You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

CATCH-UP FRIDAYS LESSON EXEMPLAR FOR NATIONAL READING PROGRAM

School Grade 9
Learning Filipino
Teacher Area:
March 15, 2024 3rd
Teaching Date Quarter:
Teaching Section/Time Checked
Guide by:

Session 1. Nasusuri ang mga pangyayari sa parabula batay sa


Objectives nilalaman, elemento at kakanyahan nito .
(Focus on 2. Nakikilala ang mga tauhan sa parabula batay sa ipinahayag nito.
reading 3. Nailalahad ang mga kaganapang nagpapakita ng katotohanan,
skills)
kabutihan at kagandahang asal ng isang tao.

Component No. of Activities


Mins
Preparation 10 Gawain:
and
Settling 1. Mga Panimulang gawain
In o Pagbati
o Maikling panalangin
o Attendance
o Maikling Oryentasyon sa Catch-Up Friday
- Ano ang magandang dulot ng pagbabasa at
paano ito makatulong sayo?
2. SOCIAL EMOTIONAL LEARNING (SEL)
Sa tono ng awiting-bayan na MAGTANIM AY DI
BIRO, ipaaawit sa mga mag-aaral ang awit ng emosyon.
Habang inaawit, sasabayan ito ng ritmo na katumbas ng
nararamdaman nila sa oras na ito.

Image Source: https://www.bing.com/images/blob?bcid=sxRTaitc0sgGxw

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 1 of 6
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Dedicated 30 Gawain Bago Bumasa


Reading
Time Kasabihan ay ipaliwanag mo!
“ Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli”.
Explicit Teaching: I READ

Habang Bumabasa: DRTA


Explicit Teaching: Kombinasyon ng YOU READ & WE READ
Basahin at unawain ang parabulang

“Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan (Oral Reading)”

Source: https://fb.watch/qNZHSi--W2/

Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan


Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas
nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa
kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang
salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay
pinapupunta niya sa kaniyang ubasan.
Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita
siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa
kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at
bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga sila.
Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali
at nang mag-ikatlo ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya.
Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita
pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit
tatayo-tayo lang kayo rito sa buong maghapon?” “Kasi po’y
walang magbigay sa aminng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi
niya, “Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking
ubasan.”

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 2 of 6
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang


katiwala, “Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo
sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga
nagsimula nang mag-ika-lima ng hapon ay tumanggap ng tig-
iisang salaping pilak.

Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang
higit doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang
salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng
ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling
dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis
sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare- pareho
ninyo ang aming upa?” Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa
sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo
tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis
ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad
ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin sa ari-
arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y
nagmagandang-loob sa iba?”

Activity 20 Pagkatapos Bumasa


Gawain 1. Mga tanong ay sagutin!
1. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya
tungkol sa dalawang uri ng manggagawa sa ubusan?
Pangatwiranan.
2. Bakit ubasan ang tagpuan sa parabula?
3. Kung isa ka sa mangagawang maghapon nagtrabaho
at nagtitiis sa nakapapasong init ng araw ngunit ang
tinanggap na upa ay kapareho rin ng isang oras
lamang nagtatrabaho, magrereklamo ka rin ba? Bakit?
4. Binanggit sa parabula ang ubasan,
mangagawa,salaping pilak, oras (ikasiyam,
ikalabindalawa, ikatlo at ikalima ) upang maipahayag
ang paghahambing. Sa iyong palagay saan nais
ihambing ni Jesus ang bawat isa? Bakit?

Binanggit sa Parabula PInaghambingan


1. ubasan
2. mangagawa
3. salaping pilak
4. oras ( ikasiyam,
ikalabindalawa,
ikatlo,ikalima)

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 3 of 6
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Gawain 2 : Dayalogo ko, Karakter ko!


Isulat ang naipakitang karakter ng tauhan batay sa mga piling
dayalogo/bahagi mula sa akda.

Dayalogo Karakter ng Tauhan


1. Lumabas siyang muli nang
mag-ikasiyam ng umaga at
nakakita siya ng iba pang
tatayu-tayo lamang sa
palengke. Sinabi niya sa
kanila, “Pumunta rin kayo at
magtrabaho sa aking ubasan,
at bibigyan ko kayo ng
karampatang upa.”
2. Nagreklamo ang mga
nagtrabaho sa may ari ng
ubasan. Sinabi nila, "Isang
oras lamang gumawa ang
mga huling dumating,
samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis
sa nakapapasong init ng
araw, bakit naman
pinagpare-pareho ninyo ang
aming upa?”
3. “Wala ba akong
karapatang gawin sa ari-
arian ko ang aking maibigan?
Kayo ba’y naiinggit dahil
ako’y nagmagandang-loob sa
iba?”

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 4 of 6
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Reinforceme 5 Gawain 1 : Suriin ang nilalaman


nt & Gamit ang grapikong pantulong, suriin ang mga pangyayari
Reflection sa parabula batay sa nilalaman, elemento at kakanyahan
nito gamit ang mga gabay na tanong.

PAMAGAT NG PARABULA

NILALAMAN ELEMENTO KAKANYAHAN

Aling bahagi o Aling bahagi o Aling bahagi ng


pangyayari sa pangyayari sa parabula ang
parabula ang parabula ang naglalarawan sa
kapupulutan naglalarawan ng kakanyahan ng
ng aral at mga akda mula sa iba
nagtataglay ng makatotohanang pang akdang
matatalinghag pangyayaring pampanitikan?
ang pahayag? maaaring
maiugnay sa
iyong buhay?

Gawain 2: KKK (Katotohanan,Kabutihan at kagandahang-


asal)
Mula sa binasang parabula, magtala ng mga kaganapang
nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahang asal ng
isang tao.

KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHANG-


ASAL

Gawain 3: Iugnay mo, Karanasan mo!


Iugnay ang ilang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa
sariling karanasan o tunay na buhay.

PANGYAYARI SA PANGYAYARI SA SARILING


PARABULA KARANASAN

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 5 of 6
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION

Wrap Up 5 Dugtungan Mo!


Natutuhan ko sa parabula na ito na __________________ .
Kaisipan ay Buoin!
Bumuo ng apat na kaisipang tumimo sa iyong isipan mula
sa araling ito.

KAISIPAN 1 KAISIPAN 2

PARABULA

KAISIPAN 3 KAISIPAN 4

Prepared by:

CHERRY LOU D. TOLENTINO


Head Teacher VI

Reviewed and Enhanced by:

ROSARIE R. CARLOS GLORIA G. TAMAYO


Division Learning Area EPS Regional Learning Area EPS

Approved by:

FILMORE R. CABALLERO
CID Chief

____________________________
CLMD Chief

© 2024 Department of Education National Capital Region. All rights reserved.

Doc. Ref. Code RO-CLMD-F070 Rev 00


Address: 6 Misamis St., Bago Bantay, Quezon City Effectivity 08.24.23 Page 6 of 6
Email Address: ncr@deped.gov.ph
Website: depedncr.com.ph

You might also like