You are on page 1of 3

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Ayala National High School
Zamboanga City

Banghay Aralin sa Filipino 9


Ikatlong Markahan

I. Layunin
Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ng Grade 9- Roxas ay kinakailangang magtamo ng 75% kasanayang
ng mga sumusunod:

a. Naipapaliwanag ang kaibahan ng parabula sa iba pang uri ng akdang pampanitikan.


b. Natutukoy ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng parabula sa buhay ng tao.
c. Nakabubuo ang bawat mag-aaral ng sariling pag-unawa tungkol sa parabula.

II. Paksang Aralin


Paksa: “Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan”
Sanggunian: Modyul ng K to 12 Panitikang Asyano 9 Kagamitang ng mag-aaral sa Filipino, pahina 201-202.

III. Kagamitan
Hand-outs
Envelope

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Pagbati
b. Pagsasaayos ng silid
c. Pagtsetsek ng liban

A. Pagganyak
Pagbibigay ng opinyon sa salitang “Bibliya”
Tanong: 1. Bakit mahalagang ang Bibliya sa buhay ng tao?

B. Gawain
Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat. Gagawin ng mga mag-aaral ang ibinigay ng guro sa bawat
pangkat.
Magkakaroon ng pagtatalakay sa paksang- aralin tungkol sa “Ang talinhagang tungkol sa ubasan”.

Ang Talinghaga tungkol sa mga Manggagawa sa Ubasan

“Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang kumuha ng manggagawa
para sa kanyang ubasan. 2 Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak [a] sa maghapon, ang mga manggagawa ay
pinapunta niya sa kanyang ubasan. 3 Lumabas siyang muli nang mag-aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-
tayo lamang sa palengke. 4 Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng
karampatang upa.’ 5 At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng
hapon, at ganoon din ang ginawa niya. 6 Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya'y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang
wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?’ 7 ‘Wala po kasing magbigay sa
amin ng trabaho,’ sagot nila. Kaya't sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta rin kayo sa aking ubasan.’


“Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga manggagawa at
bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.’ 9 Ang mga nagsimula nang mag-aalas singko ng hapon ay
tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. 10 Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang
bawat isa'y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. 11 Nang magkagayo'y nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. 12 Sinabi nila,
‘Isang oras lamang nagtrabaho ang mga ito na huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa
nakakapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?’ 13 Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa
kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't pumayag ka sa isang salaping pilak? 14 Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na.
Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? 15 Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian
ko ang aking maibigan? Kayo ba'y naiinggit dahil ako'y nagmagandang-loob sa iba?’”

16 
At sinabi ni Jesus, “Ang nahúhulí ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”
C. Analysis
Pag-uusapan ang mga ibinahaging gawain.

Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng nabasang parabula?
2. Saan naganap ang tagpuan?
3. Bakit sa ubasan ang tagpuan ng parabula?

D. Abstraksyon
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral.

1. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan, pare-pareho rin ba ang upa na ibibigay mo sa manggagawa?
Bakit?
2. Kung isa ka sa manggagawang maghapon nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw
ngunit ang tinanggap na upa ay kapareho rin ng isang oras lamang nagtatrabaho, magrereklamo ka rin ba?
Bakit?

E. Aplikasyon
Buoin ang mga sumusunod:

Pangkat 1- Bubuo ng “Cycle Diagram”


Pangkat 2- Magsasagawa ng “Paint Me A Picture”
Pangkat 3- Magtatanghal ng “Puppet Show

V. Ebalwasyon
Alamin natin ang naging kabisaan sa iyo ng mensahe ng parabula sa pamamagitan ng pagdurugtong mo
sa panimula ng mga pangungusap.

Matapos kong mabasa “Ang Talinhaga tungkol sa May-ari ng Ubasan” nalaman ko at natimo sa aking
isipan na ___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
________________________________________________.

Naramdaman ko rin at nanahan sa aking puso ang


____________________________________________
____________________________________________________________________________________.

Dahil ditto, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula ngayon ____________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

VI. Kasunduan
Magsaliksik kung ano-ano ang mga uri ng tula.

Inobserbahan nina: Inihanda ni:

Emma G. Marba Anna Marie C. Mendoza


HT I/ Filipino Dept. Head SST I

Mujaiyana L. Sahiron
Filipino Master Teacher I

You might also like