You are on page 1of 14

a

Filipino – Baitang 9 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1:


Panitikang Asyano – Parabula ng Kanlurang Asya

Isinasaad sa Batas republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot ng kagawaran.

School Digitized Task Force in Filipino 9

Manunulat:
Teresa P. Orjalo
Rachel E. Onza
Erika Camille S. Ocampo
Mhelvin A. Abarabar

T agasuriM: anilyn M. Conte


Dona P. Tactaquin Maria U.
Cruz
Marissa M. Mamaril, EdD
Maria Sylvia M. Garcia, PhD

Filipino
Ikatlong Markahan
Modyul 1

PANITIKAN: Parabula- Kanlurang Asya


“Ang Talin ghaga ng May-ari ng Ubasan”
GRAMATIKA: Pagpapakahulugang
Metaporikal
Alamin
Magandang Araw! Handa ka na ba kaibigan sa bagong aralin?
Ang ating aralin ay naglalaman ng parabula na pinamagatang “Ang Talinghaga Tungkol
sa May-ari ng Ubasan” na hinango mula sa Mateo 20:1-16 ng Banal na Kasulatan.
Inaasahan ko na pagkatapos ng ating paglalakbay nagagawa mo ang mga sumusunod:
1. Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa
tunay na buhay sa kasalukuyan ( F9PB-IIIa-50)
2. Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; isang halimbawang elehiya
( F9PU-IIIa-53)
3. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinhagang pahayag ( F9WG-IIIa-
53)

Subukin
Ngayon mga kaibigan, bago tayo magpatuloy sa ating aralin nais ko munang tayahin ang iyong
kakayahan. Nakahanda ka na ba?
Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa
marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinhagang pahayag na
lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
a. pabula b. parabula c. anekdota d. talambuhay

2. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ito ay isang _______
a. pangangatuwiran b. pangangaral c. pagpapayo d. pagdadahilan
3. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral
ng kanyang ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap? a. Walang mabuting
maidudulot ang pagsaway sa magulang.
b. Habang may buhay, magpakasaya ka.
c. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
d. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid.

4. Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa payo ng magulang?


a. magiging sikat sa pamayanan b. bibigyan ng medalya ng pagkilala
c. mapabubuti ang buhay d. hindi masasangkot sa anumang kapahamakan

5. Saan kadalasang hinango ang mga parabula?


a. internet b. Bibliya c. mga aklat sa paaralan d. pahayagan

Aralin A. Panitikan: Ang Talinhaga ng May-ari ng Ubasan


Mateo 20: 1-16
Parabula – Kanlurang Asya

1 B. Gramatika: Metaporikal na Pagpapakahulugan

Panimula
Ayon sa iba, makikilala mo lang ang iyong sarili kung maihahambing mo ito sa ibang tao.
Gayundin ang ating sariling kalinangan, ito ay higit pang uunlad kung pag-aaralan natin ang
ibang akda tulad ng parabula mula sa iba pang bansa sa Asya.

Naglalaman ang araling ito ng parabula mula sa Kanlurang Asya na pinamagatang “Ang
Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan “na hinango mula sa Mateo 20:1-16 ng Banal na
Kasulatan. Bahagi rin ng pagtalakay ang tungkol sa metaporikal na pagpapakahulugan.

Halina simulan na natin kaibigan!

Balikan
Gawain 1. Naaalala Mo Ba?
Panuto: Ilahad sa tsart ang mga mahahalagang aral na natutunan mo sa mga nakaraang aralin
sa ikalawang markahan

Aralin Mga Natutunan sa Akda


Tanka at Haiku
Ang Hatol ng Kuneho
Ang Kababaihan ng
Taiwan: Ngayon at Noong
Nakaraang 50 Taon
Niyebeng Itim
Munting Pagsinta

TUKLASIN
Handa ka na ba sa susunod na gawain? Magaling! Bago natin basahin ang
nakasasabik na akda ay may inihanda muna akong gawain sa iyo. Galingan mo!

Gawain 2a: Guhit Ko, Pakinggan Mo


Panuto: Gumuhit ka ng isang bagay na naging mahalaga sa iyo dahil minsan ay kinapulutan mo
ito ng aral. Matapos itong iguhit ay isalaysay mo sa klase ang mga pangyayari kung bakit mo ito
pinapahalagahan. Ipaliwanag sa loob ng dalawang talata ang gawain na ito.

Gawain 2b: Pananaw Ko, Alamin Mo


Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na talinghaga sa ibaba.
1. “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli.”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
2. “Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo,
ngunit nabuhay, nawala, ngunit muling natagpuan.”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Magaling!
Alam kong handang-handa ka na sa ating babasahin dahil nasagutan mo nang maayos
ang panimulang gawain. Halika na! Basahin at pag-aralan natin ang parabula mula sa
Kanlurang Asya na pinamagatang “Ang Talinghaga ng May-ari ng Ubasan”.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan


( Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
20 “Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga
upang kumuha ng manggagawa para sa kanyang ubasan. 2 Nang magkasundo na sila sa upa
na isang salaping pilak[a] sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapunta niya sa kanyang
ubasan. 3 Lumabas siyang muli nang mag-aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya ng iba
pang tatayu-tayo lamang sa palengke. 4 Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo at
magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.’ 5 At pumunta nga
sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng
hapon, at ganoon din ang ginawa niya. 6 Nang mag-aalas singko na ng hapon, siya'y lumabas
muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit tatayu-tayo
lang kayo dito sa buong maghapon?’ 7 ‘Wala po kasing magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot
nila. Kaya't sinabi niya, ‘ ‘Kung gayon, pumunta rin kayo sa aking ubasan.’
8
“Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang
mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.’ 9 Ang
mga nagsimula nang mag-aalas singko ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. 10
Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang
bawat isa'y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. 11 Nang magkagayo'y nagreklamo sila sa
may-ari ng ubasan. 12 Sinabi nila, ‘Isang oras lamang nagtrabaho ang mga ito na huling
dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng
araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?’

3
13
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba't
pumayag ka sa isang salaping pilak? 14 Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo
kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?
15
Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba'y naiinggit
dahil ako'y nagmagandang-loob sa iba?’”

Suriin
Magaling kaibigan! Natapos mong basahin ang parabula. Ngayon naman ay sagutan mo ang
mga sumusunod:
Gawain 3. Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa
marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinhagang pahayag na
lumilinang sa mabubuting asal na dapat taglayin ng tao.
a. pabula b. parabula c. anekdota d. talambuhay

2. Ang pahayag na, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli ay


nangangahulugang ano?
a. kung sino ang naunang dumating ay siya ring unang aalis
b. lahat ay pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan
c. ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis
d. mahalaga ang oras sa paggawa

3. Sabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho
ninyo ang aming upa? Kung ikaw ang isa sa mga huling dumating na isang oras lamang
gumawa, ano ang gagawin mo?
a. tanggapin ang ibinigay na upa
b. pababayaran lamang ang nararapat na oras ng paggawa
c. hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama
d. ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo

4. Ang parabulang “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” ay tungkol sa mga


pangyayari noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa ___________. a. Banal na
Aklat b. Testimonya c. Internet d. Kasulatan

5. Ang sinasabing may-ari ng ubasan ay si ______________.


a. manggagawa b. Hesus c. kaibigan d. hindi nabanggit

4
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Mahusay! Talagang naunawaan mo ang iyong binasang parabula. Ngayon naman ay
palawakin natin ang iyong talasalitaan gamit ang metaporikal na pagpapakahulugan sa
pamamagitan ng pagsagot sa gawain.

Gawain 4. Ibigay ang hinihinging kahulugan ng mga salitang hango sa parabula batay sa
diagram.

5
PAGYAMANIN

ALAM MO BA . . . ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na


nagsasaad ng dalawang bagay (na maaaring tao, hayop, lugar o pangyayari) para
paghambingin? Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus
batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing
patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay
isinulat sa patalinghaga. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat
nating taglayin kundi binubuo rin nito ang moral at ispiritwal na pagkatao.

Gawain 5 Sa Antas ng Iyong Pang-unawa


1. Binanggit sa parabula ang ubasan, manggagawa, upang salaping pilak, oras ( ikasiyam,
ikalabindalawa, ikatlo, ikalima) upang maipahayag ang paghahambing. Sa iyong palagay,
saan nais ihambing ni Hesus ang bawat isa?
Binanggit sa Parabula Nais Paghambingan at Patungkulan
Ubasan
Manggagawa

upang usaping pilak


oras ( ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo,
ikalima)

2. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sa dalawang uri ng
manggagawa sa ubasan? Pangatuwiranan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
3. Bakit ubasan ang tagpuan sa parabula?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
4. Kung isa ka sa manggagawang maghapon nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong
init ng araw ngunit ang tinanggap na upa ay kapareho rin ng isang oras lamang
nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

6
5. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinabi ni Hesus na, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna
ay nahuhuli.”
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

B. PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA


Basahin at unawaing mabuti ang “Parabula ng Banga” pagkatapos ay sagutin ang
inihandang gawain para sa iyo.

Parabula ng Banga
”Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa.”
“Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ito ang tumatak
sa isipan ng isang banga dahil ito ang paulit-ulit na pangaral ng kanyang ina. Isang araw ay
nakakita siya ng ibang uri ng banga. Ang mga bangang ito ay ang eleganteng bangang
porselana, bangang metal na makintab at mga babasaging banga. Kahit tanggap ng banga na
sila ay magkakaiba, hindi pa rin nito lubos maunawaan kung bakit hindi siya maaaring
makisalamuha sa ibang banga.
Isang araw ay inimbitahan siya ng napakakisig na porselanang banga na maligo sa lawa.
Naakit siya sa makisig na porselanang banga at nanaig sa kanya ang paniniwala niya na ang
lahat ng banga ay pantay-pantay.
Sila ay lumundag sa lawa na lumikha ng malaking alon at napakalakas na tunog.
Nasarapan sila at naginhawahan sa malamig na tubig ngunit tinangay ang porselanang banga
papalapit sa kanya at bigla silang nagbanggaan nang malakas.
Ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila.
Samantalang ang porselanang banga naman ay buo pa rin na parang walang nangyari.
Naalala ng bangang lupa ang kaniyang ina habang siya’y nabibitak at lumulubog sa ilalim ng
tubig.

ALAM MO BA NA . . . ang pagpapakahulugang metaporikal ay


pagpapakahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito? Ito ay nakabatay
kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.

Mga Halimbawa:

1. a. bola- bagay na ginagamit sa basketbol ( literal)


Pangungusap- Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. bola- pagbibiro ( metaporikal)
Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.
2. a. pawis- lumalabas na tubig sa katawan ng tao ( literal)
Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi ka mapasma. b.
pawis- pinaghirapang gawin ( metaporikal)
Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa tuition fee mo.
7

Gawain 6 -Ano ang ibig sabihin nito?


Panuto: Suriin ang mga salitang ginamit sa dalawang parabula at isulat sa iyong sagutang
papel ang kahulugan nito.

Ang Talinghaga ng Kahulugan Parabula ng Banga Kahulugan


May-ari ng Ubasan
1. kaharian 1. tagubilin
2. upa 2. sisidlan
3. trabaho 3. lumikha
4. bayaran 4. nabibitak
5. ari-arian 5. lumulubog

Isaisip

May mga pagkakataon sa buhay natin na ibang tao ang nagtatamo ng diinaasahang
pagpapala o tumatanggap ng espesyal na pagkilala. Ngunit huwag
maghinanakit at mainggit kapag nagkaroon ng magandang kapalaran ang iba. “Walang
nababawas sa atin kapag may madaragdag sa kanila.
Hindi tayo nagpapaligsahan para makita kung sino ang pinakamayaman, pinakamatalino,
pinakamaganda, pinakamagaling o pinakamapalad. Ang paligsahang talagang pinasukan
natin ay ang paligsahan laban sa kasalanan, at walang duda na inggit
ang isa sa mga kasalanang maaaring pinagdaanan ninuman.
Ngunit tandaan na ang ating Diyos ay kapwa kakatarungan at maawain, na ibinibigay sa

lahat ng panig sa Kanya “ang lahat niyang pag-aari” tulad ng sa Banal na Kasulatan.
Ang pagmamalaki, pag-iimbot o paninira sa kapwa ay hindi nag-aangat sa katayuan mo,
ni hindi nagpapaganda ng reputasyon mo ang paghamak sa iba. Kaya maging mabait at
magpasalamat na mabuti ating Diyos. Paraan iyan para mabuhay nang masaya.

Isagawa
Gawain 7-Ikonek Mo
Panuto: Ihalintulad ang mga bagay na nasa talaan sa iba pang bagay. Bakit dito mo
inihahalintulad ang mga bagay na ito? Pagkatapos ay bumuo ng mga pangungusap na
nagpapakita ng magkaibang kahulugan.

Bagay Katulad
1. asin
2. ulap
3.tubig
4.bulaklak
5. buto ng gulay o prutas
8

TAYAHIN
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang parabulang “Ang Talinghaga sa May-ari ng Ubasan” ay hinango sa Banal na Aklat sa


_____.
a. Mateo 20: 1-16 b. Lucas 20: 1-16 c. Juan 20: 1-16 d. Mateo 16: 1-16

2. Anong mensahe ang nais iparating sa atin ng parabulang “Ang Talinghaga ng May-ari ng
Ubasan”?
a. Ang nauuna dapat ay nauuna at ang nahuhuli ay dapat lang na nasa huli.
b. Ang paggawa ng kabutihan ang siyang susi sa pagpasok sa tahanan ng Diyos.
c. Mahalaga ang pilak sa oras ng pagtrabaho.
d. Ang kay Juan ay kay Juan.

3. “Ikaw ay nararapat na makasalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano ang nais
ipahiwatig nito?
a. Huwag pakialaman ang buhay ng iba. c. Huwag sasama sa hindi kauri.
b. Huwag magtiwala sa iba. d. Iwasan ang pakikipagkaibigan.

4. Ano ang literal na kahulugan ng salaping pilak?


a.biyaya b. sahod c. pagpapatawad d. regalo

5. Ano ang metaporikal na kahulugan ng oras?


a.minuto b. Segundo c. panahon d. pawis

Karagdagang Gawain
Gawain 8:
Sulat Ko,
Isalaysay
Ko
Sumulat
ng isang
anekdota
o liham na
nagpapangaral sa kapwa mo kabataan na nais ng huminto sa pag-aaral dahil sa pandemyang
kinasasadlakan natin ngayon.

Binabati kita at natapos mo nang buong husay ang mga gawaing inihanda
ko para sa iyo! Nawa’y tumatak sa iyong isipan ang mga aral na napulot mo sa araling ito.

SUSI SA
PAGWAWASTO
Subukin:

1.....................................................................................................................................................................................
2......................................................................................................................................................................................
3......................................................................................................................................................................................

4. c/d
5. b
Gawain 1- Iba-iba ang sagot

Gawain 2a - Iba-iba ang sagot

Gawain 2b - Iba-iba ang sagot

Gawain 3

1. b
2. d
3. a
4. a
5. b
Gawain 4- Iba-iba ang sagot
Gawain 5- Iba-iba ang sagot

Gawain 6- Iba-iba ang sagot

Gawain 7- Iba-iba ang sagot

Gawain 8- Iba-iba ang sagot

Tayahin

1. a
2. b
3. c
4. b
5. c

Sanggunian:
Panitikang Asyano 9 pahina 191-200 https://www.youtube.com/watch?v=b4X4uh8AdC0
churchofjesuschrist.org/study/general
pinoycollection.com/parabula/

10

You might also like