahuhuli."?
a. Ang may kabatiran ay karapat-dapat na maging pangunahin.
b. Ang mabilis na aksyon ay nagdudulot ng mas mataas na tagumpay.
c. Ang pag-asa at biyaya ay naghihintay sa mga naaayon sa oras.
d. Ang Diyos ay may sariling paraan ng pagtuturing sa bawat isa, hindi batay sa oras ng
paglilingkod. **

3. Ano ang pahiwatig ng pahayag na "Tawagin mo na ang mga manggagawa at


bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho"?
a. Lahat ay bibigyan ng parehong bayad
b. Ang mga huling nagtrabaho ay unang bibigyan ng bayad **
c. Bibigyan ng mas mataas na bayad ang mga maaga nagtrabaho
d. Ang bayad ay depende sa dami ng oras na nagtrabaho
Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (F9PB-IIIa-50)

4. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang
maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman
pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang
maihahalintulad sa pahayag na ito?
a. maganda ang performance sa opisina na nabibigyan ng pagkilala
b. mga nagtatrabahong nag-o-over time sa opisina ngunit sakto pa rin ang kita
c. mga trabahador na maagang pumasok na ikinukumpara sa late pumasok sa trabaho
d. mga manggagawa sa isang opisinang nagrereklamo sa kanilang natatanggap na
suweldo **

5. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng


manggagawa para sa kaniyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-
patunay na ang pahayag na ito ay nangyayari sa totoong buhay?
a. may mga taong naghahanap ng mauutusan
b. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
c. may mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa **
d. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan

6. Paano maaaring maging kaugmaon ng isang negosyo o organisasyon sa


kasalukuyan batay sa talinhaga ng May-ari ng Ubasan?
a. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng katarungan at pagbibigay-pansin sa
pangangailangan ng mga manggagawa. ***
b. Sa pagpapaliban ng karampatang kita para sa may-ari.
c. Sa pagpapabaya sa kondisyon ng trabaho ng mga manggagawa.
d. Sa pagpapataw ng mas mababang sahod kahit mataas na ang kita ng Negosyo.

You might also like